12
LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject Teacher: Rhealinda Tagayuna Grade Level: 8 email add: [email protected] Quarter: First fb/messenger account:Rhealinda Tagayuna Academic Year : 2021 - 2022 contact #: 09178288298 Topic: Heograpiya at Sinaunang Kabihasnan ng Daigidig I. PANIMULA Nahubog ang kondisyong heograpiko ng daigdig mula sa patuloy na pagbabago ng klima, paggalaw ng lupa, at mga likas na prosesong pinagdaraanan ng mga halamang hayop.Nagagawang hubugin ng kapaligiran ang tao.May mga paliwanag tungkol sa mga teoryang naglalahad ng pinagmulan ng tao sa daigidig.Magkakaiba man ang teorya paliwanag pinagmulan ng tao mananatiling Milagro at bukas sa pagbabago.Dito nagkaroon ng mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao dahil sa mga pagbabago ng panahonat kagustuhang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. ESSENTIAL QUESTION Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao sa daigidig? II. STANDARDS Pamagat : Ang Pagsisimula ng mga Kabihasnan sa Daigdig (Preshistoriko- 1000 BCE) Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon. Pamantayang Pagkatuto: 1. Nasusuri ang kondisyong heograpiko sa panahon ng mga unang tao sa daigdig. 2. Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig . 3. . Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko. III. TRANSFER Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. Transfer Goal: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan ay makakagawa ng isang Multimedia Campaign. Learning Targets:1 Magagawa ko na ilarawan ang dalawang larawan,2. Magagawa ko na gawin ang graphic organizer sa pamamagitan ng pagkakaiba at pagkakapareho ng mga unang tao sa daigdig. Magagawa ko na suriin at tukuyin ang mga yugto ng pagbabagong prehistoriko Scaffold 3: Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa mga larawan sa gawain 1. IV. MGA GAWAINGawain 1: Panuto : Suriin ang dalawang larawan.Ikumpara mo sila sa isa’t isa.Ano ang iyong nararamdaman? Anong nangyari sa 2 larawan? Discussion: Kondisyong heograpiko sa panahon ng mga unang tao sa daigdig. Selyula Ang organismo ng unang anyo ng buhay,naging kompleka na halamang tubig hayop sa dagat,nagbago ng anyo nagkaroon ng paa upang makalakad at makahinga. Unang Anyo ng Buhay 1. Reptilya unang hayop Dinosaur ang pinakamalaki Reptilya. Unang Tao unag lumitaw sa panahon ng yelo. Dalawang Panahon ng Unang Tao

LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

  • Upload
    others

  • View
    21

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

LEARNING MODULE 3

Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject Teacher: Rhealinda Tagayuna

Grade Level: 8 email add: [email protected]

Quarter: First fb/messenger account:Rhealinda Tagayuna

Academic Year : 2021 - 2022 contact #: 09178288298

Topic: Heograpiya at Sinaunang Kabihasnan ng Daigidig

I. PANIMULA

Nahubog ang kondisyong heograpiko ng daigdig mula sa patuloy na pagbabago ng klima, paggalaw ng lupa, at

mga likas na prosesong pinagdaraanan ng mga halamang hayop.Nagagawang hubugin ng kapaligiran ang tao.May mga

paliwanag tungkol sa mga teoryang naglalahad ng pinagmulan ng tao sa daigidig.Magkakaiba man ang teorya paliwanag

pinagmulan ng tao mananatiling Milagro at bukas sa pagbabago.Dito nagkaroon ng mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng

tao dahil sa mga pagbabago ng panahonat kagustuhang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

ESSENTIAL QUESTION

Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao sa daigidig?

II. STANDARDS

Pamagat : Ang Pagsisimula ng mga Kabihasnan sa Daigdig (Preshistoriko- 1000 BCE)

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang

kapaligiran na nagbigay-daan sa sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog

sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayang Pagkatuto: 1. Nasusuri ang kondisyong heograpiko sa panahon ng mga unang tao sa daigdig. 2.

Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig . 3. . Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa

panahong prehistoriko.

III. TRANSFER

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at

preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Transfer Goal: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan

ay makakagawa ng isang Multimedia Campaign.

Learning Targets:1 Magagawa ko na ilarawan ang dalawang larawan,2. Magagawa ko na gawin ang graphic organizer

sa pamamagitan ng pagkakaiba at pagkakapareho ng mga unang tao sa daigdig. Magagawa ko na suriin at tukuyin ang

mga yugto ng pagbabagong prehistoriko

Scaffold 3: Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa mga larawan sa gawain 1.

IV. MGA GAWAINGawain 1: Panuto : Suriin ang dalawang larawan.Ikumpara mo sila sa isa’t isa.Ano ang iyong

nararamdaman? Anong nangyari sa 2 larawan?

