6
MGA IBONG MANDARAGIT (KABANATA 51-69) Higit na nakatutukso ang kagandahan ni Dolly mula nang siya’y magbalik sa Maynila at muling sumikat sa mga kasayahan ng mataas na lipunan. Marami ang sa kanya’y naiinggit. Subali’t nagkakamali ang mga nag-aakalang lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Isang hindi niya maituring na kanya ay ang puso ni Mando. Inaamin ni Dolly na talagang masama ang tama niya kay Mando. Subali’t sa pagbabalik nila sa Maynila ay halata ang tila panlalamig ng loob ni Mando sa kanya. Isang araw, pinuntahan ni Dolly sa Mando sa tanggapan ng Kampilan upang anyayahan sana itong mananghalian. Subali’t ipinagpaliban ni Mando ang lakad nila ng dalaga dahil sa pagdating din ni Puri sa opisina upang ibalita ang nangyari tungkol sa kanyang ama at mga kasamahang magsasaka sa asyenda. Sa matinding galit ni Dolly ay pinagbuntunan niya ng sama ng loob si Puri. Nagkaroon ng mainitang pag-uusap ang dalawang babae kung saan lumabas ang magkaibang pananaw o paniniwala nila tungkol sa mga usapin ng edukasyon, pag-aasawa, pag- unlad ng sarili at kalagayan sa lipunan. Halos sisihin ni Dolly ang kanyang sarili kung bakit nakakatihan pa n’ya ng dila na kausapin si Puri. Sapagka’t sa harapang iyon bagama’t higit ang kaalaman at pinag- aralan ni Dolly kaysa kay Puri, lumabas na siya ang nahigitan ni Puri sa pangangatwiran. Maaaring hamakin niya si Puri sa kalagayan at kahirapan, subali’t ang mga katwiran nito’y parang mga palasong tumutudla nang tuwid sa butas na pinatatamaan. Samantala, ibinalita ni Puri kina Mando ang nangyari sa asyenda- ang pagbibintang ni Pugot sa mga magsasaka sa sunog, ang di- makatarungang pagpigil at pagkulong sa mga ito. Ipinagbigay-alam din ni Mando kay Danoy na naiwan sa Maynila (kaya naligtas siya sa katampalasanan ni Pugot) ang mga nangyari. Ipinangako ni Mando kina Puri at Danoy na gagawin nila ang lahat upang maipagtanggol at mailigtas ang mga magsasaka. Bagama’t may pag-aalinlangan si Danoy dahil ayon sa kanya’y maraming batas tayong hamak na basang papel. Gayunma’y buo pa rin ang tiwala ni Mando na nagbago na ang panahon at mapananagot na rin sa wakas ang mga may kasalanan. Pagod, gutom at pagkabalisa ang sabay na dinanas ng mga magsasaka na pinigil at kinulong sa kuwartel ng mga civilian guards sa Hacienda

kabanata 51-69

Embed Size (px)

