B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N 2 Basic Literacy Learning Material
Text of 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN
B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l
B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e
m
D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N
2 Basic Literacy Learning Material
Yamang-tubig: Ingatan at Pagyamanin
DEPARTMENT OF EDUCATION
Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto,
Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang
bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan
o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa
organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala.
Inilathala sa Pilipinas ng:
Department of Education
Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189
i
Tungkol saan ang modyul na ito?
Ang tatlong-kapat o ¾ ng mundo ay binubuo ng tubig. Ito ay isa sa
mga likas na
yaman na napakahalaga sa mga tao, hayop at halaman. Ito ay gamit ng
tao sa araw-
araw na pamumuhay. Ito rin ay nagsisilbing tahanan ng mga isda at
iba pang mga lamang-
dagat.
Naiisip mo ba ang maaaring mangyari kung walang tubig? Ano kaya ang
mangyayari
sa atin, sa mga hayop at pananim?
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga pakinabang na nakukuha sa
yamang-
tubig maging ito ay sa ilog, lawa at dagat. Subalit ang paggamit
nito ay may kaugnay na
tungkulin na ito’y pangalagaan at panatilihing
kapaki-pakinabang.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
Aralin 1 - Bigay na Yaman, Maraming Pakinabang
Aralin 2 - Polusyon . . . Pigilin, Sigla’y Pabalikin!
ii
Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo na ang
sumusunod:
• naipahahayag nang maikli subalit malaman, kumpleto at orihinal
ang mga
mensahe tungkol sa isang palathala ukol sa pangangalaga sa
yamang-
tubig;
tubig; at
iii
Ano-ano na ang alam mo?
Bilang paghahanda sa araling ito, subukin mong sagutin ang
sumusunod. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel.
tubig isda dinamita kemikal
1. May malawak na baybayin at pansariling ____________ang
Pilipinas.
2. Ang yamang-tubig ng Pilipinas ay binubuo ng mga __________,
koral, halamang dagat at iba pang pagkaing-dagat.
3. Sa paglaki ng __________, naaabuso ang ating likas na
yaman.
4. Nadadala sa _____________ ang mga basurang itinapon sa
dagat.
5. Ang paggamit ng ____________ sa panghuhuli ng isda ay nakasisira
ng koral at iba pang yamang-dagat.
6. Ipinagbabawal sa mga mangingisda ang paggamit ng
____________.
7. Ang mga gulong ng sasakyan ay ginagawang ____________ ng mga
isda.
iv
Kung lahat ng sagot mo ay tama, magaling! Maaari mong basahin ang
modyul
upang magbalik-aral. Kung mayroon kang mga mali, ang modyul na ito
ay para sa iyo.
Kung pag-aaralan mong mabuti ito, madaragdagan pa ang iyong
kaalaman!
Tutulungan ka ng iyong tagapatnubay na maunawaan ang mahahalagang
kaisipan
na magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay. Handa ka na ba?
1
Bigay na Yaman, Maraming Pakinabang
Ang tubig ay isang likas na yaman na marami ang pakinabang.
Pinagkukunan natin
ito ng pagkain at iba pang mga produktong ginagamit.
Sa araling ito, malalaman mo na marami tayong pakinabang na
nakukuha sa mga
yamang-tubig.
Pagkatapos mong basahin ang araling ito, inaasahan na magagawa mo
na ang
sumusunod:
• naisusulat nang tama at maayos ang mga payak na salita na
naglalarawan
ayon sa nakita; at
2
Pag-usapan Natin
Ang Pilipinas ay napaliligiran ng tubig, kaya tayo ay sagana sa
sariwang isda at yamang-
dagat. Subalit sa paglaki ng populasyon at patuloy na pag-unlad ng
industriya at kalakalan,
hindi maiwasan na ang ating yamang-tubig ay maabuso.
Kausapin mo ang mga nakatatanda sa inyong baranggay. Itanong mo
kung ano
ang pagkakaiba ng yamang-tubig sa inyong pamayanan noon at ngayon.
Isulat ang
wastong salita na naglalarawan sa kanilang mga obserbasyon.
