12
KABANATA 4 UNANG TAON NG PANGANGASIWA NI MR. CHARLES JOHN ANDERSON SA EDUKASYON NG INDANG 1903-1904 There is a world elsewhere Coriolanus Sinipi ni George B. Hill sa kaniyang aklat na Harvard College by An Oxonian (1895) C. J. Anderson Bago Maitalaga sa Indang Ang humalili kay J. M. Krauss sa pangangasiwa sa edukasyon ng Indang ay si Mr. Charles John Anderson. Sa mga Thomasites sa kapanahunang iyon, si Anderson ay itinuturing na isa sa mga potensiyal na guro ng Kawanihan. Ipinanganak noong Enero 9, 1879 sa bansang Sweden at mula sa pagkabata ay nanirahan sa Estados Unidos. Sa ulat ng Harvard College, siya ay naninirahan sa 67 Smith St., Quincy, Massachusetts, nag-aral sa Quincy High School at nagtapos ng kursong Bachelor of Arts noong Hunyo 1900 sa Harvard College. Bago siya marekluta sa pagtuturo sa Pilipinas ay mayroon na siyang isang taon karanasan sa pagtuturo. 1 1 Report of Secretary Harvard College Class 1900 at binanggit din sa aklat na inihanda ng U. S. Embassy Public Afairs Section na To the Islands Far Away: The Story of Thomasites and Their Jouney to the Philippines. 2001:66. 48

Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

KABANATA 4UNANG TAON NG PANGANGASIWANI MR. CHARLES JOHN ANDERSON SA EDUKASYON NG INDANG 1903-1904

There is a world elsewhere

Coriolanus Sinipi ni George B. Hill sa kaniyang aklat na Harvard College by An Oxonian (1895)

C. J. Anderson Bago Maitalaga sa Indang

Ang humalili kay J. M. Krauss sa pangangasiwa sa edukasyon ng Indang ay si Mr. Charles John Anderson. Sa mga Thomasites sa kapanahunang iyon, si Anderson ay itinuturing na isa sa mga potensiyal na guro ng Kawanihan. Ipinanganak noong Enero 9, 1879 sa bansang Sweden at mula sa pagkabata ay nanirahan sa Estados Unidos. Sa ulat ng Harvard College, siya ay naninirahan sa 67 Smith St., Quincy, Massachusetts, nag-aral sa Quincy High School at nagtapos ng kursong Bachelor of Arts noong Hunyo 1900 sa Harvard College. Bago siya marekluta sa pagtuturo sa Pilipinas ay mayroon na siyang isang taon karanasan sa pagtuturo.1

Si C. J. Anderson ay isa sa mga orihinal na guro na sakay ng USAT Thomas na dumating sa Pilipinas noong Agosto 1901. Una siyang nadestino sa bayan ng Lucena sa lalawigan ng Tayabas (NKA Quezon). Noong Hunyo 1902 itinatag ng mga gurong Amerikano sa Tayabas (matandang kabisera ng

1

Report of Secretary Harvard College Class 1900 at binanggit din sa aklat na inihanda ng U. S. Embassy Public Afairs Section na To the Islands Far Away: The Story of Thomasites and Their Jouney to the Philippines. 2001:66.

48

Page 2: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Kabanata 4 – Mr. Charles J. Anderson sa Indang

Tayabas) ang isang paaralang sekondarya para sa lalawigan na pinamunuan ni Aubrey Boyles.2 Ang epidemiya ng kolera ay naging dahilan sa kakauntian ng mga nakapasok dito at ilipat ito noong Oktubre 1902 sa bayan ng Lucena, kung saan si Anderson ay orihinal na naitalaga pagdating sa Pilipinas. Ang paaralang panlalawigan na itinatag sa Lucena ay tinawag na Tayabas High School at si C. J. Anderson ay nanungkulan bilang assistant principal ng paaralan hanggang mapalitan siya ni Henry H. Balch noong Enero 1903.3

Sa mga gurong Amerikano, ang pagtuturo sa paaralang sekondarya noon ay indikasyon ng pagtataglay ng kahusayan. Ang posisyon ni C. J. Anderson bilang assistant principal sa mataas na paaralang panlalawigan ay patunay ng intelektwal na kahigitan sa kaniyang mga kasamahang gurong Amerikano. Ang pagkakatalaga naman kay Henry H. Balch noong Enero 1903, ay indikasyon na hindi nagtagal si C. J. A nderson sa Lucena at siya ay napalipat sa Indang bago magtapos ang taong 1902.

