Text of 3 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN
3
B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e
m
D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N
Basic Literacy Learning Material
Ang Tubig ay Buhay
DEPARTMENT OF EDUCATION
Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto,
Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang
bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan
o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa
organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala.
Inilathala sa Pilipinas ng:
Department of Education
Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189
i
Isa sa mahahalagang yaman ng kalikasan ang tubig. Pangunahing
pangangailangan
natin ito.
Iba-iba ang pinagkukunan natin nito. Iba-iba rin ang pakinabang
natin dito. Kung
gagamitin ito bilang inumin, dapat alamin kung saan ito kinuha.
Dapat alam din natin
kung ang pinagkukunan ay ligtas, malinis at hindi magdudulot ng
karamdaman.
Ginawa ang modyul na ito upang lubos na maunawaan ang iba’t
ibang
pinagkukunan ng tubig, ang kahalagahan nito sa atin, at ang mga
paraang magagawa
upang maging ligtas ito sa anumang gamit. Laging tandaan, ang TUBIG
AY BUHAY.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin.
Aralin 1 - Tubig, Saan Ka Nagmula… Ano ang Gamit Mo?
Aralin 2 - Tubig na Gamit Ko, Ligtas ba Ako?
ii
Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?
Matapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo na
ang
sumusunod:
• nailalarawan ang malinis at ligtas na tubig
• naisusulat nang wasto ang mga salita, parirala at pangungusap
tungkol sa
pinagkukunan ng tubig at wastong gamit nito
• naipaliliwanag ang mga wastong paraan ng paghahanda upang maging
ligtas at malinis ang inuming tubig
• napagsusunod-sunod ang mga dapat gawin ayon sa nabasa
• nakalulutas ng mga suliraning pambilang na may 1 hanggang 2
didyit
(tambilang) kaugnay ng paksa at
• natutukoy ang lokal na ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa
tubig
na ginagamit ng mga mamamayan.
iii
Ano-ano na ang alam mo?
Bago mo simulang pag-aralan ang modyul na ito, tiyakin mo kung ano
na ang iyong
nalalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin sa modyul na
ito.
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang T sa patlang kung
ang
pangungusap ay TAMA at M kung ang pangungusap ay MALI.
______1. Ang tubig ay isang likas-yaman.
______2. Ang tubig sa bukal ay isang halimbawa ng
tubig-tabang.
______3. Ang tubig ay ligtas gamitin saan man ito nanggaling.
______4. Maaaring mabuhay ang tao kahit hindi uminom ng tubig sa
loob ng
4 na araw.
______5. Ang pagtatae ay maaaring dulot ng maruming tubig.
Kung lahat ng mga sagot mo ay tama, magaling! Maaari mong basahin
ang
modyul upang magbalik-aral. Kung mayroon kang mga mali, ang modyul
na ito ay
para sa iyo. Kung pag-aaralan mong mabuti ito, malalaman mo ang
marami pang
bagay!
Tutulungan ka ng iyong Tagapangasiwa na maunawaan ang mga
mahahalagang
kaisipan na magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay tungkol sa
kahalagahan ng
tubig. Handa ka na ba?
1
Tubig, Saan Ka Nagmula… Ano ang Gamit Mo?
Maraming kaloob na yaman ang ating kalikasan. Isa sa mga ito ang
tubig. Ginagamit
natin ito sa pagluluto, paglilinis ng katawan at paglilinis ng
tahanan. Kailangan din ito ng
mga hayop at halaman.
Maraming pinagkukunan ng tubig. Maaaring galing sa bukal, ilog,
balon, at poso.
Tubig na ginagamit sa kabisera at lungsod ay idinadaan sa sistemang
“water treatment”
para matiyak na ligtas ang tubig na ginagamit.