Mga Obserbasyon sa Pamayanan
Noon Ngayon
May pagkakaiba ba? Kung mayroon, ituloy mo ang pagbasa ng araling
ito upang
lalo mong mapahalagahan ang ating yamang-tubig.
3
Habitat ang tawag sa tirahan ng mga hayop.
Sa ilog at lawa nakatira ang mga Sa karagatan naman nakatira ang
mga
buwaya, palaka, ahas at isda. pugita at iba pang isda, tulad ng
pating,
balyena at tuna. Dito rin matatagpuan
ang mga lamang-dagat tulad
ng kabibe at halamang-dagat.
4
Makapagbibigay ka ba ng iba pang mga halimbawa ng mga nakatira sa
tubig?
Tinatawag natin itong mga yamang-tubig dahil ito ang nagbibigay sa
atin ng pagkain
at iba’t ibang bagay para sa pangangalakal.
5
Pag-usapan Natin
Malaki ang pakinabang natin sa mga hayop at lamang-dagat. Ito ay
nakatutulong
sa tao sa maraming paraan. Napagkukunan ang mga ito ng iba’t ibang
uri ng pagkain at
iba’t ibang klase ng produkto na maaaring ipagbili.
Ang mga isda, seaweeds o halamang Ang pinatuyong balat ng
buwaya
dagat, tahong at hipon ay nagsisilbing at ahas ay ginagawa namang
bag,
pagkain upang tayo ay maging sapatos, pitaka at jacket.
malusog at malakas.
6
Ang pating at balyena ay pinagku- Ang mga perlas na nakukuha sa
kabibe
kunan natin ng mahahalagang ay ginagawang hikaw at iba pang
uri
sangkap sa paggawa ng gamot, ng mga alahas. Ang mga kabibe
naman
bitamina, at sabon. Nakatutulong ay ginagawang kagamitan sa
bahay,
ang mga ito sa pangangalaga katulad ng “lampshade”
ng kalusugan ng tao. at “picture frame.”
7
Subukin Natin
Natutukoy mo na ba kung saan nanggaling ang ilan sa
pinakikinabangan mong
bagay sa araw-araw?
Isulat sa sagutang papel ang salita sa Hanay B na tumutukoy sa
yamang-tubig na
pinanggagalingan ng mga produkto na nasa Hanay A.
Hanay A Hanay B
5. liver oil - gata pating niyog
8
Polusyon . . . Pigilin, Sigla’y Pabalikin!
Sa paglaki ng populasyon at pagdami ng sari-saring industriya sa
bansa, hindi maiwasan
na magkaroon ng polusyon. Nagiging dahilan ito ng unti-unting
pagkaubos ng mga
yamang-tubig.
Ano kaya ang mangyayari sa tao kung tuluyan nang mapabayaan ang
yamang-
tubig? Maaari pa bang mapigilan ang polusyon sa tubig?
Marahil sa ngayon ay napakikinabangan mo pa ang mga yamang-tubig.
Ngunit sa
paglipas ng panahon, baka wala nang makitang yamang-tubig ang
susunod na
henerasyon.
Basahin ang araling ito upang malaman mo ang sanhi ng polusyon sa
yamang-tubig
at ano ang maaaring gawin upang mapigil ito.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, maisasagawa mo na
ang
sumusunod:
• nailalarawan ang mga gawain ng tao na nakapipinsala sa likas na
yamang-
tubig; at
• naipakikita ang pagpapahalaga at pag-aalaga sa mga likas na
yamang-
tubig.
9
Pagtagas ng langis (oil
spill) mula sa mga
10
Pagtatapon ng mga basura sa dagat Pagdaloy ng dumi ng mga
alagang hayop gaya ng baboy.
11
Subukin Natin
May mga gawaing maaaring nakatutulong o nakasisira sa ating
yamang-tubig. Lagyan
ng tsek (ü) ang nakangiting mukha kung nakatutulong at ekis ang
nakasimangot na
mukha (LLLLLû) kung nakasisira sa yamang-tubig.
LLLLL 1. Itinapon ni Berto ang styropor at lalagyang plastik sa
tabi ng ilog.
LLLLL 2. Pinuputol ni Mang Narding ang mga bakawan upang
gawing panggatong.
