Text of Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan ......
Kinabibilangan Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Rea D. Estiller Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang tungkol sa kasaysayan ng pinagmulan ng lungsod o bayan sa iyong rehiyon. Gamit ang talahanayan ng mga pangyayari, naitala mo ang ilang detalye ng mga naganap sa iyong lungsod o bayan. May nakikita ka bang pagbabago sa inyong lungsod sa ngayon? Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Matutukoy ang kahalagan ng mga pagbabago ng sariling lalawigan at mga karat ig na lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan, lokasyon, populasyon, mga ist ruktura at iba pa; at 2. Maisasalaysay ang mga pagbabago ng sariling lalawigan at mga karat ig na lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan, lokasyon, populasyon, mga ist ruktura at iba pa. Bago ka magsimula ng aralin. Subukan mo munang sagutan ang mga pahayag na may kaugnayan sa aralin ngayon. 1. It inuturing na pinakasentro ng kalakalan sa bansa. 2. Bilang ng lungsod at bayan na bumubuo sa National Capital Region. 3. Tinutukoy nito ang pagbabago na may kinalaman sa bilang ng tao na naninirahan sa isang lungsod o bayan. 4. Tinutukoy nito ang pagbabagong katawagan sa isang lungsod o bayan. 5. Kinabibilangan mong lungsod sa National Capital Region. 3 Balikan ang Kasaysayan ng Muntinlupa. Sagutan ang sumusunod na tanong. Ang mga Pagbabago sa mga Lungsod o Bayan ng Aking Rehiyon Ang Nat ional Capit al Region o Met ro Manila ang pinakasentro ng kalakalan ng at ing bansa. Ito ang t inatawag na kabisera. Dito makikita ang iba’t -ibang ahensya ng pamahalaan pati na ang mga punong taggapan ng mga pribadong kompanya ng bansa. Ang buong Metro Manila ay binubuo ng mga pamayanang urban ng 16 na lungsod at 1 bayan. Ang unang nanirahan sa Kalakhang Maynila ay ang mga katutubong Muslim. Masagana ang kanilang naging kalakalan sa ibang bansa bago pa ang pananakop ng mga Espanyol sa at ing bansa. Nagtayo sila ng isang baluwarte na nakikilala na natin ngayon na Intramuros. Ang Intramuros ay ang naging taguan ng mga Espanyol sa mga hindi nila nasakop na mga katutubong Pilipino at ito rin ang naging sentro nila ng pangangalakal. Nang tumagal ang mga Espanyol, nagtayo na sila ng mga gusali sa loob ng Intramuros kabilang ang mga paaralan at mga simbahan. Marahas ang pananakop ng mga Espanyol. Nagtayo sila ng mga gusali at naging sentro ng kalakal ang Intramuros dahil sa karat ig na daungan ng barko kung saan sila ay may ugnayan sa kalakalan sa ibang bansa. Nang naging maunlad ang Maynila, umusbong na rin ang mga karat ig-lalawigan nito. Mula sa maliit na sentro ng Intramuros, lumawak ang sakop ng Manila hanggang sa naging kabuuang Kalakhang Maynila na ito sa kasalukuyan. Tanong Sagot 3. Kailan ito it inatag? 4. Kailan naging ganap na Lungsod ang Muntinlupa? 5. Sino ang Pangulo na lumagda upang maging ganap na lungsod ang Muntinlupa? Ang harapan ng Intramuros sa panahon ngayon na matatagpuan sa Lungsod ng Maynila. Ito ang naging saksi sa makasaysayang pangyayaring humubog sa kabuuan ng Kalakhang Maynila. Alamin natin ang mga pagbabago sa mga lungsod o bayan ng Pambansang Punong Rehiyon. 1. Pagbabago sa Pangalan Ang bawat lungsod o bayan ng Pambansang Punong Rehiyon ay mayroong mga pinagmulang pangalan na sa paglipas ng panahon ay nagbago o napalitan sa iba’t -ibang kadahilanan. Tulad na lang nang lungsod ng Maynila ito ay nakilala sa pangalan na Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan. Upang matandaan ang lugar kung saan maraming ganitong halaman, t inawag ng mga naunang nanirahan dito ng “may nila”, ibig sabihin, “ang lugar na ito ay maraming bulaklak na nila”. Sa kasalukuyan ito ay t inatawag na ngayong Maynila. 