10
0 Kagawaran ng Edukasyon Music 4 G-clef (Treble Clef), Mga Pitch Names at Daloy ng Melodiya Ikalawang Markahan – Unang Linggo Edrick Ramier G. Balleta Manunulat Raul T. Felix Ph. D. Enrico C. Madarcos Rebecca V. Kondo Tagasuri/Patnugot Maria Hazel B. Hernandez Evangeline M. Aman Edison C. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

0

Kagawaran ng Edukasyon

Music 4 G-clef (Treble Clef),

Mga Pitch Names

at Daloy ng Melodiya Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Edrick Ramier G. Balleta

Manunulat

Raul T. Felix Ph. D. Enrico C. Madarcos

Rebecca V. Kondo

Tagasuri/Patnugot

Maria Hazel B. Hernandez Evangeline M. Aman

Edison C. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

1

G-clef (Treble Clef) at Mga Pitch Names

Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang mabilis mong

mauunawaan ang kahulugan ng G-clef at matukoy ng wasto

ang mga pitch names.

___1. . A.

___2. B.

___3. C.

___4 . D.

___5.

E.

___6. F.

F.

Panuto: Tukuyin ang wastong pitch name mula sa Hanay A

patungong Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa

patlang

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

2

Sagutin: Ano ang pagkakaiba ng accented beat

at unaccented beat? __________________________________________________________________________________________________________________________________________

Magbigay ng tig- dalawang halimbawa nito. 1. 2.

1. 2.

Ang G clef ay isang simbolo ng musika na ginagamit upang

ipahiwatig ang tunog ng mga nakasulat na nota sa isang staff o

limguhit. Ipinapahiwatig nito ang pangalan at pitch ng mga nota.

Ang simbolong ito ay nagsisilbing isang sanggunian kung saan

maaaring matukoy ang mga pangalan ng mga nota sa iba pang

linya o puwang ng staff.

Isa rin itong simbolo na matatagpuan sa simula ng limguhit

upang ipahiwatig ang pitch ng mga nota na nasa linya at pu-

wang ng limguhit. Ang G clef ay napangalanan dahil ang simbo-

lo nito ay naihahalintulad sa letrang "G" na pumapalibot sa linya

ng limguhit.

Ang bawat linya ng staff ay kumakatawan sa isang pitch.

Ang isang pitch ay ang taas o baba ng isang tunog. Ang mga

pitch ay binibigyan ng mga pangalan ng letra mula sa A hang-

gang G. Tinatawag itong "musikal na alpabeto". Ang mga pitch

names sa musikal na alpabeto ay: A, B, C, D, E, F, at G.

Tulad ng mga linya at espasyo na nagsisimula sa ilalim ng

limguhit, ang mga alpabeto / pitch na pangalan ay nagsisimula

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

3

din sa ibaba. Ang unang linya ng limguhit ng treble ay E. Ang

susunod na puwang ay F, susundan ng linya para sa G, kasunod

ang puwang na A, at susundan naman ng B,C,D at F. Ito ang

pagkakaayos ng mga letra ayon sa alpabetong musikal.

Upang mas matandaan ang mga pitch sa isang staff o lim-

guhit ay kailangang kabisaduhin ang mga linya at puwang. Sa

staff ng treble clef, binabaybay ng mga pangalan ng puwang

ang salitang FACE. Madaling tandaan ang mga linya ng staff ng

treble clef kung kabisado mo ang isang kasabihang Every Good

Boy Does Fun. Ang unang letra ng bawat salita sa kasabihan ay

ang pitch name ng isang linya.

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

4

Ang G clef ay simbolong matatagpuan sa simula ng linya

upang ipahiwatig ang tono(pitch) sa staff. Ang mga letra ng

alpabetong A B C D E F G ang bumubuo sa pitch name.

Ang isang madaling paraan upang matandaan ang mga

pitch sa isang staff ay ang kabisaduhin ang mga linya at puwang.

Sa staff ng treble clef, binabaybay ng mga pangalan ng puwang

ang salitang FACE. Ang unang letra ng bawat salita sa kasabi-

hang Every Good Boy Does Fun ay ang pitch name ng bawat

linya.

Iguhit ang G-clef sa simula ng staff at ilapat ang mga nota ng

mga sumusunod na pitch name.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap kung

Tama o Mali. Isulat ang sagot sa patlang.

____1. Ang G-clef ay simbolong makikita sa simula ng linya upang

ipahiwatig ang tono o pitch.

____2. Ang G-clef ay maihahalintulad sa letrang B.

____3. Ang bawat linya ay kumakatwan sa isang pitch.

____4. Ang mga pitch ay binibigyan ng mga pangalan ng liham

mula sa A hanggang Z.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

5

____5. Binubuo ang pitch names ng mga katagang FACE at

EGBDF.

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Ang ____ay isang simbolo ng musika na ginagamit upang

ipahiwatig ang tunog ng mga nakasulat na nota.

A. staff B. clef C. tono

2. Ang ____ ay simbolong matatagpuan sa simula ng linya upang

ipahiwatig ang tono(pitch) sa staff.

A. G-clef B. pitch name C. linya

3. Ang isang _____ ay ang taas o baba ng isang tunog.

A. tono B. pitch C. staff

4. Anu-anong mga pitch names ang bubuo sa guhit ng staff?

A. FACE B. EGBDF C. ABCDEFG

5. Ano ang pitch names ng mga nota na nasa ibaba?

A. FBFC B. FABC C. BFCE

PAGKILALA SA DALOY NG MELODIYA

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang mabilis na makiki-

lala ng mga mag-aaral ang wastong daloy ng isang melodiya.

