Transcript
Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

Kagawaran ng Edukasyon

Araling

Panlipunan 3 Mga Pagbabago sa Rehiyong

Kinabibilangan

Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Rea D. Estiller

Manunulat

Edsel B. Basilla

Tagasuri

Dr. Aurora S. Bartolaba

Edizer C. Laqueo

Mariel Eugene L. Luna

Katibayan ng Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

2

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang tungkol sa kasaysayan ng

pinagmulan ng lungsod o bayan sa iyong rehiyon. Gamit ang talahanayan ng

mga pangyayari, naitala mo ang ilang detalye ng mga naganap sa iyong

lungsod o bayan. May nakikita ka bang pagbabago sa inyong lungsod sa

ngayon?

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Matutukoy ang kahalagan ng mga pagbabago ng sariling lalawigan at

mga karat ig na lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan,

lokasyon, populasyon, mga ist ruktura at iba pa; at

2. Maisasalaysay ang mga pagbabago ng sariling lalawigan at mga

karat ig na lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan, lokasyon,

populasyon, mga ist ruktura at iba pa.

Bago ka magsimula ng aralin. Subukan mo munang sagutan ang mga

pahayag na may kaugnayan sa aralin ngayon.

1. It inuturing na pinakasentro ng kalakalan sa bansa.

2. Bilang ng lungsod at bayan na bumubuo sa National Capital Region.

3. Tinutukoy nito ang pagbabago na may kinalaman sa bilang ng tao na

naninirahan sa isang lungsod o bayan.

4. Tinutukoy nito ang pagbabagong katawagan sa isang lungsod o bayan.

5. Kinabibilangan mong lungsod sa National Capital Region.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

3

Balikan ang Kasaysayan ng Muntinlupa. Sagutan ang sumusunod na tanong.

Ang mga Pagbabago sa mga Lungsod o Bayan ng Aking Rehiyon

Ang Nat ional Capit al Region o Met ro Manila ang pinakasentro ng

kalakalan ng at ing bansa. Ito ang t inatawag na kabisera. Dito makikita ang iba’t -ibang ahensya ng pamahalaan pati na ang mga punong taggapan ng

mga pribadong kompanya ng bansa. Ang buong Metro Manila ay binubuo

ng mga pamayanang urban ng 16 na lungsod at 1 bayan.

Ang unang nanirahan sa Kalakhang Maynila ay ang mga katutubong

Muslim. Masagana ang kanilang naging kalakalan sa ibang bansa bago pa ang pananakop ng mga Espanyol sa at ing bansa. Nagtayo sila ng isang

baluwarte na nakikilala na natin ngayon na Intramuros.

Ang Intramuros ay ang naging taguan ng mga Espanyol sa mga hindi

nila nasakop na mga katutubong Pilipino at ito rin ang naging sentro nila ng pangangalakal. Nang tumagal ang mga Espanyol, nagtayo na sila ng mga

gusali sa loob ng Intramuros kabilang ang mga paaralan at mga simbahan. Marahas ang pananakop ng mga Espanyol. Nagtayo sila ng mga gusali at

naging sentro ng kalakal ang Intramuros dahil sa karat ig na daungan ng

barko kung saan sila ay may ugnayan sa kalakalan sa ibang bansa. Nang naging maunlad ang Maynila, umusbong na rin ang mga karat ig-lalawigan

nito. Mula sa maliit na sentro ng Intramuros, lumawak ang sakop ng Manila

hanggang sa naging kabuuang Kalakhang Maynila na ito sa kasalukuyan.

Tanong Sagot

1. Ano ang dating pangalan ng inyong lungsod?

2. Saan hango ang pangalan ng iyong lungsod?

3. Kailan ito it inatag?

4. Kailan naging ganap na Lungsod ang Muntinlupa?

5. Sino ang Pangulo na lumagda upang maging ganap na

lungsod ang Muntinlupa?

