Upload
others
View
214
Download
18
Embed Size (px)
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 3, Week 5:
Ang Pagsisikap ng mga Bansa na Makamit ang Kapayapaang Pandaigdig at Kaunlaran
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
8
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Ikaapat na Markahan – Modyul 3-Week 5: Ang Pagsisikap ng mga Bansa na Makamit ang Kapayapaang Pandaigdig at Kaunlaran Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Printed in the Philippines by
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jonathan C. Lumacang at Hansel L. Royos
Editor: Anna Rose A. Cabalida
Tagasuri: Monina R. Antiquina
Tagaguhit: Chris Raymund M. Bermudo
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. - Schools Division Superintendent Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent Amelinda D. Montero - Chief, CID Nur N. Hussien, DM - Chief, SGOD Monina R. Antiquina,EMD - Education Program Supervisor AP Ronillo S. Yarag, EdD - EPS – LRMDS
Leo Martinno O. Alejo - PDO II – LRMDS
Janette A. Zamoras - Public Schools Division Supervisor Joselito S. Tizon - Principal, Zamboanga del Norte NHS
1
Alamin
Sa modyul na ito, susuriin ang mahahalagang papel na ginagampanan
ng mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan at kaunlaran.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
MELC:Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang
kapayapaang pandaigdig at kaunlaran (AP8AKD-IVh-8)
Layunin:
a. Naipapaliwanag ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang
kapayapaang pandaigdig at kaunlaran; at
b. Natutukoy ang mga pangunahing sangay ng “Mga Bansang
Nagkakaisa”
Balikan Gawain 1: Nakaraan ay Balikan!
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging dahilan sa pagsisimula ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
B. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo
C. Pagwawakas ng mga imperyo tulad ng Russia, Germany at Austria
D. Paglusob ng Germany sa Poland
2
2. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig maliban sa:
A. Pagbuo ng Axis Powers at Allied Powers
B. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
C. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
D. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
3. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng
digmaan?
A. Nagkaroon ng World War III
B. Nawala ang Fascism at Nazism
C. Nagkaroon ng tunggalian sa ideolohiya
D. Naitatag ang United Nations
4. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga
mamamayang naninirahan sa Estados Unidos at Pilipinas, alin ang
hindi kabilang?
A. May karapatan sa edukasyon
B. May kalayaan sa pananampalataya
C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan
D. May karapatang makaboto
5. Sino sa mga sumusunod ang naging pangulo ng Pilipinas sa panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Diosdado Macapagal
B. Fidel V. Ramos
C. Manuel Quezon
D. Ramon Magsaysay
3
Aralin 5 Ang Pagsisikap ng mga Bansa na
Makamit ang Kapayapaang Pandaigdig at Kaunlaran
Tuklasin
Gawain 2: Guess Mo Ako!
Panuto: Pamilyar ka ba sa logo? Alamin kung anong organisasyon ang sinisimbolo nito. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Clue: Organisasyon ng mga bansa na naitatag
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sagot:__________________________________________________
Gabay na tanong:
1. Ano ang layunin ng United Nations?
2. Nakatulong ba ito upang wakasan ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
Suriin
Gawain 3: Magbasa at Matuto
Upang hindi na masundan pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
humanap ng paraan ang mga bansa upang tuluyan nang makamit ang
kapayapaan. Isa sa mga hakbang na ginawa nila ay ang pagtatag ng United
Nations.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)
Hindi pa natatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naisip ni
Pangulong Roosevelt ng United States na muling magtatag ng isang
samahang pandaigdig na papalit sa Liga ng mga Bansa. Apat na buwan bago
sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor, sina Pangulong Roosevelt at
Punong Ministro Winston Churchill ng England ay bumalangkas ng
deklarasyon, ang Atlantic Charter na siyang saligan ng 26 na bansa sa
4
nilagdaang “Deklarasyon ng Mga Bansang Nagkakaisa” (United Nations).
Sa isang kumperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, ang United
States, Great Britain, at Soviet Union ay nagkasundo na pairalin at
panatilihin ang kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis Powers. Sinundan
ito ng Deklarasyon ng Apat na Bansa, kasama ang China, para maitatag ang
isang pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang
kapayapaan at kaligtasan sa mundo.
