20
KABANATA 11: LOS BANOS EL FILIBUSTERISMO NI: DR. JOSE RIZAL JENITA D. GUINOO Filipino 10

Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

KABANATA 11: LOS BANOS

EL FILIBUSTERISMO

NI: DR. JOSE RIZAL

JENITA D. GUINOOFilipino 10

Page 2: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

Mga Layunin:

Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdaminng mga tauhan na may kaugnayan sa pagkatakot/pagkapoot ( F10PN-Ivi-j-87);

Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sanobela na isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akdasa mga salitang panlarawan ( F10PU-Ivi-j-89)

Nauugnay ang mga isyung panlipunan nang panahon ni Jose Rizal na makatotohanan pa rin sa kasalukuyan (F10PS-Ivi-j-89)

Page 3: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

Pokus na Tanong

Paano dapat na maging positibo sa buhay sa kabilang pagkakait sa iyo ng katarungan?

Page 4: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

ARALIN 4.2 Kabanata 11: LOS BANOS

EL FILIBUSTERISMO, pahina 82-94

CG, pahina- XXVI, Gabay ng Guro

Mga Larawan

Page 5: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

III. PAMAMARAAN:

Ipakikita ang larawan sa mga mag-aaral at pabibigyang puna ang mga ito.

Ano ang karapatang pantao ang ipinagkait ng pamahalaan sa kanila? Sino ang dapatna gumawa ng hakbang upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga

mamamayan?

Page 6: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

a. Ano ba ang ginagawa ng mga mayayaman bilangpampalipas oras nila?

b. Sa Pangulo ng Pilipinas, anu-ano ang malimit niyangpinagkakaabalahan?

c. Bilang Pangulo ng isang bansa, ano ang magagawa niya para sa ikagagaling ng bansang nasasakupan? Magbigay ng halimbawa.

Page 7: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

B. PAGLALAHAD

Mga Tanong Pangganyak:

a.Anu-ano ang ginagawa ng Kapitan Heneral kapag siya ay nagpapahinga?

b.Banggitin ang ginawang pagpapahirap ng Kap.Heneral sa isangIndiyo noong unang nangaso ito? Isalaysay.

c.Paano niya napagtakpan ang kahihiyang tinamo niya sa kanyangpangangaso sa Bosoboso?

* Ipasasalaysay ng isang piling mag-aaral ang pangyayari sa Kabanata 11 at pasasagutan pagkatapos ang mga gabay na tanong sa akda.

Page 8: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

C. PAGHAHAWAN NG SAGABAL

Bago tatalakayin ang laman ng kabanata ay pabibigyang kasingkahulugan munaang talasalitaan ng kabanata

1. Ang Kap.Heneral ay isang manunudla.

(a. mangangaso b. manunula c. mangangabayo d. manggagamot)

2. Iniisip ng kanyang nasasakupan ang kanyang seguridad sa lahat ng oras. (a. kapakanan b. kasawian c. kapahamakan d. kaligtasan )

3. Maraming umaali-aligid na mababangis na hayop sa kanya sa gubat. (a. maaamo b. mababait c. matatapang d. mga gutom)

4. Dapat na pinagpipitagan natin ang mga matatandang mahal sa buhay. (a. minamahal b. ginagalang c. kinakalaban d. kainggitan)

Page 9: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

5. Ang ating magandang kinabukasan ay nakasalalay sa ating mga kamay. (a.

nakalaan b. nabibilang c. nakabatay d. nakapatong)

6. Ang sipol ay hudyat ng pagsisimula ng kanilang labanan.

(a. babala b. pahiwatig c. desisyon d. senyas )

7. Bawal isungaw ang ulo sa bintana ng bus. (a. itaas b. ilabas c. ipasok d. ipatong)

8. Hindi ko na matatanggap ang labis niyang pangungutya.

(a. panghahamak b. pagmumura c. pang-aapi d. pagpupuri)

9. May malinis na budhi ang Kap. Heneral.

(a. kalooban b. kaluluwa c. konsensiya d. reputasyon)

10.Ang taong makatatapat mo ay isinilang na.

(a.ipinahaharap b. ipinanganak c. ipinapatay d. ipinalalayo)

Page 10: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

Gamitin sa pagbuo ng pangungusap ang mga salitangbinigyang kasingkahulugan.