Ang paglipat noon sa isa sa mga itinuturing na potensiyal na gurong Amerikano sa panibagong destino ay hindi maaring bunga lamang ng isang biglaang desisyon. Ang pagkalipat sa kaniya sa Indang ay upang bigyan ng pagkakataon na magkaroon nang higit na malaking bilang ng mga nasasakupang guro at mag-aaral, malawak na eryang pang-superbisyon, at pang-administratibong awtonomiya upang epektibo maisakatuparan ang kaniyang malawak at pangmatagalang

2 Si Aubrey Boyles ay isa sa mga orihinal na gurong Amerikano na sakay ng Barkong USAT Thomas, nagtapos ng B. A. sa Alabama State University noong 1897. Ang kaniyang pangalan ay wala na sa listahan ng mga Thomasites at sa talaan ng mga empleyado ng serbisyo sibil ng pamahalaang insular ng Pilipinas noong 1904. Sa ganito ay hindi niya natapos ang kontrata at umuwi na sa Estados Unidos. Sa kasaysayan ng estado ng Alabama noong 1920’s ay lumitaw ang pangalan ni Aubrey Boyles bilang District Attorney ng Mobile, Alabama na nanguna sa pagpapatupad ng batas laban sa iligal na produksyon ng Whiskey. Maaring basahin ang artikulong Teflon Tycoon ni Sam Hodges sa Internet.

3 4th ARPC Part III:818Si Henry H. Balch ay mula rin sa estado ng Alabama at nagtapos sa Nobo State Normal sa nasabing Estado. Siya ay naging principal ng Tayabas High School hanggang 1912 at kinikilala na pinakahuling Thomasite na namatay (November 30, 1969). Maaring basahin ang artikulong Henry H. Balch: Lesser known American hero sa internet.

49

Page 3: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Intermedia ng Indang / Anciano

balakin.4 Ang pagkapili naman sa bayan ng Indang para paglipatan ni C. J. Anderson ay indikasyon na ang bayan ay angkop sa kahusayan at katalinuhan ng gurong sa itatalaga sa kanila na manungkulan.

Sa bahaging ito ay ipapansin ang pag-uulat ni Hammon H. Buck noong 1902 at nalathala sa taong 1903:.

The Cavite high school was opened June 19, 1902 with Mr. S. K. Mitchell as principal and Mr. Richard Leonard as assistant teacher... The school commenced with an enrollment of about 25. This increased slowly till it reached a maximum of 80 in November with a daily attendance of 70. The bulk of pupil came from the neigboring towns, the more distant being scarcely represented. This seem to argue the necessity of establishing a secondary school in the southern part of the province.5

Noon pa man taong 1902 ay pinanukala na ni H. H. Buck ang pagkakaroon ng ikalawang paaralang sekondarya sa Katimugan ng Cavite, bukod sa unang naitayo sa kabisera. Ang panukala ni H. H. Buck ang nagpakita sa pangangailangan ng ekspertisyo at karanasan ni C. J. Anderson sa Lucena, upang makapagtatag ng ikalawang paaralang sekondarya sa Indang. Mapapansin na ang itinapat na magsimula ng ikalawang paaralang panlalawigan sa Cavite ay mula sa Harvard na tradisyonal na karibal ng Yale.

4 Sa pagtatasa ng Philippine Journal of American Chamber of Commerce ay isa sa kanilang naging persepsiyon noon na ang mga Thomasite na nagtapos sa mga paaralang Ivy League ng Estados Unidos ay nakapokus sa lideratura ng edukasyon sa Pilipinas.

5 ARPC 1903:572Lumilitaw sa pag-uulat ni Gobernador Mariano Trias noong January 14, 1902 ay pinanunukala na noon pa man sa lalawigan ng Cavite, ang pagtatag ng isang Agricultural School sa alinamng bayan ng San Francisco de Malabon o Tanza. Maaring basahin ang Affairs in the Philippine Islands: Hearing Before the Committee on the Philippines of the United States Senate. (Washington: Government Printing Office) p. 2408.