Matapos pag-aralan ang araling ito, maisasagawa mo na ang
sumusunod:
1. natutukoy ang mga gamit ng tubig ayon sa pinanggalingan nito
at
2. naisusulat nang wasto ang mga salita, parirala at pangungusap
tungkol sa
pinagkukunang-tubig at wastong gamit nito
2
Subukin Natin
Tingnan ang mga larawan. Ang mga ito ang karaniwang pinagkukunan
natin ng
tubig. Maaari mo bang tukuyin kung ano-ano ito? Buuin ang mga
salita sa bawat
larawan. Piliin ang sagot at isulat sa sagutang papel.
ulan bukal poso balon ilog gripo
1. ________o 2. _______o 3. _________n
4. ________g 5. ________l 6. _________n
3
Agrikultura. Kaya po kami pumunta rito
ay dahil nabalitaan namin na
nagkukulang daw kayo sa tubig.
Dumating sa Barangay Matigang ang isang opisyal ng
Kagawaran ng Agrikultura na namamahala sa tubig.
Alam ba ninyo na
tabang ay maaaring
lawa ay ginagamit
galing sa ilalim ng
lebel ng tubig sa imbakan ang
bumababa dahil walang ulan.
ng mamamayan.
tubig-tabang pala sa ilalim
iba’t ibang paraan.
tubig-tabang mula sa ilalim ng
lupa. Ang mahabang tubo ang
nagsisilbing daluyan ng tubig
Subukin Natin
Piliin sa kahon kung ano ang tinutukoy ng mga pangungusap at isulat
sa sagutang
papel ang sagot.
ilog gripo bukal poso balon
__________1. Sa pamamagitan nito, makukuha mo ang tubig na
nanggagaling sa
ilalim ng lupa.
__________2. Kadalasan matatagpuan ito sa bundok at makahoy na
lugar.
__________3. May halong kemikal o “chlorine” ang tubig na dumadaloy
rito.
__________4. Ito ay malaki at malalim na butas sa lupa na
napagkukunan ng tubig.
8
Gawin Natin
Nalaman mo na ang mga pinagkukunan-tubig ng baryo at kakayanan.
Lagyan
ng tsek (üüüüü) ang katapat na pinagkukunan ng tubig.
Ilarawan sa talahanayan ang pinagkukunan ng tubig sa baryo at
kabayanan.
Pinagkukunan ng tubig Baryo Kabayanan
gripo
balon
poso
bukal
ilog
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Alin sa mga pinagmulan ng tubig ang maaaring inumin? Alin ang
hindi?
2. Alin sa mga ito ang maaaring gamitin sa mga pananim?
3. Paano nagiging ligtas gamitin ang tubig?
9
Pag-usapan Natin
Bahagi ng pamumuhay ng tao ang tubig. Ito ay napakikinabangan sa
iba’t ibang
paraan.
10
11
Subukin Natin
Buuin ang talata. Punan ang patlang ng tamang salita. Sipiin sa
sagutang papel
ang nabuong talata.
Tubig ay Mahalaga
Ang (2) tiyak laging kaagapay (tubig, ulan)
Umaga, tanghali, hapon at gabi man
Ito ay (3) , ninuman. (yaman, kaaway)
Ang lahat ng tubig ay (4) mo (nabubungkal, nakukuha)
Sa poso, sa balon o kaya’y sa (5) , (ulap, gripo)
Gayundin sa ilog, talon at bukal man
Maging sa (6) na sinahod sa “drum”. (ilog, tubig-ulan)
Bawat bagay na may buhay, may (7) sa tubig (pakinabang,
mamatay)
Ito’y (8) mainit man o malamig (itinatapon, iniinom)
Ginagamit sa paliligo at paglilinis ng katawan
Pagluluto ng pagkain, (9) sa tahanan. (pagkalat, paglilinis)
Ang tubig ay mahalaga sa (10) o halaman (hayop, halaman)
Upang (11) at maging malusog (mabuhay, mamatay)
Kung wala itong tubig, paano na kaya?
(12) natin ay mauuwi sa wala. (Buhay, Yaman)
12
Tandaan Natin
Napakahalaga ng tubig sa buhay natin. Ito ay maraming pakinabang.
Nakukuha
natin ito sa iba’t ibang paraan.
Sa araling ito, natutuhan mo ang sumusunod:
• Ang tubig ay isa sa mga likas-yaman.
• May dalawang uri ng tubig – tubig-tabang at tubig-alat.
• Ang tubig-tabang ay tubig na galing sa bukal, balon, ilog at
talon.
• Ang tubig-alat ay tubig na galing sa dagat.