DESCRIPTION

chapters

Citation preview

hsfac_svc

MGA IBONG MANDARAGIT (KABANATA 51-69)Higit na nakatutukso ang kagandahan ni Dolly mula nang siyay magbalik sa Maynila at muling sumikat sa mga kasayahan ng mataas na lipunan. Marami ang sa kanyay naiinggit. Subalit nagkakamali ang mga nag-aakalang lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Isang hindi niya maituring na kanya ay ang puso ni Mando. Inaamin ni Dolly na talagang masama ang tama niya kay Mando. Subalit sa pagbabalik nila sa Maynila ay halata ang tila panlalamig ng loob ni Mando sa kanya.Isang araw, pinuntahan ni Dolly sa Mando sa tanggapan ng Kampilan upang anyayahan sana itong mananghalian. Subalit ipinagpaliban ni Mando ang lakad nila ng dalaga dahil sa pagdating din ni Puri sa opisina upang ibalita ang nangyari tungkol sa kanyang ama at mga kasamahang magsasaka sa asyenda. Sa matinding galit ni Dolly ay pinagbuntunan niya ng sama ng loob si Puri. Nagkaroon ng mainitang pag-uusap ang dalawang babae kung saan lumabas ang magkaibang pananaw o paniniwala nila tungkol sa mga usapin ng edukasyon, pag-aasawa, pag-unlad ng sarili at kalagayan sa lipunan. Halos sisihin ni Dolly ang kanyang sarili kung bakit nakakatihan pa nya ng dila na kausapin si Puri. Sapagkat sa harapang iyon bagamat higit ang kaalaman at pinag-aralan ni Dolly kaysa kay Puri, lumabas na siya ang nahigitan ni Puri sa pangangatwiran. Maaaring hamakin niya si Puri sa kalagayan at kahirapan, subalit ang mga katwiran nitoy parang mga palasong tumutudla nang tuwid sa butas na pinatatamaan.Samantala, ibinalita ni Puri kina Mando ang nangyari sa asyenda-ang pagbibintang ni Pugot sa mga magsasaka sa sunog, ang di-makatarungang pagpigil at pagkulong sa mga ito. Ipinagbigay-alam din ni Mando kay Danoy na naiwan sa Maynila (kaya naligtas siya sa katampalasanan ni Pugot) ang mga nangyari. Ipinangako ni Mando kina Puri at Danoy na gagawin nila ang lahat upang maipagtanggol at mailigtas ang mga magsasaka. Bagamat may pag-aalinlangan si Danoy dahil ayon sa kanyay maraming batas tayong hamak na basang papel. Gayunmay buo pa rin ang tiwala ni Mando na nagbago na ang panahon at mapananagot na rin sa wakas ang mga may kasalanan.Pagod, gutom at pagkabalisa ang sabay na dinanas ng mga magsasaka na pinigil at kinulong sa kuwartel ng mga civilian guards sa Hacienda Montero. Naniniwala ang mga magsasaka na ang panggigipit na ito ay dahil sa miting sa Maynila. Malaki rin ang tiwala ni Tata Pastor na makakarating ang nangyari sa kanila kina Mando sa pamamagitan ng kanyang anak na si Puri.Kinagabihan ay palihim na isinama si Pastor ng mga guwardiya sa dulo ng kulungan kung saan siya pilit na pinaamin sa pakana ng panununog sa asyenda. Tinangka pa ng mga ito na suhulan si Pastor subalit naging matatag ang huli kaya kapalit nitoy ang pananakit sa kanya na ikinawalan pa nya ng malaytao. Labis na pagkaawa ang naramdaman ni Mang Tumas nang makita niya ang sinapit ng kasamahan. Samantala, ikinaligalig naman ng kanyang mga kapwa bilanggo ang misteryoso at biglang pagkawala ni Mang Tumas nang sumunod na araw.Agad na hinarap nina Mando ang mga kailangang hakbang upang matulungan ang mga magsasaka. Nagpulong sila upang pag-usapan ang dapat gawin sa harap ng umiinit nang kalagayan ng bayan. Pumutok din ang balitang pinatay si Mang Tumas at isa pang magbubukid. Lalong nagpatindi ito sa galit ng mga kasamahan.Nang sumapit ang panahon ng tag-init, isa sa mga unang umakyat sa Baguio ang pamilya Montero. Isang araw ay nag-anyaya si Montero ng mga kaibigang pokerista upang magsalo-salo sa isang hapunan. Ditoy tinalakay nila ang kapuna-punang pagbabago na ng takbo ng panahon at hindi na magaang sagkaan ang agos na makabansa. Naniniwala rin silang malaki ang nagagawa ng mga katulad nina Sen. Maliwanag at Mando sa pagpawi sa katangahan ng marami. Ramdam ng mga nasa poder na hindi na ganun kadali ang pagsasakatuparan ng kanilang mga plano kaya napagkaisahan nilang magtulungan at magkaisa upang makapagpatuloy sa kanilang mga ilegal na gawain.Isang umaga, matapos mag-almusal, kinausap ni