13
PASIMULA SA ARALING PANTELEBISYON ni Dr. F.P.A. Demeterio at may karagdagang tala ni R.Madula Ang telebisyon ay hindi lamang tumutukoy sa isang appliance unit na karaniwan nating matatagpuan sa salas at sa kwarto ng tahanan. Ito rin ay tumutukoy sa isang sistema ng pagpapadala at pagtanggap ng mga elektronikong imahen at tunog gamit ang radio waves, o di kaya ang kable kasama na ang makabagong optikal na kable. Ang radio waves na ginagamit ng telebisyon ay mas mataas kaysa ginagamit ng radyo, kaya mas makitid ang nasasakop ng brodkast nito. Kaya upang mapalawak ang brodkast ng telebisyon, kadalasan gumagamit tayo ng mga relay station; kasama na dito ang satellite at mga kumpanya sa kable. Ang pag-imbento ng television ay isang mahabang prosesong nilahukan ng maraming syentipiko at imbentor na nag-ambag-ambag ng kanilang kaalaman at natuklasan hanggang sa nabuo ang sistema noong dekada 40. Mahalaga dito ang pag-aaral ng Scottish na syentipikong si James Clerk Maxwell tungol sa electromagnetic waves noong 1873. Ang radio wave ay isang uri sa napakaraming electromagnetic waves. Tulad ng nabanggit na natin, kadalasan dito sa radio waves dumaladaloy ang mga programa ng telebisyon. Noong dekada 20, naitatag ang sistema ng pagbrodkast ng tunog sa radyo. Ang pagsalin sa isang imahen upang ito ay maging isang elektronikong signal ay nag-umpisa sa pag-aaral ni Willoughby Smith noong 1873 tungkol sa photoconductivity ng elementong selenium. 1

Pasimula Sa Araling Pantelebisyon

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pasimula Sa Araling Pantelebisyon

PASIMULA SA ARALING PANTELEBISYONni Dr. F.P.A. Demeterioat may karagdagang tala ni R.Madula

• Ang telebisyon ay hindi lamang tumutukoy sa isang appliance unit na karaniwan nating matatagpuan sa salas at sa kwarto ng tahanan. Ito rin ay tumutukoy sa isang sistema ng pagpapadala at pagtanggap ng mga elektronikong imahen at tunog gamit ang radio waves, o di kaya ang kable kasama na ang makabagong optikal na kable.

• Ang radio waves na ginagamit ng telebisyon ay mas mataas kaysa ginagamit ng radyo, kaya mas makitid ang nasasakop ng brodkast nito. Kaya upang mapalawak ang brodkast ng telebisyon, kadalasan gumagamit tayo ng mga relay station; kasama na dito ang satellite at mga kumpanya sa kable.

• Ang pag-imbento ng television ay isang mahabang prosesong nilahukan ng maraming syentipiko at imbentor na nag-ambag-ambag ng kanilang kaalaman at natuklasan hanggang sa nabuo ang sistema noong dekada 40.

• Mahalaga dito ang pag-aaral ng Scottish na syentipikong si James Clerk Maxwell tungol sa electromagnetic waves noong 1873. Ang radio wave ay isang uri sa napakaraming electromagnetic waves.

• Tulad ng nabanggit na natin, kadalasan dito sa radio waves dumaladaloy ang mga programa ng telebisyon. Noong dekada 20, naitatag ang sistema ng pagbrodkast ng tunog sa radyo.

• Ang pagsalin sa isang imahen upang ito ay maging isang elektronikong signal ay nag-umpisa sa pag-aaral ni Willoughby Smith noong 1873 tungkol sa photoconductivity ng elementong selenium.

• Noong 1884 nakagawa si Paul Gottlieb Nipkow ng isang mekanikal na paraan upang ganap nang isalin ang imahen upang maging elektronikong signal at isalin uli upang maging isang imahen.

• Noong 1927 naimbento ni Philo Farnsworth ang kanyang image dissector na pumalit sa mekanikal na scanning disk ni Nipkow. Noong panahong iyon ganap na elektronik na ang pagsasalin-salin ng imahen at elektronikong signal.

• Dahil naitatag na ang sistema ng radyo, madali na lang ilipat ang pagbrodkast ng telebisyon gamit ang parehong radio waves.