2. Pagbabago sa Populasyon Tingnan at suriin ang pagbabago sa populasyon sa Maynila? Bakit kaya mabilis tumaas ang populasyon dito 5 3. Pagbabago sa Estruktura at Impraestruktura Hindi lamang ang pangalan at populasyon ang nagbabago sa isang lungsod o bayan. Ang mga daan, gusali o ang mga impraestruktura noon ay iba na rin sa ngayon. Pagsusuri: 1. Ano-ano ang pagbabago noon at ngayon ang napansin mo sa mga sumusunod: In M il li o n Ang Paglaki ng Populasyon (Pinagkunan: Araling Panlipunan 3 Nat ional Capital Region) b. pagbabago sa impraestruktura? c. pagbabago sa populasyon? Gawain A 1. Saang lungsod o bayan ng Pambansang Punong Rehiyon ka kabilang? 2. Ano- ano ang mga pagbabagong naganap sa iyong lungsod? 3. I lan ang bilang ng populasyon sa iyong kinabibilangang lunsod? 7 Gawain B Pag- aralan ang datos ng populasyon sa mga lungsod o bayan sa Pambansang Punong Rehiyon. Pinagkunan: Philippines Population: National Capital Region (NCR) Economic Indicator/CEIC Gabay na Tanong: Punong Rehiyon o NCR? Lungsod/ Bayan Populasyon (2007) 3. Saang lungsod o bayan kaya ang may pinakamaraming pamilihan? Bakit mo nasabi ito? 4. Ano ang limang lungsod o bayan na may malalaking populasyon? Sa iyong palagay, bakit kaya malaki ang bilang ng populasyon sa nabanggit na lungsod o bayan? 5. Kapag pinagsama-sama ang mga bilang ng populasyon sa mga lungsod o bayan sa Pambansang Punong Rehiyon, gaano kaya karami ang kabuuang bilang ng tao? Gawain C Sumulat ng 1-2 talata tungkol sa mga pagbabago sa istruktura at impraestruktura sa iyong lungsod. Gawing gabay ang sumusunod na graphic organizer. I sulat ang sagot sa sariling sagutang papel. Ano ang bagay na nagbago sa iyong lungsod? Ano ang naging epekto ng pagbabago sa buhay ng mga naninirahan sa inyong lungsod? 9 Mula sa pinagmulan ng iyong lungsod nagkaroon ng mga pagbabagong tulad ng laki, pangalan, lokasyon, populasyon, estruktura, at iba pa. Mahalagang malaman mo ito para matukoy mo ang mga pagbabagong naganap noon hanggang sa kasalukuyan. Gumawa ng isang rap o tula sa mga pagbabagong naganap sa inyong lungsod o bayan mula noon at ngayon. Gawing gabay ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang pangalan ng iyong lungsod noon? Ano naman ang tawag dito ngayon? 2. Gaano karami ang naninirahan noon kumpara ngayon? 3. Ayon sa kuwento ng nakatatanda sa inyong lugar, ano ang itsura ng mga gusali noon at ngayon? 10 Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Ito ang pagbabago kung saan kilala ang iyong lungsod sa isang katawagan. A. Pagbabago sa pangalan C. Pagbabago sa imprastruktura B. Pagbabago sa populasyon D. Pagbabago sa kapaligiran 2. Ito ay tumutukoy sa pagbabago na may kinalaman sa bilang ng taong naninirahan sa iyong lungsod o bayan na kinabibilangang rehiyon. 11 A. Pagbabago sa pangalan C. Pagbabago sa popolusyon B. Pagbabago sa impraestruktura D. Pagbabago sa kapaligiran 3. Ito ay tumutukoy sa pagbabago na may kinalaman sa kaanyuan ng mga gusali, tulay o kalsada o kapaligiran ng iyong lungsod o bayan. A. Pagbabago sa populasyon C. Pagbabago sa impraestruktura B. Pagbabago sa populasyon D. Pagbabago sa kapaligiran 4. Nakabuti ba ang mga pagbabagong naganap sa iyong lungsod? A. Oo, dahil ipinapakita nito na umuunlad ang aking lungsod o bayan. B. Hindi, dahil wala itong kinalaman sa kaunlaran ng aking lungsod o bayan. C. Oo at hindi sapagkat iba’t -iba ang dulot ng mga pagbabago sa aking lungsod sa bayan. D. Hindi, walang epekto ito sa pamumuhay sa aming lungsod. 5. Ano ang ipinapakita ng mga pagbabago sa iyong kinabibilangang lungsod? B. Nananatili sa dating kalagayan ang lungsod na aking kinakabilangan. D. Walang ipinakikitang epekto ang pagbabago sa pamumuhay ng pamayanan sa aming lungsod. Sanggunian: Mary Ann DG. Goyal, Emilyn F. Gerilla, Critina DC. Cruz, Paul Nylden A. Carable, Eric John D. Lao, Janice N. Gagante, Lenie A. Tiamzon, Annie D. Pesito, Clarissa DC. Catabay, Alona B. Miano, Daisy M. Gonatise, Rosemarie S. Sto Domingo, Jenalyn I. Datuin, Analine R. De Guzman, 12 Margie P. Cas Ever Bryan A. De Asis; Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral National Capital Region Unang Edisyon, 2019 Grade 3 TG Araling Panlipunan