A. Panuto: Pagtambalin ang mga sumusunod ayon sa daloy

ng melodiya. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

6

A. umuulit

B. pahakbang

C. palaktaw

D. patalon

B. Panuto: Lagyan ang mga sumusunod na limguhit ng tig-

aapat na buong nota na nagpapakita ng iba’t ibang

daloy ng melodiya.

A. Umuulit C. Pahakbang pababa

B. Palaktaw-pataas D. Patalon

C.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang ibig sabihin ng G clef?__________________________

______________________________________________________

2. Saan inilalagay ang G clef?__________________________

3. Ano ang mga letrang nakapaloob sa pitch names?

_______________________________________________________

Ang pagdaloy ng mga tunog ay ang siyang nagbibigay ng

damdamin at kabuluhan sa musika. Ang pagdaloy na ito ay tina-

tawag na “Daloy ng Melodiya”.

____ 3.

____ 2.

____ 1.

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

7

Ang awit o tugtugin ay binubuo ng mga tunog na maaring

dumaloy ng pataas, pababa, palaktaw at maaring inuulit.

DALOY NG MELODIYA

Ang daloy ng tunog nito ay di

nagbabago.

Umuulit

Pahakbang

Pahakbang -pataas Pahakbang -pababa

Ang daloy ng tunog na ito ay maaring pataas o di kaya’y

pababa. Ito ay ang pahakbang na tunog sa paraang

magkakasunod.

Palaktaw

Pataas-palaktaw Pababa-palaktaw

Ang daloy ng tunog nito ay maari ding pataas o di kaya’y paba-

ba.

Ang daloy ng tunog nito ay maari ding

pataas, pababa o di kaya’y pataas-

pababa. Ito ay lumalaktaw ang tunog

ng mahigit pa sa isang linya o espasyo sa iskala. Patalon

Pagmasdan ang awiting “Run and Walk”.

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

8

Panuto: Punan ng mga wastong letra ang mga sumusunod na

espasyo upang mabuo ang salita.

1. P__ __ A __ __ A __

2. U __ __ __ L __ __

3. PA __ __ KB __ NG

P ___ BA ___ ___

4. P __ T __ L __ N

Ang Daloy ng Melodiya ang siyang nagbibigay kulay sa

isang awitin o komposisyon. Mayroong apat na uri ng daloy ng

melodiya. Inuulit, ang daloy ng tunog nito ay hindi nagbabago.

Pahakbang, ang daloy ng tunog na ito ay maaring pataas o

pababa. Ito ay may tunog sa paraang magkakasunod. Palaktaw,

ang daloy ng tunog nito ay maari ding pataas o di kaya’y paba-

ba. Patalon, ang daloy ng tunog nito ay maaring pataas, paba-

ba o di kaya’y pataas-pababa. Ito ay lumalaktaw ng tunog ng

mahigit pa sa isang linya o espasyo sa iskala.

Panuto: Gumuhit at ilapat ang mga nota ayon sa hinihinging

daloy ng melodiya.

PATALON PATAAS-PALAKTAW PAHAKBANG-PABABA

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Music 4 - DepEd Muntinlupa

9

UMUULIT PAHAKBANG-PATAAS

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang ______ ang siyang nagpapaganda sa at nagbibigay

buhay sa isang awitin.

A. G-clef B. melodiya C. tunog

2. Ang pagdaloy ng tunog ay tinatawag na “_______”.

A. Nota B. Pitch name C. Daloy ng Melodiya

3. Mayroong ____ na uri ng daloy ng melodiya.

A. 4 B. 5 C. 3

4. Ang daloy ng tunog nito ay di nagbabago.

A. Palaktaw B. Inuulit C. Pahakbang

5. Ang daloy ng tunog na ito ay maaring pataas o pababa.

Ito ay mayroon ding tunog sa paraang magkakasunod.

A. Patalon B. Pahakbang C. Inuulit

6. Ang daloy ng tunog nito ay maari ding pataas, pababa o di

kaya’y pataas-pababa. Ito ay lumalaktaw ng tunog ng ma-

higit pa sa isang limguhit o espasyo sa iskala.

A. Palaktaw B. Inuulit C. Patalon

7. Anong daloy ng melodiya ang ipinapakita

sa limguhit?

A. Patalon B. Pahakbang pataas C. Palaktaw pataas

8. Anong daloy ng melodiya ito?

A. .Palaktaw B. Inuulit C. Patalon

9. Ano naman ang daloy ng melodiya ito?

A. Pababang Palaktaw B. Pahakbang pababa C. Patalon

Anong daloy ng melodiya ang

10. ipinapakita sa limguhit?

A. Palaktaw B. Pahakbang pababa C. Patalon

Sanggunian

Musika,Sining at Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan 4, ph. 46-48

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok: A. 1.C 2A 3D

B.( iba-iba ang sagot)

Pangwakas na Pagsusulit: 1B, 2C, 3B, 4B, 5B, 6A, 7C, 8B, 9A 10C

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok: 1.A 2.C. 3. F 4. E 5. D 6. B

Pangwakas na Pagsusulit:A.1.T,2.M,3M,4T,5T

B. 1B.2B,3B.4B,5A