LLLLL 3. Ang Department of Environment and Natural Resources o
DENR
ay naglagay ng mga goma sa ilalim ng dagat upang maging
tirahan ng mga isda.
LLLLL 4. Ibinalik ni Mang Rene sa dagat ang nahuling maliliit na
isda.
LLLLL 5. Gumagamit si Edmun ng dinamita para makahuli ng maraming
isda.
LLLLL 6. Naglagay ng palutang at harang ang may-ari ng cargo
ship
upang hindi kumalat ang langis na tumatagas sa dagat.
LLLLL 7. Ang muro-ami ay isang paraan ng pagkuha ng mga koral
sa
ilalim ng dagat upang ibenta sa mangangalakal.
LLLLL 8. Ang ilog ay ginagawang palikuran ng ibang mamamayan.
12
Gawin Natin
Upang mapahalagahan ang tubig at mga nakatira rito, gumawa ng
sariling pag-
aaral.
Pamamaraan:
1. Lagyan ng tubig ang bawat 2. Lagyan ng marka ng A ang
isang
garapon. garapon at B ang isa pa.
13
4. Lagyan ang garapon B ng tinunaw na sabong panlaba.
5. Pagmasdan kung ano ang mangyayari sa isda sa garapon A at B
pagkalipas
ng isang araw.
Sagutin:
1. Ano na ang kalagayan o kondisyon ng mga isda sa garapon A at
B?
2. Ano sa palagay mo ang dahilan ng magkaibang kondisyon ng mga
isda?
14
paraan upang maisagawa ito kahit sa maliit na paraan.
Basahin nang patula ang sumusunod: Alamin ang mensaheng ibinibigay
nito.
Ang tubig na pinaglabahan, Siguraduhing gripo ay isara,
itabi muna at gamitin sa palikuran. kapag paggamit sa tubig ay
tapos na.
15
Ang dram na may tubig-ulan, Basong may tubig na iyong
ininuman,
bakit di gamitin sa paglilinis ng tahanan? takpan, itabi, at saka
balikan.
Sa paghuhugas ng pinagkainan, May butas o tagas na tubo
gumamit ng planggana upang tubig ng tubig sa daan,
ay di maaksaya. kaagad itawag sa kinauukulan.
16
Basurang natitipon sa bahay, Pag may nakita kang di
kanais-nais,
Huwag itapon kung saan-saan Na ginagawa sa ating yamang-tubig
Kunin at linisin pwede pang pakinabangan Huwag mag-atubili,
magsumbong sa pulis
Ilagay ang di na pwede sa tamang tapunan. Upang mga isda’y di
maghinagpis.
Kaakit-akit man perlas, kabibe, at koral, Ang kumita ng pera sa
tao’y mahalaga,
Huwag mo nang pagbalakang Basta’t walang inaabuso o
sinasamantala
dagitin sa karagatan Yamang iyong kinuha dapat na may kapalit
Susunod na henerasyon, Upang hindi maubos
wala nang masisilayan. isdang maliliit, sa tubig ibalik.
17
Subukin Natin
Piliin ang larawan sa Hanay B na maaaring maging solusyon sa
problema sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
Pagtatapon ng Pagsasaayos ng tubo
basura sa ilog ng tubig
Paggamit ng mga Pagbubukod-bukod
na nakapipinsala at di pakikinabangang
sa tubig basura at paglalagay sa
tamang lalagyan
(oil spill) sa karagatan na aprubado ng DENR
Tumatagas na Paglalagay ng harang
tubo ng tubig na palutang sa paligid
ng natapong petrolyo
1. Ang Pilipinas ay napaliligiran ng tubig.
2. Ang tirahan ng mga isda ay ang ilog, lawa, dagat, at
karagatan.
3. Ang mga yamang-tubig ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga isda,
kabibe at
mga halamang-dagat.
4. Ang mga sanhi ng polusyon sa tubig ay ang paglaki ng populasyon,
pagdami
ng industriya at kalakal at kapabayaan ng mga tao na dapat
nangangalaga
nito.
5. Maraming produktong nakukuha mula sa tubig.
6. Ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng unti-unting pagkaubos ng
isda, at
lamang-dagat.
7. Ang mga tao na rin ang may kakayahan upang mapanatili ang
kalinisan ng
tubig at buhay na nakatira rito.