• Ang tubig ay pinakikinabangan ng mga tao, hayop at halaman.
• Maraming pakinabang ang tubig. Ito’y nagsisilbing:
o inumin ng mga tao at hayop
o pandilig sa mga halaman at pananim
o ginagamit sa paglilinis ng katawan at tahanan
o ginagamit sa pagluluto
o ginagamit din ang tubig para lumamig ang sasakyan o
makinang
kiskisan
13
Alamin natin ang iyong natutuhan
A. Sabihin kung Tama o Mali ang bawat pangungusap. Isulat ang T
kung TAMA at
M kung MALI. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______1. Ginagawang inumin ng tao ang tubig-tabang.
______2. Ang tubig na nanggagaling sa bukal ay puro at
dalisay.
______3. Ang ginagamit sa paglilinis ng katawan ay
tubig-tabang.
______4. Ang poso ay daluyan ng tubig galing sa ilalim ng
lupa.
______5. Mas ligtas inumin ang tubig sa poso kaysa tubig sa
gripo.
______6. Ang lahat ng inumin ay dapat dumaan sa “water
treatment.”
B. Pagdugtungin ang mga parirala sa Hanay A at Hanay B upang mabuo
nang wasto
ang mga pangungusap.
A B
1. Si Gabriel ay madalas mangisda ng poso para sa Barangay.
2. Nagpatayo si Kapitan Paner sa ilalim ng lupa.
3. Nanggagaling sa La Mesa Dam ang tubig sa bukal.
4. Matatagpuan ang tubig-tabang sa ilog.
5. Napawi ang uhaw ng mga manlalakbay ang tubig sa
Kamaynilaan.
matapos nilang matagpuan
Tubig na Gamit Ko, Ligtas ba Ako?
Mahalaga ang tubig sa bawat gawain, maging sa bahay ito o sa mga
pabrika at
opisina. Dahil dito kailangang ingatan at hindi abusuhin ang
paggamit nito.
Sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pabrika sa bansa, maaaring
magkaroon
ng polusyon sa tubig na nagiging dahilan ng pagkakasakit ng mga
tao.
Iba’t ibang uri ng sakit ang dulot ng polusyon sa tubig. Mahalagang
malaman ang
mga ito upang tayo ay makapag-ingat at mapanatiling ligtas ang
ating kalusugan.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo na ang
sumusunod:
• naipaliliwanag ang mga wastong paraan ng paghahanda ng ligtas
na
inuming tubig
• napagsusunod-sunod ang mga dapat gawin ayon sa nabasa
• nakalulutas ng mga suliraning may kaugnayan sa bilang at oras na
may 1
hanggang 2 tambilang at
• natutukoy ang mga lokal na ahensya ng gobyerno na nangangalaga
sa
pinagkukunang tubig ng mamamayan
Pag-aralan Natin
Pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga kasunod na
tanong.
1. Ano ang masasabi mo sa kapaligirang kanilang tinitirhan?
2. Paano kaya makaaapekto ang kanilang tubig na ginagamit sa
ganitong uri
ng kapaligiran?
3. Ano sa palagay mo ang posibleng epekto nito sa kalusugan ng
tao?
16
Ano ang Dahilan?
sa paglalaro, uhaw na oras . . .
uhaw na umuwi si Alex.
Ininom niya ang tubig sa
pitsel na kinuha sa poso.
Aray ko po.
Napaka- sakit po ng
nararamdaman
niya?
Ipainom mo ito sa kanya, tatlong beses isang araw. Painumin
mo rin siya ng sampung basong tubig araw-araw.
Opo, Dok.
pumupunta sa Center
pinatingnan ko siya sa
doktor sa Health Center.
mga kabaryo nating naroon.
maruming paligid.
Alamin Natin
Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang inuming-tubig. Dahil iba’t iba
ang ating
pinagkukunan, mahalagang siguraduhing malinis at ligtas ito.
1. Sa tubig na galing sa poso o gripo, maglagay ng pansala o
malinis na katsa sa
daluyan ng tubig.
2. Gawin ang alin man sa sumusunod.
Magpakulo ng tubig sa Lagyan ng gamot na iminungkahi ng doktor
o
loob ng 15 minuto sanitary engines ang tubig na gagamitin.