50

Page 4: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Kabanata 4 – Mr. Charles J. Anderson sa Indang

Si C. J. Anderson Bilang Tagapangasiwa ng Mga Paaralan sa Distrito ng Indang

Lumalabas sa mga kapanahong ulat na dumating si C. J. Anderson sa Indang ilang araw bago nagsimula ang taong 1903 at ginampanan ang panibagong katungkulan bilang supervising teacher nang pinalawak na distrito ng Indang.6

Mabigat ang naging gampanin ni C. J. Anderson kung ang pagbabatayan ang lawak ng erya na kaniyang pinangangasiwaan. Ang distritong pang-edukasyon ng Indang ay sumasakop noon sa mga bayan ng Indang, Alfonso, Bailen, at Mendez-Nunez. Ito ay mayroong kabuuang erya na 100 milya parisukat, may pinagsamang populasyon na 23,9169, na binubo ng 37 baryo, mayroong walong paaralan. Nakatala ang 2,252 na mag-aaral, sa populasyon ng mga batang 6-10 gulang na binubuo ng 4,800 at kailangan pa ipasok sa paaralang ang 1,606 na mga kabataan.7 Bilang supervising teacher nakatulong ni C. J. Anderson nang malaki ang gurong Amerikano na si Moses Flint, na noong 1903 ay nasa bayan pa ng Alfonso at sa ganito ay nagkaroon si C. J. Anderson ng pagkakataon na harapin ang mga gawaing pampaaralan sa Indang, partikular ang pagpapasimula ng pagtatayo ng ikalawang paaralang panlalawigan sa Katimugang Cavite.8

Kung ang pagbabasehan ay ang mga naging kaunlaran sa larangan ng edukasyon sa Indang sa panunungkulan ni C. J. Anderson bilang tagapangasiwa ng edukasyon ay mababakas ang kaniyang kahusayan. Sa taong 1903 ay hinarap ng mga paaralan sa Pilipinas ang paghahanda ng mga kagamitan at mga kasangkapan na ginagawa sa mga paaralang bayan na magiging bahagi ng Philippine Educational Exhibit sa St. Louis Exposition na itinakdang ganapin sa taong 1904.9 Ang paaralan ng Indang 6 Ang ginamit na designasyon sa mga gurong Amerikano ay supervising teacher at hindi supervisor. Ipinakikita sa designasyon na ang kanilang papel bilang tagasubaybay, subalit hindi iniiwan ang gawaing pagtuturo sa mga guro at mga aspirante. Kasama pa rin sa kanilang katungkulan ang magturo sa mga mag-aaral na nasa mataas na grado sa paaralan.

7 ARPC1905 Part 1:220.

8 Maala-ala na sa pagsipi kay Moses Flint, ang paggamit niya ng salitang we sa pag-oorganisa sa mga paaralan sa mataas na lupa ng Cavite. 9

51

Page 5: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Intermedia ng Indang / Anciano

ay isa sa mga bayan sa Cavite na napiling magpadala ng exhibit para sa pandaigdig na pagtatanghal na ito. Ang isinali ng Indang ay ang isang proyekto ng mag-aaral ng Grade III na isang school bag na hinabi mula sa palapa ng palma (maaring niyog o irok) na magiging bahagi ng exhibit para sa pandaigdigang pagtatanghal.10

Pagpili ng Lupang Pagtatayuan ng Paaralang Panlalawigan

Sa pagdating ni Anderson sa Indang noong 1903 ay ginagamit pa rin sa pagtuturo ng kursong primarya ang matandang escuela sa poblacion. Kasabay sa kaniyang pagdating ay taglay na niya ang kopya ng isang sirkular mula sa General Superidentendent ng Kawanihan na magsisilbing panuntunan sa pagpili ng lupain na pagtatayuan ng paaralang sekondarya sa Indang.

Ang Louisiana Purchase Exposition ng 1904 na tinatawag na St. Louis World’s Fair ay ginanap mula Abril 30 hanggang Disyembre 1 sa lunsod ng St. Louis, Missouri bilang pagdiriwang sa Sentinaryo ng pagkakabili ng pamahalaan ng Estados Unidos sa estado ng Louisiana na dating pag-aari ng mga Pranses sa bahagi ng Hilagang Amerika. www.wikipedia/org

10 Bureau of Education Bulettin No. 6 - 1904

52

Page 6: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Kabanata 4 – Mr. Charles J. Anderson sa Indang

Tiyakan na ang isa sa kaniyang hinarap ay ang talakayin noong 1903 sa local school board ng Indang ang ukol sa pagpili ng lupa na pagtatayuan ng paaralang panlalawigan para sa Katimugan ng Cavite. Ang local school board ay kinatulong niya sa pagpili at pagbili ng lupa na magiging lokasyon para paaralang panlalawigan mula sa pondo ng lokal na pamahalaan at sa paghikayat sa mga tao na magkaloob ng donasyon para rito.