Don Segundo ang anak na si Dolly tungkol sa kaibigan nitong si Mando. Naalala niya ang mungkahi ni Heneral Bayoneta na gamitin ni Dolly ang impluwensya nito sa binata bilang isang lunas sa kinakaharap na mga kagipitan ng kanilang korporasyon. Inanyayahan ni Dolly si Mando sa kanilang mansyon. Nagkataon namang nasa Baguio rin ang binata at si Magat para sa isang pagtitipon ng mga editor ng mga pahayagan sa buong bansa.Pinaunlakan ni Mando ang imbitasyon ni Dolly. Pumunta siya sa bahay ng mga Montero. Nagharap sila ni Don Segundo sa isang mainitang pag-uusap. Hinamon pa ng don si Mando na papayag siyang ibenta ang kanyang asyenda kung ang kapalit nitoy ang Kampilan ni Mando. Tinangka ng don na kunin ang loob ni Mando ngunit isang bagay lang ang natiyak ng dalawa. At itoy ang katotohanang kailanman ay hindi sila maaaring magkasundo. Itinuturing ni Don Segundo si Mando na lalaking biglang inilagay sa kanyang harapan upang maging malaking hadlang sa kanyang daraanan. Bago umalis ng bahay ng mga Montero ay ipinagtapat ni Mando kay Dolly na siya si Andoy na dati nilang utusan. Hindi makapaniwala si Dolly sa kanyang narinig. Masidhing kahihiyan, pagngingitngit at pagsisisi ang kanyang naramdaman.Hindi niya mapatatawad ang kanyang sarili at lalong hindi niya mapatatawad ang ahas na lubusang dumaya sa kanya.Samantala, inihatid na sa kanyang huling hantungan si Mang Tumas. Walang alinlangan si Danoy na si Kapitan Pugot ang may kagagawan ng pagtamplasan sa buhay ng matanda. Ipinangako ni Sen. Maliwanag na sisikapin niyang magkaroon ng kaganapan ang layunin at pagsisikap ni Mang Tumas na walang iba kundi ang maisalin ang pagmamay-ari ng asyenda kundi man sa mga kasalukuyang magsasaka ay sa isang korporasyong magpapairal ng tunay na hustisya sosyal. Ayon pa kay Danoy, di sapat ang ilaganap ang mga aral ni Mang Tumas, kundi ang mga salaring tumampalasan sa kanyay dapat magbayad sa madaling panahon. Ipinangako niyang di siya titigil kahit siyay mag-isa hanggang hindi sila nagbabayad.Halos hindi pa nagtatagal ang libing ni Mang Tumas ay dumanak na muli ang dugo sa hangganan ng asyenda. Dalawang civilian guards ni Pugot ang pinatay. Walang alinlangan si Pugot na ang pagpatay na ito ay may kaugnayan sa pagkasawi ni Mang Tumas. Pinairal ng MP ang curfew sa buong nasasaklaw ng ligalig. Isang hatinggabi, nagulantang ang dulung-baryo sa putok na walang tigil. Halos mag-uumaga na nang matigil. Kinabukasan, nasikatan ng araw ang mga bangkay ng mga lalaki, babae at bata at ang abot uling ng mga bahay na natupok. Hindi lingid sa mga magbubukid kung sino ang may pakana sa kasumpa-sumpang kahayupang naganap.Samantala, ipinatupad agad ni Mando ang kanyang balak na pagpapadala ng sipi ng Kampilan, nang gratis sa mga institusyon at kilusang bayan. Higit na naging matapang at masigasig ang Kampilan sa pagbatikos sa pagmamalabis at panghuhuthot, kasakiman at kapalaluan ng mga nasa poder. Naglathala siya ng isang mahabang white paper at tinukoy kung sino-sino at ano-ano ang biglaang iniyaman ng mga nasa listahan. Ang boses ng Kampilan ay nakarating sa lahat ng pook. Bunga nitoy nakatanggap si Mando ng mga banta sa kanyang buhay.Tuluyan na ngang inamin ni Mando kay Puri ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Samantalang si Puri namay nagpahiwatig na rin ng tila pagkahulog ng loob sa binata. Natiyak ng dalaga nang minsang magkaharap sila ni Mando na tanging siya lamang ang mahal nito.Bunga ng pagiging lalong palaban at matapang ng dyaryong Kampilan, nagkatotoo ang mga babala ng kanyang mga kaibigan kay Mando nang may magtangka sa kanyang buhay. Mabuti na lamang at naging alertot malakas ang pakiramdam ng binata kaya hindi nagtagumpay ang mga salarin. Nakaligtas si Mando sa kapinsalaan ng mga sugat, subalit kinailangang ipailalim pa rin siya sa isang operasyon. Sinuri ng mga kasama ni Mando ang nangyari sa kanya at tinukoy kung sino ang posibleng nasa likod ng bigong pagpatay sa binata. Kung sino-sino ang mga taong makikinabang kung mailigpit si Mando. Sa loob ng ilang araw pagkaraang mabalita ang