19
Alamin natin ang iyong natutuhan
A. Tukuyin kung anong produkto ang pinanggalingan ng sumusunod.
Piliin sa loob ng
kahon ang sagot at isulat sa sagutang papel.
pating isda perlas kabibe buwaya pugita
1. Masarap isuot ang na gawa sa balat ng .
2. Ang mga sa sakit na ating iniinom ay galing sa taba ng .
3. Magandang kalakal ang na gawa mula sa .
20
4. Ang mga palamuti sa katawan tulad ng ay gawa sa tunay
na .
5. Ang tinta sa ay may sangkap na galing sa __________.
6. Ang mga ___________ gaya ng bangus at salmon ay karaniwang
ginagawang .
B. Isulat sa sagutang papel ang maaari mong gawin sa pangangalaga
at
pagpapahalaga sa mga yamang-tubig.
Ano-ano ang natutuhan mo?
A. Ipagpalagay mo na ikaw ang kausap ng taong nasa ibaba. Punan ng
wastong
pahayag ang mga lobo ayon sa hinihinging impormasyon o reaksyon ng
kausap mo.
Naku, narinig
maghapon sa pilahan!
Sa modyul na ito, natutuhan mo ang sumusunod:
Ang mga ilog, dagat at karagatan ay tirahan habitat ng mga isda,
pugita,
pating, kabibe, itik, buwaya, koral at iba pang yamang-dagat.
- Ang ilog at lawa ay tirahan ng mga isda, buwaya at palaka.
- Ang karagatan ay tirahan din ng mga isda. May malalaki at
maliliit.
Matatagpuan dito ang iba pang yamang-dagat katulad ng perlas,
korales, kabibe at halamang-dagat.
Maraming produkto ang magagawa mula sa mga yamang-dagat:
- Ang mga isda, maliliit man o malalaki ay hinuhuli upang gawing
pagkain.
- Ang mga perlas ay ginagawang alahas at palamuti sa katawan.
- Ang mga kabibe ay ginagawang palamuti o kasangkapan.
- Ang mga taba na galing sa malalaking isda ay ginagamit na sangkap
sa
paggawa ng gamot.
- Ang mga balat ng buwaya at isda ay ginagawang sapatos, bag,
pitaka,
jacket at iba pang kasuotan.
Ang polusyon sa tubig ay dulot ng kapabayaan at di pagpapahalaga ng
tao
sa kalikasan. Ito ay sanhi ng:
- pagtatapon ng mga basura sa ilog at karagatan
23
- paggamit ng mga kemikal at lason sa pangingisda
- paggamit ng mga sabong panlaba at panlinis na nakasisira sa
tubig
- paggamit ng dinamita sa pangingisda
- pagputol ng bakawan o “mangroves” at pagkuha ng mga koral
- pag-agos sa mga ilog ng mga likido na galing sa mga pabrika
- langis na natatapon mula sa mga barko
Maraming paraan upang maiwasan at masugpo ang polusyon sa
tubig:
- Maglagay ng mga goma sa ilalim ng dagat upang magsilbing
kanlungan ng mga isda.
- Magtanim ng maraming bakawan sa baybayin.
- Ipaalam sa kinauukulan ang hindi kanais-nais na gawain na
nakasisira sa
yamang-tubig.
- Gamiting muli o i -recycle ang mga basurang maaari pang
pakinabangan.
Bawat isa sa atin ay dapat matutong magtipid ng tubig.
24
1. dalampasigan
2. isda
3. populasyon
4. tubig
5. kemikal
6. dinamita
7. kanlungan
A. 1. buwaya
Iiwasan ko na ang pagtatapon ng
basura sa ilog at dagat. Sasabihan ko rin
ang ibang tao na huwag gumamit ng
dinamita sa panghuhuli ng isda o anumang
bagay na makaaapekto sa mga yamang-
tubig.
25
ilog natin. Daming
naglutang na basura.
Paalaala sa Facilitator o Tagapatnubay:
Ang sagot dito ay depende sa pananaw ng
mga mag-aaral, gayundin sa uri at sitwasyon
ng tinitirhan nila.
maghapon sa pilahan!
Maaaring ganito o