Ang panukalang lokasyon na pagtatayuan ng paaralang panlalawigan ay nasa Baryo ng Bancod na halos limandaan kilometro ang layo mula sa poblacion. Dumadaan ito sa pa-zigzag na daanan na bumababa at tumatawid sa Ilog Banadero Ang pagpili ni C. J. Anderson sa lokasyon nang pagtatayuan ng paaralang panlalawigan na tumatawid ng ilog ay disenyo at bahagi ng bisyon ng isang nagtapos ng Harvard, na higit na papatunayan sa mga susunod na bahagi ng kabanatang ito.

Ang Pagpili ng Pagtatayuan ng Panibagong Paaralang Sentral ng Indang

Sa unang buwan ng 1904, isang panibagong sirkular ang ipinalabas ng Kawanihan ng Edukasyon ukol sa tamang paraan ng pagpili ng mga lokasyon na paglalagyan ng mga bagong paaralang sentral.

53

Page 7: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Intermedia ng Indang / Anciano

I wish to call attention to the importance of securing suitable sites for every kind of public school. The necessity of an adequate campus for provincial school has been dwelt upon in a previous circular, but there is equal reason for having a spacious grounds and healthful surrounding for municipal and barrio schools. Wherever possible, permanent sites for schools should be secured. They should be a little removed from the noise and confusion of traffic and dwellings, and they must be dry, healthful, and where possible, shaded. The action of provinces and municipalities should be sought, dedicating such sites permanently for school purposes, and in this connection I urge the reorganization of the local school board for assistance in this work of procuring school grounds. Where a municipality is unable at the present time to erect a school building, it will be able in many cases to set aside a suitable piece of ground for future building.11

Ang paglitaw ng sirkular na ito ng Kawanihan noong 1904 ay tiyakan na nagtulak kay Anderson bilang supervising teacher na harapin naman ang pagpili ng isa pang lokasyon na paglalagyan ng panibagong paaralang sentral para sa Indang na ang proseso sa akwisisyon ay dumadaan sa pamamagitan rin ng local school board ng bayan.

11 Bureau of Education. ON SCHOOL HOUSE CONSTRUCTION. Circular No. 15, Series 1904. Apendix ng AROGSE 1904:88-89Tiniyak sa circular na ito na mayroong nauna para sa pagpili ng lokasyon ng paaralang panlalawigan. Nabigo ang nasasaliksik na makakuha ng kopya ng sirkular na ito.

54

Page 8: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Kabanata 4 – Mr. Charles J. Anderson sa Indang

Ang piniling lugar ng mga mamamayan ng Indang na pinangunhan ni C. J. Anderson ay ang isang maluwang na lupa na may layong 500 metro mula sa timugang bahagi ng poblacion12 na mararating ng mga mag-aaral sa pamamagitan kalsada na patungo ng Tagaytay na noon ay dumadaan pa sa mataong Baryo ng Kaykiwit. Mapapansin sa mapa na ang lokasyon para sa paaralang sentral na dadaluhan ng mga mag-aaral ng primarya ay bumabagtas sa isang patag na kalsada at sa dulong bahagi ng mga kalye ng poblacion na ang maaring pangunahing konsiderasyon rito ay ang konbinyensiya at kaligtasan ng mga batang mag-aaral.

Ang binabanggit na sirkular sa pag-aaral na ito, ang maituturing na isa sa mga pinaka-mapagpasiyang kautusan sa kasaysayan ng Kawanihan. Binago nito ang paraan nang pagpili

12 Nakaagaw sa atensiyon ng nagsasaliksik ang mga marker ng Jolibee sa Indang na nakalagay sa tapat ng dalawang paaralan na nagpapakita na magkaparehong 500 metro ang layo mula sa establisamento. Sa sariling pagtantiya sa distansiya ng dalawang lokasyon ay ginamit ng nagsasaliksik ang kilometrahe ng kaniyang sasakyan. Ang layo sa pagitan ng dalawang paaralan ay eksaktong isang kilometro lamang. Ang halos magkatulad na distansiya mula sa poblacion ng Indang ng dalawang paaralan ay indikasyon na iisang tao lamang, sa iisang panahon, ang naging mainpluwensiya sa pagpili ng dalawang magkaibang lugar.

55

Page 9: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Intermedia ng Indang / Anciano

sa lokasyon ng mga paaralan na nakagisnan sa panahon ng mga Espanyol na ipinagsisiksikan sa maliit na espasyo ang escuela ng isang bayan sa kompleks ng poblacion. Sa pagpili ng isang maluwang na lokasyon na malayo sa poblacion ay matatalos ang pagiging bisyonaryo ng bagong sistema ng edukasyon na nakatingin sa ekspansiyon para sa malayong hinaharap. Ito ang magpapaliwanag kung bakit kalimitan na ang mga paaralang sentral sa mga bayan ay nakalagay sa mga lugar na malayo sa poblacion.