nabigong pagpaslang kay Mando Plaridel ay halos nagkasabay-sabay ang pagkawala sa Maynila ng maliit na sirkulo ng malalaking maginoo. Si Sen Botin ay dagliang tumulak patungong ibang lupain. Si Gob. Doblado ay nagbakasyon naman sa Hongkong. Si Hen. Bayoneta ay biglang nagpasyang sumugod sa Kabisayaan at Mindanaw. Walang tiyak na balita kina Montero at Son Tua kung nagbiyahe o ano, subalit wala rin namang makapagsabi kung saan sila maaaring matagpuan ng mga may nais makipagkita. Lumilitaw na ang pangkat ng mga pribilehiyado ay waring binulabog ng nabigong pagtampalasan kay Mando. Marahil ay hindi sila maliligalig kung tuluyang nalagot ang binata at kung hindi nahuli ang mga humarang sa kanya.Samantala, isang hapon sa ospital, ipinasya na ni Mandong ipagtapat kay Puri ang kanyang tunay na pagkatao. Nagulat ang dalaga subalit natitiyak niya sa kanyang sarili na hindi siya magbabagong loob sa harap ng katotohanang nalaman niya. Naisip niya ang kanyang tatang. Nang mabatid naman ni Pastor ang totooy nagulat siyat ipinagpasalamat ang naging magandang kapalaran ng kanyang pamangkin. Hindi tumutol si Pastor nang malaman niya ang tungkol sa pag-iibigan nina Mando at Puri. Ipinagkaloob din ni Mando kay Puri ang makasaysayang agnos ni Maria Clara.Isang umaga, nagulat ang dalawang batang mangangahoy nang makita nila ang bangkay ng isang lalaking nakasabit sa isang matandang punungkahoy. Itoy walang iba kundi si Kapitan Pugot. Ibinalita ang tungkol dito sa Kampilan kasama ang iba pang may kinalaman sa mga nasa poder. Mabibigat ang paratang sa mga pinuno ng sindikato. Si Montero sa pakanang pagpatay kay Mando. Kadawit niya rito si Pugot at ang mga humarang kay Mando na pumayag na maging testigo. Si Son Tua sa mga labag na operasyon ng sarisaring bisyo. Isang gabi, hinarang ang kanyang sasakyan ng isang pangkat ng mga sandatahan. Dinukot ang Intsik ngunit pinalaya ang kanyang tsuper. Pagkaraan naman ng ilang araw, napabalita ang pagkakasakit ni Don Segundo na inatake ng paralisis. Ayon sa pagsusuri ng mga doktor gumaling man ang don ay wala nang silbi.Samantala, hindi nga nagpanumbalik ng katahimikan ang pagkapatay kay Kap. Pugot dahil naniniwala ang mga humihingi ng katarungan na si Pugot ay kasangkapan lamang ng kasakiman at kawalang-budhi ng may-ari. Nagsanib ng lakas ang mga magbubukid at taonglabas at sinakop nila ang asyenda.Makalipas lamang ang ilang araw, inanyayahan ng Presidente sa kanyang tanggapan para sa isang komperensya sina Mando, Sen. Maliwanag at Dr. Sabio na binansagang mga pasimunong radikal. Sa naturang pulong ay nagbabala ang pangulo na kung hindi raw siya tutulungan ay baka mangyari ang hindi niya gustong mangyari. Naghanda ng kasulatan sina Mando na naglalaman ng kanilang mga mungkahing solusyon sa problema. Tinanggap ng pangulo ang ilan subalit minasama ang iba. At sa huliy hinamon niya ang tatlo na kung hindi makikipagtulungan ang tatlo ay maaaring dumanak ang dugo.Halos nang mga sandali ring yaon, sa Hacienda Montero at sa mga baryo ay pulu-pulutong ang mga magsasaka na pawang balisa. Dumating si Rubio sa asyenda na nagbalitang nakahanda ang mga manggagawa sa Maynila na tulungan ang mga magsasaka. Sa harapan ng asyenda, sinunog ng mga magsasaka sa pangunguna ni Tata Pastor ang mga mukha ng pigurin nina Don Segundo, Gob. Doblado at Hen. Bayoneta. Nang biglang dumating ang mga sundalot civilian guards at nagpaulan ng bala sa mga magsasaka. Marami ang nawalan ng buhay sa pangyayari kung saan isa sa mga ito si Tata Pastor.Kinagabihan, sa isang lihim na pook sa labas ng lungsod, inumaga sa pagpapanayam sina Mando, Magat, Rubio at Danoy. Bago sila naghiwa-hiwalay ay ipinahayag ni Mando Plaridel: Ibubuhos natin ang ating buong kakayahan at gagawin ang lahat ng magagawa upang ang ating bansay maging tunay na malayat nagsasarili, at ang mga mamamayang Pilipinoy siyang maging tahas na panginoon sa kanilang lupain. Makatarungang demokrasya; pagkakapantay-pantay sa batas at pagkakataon sa buhay. Ito ang ating panata at hantungan kasakdalang tayoy magbuwis ng ating buhay.W A K A S