• Noong taong 1939, nag-umpisa na ang pantelebisyong brodkast sa Estados Unidos, ngunit naudlot ang tuluyang pagsulong nito dahil sa pagsiklab ng

Ikalawang Digmaan. • Ang malawakang industriya ng pantelebisyong brodkast ay nagsimula uli

pagkatapos ng Digmaan.• Noong mga panahong ito, black-and-white pa lamang ang lahat na mga palabas,

dahil ito ang naunang naimbento at dahil nahihirapang pumasok agad ang dekolor na teknolohiya sa pangangailangang dapat itong maging compatible sa nauna nang black-and-white na sistema.

• Ibig sabihin, kahit noong dekada 20 pa lamang ay naimbento na rin ang dekolor na telebisyon, ngunit hindi ito maaring sumabay agad sa black-and-white na sistema, kaya’t lumipas muna ang ilang dekada bago ito tuluyang sumanib sa lumang sistema.

1

Page 2: Pasimula Sa Araling Pantelebisyon

• Noong dekada 50 ang isang programa ay kinukuha at binobrodkast na sa dekolor na teknolohiya, samantalang maari itong mapanood gamit ang black-and-white o dekolor na telebisyon.

• Ang unang home made receiving set ay matagumpay na inilunsad ng isang propesor kasama ng kanyang mga estudyante sa UST noong 1950.

• Taong 1952, ang FEATI University ay nagbukas ng kanilang experimental station.

• Taong 1953, binuksan ang DZAQ-TV Channel 3, ang kauna-unahang commercial television ng Alto Broadcasting System (ABS) sa Maynila at pagmamay-ari ni Antonio Quirino.

• Makaraan ang ilang taon, ito ay binili ng Chronicle Broadcasting Network (CBN) na pagmamay-ari ng mga Lopez na nasa larangan rin ng pagnenegosyo.

• Ang ABS-CBN, na siyang may-ari rin ng Manila Chronicle ay ang unang cross-media entity na pagmamay-ari ng isang pamilya.

• Marami sa mga programa ay imported mula sa US dahil na rin sa pang-ekonomikong kadahilanan

• Ang pagiging komersyal ng brodkasting sa bansa ay naging natatangi sa mga karatig bansa nito na marami ay kontrolado ng kanilang gobyerno.

• Dekada 60 at 70 ay umunlad ang negosyo ng brodkasting sa bansa. Taong 1966, may 18 pribadong kumpanya ang nasa brodkasting.

• Taong 1969, ang ABS-CBN ay kinover ang Apollo 11 landing ng mga tao sa buwan na de-kolor na.

• Isang napakagastos na proyekto ang pagpapatakbo ng isang himpilang pantelebisyon. Kung magastos ang pagbrobrodkast sa radyo, lalong mas magastos ang pagbrobrodkast sa telebisyon.

• Kaya kadalasan, tinatanong natin kung saan kumukuha ng napakalaking pondo ang mga himpilang pantelebisyon upang mapanatili ang kanilang mga programa at operasyon?

• May apat na paraan kung paano kumukuha ng pondo ang mga himpilang pantelebisyon: 1) mula sa mga patalastas, 2) mula sa paniningil ng bayad sa lisensya, 3) mula sa paniningil ng bayad sa subskripsyon, at 4) mula sa paghahalo sa alinman sa naunang tatlong paraan.

• Ang pondo mula sa mga patalastas ay nakukuha galing sa mga kompanyang nagnanais ipaalam sa publiko ang kanilang produkto. Ang presyo ng bawat segundo ng patalastas ay nakadepende sa oras nito at sa reyting ng himpilan. Kaya minsan dito sa Pilipinas, halos nagpapatayan na ang mga himpilan para mapataas ang kanilang reyting.

• Sa Estados Unidos, ang programang American Idol ay humatak ng $750,000.00 bawat 30 segundo, habang milyon-milyon naman ang usapan para sa World Cup at Super Bowl sa kaparehong 30 segundo.

• Maliban sa karaniwang patalastas, meron din tayong tinatawag na infomercials na binibili ng mga kumpanya ang oras ng himpilan para sa kani-kanilang sariling produksyon ukol sa kani-kanilang mga produkto.

• Minsan meron din tayong patalastas na nakabaon na mismo sa programa bilang props. Di lantaran ang ganitong uri ng pagpapatalastas. Makikita na lang natin

2

Page 3: Pasimula Sa Araling Pantelebisyon

ang bida na nagmamaneho ng ispesipikong gawa ng kotse, o umiinon ng kilalang alak o softdrinks.