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

4

Ang harapan ng Intramuros sa panahon ngayon na matatagpuan sa

Lungsod ng Maynila. Ito ang naging saksi sa makasaysayang pangyayaring humubog sa kabuuan ng Kalakhang Maynila.

Alamin natin ang mga pagbabago sa mga lungsod o bayan ng Pambansang Punong Rehiyon.

1. Pagbabago sa Pangalan Ang bawat lungsod o bayan ng Pambansang Punong Rehiyon ay

mayroong mga pinagmulang pangalan na sa paglipas ng panahon ay

nagbago o napalitan sa iba’t -ibang kadahilanan. Tulad na lang nang lungsod ng Maynila ito ay nakilala sa pangalan na Maynilad. Ang pangalan ay mula

sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin

ng look na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan. Upang matandaan ang lugar kung saan maraming ganitong halaman,

t inawag ng mga naunang nanirahan dito ng “may nila”, ibig sabihin, “ang lugar na ito ay maraming bulaklak na nila”. Sa kasalukuyan ito ay t inatawag

na ngayong Maynila.

2. Pagbabago sa Populasyon

Tingnan at suriin ang pagbabago sa populasyon sa Maynila? Bakit kaya

mabilis tumaas ang populasyon dito

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

5

30 25

20 15

10

5

0 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010

3. Pagbabago sa Estruktura at Impraestruktura

Hindi lamang ang pangalan at populasyon ang nagbabago sa isang lungsod o bayan. Ang mga daan, gusali o ang mga impraestruktura noon ay

iba na rin sa ngayon.

Pagsusuri: 1. Ano-ano ang pagbabago noon at ngayon ang napansin mo sa mga

sumusunod:

a. pagbabago sa pangalan ng lungsod o bayan?

In M

illi

on

Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/nBTdxCWKPA9suQiu7

Pinagkunan:ht t ps ://images.app.goo.gl/RQvt oVA29HQ8cVvH8

Ang Paglaki ng Populasyon (Pinagkunan: Araling Panlipunan 3

Nat ional Capital Region)

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

6

b. pagbabago sa impraestruktura?

c. pagbabago sa populasyon?

Gawain A 1. Saang lungsod o bayan ng Pambansang Punong Rehiyon ka kabilang?

2. Ano- ano ang mga pagbabagong naganap sa iyong lungsod?

3. I lan ang bilang ng populasyon sa iyong kinabibilangang lunsod?

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

7

Gawain B Pag- aralan ang datos ng populasyon sa mga lungsod o bayan sa Pambansang Punong Rehiyon.

Pinagkunan: Philippines Population: National Capital Region (NCR) Economic Indicator/CEIC

Gabay na Tanong:

1. Aling lungsod ang may pinakamalaking populasyon sa Pambansang

Punong Rehiyon o NCR?

2. Alin naman ang may pinakamaliit na populasyon?

Lungsod/ Bayan Populasyon (2007)

Caloocan 1,3861,610

Las Piñas 532,330

Makati 567,349

Malabon 363,681

Mandaluyong 305,576

Maynila 1,381,610

Marikina 424,610

Muntinlupa 452,943

Navotas 245,344

Paranaque 552,660

Pasay 403,064

Pasig 627,445

Quezon 2,679,450

San Juan 125,338

Taguig 613,343

Valenzuela 568,928

Pateros 61,940

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

8

3. Saang lungsod o bayan kaya ang may pinakamaraming pamilihan?

Bakit mo nasabi ito?

4. Ano ang limang lungsod o bayan na may malalaking populasyon? Sa iyong palagay, bakit kaya malaki ang bilang ng populasyon sa

nabanggit na lungsod o bayan?

5. Kapag pinagsama-sama ang mga bilang ng populasyon sa mga

lungsod o bayan sa Pambansang Punong Rehiyon, gaano kaya

karami ang kabuuang bilang ng tao?

Gawain C Sumulat ng 1-2 talata tungkol sa mga pagbabago sa istruktura at impraestruktura sa

iyong lungsod. Gawing gabay ang sumusunod na graphic organizer. I sulat ang

sagot sa sariling sagutang papel.

