25
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL IKALAWANG KABANATA

Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

  • Upload
    scps

  • View
    27.527

  • Download
    65

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

IKALAWANG KABANATA

Page 2: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

KAUGNAY NA LITERATURA Binubuo ng mga diskusyon ng mga

impormasyon, prinsipyo at katotohanan na kaugnay sa pag-aaral na isinasagawa.

Ang mga materyal na ito ay nasa klasipikasyon ng:

A. Lokal, kung ito ay inilathala sa Pilipinas

B. Dayuhan, kung ito ay inilathala sa ibang bansa.

Page 3: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

SANGGUNIAN NG KAUGNAY NA LITERATURA

Libro, ensayklopedia, almanak at iba pang kaparehong referensya.

Artikulo sa mga propesyunal na dyornal, magasin, peryodiko, at iba pang publikasyon.

Ang mga batas at konstitusyon sa kabuuan ng bansa.

Rekord ng paaralan, partikular ang mga report ng kanilang mga programa at gawain.

Page 4: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

SANGGUNIAN NG KAUGNAY NA LITERATURA

Report at papeles mula sa mga pang edukasyong seminar at kumprensya.

Lahat ng uri ng opisyal na report ng pamahalaan, pang edukasyon, panlipunan, pang-ekonomiya, siyentipiko, teknolohikkal atbp.

Page 5: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

KAUGNAY NA PAG-AARAL pag-aaral, pag-iimbestiga o imbestigasyon na isinagawa na at may kaugnayan o pagkakatulad sa paksa ng pananaliksik na isinasagawa.

Ang mga materyal na ito ay nasa klasipikasyon ng: A. Lokal, kung ito ay inilathala sa Pilipinas B. Dayuhan, kung ito ay inilathala sa ibang bansa.

Page 6: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

SANGGUNIAN NG KAUGNAY NA PAG-AARAL Mga theses at disertasyonKopya ng mga pananaliksik mula sa mga pang-edukasyon journal.

Page 7: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

KAHALAGAHAN NG KAUGNAY NA PANITIKAN AT PAG-AARAL

Tinutulungan ang mga mananaliksik na mas malalim na maunawaan ang kanyang paksa.

Makakasiguro na walang duplikasyon ng ibang nagawa ng pananaliksik. May duplikasyon kung ang pananaliksik ay naisagawa na sa kaparehong lokal na may pagkakapareho sa mga respondate.

Page 8: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

KAHALAGAHAN NG KAUGNAY NA PANITIKAN AT PAG-AARAL

Tinutulungan at ginagabayan ang mga mananaliksik na makahanap ng iba pang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon.

Malaki ang naiaambag sa mga mananaliksik upang ikumpara ang resulta ng pag-aaral ng dalawang pananaliksik na siyang magiging daan upang higit na maunawaan ang mga suliranin n tinalakay sa paksa at ang mga rekomendasyon na maaaring maibigay dito.

Page 9: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

KATANGIAN NG MGA MATERYAL NA GAGAMITIN

Ang materyal na gagamitin kung maaari ay makabago at napapanahon.

- naisulat ng di hihigit sa sampung taon na ang nakakaraan.

Ang materyal ay kinakailangan ay obhetibo at walang bias.

Ang materyal ay kinakailangang may kaugnayan sa paksa ng pag-aaral.

Page 10: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

KATANGIAN NG MGA MATERYAL NA GAGAMITIN

Ang mga materyal ay nararapat na nakabase sa makatotohanang impormasyon at may kredibilidad ang sangguniang ginamit.

Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay hindi nararapat masyadong marami o kakaunti.

Page 11: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

TANDAAN Hindi kailangang kopyahin o kuhanin ang kumpletong laman ng binasang teksto kundi ang mahalagang ideya lamang na

nabanggit sa binabasa at makakatulong sa pagsasagawa

ng pananaliksik.

Page 12: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

TANDAAN Makakatulong ang paggamit ng mga

index card upang maging maayos ang pagtatala. Isulat sa nasabing index card

ang mga kaisipan o impormasyong kailangan sa pagtalakay sa sulating

pananaliksik.Tandaan na huwag kalimutan itala kung saang sanggunian hinango ang nasabing impormasyon at

kung sino ang may-akda nito.

Page 13: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

PAGGAMIT NG DOKUMENTASYON Ang pananaliksik ay batay lamang

sa mga gawa o ideya ng iba kaya’t nararapat na mabigyan sila ng angkop na pagpapahalaga.

Anumang siniping mga pananalita ng may akda na nakalap bilang mga talang gagamitin ay kinakailangan ang pangalan ng awtor at taon sa talaan ng sanggunian.

Page 14: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

PAGGAMIT NG DOKUMENTASYON Kung ang isang tao ay

inagkinang isang ideya o teksto ng ibang tao at pinalabas na ito

ay sa kanya, sa teknikal na salita ito ay plagiarism.

Page 15: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

PAGGAMIT NG DOKUMENTASYON Kasama rito ang hindi

paglalagay ng panipi o quotation mark kung saan ito nararapat ilagay, kawalan ng pag-iingat sa paghahanda ng mga listahan ng sanggunian, kabiguan na kumuha ng mga permiso sa paggamit ng mga pigura, talahanayan, maging ilustrasyon.