Hayaang makikibahagi ang ilang hindi pa nakasasali sapagsagot sa naunang gawain.

Ayusin ang nabuong pangungusap ng mga mag-aaral upangmas magiging masining ang kalalabasan ng pangungusap.

Page 11: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

D. PAGTATALAKAY SA KANABATA

Tatalakayin ang bahaging “Pag-unawa sa Binasa”

Pabibigyang kasagutan ang bawat bilang ng gawain

Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral

Page 12: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

E. PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN

1. Paano ipinakikita ng kanyang Kamahalan ang kanyang kapangyarihansa nasasakupan?

2. Angkop ba ang kanyang ginawa sa isang Indiyo noong unangpangangaso niya sa gubat? Pangatwiranan.

3. Iba-iba ang mga ugali ng mga prayle, anong mahihinuha ninyo sa uring kanilang pagkatao batay sa paraan ng kanilang pananalita?

4. Sakaling magkaroon kayo ng katungkulan sa pamahalaan, paano niyoito gagampanan? Bakit?

Page 13: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

IV. PAGSASANAYA. PAGKIKILALA:

Kilalanin ang sumusunod, isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

1. Siya’y itinuturing na Gobernador ng Islas Filipinas. _______________

2. Naisipan ng Kap. Heneral na mangaso sa gubat ng ____________

3. Nakaisip siyang pagdamitin na lang bilang ______ ang isang Indiyo.

4. Inaya niya ang buong tropa na mamahinga na lamang sa ___________.

5. Ang mga prayle ay naglalaro ng _____________ kasama ang Kap. Hen.

Page 14: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

6. Galit siya dahil sa pagkatalo sa laro sa baraha. ________7. Si ___________ ang naisipang ipalit kay Padre Camorra.8. Siya ang kalaro ni Simoun ng bilyar sa isang kwartong katapatng mga prayle. ______________9. Ang kurang panig sa pagpapatayo ng akademya. ______________10. Sa halip na tulungan ay pinatalsik ng Kap. Hen. Sa kanyangtrabaho ang isang _________ na humingi ng isang silid aralan.

Page 15: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

B. Pagpapahayag:

Ipaliwanag ang pahayag na batay sa kabanatang natalakay.

1. Bakit iba ang gustong itumbas ni Simoun sa pusta niyang mgadyamante sa mga magiging kalaro niya? Ipaliwanag

2. Tama ba ang naging hatol ng Kap. Heneral sa isang gurong humingi ng isang silid-aralan? Bakit?

3. Anong magiging kahihinatnan ng desisyon ng Kap.Heneral kapagnagiging madalas ang kaniyang pagkokunsulta sa mga prayle?

4. Maaari kayang darating ang panahong di na siya maaaringmakapagdesisyon nang siya lamang mag-isa?Isalaysay.

Page 16: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

5. Anong katangiang pantao ang taglay ng sumusunod na tauhan?

a. Kap. Heneral b. Simoun c. Padre Camorra

d. Padre Irene e. Padre Sybila f. Padre Fernandez

g. Mataas na Kawani h. Don Custodio

6. Magbigay halimbawa ng sitwasyong magtatalakay sa kahinaan ng pinuno na nakapaloob sa kabanata.

7. Maglahad ng pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sapangyayari sa kabanata.

8. Anong kaisipan ang inilalahad ng may-akda sa kabanata.

Page 17: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

Pagbabahaginan ng awtput

Ipalalahad sa bawat mag-aaral ang kani-kanilang ideyatungkol sa paksa at saka iproseso ang kanilang sagot sabawat gawain.

Page 18: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

V. Takda

Sa isang kalahating papel ipahayag ang iyong opinion sa sumusunod nakatanungan. 1. Paano masusulusyunan ang maling palakad ng gobyerno kung ang

mga pinuno ang siyang pangunahing problema? Ipaliwanag.2. Ano ang nararapat gawin upang maayos na magampanan ang

tungkulin para sa bayan? Magbigay ng halimbawa.

Page 19: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

Antas ng Kaalaman:

Bilang ng mag-aaral na nasa Mastery level ___________Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng

remediation __________o reinforcement___________

Page 20: Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)

Maraming salamat! Sana makatutulong itongbinanghay kong aralin para sa pagkatuto saakdang El Filibusterismo. Hanggang sasusunod na pagsasama.

JENITA D. GUINOO