Limampung bansa ang nagpulong sa California, United States, upang
balangkasin ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa. Noong ika-24 ng
Oktubre, 1945 ay itinatag ang “Mga Bansang Nagkakaisa” o United Nations
(UN). Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa London noong
1946 at nahalal na unang Sekretaryo-Heneral, si Trygve Lie ng Sweden.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay.
Ang Pangkalahatang Asemblea (General Assembly) ang sangay na
tagapagbatas ng samahan. Binubuo ito ng mga kinatawan ng lahat ng mga
kasaping bansa, at dito isinasagawa ang mga pangkalahatang pagpupulong.
Ang Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay
tagapagpaganap. Binubuo ito ng 11 kagawad na ang lima ay permanenteng
miyembro, samantalang ang anim ay inihalal sa taning na panunungkulan
na dalawang taon.
Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat ng mga tauhang
pampangasiwaan ng U.N. na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw.
Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of
Justice) ang siyang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa
alitan ng mga bansa.
Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay
binubuo ng 54 na kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa aspekto
ng pangkabuhayan, panlipunan, pang-edukasyon, siyentipiko, at
pangkalusugan ng daigdig.
5
Pagyamanin
Gawain 4: Sagot Ko, Alamin Mo!
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ito ang araw kung kailan naitatag ang United Nations (U.N.).
2. Siya ang pangulo ng United States na namuno para maitatag ang
samahang pandaigdig para tuluyang makamit ang kapayapaan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
3. Isa sa mga sangay ng United Nations na binubuo ng lahat ng kinatawan
ng mga kasaping bansa.
4. Sangay ng United Nations na nagpapasya sa mga kasong may
kinalaman sa mga alitan ng mga bansa.
5. Isa sa mga sangay ng United Nations na tagapaganap.
Gawain 5: Pagtatambal-tambalin
Panuto: Pagtambalin ang mga aytem sa HANAY A at mga aytem sa HANAY B. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
ROOSEVELT INTERNATIONAL COURT OF JUSTICE GENERAL ASSEMBLY OCTOBER 24, 1945 SANGGUNIANG PANGKATIWASAYAN SECRETARIAT
HANAY B
Pangkalahatang Asemblea (General Assembly)
United Nations
Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan
Sangguniang Pangkatiwasayan (Security
Council)
Kalihim (Secretariat
International Court of Justice
HANAY A
_____1. Samahang pandaigdig na itinatag at naglalayong
makamit ng tuluyan ang kapayapaan sa mundo.
_____2. Ito ang sangay na
namamahala sa aspekto ng pangkabuhayan, panlipunan at pang-edukasyon.
_____3. Sangay na tagapagbatas
ng “Pandaigdigang Samahan”.
_____4. Pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N. na
nagpapatupad sa gawaing pang araw-araw.
_____5. Ang sangay tagapagpaganap ng U.N.
6
Gawain
Gawain 6: Semantic Web
Batay sa binasang teksto, isulat sa mga kahon na nasa paligid ang
layunin ng United Nations, gayundin ang mabubuting naidulot ng organisasyon. Gawin ito sa sagutang papel.
RUBRIC sa Pagmamarka ng Semantic Web
Pamantayan
Deskripsiyon Puntos
Nilalaman
Mahusay na inilahad ang mga
layunin at mabuting naidulot
ng United Nations.
10
Kalinisan
Malinaw at malinis ang
Gawain. 5
Kabuuan 15
7
Isaisip
Gawain 7: Punan Mo Ako!
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang talata at piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ang Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) ay opisyal na isinilang
noong (1) ____________________. Mula noon ang ika-24 ng Oktubre ay
ipinagdiwang taun-taon bilang “Araw ng Nagkakaisang mga Bansa”.
Ang pagtatag ng (2)________________________ ang naging daan upang
mawakasan ang (3) _________________________________ at ito rin ang naging
daan upang maiwasan ang (4) _________________________ ng mga kasaping
bansa dahil sa (5) _________________________.