Page 16: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

MGA ALITUNTUNIN SA PAGGAMIT NG PARENTIKAL NA SANGGUNIAN

Pahina na lamang ang babanggitin kung nabanggit na ng awtor sa mismong teksto.

Kung higit sa isa ang awtor (ngunit hindi sosobra sa tatlo) banggitin ang lahat ng pangalan ng may akda.

Page 17: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

MGA ALITUNTUNIN SA PAGGAMIT NG PARENTIKAL NA SANGGUNIAN

Kung may apat na o higit pang may akda, banggitin na lamang ang apelyido ng unang may-akda at sundan ng et al.

Kung may babanggiting dalawa o higit pang may akda na pareho ang huling pangalan, banggitin ang mga pangalan.

Page 18: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

MGA ALITUNTUNIN SA PAGGAMIT NG PARENTIKAL NA SANGGUNIAN

Kung pamagat lamang ang naibigay, banggitin ang pinaikling bersiyon ng pamagat at sundan ng pahina.

Kung may babanggitin dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin ang mga akda.

Page 19: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

URI O ANYO NG TALA Direktang Sipi Buod ng Tala Paraphrase Sipi ng Sipi Salin o Sariling Salin

Page 20: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

DIREKTANG SIPI Makikita din sa bawat paaralan ang mga

suliranin na dapat bigyang pansin sa pagtuturo ng asignaturang Matematika lalong-lalo na kung ang mga estudyante ang pag-uusapan. Una, nakakawalang gana sa mga estudyante ang pag-aaral ng asignaturang Matematika, sapagkat wala silang interes na matutunan ito. Pangalawa, pinagwawalang bahala nila ang pag-aaral ng asignaturang Matematika sapagkat para sa kanila, ito’y hindi napapakinabangan pagkatapos ng kanilang pag-aaral, lalong-lalo na sa mga estudyante na nais pumunta sa ibang bansa.

Page 21: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

BUOD NG TALA Makikita din sa bawat paaralan ang mga

suliranin na dapat bigyang pansin sa pagtuturo ng asignaturang Matematika lalong-lalo na kung ang mga estudyante ang pag-uusapan. Una, nakakawalang gana sa mga estudyante ang pag-aaral ng asignaturang Matematika, sapagkat wala silang interes na matutunan ito. Pangalawa, pinagwawalang bahala nila ang pag-aaral ng asignaturang Matematika sapagkat para sa kanila, ito’y hindi napapakinabangan pagkatapos ng kanilang pag-aaral, lalong-lalo na sa mga estudyante na nais pumunta sa ibang bansa.

Page 22: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

SIPI NG SIPI Mula naman sa pag-aaral ni Fox-

Keller (1985), binanggit niyang kahit madali na lamang ngayon para sa mga kababaihan na pumasok sa mga larangan na may kaugnayan sa matematika at agham nagingibabaw pa din sa lahat ang kaisipan na ang mga kalalakihan pa rin ang lubos na magtatagumpay at mahuhusay sa mga larangan ng matematika at agham at ang mga kababaihan ay walang lugar para sa mga ganitong propesyon. Inilahad din niya na bukod sa oras, pera, pakikisalamuha saiba, isa ring malaking suliranin ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa asignaturang matematika. Madalas ang mga asignatura na may kinalaman sa asignaturang Matematika ang iniiwasan ng mga mag-aaral lalo na sa hayskul at kolehiyo.

Page 23: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

SIPI NG SIPI Mula sa pag-aaral ni Fox-Keller (1985),

inilahad niya kahit madali na lamang ngayon para sa mga kababaihan na pumasok sa mga larangan na may kaugnayan sa matematika at agham nagingibabaw pa din sa lahat ang kaisipan na ang mga kalalakihan pa rin ang lubos na magtatagumpay at mahuhusay sa mga larangan ng matematika at agham at ang mga kababaihan ay walang lugar para sa mga ganitong propesyon.

Page 24: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

PARAHRASE “Mathematics is everywhere”. Ang sikat na

kasabihan na yan ang dahilan kung bakit isa sa mga itinuturo sa atin mula sa ating pagkabata ay ang Matematika. Sa simula ay mga simpleng numero lamang ang ating nakikita, ngunit habang patagal ng patagal ang ating pag-aaral ng Matematika, ito ay nadadagdagan ng mga letra at ng mga kumplikadong numero na siyang nagiging dahilan kung bakit ito humihirap. Subalit may mga mangilan-ngilan na estudyante ang tila di nahihirapan sa asignaturang ito. Karamihan ng mga estudyanteng ito ay binubuo ng mga kalalakihan kung kaya’t nabuo ang kaisipan na ang mga kalalakihan ay higit na magaling sa mga babae pagdating sa Matematika.

Page 25: Kabanata 2: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

SALIN/SARLING SALINBased on the study following conclusions were drawn. The Junior High School students have positive and high motivational level towards literature. The students’ gender do slightly affect their attitude towards literature. They also generally showed a positive attitude towards their literature teachers and have demonstrated a optimistic attitude towards the subject itself and the instructional media used in the subject thus these were factors influencing students’ attitudes toward the subject. Thus, cited factors in the study influence Junior High School students’ attitudes toward the subject, Literature.