• Minsan isinisingit pilit sa programa ang mga patalastas. Madalas itong ginagawa ni Mike Enriquez sa radyo, kung kailan bigla-bigla na lang niyang ibibida ang Tuseran, Chocwick, o Blue Skies. Ang mga ganitong uri ng patalastas ay binabayaran ng minsan mas mataas pa ng mga kumpanya.

• Ang mga programang ibinobrodkast gamit ang pondo galing sa mga patalastas ay tinatawag ng free to air, o FTA, dahil ang mga manonood mismo ay wala nang babayaran.

• Ang pondo mula sa paniningil ng bayad sa lisensya ay medyo nakakagulat para sa ating mga Pilipino dahil lumaki tayo sa sistema ng mga patalastas.

• Ngunit sa ibang bansa, may mga himpilan na kumukuha ng pondo galing sa lisensya, na isang uri ng buwis na pinapataw sa kagamitang pang komunikasyon. Dahil wala silang mga patalastas, ang kanilang mga programa ay tuloy-tuloy.

• Isa ang BBC sa mga himpilang ganito ang kalakaran. Ang gobyerno na Britanya ang naniningil para sa kanila ng bayad sa lisensya. Sa kasalukuyan, ang mga tao sa Britanya ay nagbabayad ng humigit-kumulang sa $270.00 bawat taon para nito.

• Hindi matatawag na FTA ang mga programa na nagmumula sa bayad sa lisensya, ngunit maari itong panoorin kahit sino doon sa mga lugar na abot ng kanilang brodkast.

• Ang pondo mula sa paniningil ng bayad sa subskripsyon ay hindi na bago para sa ating mga Pilipino dahil marami na sa atin ay mga subskrayber ng cable. Pero may mga bansa na kahit hindi dumaloy sa kable ang kanilang brodkast ay subskripsyon pa rin ang kalakaran.

• Dahil hindi FTA ang mga programa na nakukuha sa subskripsyon, limitado ang panonood nito sa may mga koneksyon ng kable, at kung ang brodkast ay sa radio waves, encrypted ang mga signal nito na maaari lamang pakinabanggan sa mga subskrayber na may hawak na code.

• Sa Maynila, dahil malawakan ang illegal na koneksyon, pati ang brodkast sa kable ay kadalasan encrypted na rin gamit ang isang un-scrambler box.

• Ano ang nilalaman ng telebisyon?• Kadalasan, sinasagot ang katanungang ito gamit ang konsepto ng genre. Sa halip

na sabihin natin kung ano ang nilalaman ng telebisyon, mas madaling sagutin ang tanong na “ano-ano ang mga genres na mapapanood natin sa telebisyon?”

• Madalas inaakala natin na mayroong ispesipikong dami ang genres. Ngunit kung iisa-isahin na nating tingnan ang mga genres at sub-genres ng telebisyon, at ng panitikan o sine, maiisip agad natin na mahirap magtalaga ng saradong sistema ng klasipikasyon.

• Ang isang genre ay maaring mahati sa dalawa o tatlong magkakaibang genre, o ang dalawa o tatlong genre ay maari ding magsanib bilang isang genre. Malinaw na may pagka-subhektibo at arbitraryo ang konsepto ng genre.

• Ngunit, hindi rin natin maaring isantabi na lamang ang usapin ng genre sa dahilang napaka-arbitraryo nito. Kailangang-kailangan ang genre hindi lamang sa pag-aaral ng telebisyon, kung hindi pati na rin sa pagpapatakbo ng produksyon ng mga programang pantelebisyon.

3

Page 4: Pasimula Sa Araling Pantelebisyon

• Ang araling pantelebisyon ay isang pang-akademikong pagtanaw sa malawak at maimpluwensyang industriya at diskurso ng telebisyon.

• Noong dekada 70 at 80, matapos ang tatlong dekada bago lumaganap ang pantelebisyong brodkast, umusbong ang araling pantelebisyon.

• May ilang dahilan kung bakit ang ariling ito ay nabuo sa. Una ay ang patuloy na paglakas ng pag-aaral ng kulturang popular, na inumpisahan ng mga teorista ng Frankfurt School at ng Birmingham School. Ang telebisyon bilang isang napakapopular na penomenon ay natural lamang na mapansin ng mga dalubhasa sa kulturang popular.