20
Subukin Natin
A. Basahin ang talata. Salungguhitan ang mga salitang nagpapahayag
ng oras. Bilugan
ang mga salitang nagsasabi ng lugar. Kahunan ang mga salitang
tumutukoy sa
pangalan ng tao.
Alas-diyes na nang dumating sina Aling Deling at Alex sa
Baranggay
Health Center. Maraming tao silang nadatnan at karamihan ay
pananakit din ng tiyan at pagtatae ang nararamdaman. Sinabi
ni
Dr. Navarro na maruming tubig ang sanhi ng pagkakasakit ng
mga taga-Baligang.
B. Lutasin ang sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Walong litro ng tubig ang dala ni Mang Rudy habang si Arnel
naman ay
dalawang litro. Ilang litrong tubig lahat ang dala ng dalawa?
a. 12 c. 8
b. 10 d. 6
2. Ilang chlorine tablet ang ihahalo sa 3 litrong tubig?
a. 5 c. 3
b. 4 d. 2
3. Ilang galong tubig ang maaaring haluan ng 4 na tableta ng
disinfectant tablet
(12.5 mg.)?
a. 4 c. 6
b. 5 d. 7
4. Ilang baso ng tubig ang 4 na litro kung ang isang litro ay
katumbas ng 4 na
baso?
a. 10 c. 14
b. 12 d. 16
5. Kung ang 17 mg. ng chlorine tablet ay katumbas ng 1 tableta,
ilang tableta
ang katumbas ng 51 mg.?
a. 5 c. 3
b. 4 d. 2
Tandaan: Isang (1) tableta ng chlorine tablet ang ihahalo sa isang
(1) litrong
tubig.
Isang (1) tableta ng disinfectant ang ihahalo sa isang (1)
galong
tubig.
22
Gawin ang sumusunod:
1. Maglagay ng tubig o water samples sa baso galing sa poso, gripo,
ilog at bukal.
2. Lagyan ang bawat baso ng markang A (poso), B (gripo), C (ilog),
D (bukal).
3. Hayaan ito sa baso nang may 30 minuto.
23
4. Paghambingin ang mga ito.
5. Gumawa ng tsart at itala ang iyong mga nakita. Lagyan ng tsek
(√) ang hanay
na tumutukoy sa katangian nito.
Obserbasyon
May butil-
2. Masasabi ba nating malinis ang malinaw na tubig? Bakit?
3. Ano ang ibig sabihin ng malinis na tubig?
4. Aling tubig sa baso ang iyong inumin?
5. Paano matitiyak ng mga taga-baryo na malinis ang tubig na
iinumin?
25
Tandaan Natin
• Maraming paraan ang maaaring gawin upang maging ligtas ang
inuming tubig.
– Paglalagay ng malinis na salaan o katsa sa daluyan ng tubig
– Pagpapakulo ng tubig sa loob ng 15 minuto
– Paglalagay ng 17 mg tableta ng chlorine tablet sa 1 litrong
tubig
– Paglalagay ng 12.5 mg tableta ng disinfectant tablets sa 1 galong
tubig
• Ang diarrhea o pagtatae ay sakit sa panunaw na dala ng mikrobyo
sa
maruming pagkain at tubig.
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga ito ang pinakaligtas pagkunan ng inuming-tubig?
Ipaliwanag.
a. tubig na galing sa balon c. tubig na galing sa gripo
b. tubig na galing sa bukal d. tubig na pinakuluan
26
a. 10 minuto c. 15 minuto
b. 20 minuto d. 25 minuto
3. Ilang tableta ng chlorine tablet ang kailangan sa 10 litrong
tubig?
a. 10 c. 15
b. 16 d. 17
4. Ilang galong tubig ang maaaring paglagyan ng 16 mg tabletas ng
disinfectant
tablet?
a. 16 c. 18
b. 17 d. 19
5. Maysakit ang anak ni Ginang Mores, saan kaya siya maaaring
pumunta?
a. sa Kapitan ng Baranggay c. sa albularyo
b. sa Baranggay Health Center d. sa kapitbahay
Cover & copyright
Title Page