Nilalayon nitong panatilihin ang pandaigdigang (6) ___________________
at seguridad, paunlarin ang mabuting pagsasamahan ng mga bansa;
makipagtulungan sa paglutas sa mga (7) ___________________________ ng
sangkatauhan sa (8) ________________________, lipunan at sa pagtaguyod ng
respeto para sa karapatang (9) ___________________________ at maging sentro
ng (10) __________________________________ ng mga bansa.
United Nations Oktubre 24, 1945 Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Hidwaan Ideolohiya Kapayapaan
Suliranin Kabuhayan Pantao
Pagkakasundo
8
Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian sa bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
A. Naitatag ang United Nations B. Nagkaroon ng World War III
C. Nawala ang Fascism D. Nagkaroon ng labanan ng ideolohiya
2. Alin sa sumusunod ang nagtatakda sa UN?
A. Ang mga bansang nanalo sa digmaan.
B. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw. C. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan.
D. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
3. Kailan naitatag ang United Nations?
A. October 24, 1945 B. December 7, 1941 C. February 14, 1945
D.June 12, 1898
4. Ang kauna-unahang UN Secretary General mula Sweden. A. Winston Churchill
B. Karl Max C. Woodrow Wilson D. Trygve Lie
5. Ang sumusunod ay mga sangay ng United Nations maliban sa,
A. General Assembly B. International Red Cross
C. International Court of Justice D. Security Council
Para sa bilang 6-10. Basahing mabuti ang mga pahayag. Iguhit ang “happy
face” ( ) kung tama ang pahayag at “sad face” ( ) kung mali. Iguhit
ang iyong sagot sa sagutang papel.
_______6. Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga bansa nagkaroon ng
kapayapaan.
9
_______7. Sa pandaigdigang samahan, bawat isa at nangangako ng
pakikipagtulungan at pakikiisa sa mga layuning nakakabuti sa
lahat.
_______8. Ang United Nations ay itinatag para sa kapakanan ng mga
mayayamang bansa.
_______9. Ang United Nations ay patuloy na nagsusulong ng pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan.
______10. Ang International Court of Justice ay sangay ng United Nations na
nagpapasya sa mga alitan sa pagitan ng mga kasaping bansa.
Karagdagang Gawain
Gawain 8: U.N. Ramdam Ka! Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa pamamagitan ng isang
sanaysay at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Bigyang-
pansin ang rubrik sa pagmamarka sa gawing sanaysay.
1. Ano ang layunin ng United Nations? Nagtagumpay ba ito na
mawakasan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Sa kasalukuyang krisis-pangkalusugan na hinaharap natin dulot ng
COVID 19, ano ang ginagawang mga hakbang ng United Nations upang
maisulong ang pagtutulungan sa mga kasaping bansa lalo na sa mga
mahihirap na bansa? Patunayan.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY
Pamantayan
Deskripsiyon
Puntos
Nilalaman
Mahusay at maliwanag ang pagkakalahad ng mga ideya.
10
Kaayusan
Maayos ang presentasyon ng mga ideya at malinis ang pagkakasulat.
10
Kabuuan puntos
20
10
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Blando, R., et.al. (2014): Kasaysayan ng Daigdig – Modyul ng Mag-aaral. (Unang Edisyon). Vibal Group Inc. and Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
Philippines.Department of Education. (1995). Labanan ng mga Bansa sa Daigdig (Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig) – Modyul 17.
Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE Kasaysayan ng Daigdig – Gabay ng Guro
BALIKAN
B
D
A
C
C
TUKLASIN
Sagot:
MGA BANSANG NAGKAKAISA
Gabay na tanong:
(Ang mga sagot ay nakadepende sa
pag-unawa ng mga mag-aaral.)
GAWAIN 6: Semantic Web
Sagot: (Ang mga sagot ay
nakadepende sa pag-
unawa ng mga mag-aaral.)
ISAISIP
Gawain 7
Oktubre 24, 1945
United Nations
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Hidwaan
Ideolohiya
Kapayapaan
Suliranin
Kabuhayan
Pantao
Pagkakasundo
TAYAHIN
B 6.
C 7.
A 8.
D 9.
B 10.
PAGYAMANIN
Gawain 4
Oktubre 24, 1945
Roosevelt
General Assembly
International Court of Justice
Sangguniang Pangkatiwasayan
Gawain 5:
B
C
A
E
D