5
Kabanata 31 Ang Mataas na Kawani

Kabanata 31

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata 31

Kabanata 31

“ Ang Mataas na Kawani”

Allyanna Mae J. Agustin

Page 2: Kabanata 31

Mga Talasalitaan

1. peryodiko – pahayagan; diyaryo o magasin2. opereta - ay isang dyanra ng magaang

opera,magaan sa mga tuntunin ng parehong musika at mga paksa. Ito rin ay may malapit na kaugnayan, sa Ingles-wika na mga gawa, sa mga porma ng pangmusikang teatro

3. kimi – pagkamahiyain4. mandarambong – tulisan; bandido 5. bulaan – sinungaling6. madrasta – inain7. mapaniil - mapang-api; malupit8. taliwas – hindi mahalaga9. polyeto - munting aklat o pamplet

10. bangkete - kainan; salu-salo

Mga Tauhan

Ben Zayb – peryodistang waring nahabag kang Padre Camorra

Kapitan Heneral – kunwa’y ginagawa ang lahat sa kapanan ng mga Indio, ngunit ang totoo’y kapakanan ng mga Espanyol ng mahalaga sa kanya

Mataas na Kawani – isang Espanyol na ang hangad ay katarungan para sa lahat, maging Indio man o Espanyol.

Basilio – mabait na estudyante; siya lang ang naiwan sa kulungan at napagbintangan nagtatago ng ipinagbabawal na aklat

Padre Camorra – Kura ng Tiani na ipinalipat sa ibang bayan

Page 3: Kabanata 31

Macaraig – pinalaya ng Kapitan Heneral Isagani – estudyanteng pinalaya ng Kapitan Heneral Padre Florentino – nakiusap sa Kapitan Heneral na palayain si

Isagani Padre Irene – nagsabing si Basilio lang dapat na matirang

nakakulong

Ang Buod ng Kabanata

Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon lang ng diin ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila.Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Gaya ng inaasahan unang napalabas si Makaraig, at si Isagani ang huli dahil isang lingo pa bago nakaluwas ang amain nitong si Padre Florentino. Ang tanging naiwan sa kulungan ay si Basilio. Ipinagdiinan ng Kapitan Heneral na dapat ay may maiwan sa isa sa mga nakulong upang maisalba ang katanyagan at kapangyarihan ng gobyerno. Nagmungkahi si Pare Irene, na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang lubos na, at tiyak na walang maghahabol.Binigyan ng katwiran ng Mataas na Kawani na si Basilio ay isang estudyante sa medisina, pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa kanyang pag-aaral kapag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi ito sa kurso.Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na Kawani at Kapitan Heneral, kaya dagdag dahilan sa Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito ay ipinipilit ng mataas na kawani. Dahil dito nagsisi ang Mataas na Kawani sa pagtukoy kay Basilio at naawa siya sa bata dahil mas lalo itong didiinan ng Kapitan Heneral.Sinabi ng Mataas na Kawani na si Basilio nga daw ang pinakainosente sa lahat, hindi nga ito kasali sa mga estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga bawal na libro. Ang mga librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin ng Kapitan Heneral dahil isa daw itong magandang ehemplo at mas nakakatakot.Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na nangako

Page 4: Kabanata 31

ng hustisya at sisikaping idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na Kawani na hindi siya tulad ng mga alipin na walang boses at dignidad, ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya ang tama. Na bago ang Espanya ay tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal, mataas na prinsipyo at moralidad. Bahala na mawala daw lahat huwag lang ang moralidad ng Espanya. Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Kawani kung kelan ang alis ng huling bapor sa araw na iyon, at napayuko na lang ang Mataas na Kawani. Nilisan ng Mataas na Kawani ang palasyo at sumakay sa karwahe. Nagbitiw ang Mataas na Kawani sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay sa susunod na bapor.