• Ang ikalawang dahilan sa pagkabuo ng araling pantelebisyon ay ang pagkahawig ng telebisyon sa mga nauna nang tekstong pinag-ukulan ng pansin ng mga taga-akademya, ang sine at radyo, maging ang teatro at nobela. Tila inilipat lamang ng mga dalubhasa ang kanilang mga metodo at teorya tungo sa pag-aaral ng telebisyon.

• Ang pangatlong dahilan sa pagkakabuo ng araling pantelebisyon ay ang pangamba, takot at kawalan ng tiwala ng mga tao sa napakamakapangyarihang midyum na ito.

• Ayon sa Ingles na kritikong si Charlotte Brunsdon may tatlong pinag-uugatang diskurso ang araling pantelebisyon: ang jornalismo, ang panitikang kritisismo, at ang agham panlipunan.

• Ang jornalistikong ugat ng araling pantelebisyon ay tumutukoy sa pagsusulat ng mga rebyu at komentaryo tungkol sa mga kakalabas pa lamang na mga programa. Ang mga sanaysay na ito ay inilalathala sa mga dyaryo at magasin.

• Sa simula, personal ang pananaw ng mga sanaysay na ito. Ngunit ang iba sa kanila ay lumalim at lumawak hanggang naengganyo ang ibang suriin ang telebisyon nang mas masinsinan, mas sistematiko, at mas akademiko.

• Ayon kay Brunsdon, sina James Thurber, Raymond Williams, Philip Purser, at Nancy Banks-Smith ay maituturing na mga unang kritiko ng telebisyong nanggagaling sa disiplina ng jornalismo.

• Ang panitikang kritisismong ugat ng araling pantelebisyon naman ay tumutukoy sa seryoso at akademikong pagsusuri ng teksto ng telebisyon bilang katumbas ng nakalimbag na panitikan o drama sa entablado.

• Noong una, pinupuna lamang ng mga kritikong nagmula sa panitikan ang mga matataas na uri ng programang pantelebisyon. Kalaunan, pati na ang di-kataasang uri ng mga programa ay pinatawan na rin ng mga metodo at teorya mula sa kritisismo ng panitikan.

• Ayon kay Brunsdon, sina Howard Thomas, at George Brandt ang kauna-unahang mga patnugot ng mga ganitong uring araling pantelebisyon.

• Ang unang dalawang ugat ng araling pantelebisyon ay nakatuon lamang sa programang binobrodkast sa telebisyon, na tinuturing naman nilang teksto na maaaring patawan ng mga metodo at teorya mula sa humanidad at panitikan.

• Naiiba sa kanilang dalawa ang pangatlong ugat ng araling pantelebisyon, dahil ito ay sumusuri sa telebisyon bilang panlipunang penomenon.

• Ang pagsusuri ng telebisyon sa perspektiba ng agham panlipunan ay tumutugon sa mga katanungan ukol sa produksyon, sirkulasyon, at papel ng telebisyon sa makabagong lipunan.

4

Page 5: Pasimula Sa Araling Pantelebisyon

• Ang mga metodo at teoryang ginagamit nito ay kadalasang Marxista, kritikal, at postmodernista, kung saan inuugnay nila ang telebisyon sa mga konsepto ng ideolohiya, tunggalian ng mga panlipunang uri, public sphere, social maintenance at iba pa.

• Sa ugat na ito malakas ang impluwensya ng Frankfurt School at Birmingham School, na parehong makakaliwa at parehong humugis sa kasalukuyang pag-aaral ng kulturang popular.

• Sa pagsasanib-puwersa ng tatlong ugat na ito, unti-unting nagkaroon ng kasarinlan ang araling pantelebisyon.

• Ayon kay Brunsdon, noong dekada 90 ang nabuong araling pantelebisyon ay tumutuon sa apat na mahahalagang paksa:1) ang pag-aaral ng telebisyon bilang teksto2) ang etnograpikong pag-aaral ng panonood ng telebisyon3) ang pag-aaral ng produksyon ng mga programang pantelebisyon, at4) ang pag-aaral ng kasaysayan ng telebisyon.

ANG PAG-AARAL SA PROGRAMA BILANG TEKSTO

• Ang unang pokus ng kasalukuyang araling pantelebisyon, ang pag-aaral ng telebisyon bilang teksto ay nagbubukod sa programa bilang hiwalay sa panlipunang penomenon ng telebisyon.