Ano ang bagay na nagbago sa iyong lungsod?

Ano ang naging epekto ng pagbabago sa buhay ng mga naninirahan sa inyong

lungsod?

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

9

Nakakabuti ba ang

pagbabagong ito sa mga

naninirahan dito? Bakit mo

nasabi?

Mula sa pinagmulan ng iyong lungsod nagkaroon ng mga

pagbabagong tulad ng laki, pangalan, lokasyon, populasyon, estruktura, at

iba pa. Mahalagang malaman mo ito para matukoy mo ang mga

pagbabagong naganap noon hanggang sa kasalukuyan.

Gumawa ng isang rap o tula sa mga pagbabagong naganap sa

inyong lungsod o bayan mula noon at ngayon. Gawing gabay ang

sumusunod na tanong.

1. Ano ang pangalan ng iyong lungsod noon? Ano naman ang tawag dito

ngayon?

2. Gaano karami ang naninirahan noon kumpara ngayon?

3. Ayon sa kuwento ng nakatatanda sa inyong lugar, ano ang itsura ng mga

gusali noon at ngayon?

_____________________________

_____________________________

____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

10

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang

sagot.

1. Ito ang pagbabago kung saan kilala ang iyong lungsod sa isang

katawagan.

A. Pagbabago sa pangalan C. Pagbabago sa imprastruktura

B. Pagbabago sa populasyon D. Pagbabago sa kapaligiran

2. Ito ay tumutukoy sa pagbabago na may kinalaman sa bilang ng

taong naninirahan sa iyong lungsod o bayan na kinabibilangang

rehiyon.

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

11

A. Pagbabago sa pangalan C. Pagbabago sa popolusyon

B. Pagbabago sa impraestruktura D. Pagbabago sa kapaligiran

3. Ito ay tumutukoy sa pagbabago na may kinalaman sa kaanyuan ng

mga gusali, tulay o kalsada o kapaligiran ng iyong lungsod o bayan.

A. Pagbabago sa populasyon C. Pagbabago sa impraestruktura

B. Pagbabago sa populasyon D. Pagbabago sa kapaligiran

4. Nakabuti ba ang mga pagbabagong naganap sa iyong lungsod?

A. Oo, dahil ipinapakita nito na umuunlad ang aking lungsod o bayan.

B. Hindi, dahil wala itong kinalaman sa kaunlaran ng aking lungsod o

bayan.

C. Oo at hindi sapagkat iba’t -iba ang dulot ng mga pagbabago sa aking

lungsod sa bayan.

D. Hindi, walang epekto ito sa pamumuhay sa aming lungsod.

5. Ano ang ipinapakita ng mga pagbabago sa iyong kinabibilangang

lungsod?

A. Umuunlad ang lungsod na aking kinabibilangan.

B. Nananatili sa dating kalagayan ang lungsod na aking

kinakabilangan.

C. Naghihirap lalo ang aking lungsod na kinabibilangan.

D. Walang ipinakikitang epekto ang pagbabago sa pamumuhay ng

pamayanan sa aming lungsod.

Sanggunian: Mary Ann DG. Goyal, Emilyn F. Gerilla, Critina DC. Cruz, Paul Nylden A. Carable, Eric John D.

Lao, Janice N. Gagante, Lenie A. Tiamzon, Annie D. Pesito, Clarissa DC. Catabay, Alona B.

Miano, Daisy M. Gonatise, Rosemarie S. Sto Domingo, Jenalyn I. Datuin, Analine R. De Guzman,

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...Grade 3 TG Araling Panlipunan turismosamarikina.blogspot.com Author Hp Created

12

Margie P. Cas Ever Bryan A. De Asis; Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral National

Capital Region Unang Edisyon, 2019

Grade 3 TG Araling Panlipunan

turismosamarikina.blogspot.com

www.gintongaral.com

www.marikeno.com