Mga Pangsibikong Gawain ni C. J. Anderson sa Indang

Maliban sa pagtuturo, aktibo si C. J. Anderson sa mga iba’t ibang mga gawaing pambayan. Ang isa sa una niyang hinarap na gawain na labas sa serbisyong pang-edukasyon ay naisadokumento noong buwan ng Enero, 1903. Nagsilbi siyang volunteer observer ng Weather Bureau para sa Indang, dito ay inulat niya ang kalagayan pangkabuhayan ng bayan na nakasalalay sa pagtatanim ng abaca, mais, at cocoa. Inilarawan rin ang nakakahapis na kalagayan ng pananim bunga ng tagtuyot at perwisyo na ginawa ng balang, gayundin ang pagkalat ng sakit ng mga hayop na sa panahon ng kaniyang pag-uulat ay hindi pa naampat.13

Nagsilbi rin si C. J. Anderson na kagawad ng local board of health na binubuo nina Esteban Abutin, cirujano ministrante; Vicente Jeciel, parmasyutiko, at Marcelo Basa. Pinagtibay nila ang ordinansa munisipal na nag-aatas ng sanitary inspection sa lahat ng mga pribadong bahay, pagkukuwarentenas, sapilitang pagbabakuna, regulasyon ng kulungan, regulasyon sa pagtitinda ng pagkain, at inspection sa mga hayop na kinakatay upang ipagbili sa palengke. Ang kahigpitan sa pagpapatupad ng nasabing ordinansang ay makikita sa pamamagitan nang pakikipagtulungan ng pulisya ng Indang sa pagpapatupad ng

13 Philippine Weather Bureau Bulletin for January 1903. p.122 Sa ulat na ito nabakas ng nagsasaliksik na ang tunay na

pangalan ni C. J. Anderson ay Charles J. Anderson. Sa panahong iyon ay mayroong dalawang obserbatoryo ang Wheater Bureau sa lalawigan ng Cavite ang isa ay nasa kabisera at ang isa ay nasa Indang. Ang hindi magandang pag-uulat ni C. J. Anderson sa kalagayan ng kabuhayan ng Indang ay dahilan sa ang taong 1902-1903 ay panahon ng isa sa pinaka-masamang tag-tuyot sa Pilipinas at nagbunga ng rice shortage sa kapanahunang iyon. Ang tag-tuyot ay naulit muli sa taong 1911-1912.

56

Page 10: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Kabanata 4 – Mr. Charles J. Anderson sa Indang

kalinisan ng mga kalsada sa bayan at pagsunog sa mga basura. Ang kahigpitan ng nilalaman at sa pagpapatupad ng ordinansa ang nagligtas ng maraming buhay ng mga taga - Indang sa panibagong epidemya ng kolera nang 1906.

Sa taong 1903, ginanap ang unang pambansang pagsesenso sa buong Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano na tinatadhana ng Jones Law upang ang Pilipinas ay pagkalooban ng isang kapulungang pambatasan (tinawag na Philippine Assembly). Ang pambansang sensus na ito ang naging basehan ng mga patakarang ipinairal ng pamahalaang insular ng Estados Unidos para sa Pilipinas. Bilang tagapangasiwa ng edukasyon sa Indang ay hindi mapag-aalinlanganan na nagkaroon si C. J. Anderson ng mahalagang papel sa pagsasakatuparan ng pagsesenso sa Indang at mga karatig bayan nito.

Sa lahat ng trabaho ni Anderson bilang tagapangasiwa ng paaralan at aktibong gawaing pambayan sa Indang ay isa siya sa nakaani ng paghanga ng taga Katimugang Cavite. Ito ay masasalamin sa pag-uulat ng gobernador ng lalawigan ng Cavite sa taong 1904.

The Presidente of Indang who has always shown himself to be good of friend of the government, remarked “The American teachers of Cavite Province are generally the most influential men in their towns”14

Sa kabila ng panlalawigang paglalahat ng presidente ng Indang na si Eugenio Salazar (1902-1904) ay higit na una sa kaniyang pinagbasehan ay ang aktibidad ni C. J. Anderson na lagi niyang nakikita at palagiang nakakasama.

14 ARPC 1904 - Report of the Provincial Governor of Cavite. Kinuha sa pag-uulat NI Hammon H. Buck, superintendent ng Cavite ukol sa kalagayan ng mga gurong Amerikano sa lalawigan.

57

Page 11: Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Intermedia ng Indang / Anciano

58