• Ang naibukod na teksto ay siyang pinapatawan ng alin man sa samu’t saring mga metodo at teorya na hinango mula sa humanidades, pilosopiya at agham panlipunan.

• Isang halimbawa sa mga metodo at teoryang ito ay ang usapin ukol sa lahi at etnisidad, kung saan sinusuri ang di-pantay na representatsyon ng mga lahing may-kulay at etnisidad na nabibilang sa minoriya.

• Isa pang halimbawa sa mga metodo at teoryang ito ay ang usapin sa kasarian, kasama na ang masalimuot na isyu ukol sa pagiging bakla o tomboy, ang mga biktima ng pang-aapi, at ang mga kulang sa kapangyarihang representasyon ng kababaihan, kasama na pati ang pagmamaltrato at pangungutya sa mga bakla at tomboy.

• Isa pang halimbawa sa mga metodo at teoryang ito ay ang usapin sa panlipunang uri. Sa metodo at teoryang ito sinusuri ang mga paraan upang libangin ang mabababang uri upang mabura sa kanilang isipan ang anu mang balak na baklasin ang kasalukuyang kaayusan.

• Sa lahat ng pokus ng kasalukuyang araling pantelebisyon, ang pag-aaral ng programa bilang teksto ang pinakamadal. Kung ang paghahagilap ng datos ang pinag-uusapan. Magagampanan ito sa pamamagitan lamang ng pagrekord ng mga piling programa, o di kaya sa pamamagitan ng pagpunta sa arkibo ng himpilan at humingi ng kopya ng mga piling programa.

ANG ETNOGRAPIYANG PAG-AARAL NG PANONOOD

5

Page 6: Pasimula Sa Araling Pantelebisyon

• Ang pangalawang pokus ng kasalukuyang araling pantelebisyon, ang etnograpikong pag-aaral ng panonood ng telebisyon, ay nakatuon sa mga manonood.

• Sa lahat ng pokus ng kasalukuyang araling pantelebisyon, marahil itong uri ng pag-aaral ang pinakamahirap, kung ang paghahagilap ng datos ang pinag-uusapan. Ito ay dahil ang tekstong susuriin dito ay bubuuin pa lamang ng mananaliksik sa pamamagitan ng field work, di gaya sa nauna na pokus na irerekord na lamang ang teksto, o di kaya kukunin na lamang sa arkibo ng himpilan.

• Ngunit sa kwantitibong pamamaraan ng case study at etnograpiya maaaring mapapaliit ang saklaw na mga respondent ng pag-aaral. Gayon pa man parehong nangangailan ng mahaba-habang panahon ang mga kwantitibong pamamaraang ito.

• Ang pangunahing katanungan na tinutugunan ng etnograpiyang pag-aaral ng panonood ng telebisyon ay kung ano ang maidudulot ng telebisyon sa kaisipan ng ng mga manonood.

• Ang ganitong uri ng pananaliksik ay gumagamit ng ilang teorya at modelo. Ang una nito ay ang hipodermikong modelo ng telebisyon, kung saan tinuturing ang telebisyon bilang isang ineksyon na nagsasalin ng kaalaman at kamalayan mula sa himpilan diretso sa kaiisipan ng mga manonood.

• Gamit ang ganitong modelo, umalma ang mga makakanang kritiko na ang telebisyon ay siyang dahilan sa pagkasira ng kamalayan ng tao at ng lipunan. Gamit ang parehong modelo, umalma rin ang mga makakaliwang kritiko na ang telebisyon ay siyang ginagamit na paraan upang lasunin ang kamalayan ng mga manggagawa upang tanggapin na lamang nila ang kanilang kasawiang palad.

• Ang hipodermikong modelo ay ang pinapalaganap ng Frankfurt School, na pinapangunahan nina Max Horkheimer at Theodor Adorno, habang ang grupong ito ay naka-exile sa Estados Unidos sa panahon ng rehimeng Hitler sa Alemanya.

• Kaya sina Herta Herzog, Robert Merton, Paul Lazarsfeld at Elihu Katz ay bumuo ng mas optimistikong modelo na tinatwag nilang sociology of mass persuasion.

• Sa modelong ito tinitingala pa rin ang kapangyarihan ng midya at telebisyon, ngunit ang mga tao ay hindi dapat basta na lamang magiging biktima nito.

• Ayon sa mga teoristang ito, doon sa komunidad ng mga manonood, mayroong mga taong nagsisilbing gatekeepers at opinion leaders na silang namamagitan sa programa at sa manonood. Sila ang huhugis sa pinal na kahulugan ng mensahe ng programa bago pa man ito susuot sa kaisipan ng nakararaming tao.

• Si Katz ay bumuo pa ng lalo pang mas optimistikong modelo, kasabayan ang mga taga-Inglaterang sina Jay Blumler at James Halloran, na tinatawag nilang uses and gratification model, kung saan ang bawat manonood ay kinilala nang may kapangyarihang magkaroon ng sarili niyang pagbasa sa mensahe ng midya at telebisyon.

• Di katulad sa modelo ng hipodermiko at sociology of mass persuasion, kung saan ang mensaheng dumadating sa kaisipan ng mga manonood ay pare-pareho, mas

6

Page 7: Pasimula Sa Araling Pantelebisyon

demokratiko at kanya-kanya ang pagbabasa ng mga manood sa modelo ng use and gratification.

• Intresante sana ang optimismo at demokrasyang dala ng modelo ng uses and gratification, ngunit napaka-indibidwalistiko ito para magamit ng masisinsinan sa isang agham na ang hinahangad ay pag-aaral ng kaisipan ng malawakang grupo ng tao.

• Mula sa Inglatera, sa Birmingham School, binuo ni Stuart Hall ang kanyang encoding/decoding model, ang pinakalaganap na modelo ng ginagamit ngayon ng mga nanaliksik tungkol sa mga manonood ng telebisyon.

• Ang encoding na tinutukoy ni Hall ay tungkol sa proseso ng paggawa ng programa, kung saan ang programa ay nagkakaroon ng dominanteng kahulugan.

• Sa modelong ito tinatanggap pa rin ang ideya na maraming kahulugan ang dala-dala ng programa, ngunit may isang dominanteng kahulugan ang itinalaga dito sa mga tagalikha ng programa.

• Sa kabilang dulo, ang decoding ay tungkol sa pagbabasa ng mga manonood, kung saan malaya silang lumikha ng kahulugan. Ngunit dahil sa encoded na kahulugan sa loob ng programa, tila itinutulak silang mauwi sa dominanteng kahulugang nakapaloob sa programa.

• Gamit ang modelo ng encoding/decoding, kahit marami pa rin ang maaaring maging kahulugan ang programa, limitado ang kanilang bilang dahil sa dominanteng kahulugan na nakapaloob sa programa.

• Maaari nating sabihin na parang pinaghalong mga modelo ng hipodermiko at uses and gratification ang encoding/decoding na modelo ni Hall.

ANG PAG-AARAL NG PRODUKSYON NG PROGRAMA

• Ang pangatlong pokus ng kasalukuyang araling pantelebisyon, ang pag-aaral ng produksyon ng programa ay nakatuon sa institusyon ng himpilan.

• Sa ganitong uri ng pag-aaral ng telebisyon, sinusuri ang mga organisasyon, estruktura at mga patakaran ng himpilan, kasama na ang mga kondisyon ng mga manunulat at ibat ibang manlilikha at artista, na nakakaapekto sa kabuuang anyo ng programa.

• Sa Pilipinas, ang masalimuot na usapin ng mga implikasyon ng pag-aangkat natin ng mga programa mula sa Estados Unidos, Latin Amerika, Japan, Taiwan at Korea ay mabibilang sa ganitong uring pag-aaral ng telebisyon.

• Ang pang-apat na pokus ng kasalukuyang araling pantelebisyon, ang pag-aaral ng kasaysayan ng telebisyon ay medyo mahirap ituring na hiwalay sa nauna nang tatlong pokus.

• Dahil ang kasaysayan ng telebisyon ay maaring maging isang tekstwal na pag-aaral ng mga nakalipas na mga programa, maari din itong maging isang pagsuri muli sa mga nakalipas na mga kaugalian at sistema ng panonood, at maging maaring pag-analisa sa mga nakalipas na estruktura at patakaran ng mga himpilan.

• Ang pinakamadaling paraang mabigyan ng kasarinlan ang kasaysayan ng telebisyon ay ang pag-alala ng naunang tatlong pokus ay nakatuon sa kasalukuyan, habang ang ito ay nakatuon sa nakalipas na ngunit may kabuluhan sa pag-iintindi natin sa kasalukuyan.

7