Discussion: Kondisyong heograpiko sa panahon ng mga unang tao sa daigdig.

Selyula – Ang organismo ng unang anyo ng buhay,naging kompleka na halamang tubig hayop sa dagat,nagbago ng

anyo nagkaroon ng paa upang makalakad at makahinga.

Unang Anyo ng Buhay

1. Reptilya – unang hayop

Dinosaur ang pinakamalaki

Reptilya.

Unang Tao unag lumitaw sa panahon ng yelo.

Dalawang Panahon ng Unang Tao

Page 2: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

1. Tertiary

Limang Kapanahunan

1. Pliocene

2. Miocene

3. Oligocene

4. Eocene

5. Paleocene

Quartenary

2 niyang kapanahunan

Holocene Pleistocene

Page 3: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

4 na Yugto ng Pagbabago ng Dagidig

1. Yungtong Precambrian – Nabuo ito dahil sa init ng araw,paggalaw ng lupa, at pagtaas ng antas ng oxygen na bumuo

naman sa lupa at tubig.

2. Yugtong Paleozoic – dito nabuo ang malaking kontinente na tinawag na Pangea.

3. Yugtong Mesozoic – Dito nagkaroon ng malalaking anyong tubig

4. Yungtong Cenozoic – Dito nabuo ang 7 kontinente at namuhay ang unang tao sa daigdig,pinakabagong yugto na

tumagal hanggang kontemporaryong panahon.

Gawain 2 : Isulat sa loob ng graphic organizer ang pagkakaiba at pagkakapareho ng Australopithecus at Homo.

Austrapithecus Homo

Pagkakapareho

Pagkakaiba

Discussion: Uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig

Pinagmulan ng Tao batay sa Teorya ng Ebolusyon

Homonid – “ kahulugan ay hayop “ ang mga sinaunang kalansay ay nagpapahiwatig na may kawangis ang tao na

nabuhay mga apat na milyon taon na.

Hominid ( Ramapithecus ) – Tinatayang na may

14-12 milyon na itong nahukay ,hinihinalang

nginunguya niya ang kanyang pagkain tulad ng

kasalukuyang tao, matatagpuan ito sa Europe,

Asia Africa.

Australopithecus africanus – Malapit ang

kanyang pagkakahawig sa tao.Natagpuan ni

Raymond Dart ang mga labi noong 1924 sa South

Africa

Australopithecus robustus – Natagpuan ng mag-

asawang Louis at Mary Leakey ng Great Britain

ang mga labi nito noong 1959. May matipunong

pangangatawan ,may mahabang noo, mahbang

mukha, at maliit na panga.Natagpuan sa Olduvia

George,Tanzania

Page 4: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

Australopithecus afarencis – nahukay ni Donald

Johanson ang kalansay noong 1974. Tinatayang 3-

5 milyong taon na ang labi nito.Natagpuan sa

Afar, Ethiopia

Homo Habilis- May pagkakahawig sa

tao.Pinaniniwalaang unang gumamit ng mga

kasangkapang yar isa magagaspang na bato

Homo Habilis Zijanthropus – May katangian

nakakalakad ng tuwid, apat na talampakan ang

taas, mataas ang kaalaman dahil sa paggamit ng

mga kasangkapang yar isa mga magagaspang na

bato sa paghiwa ng karne na kanilang kinakain

Homo-erectus – Pinakadirektang ninuno ng

Homo sapiens,ang katangian niya nahahawig sa

tao,nakakalakad ng tuwid,nakakagawa ng gamit

yar isa bato,marunong gumamit ng apoy, mangaso

at mangisda. Nabuhay 500,000 taon,natagpuan sa

Asia,Africa at Europe

Homo erectus Taong Java- Natagpuan sa Java

Indonesia,may taas na 1.5, nakakalakad ng

tuwid,kasinlaki ng utak sa kasalukuyang tao.

Homo Erectus Taong Peking – May katangian

na ang taas 5 talamapakan ,nakakalakad ng tuwid,

kahawig ng kasalukuyang tao.

Homo Sapiens – Malaki ang utak, maliit na

ngipin,malaking binti at higit nakakatayo ng tuwid

kaysa ibang pangkat ng tao

Discussion: Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Ebolusyong Kultural – Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na

nakagawian na ng tao dulot ng pakikiayon s pagbabagong naganap sa

kanilang kapaligiran.

Page 5: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

Panahon ng Bato

A. Panahong Paleolitiko – Kasangkapan na magagaspang na bato salitang mula sa griyego.

B. Panahong Mesolitiko – Transisyon ng kulturang neolitiko,nagsimula ang pagtunaw ng glacier umusbong ang mga

kagubatan,ilog, at dagat,nanirahan sila sa pampang at nadagdagan ang mga pagkain.

C. Panahong Neolitiko -

Page 6: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

Gawain 3 :Suriin at tukuyin ang yugto ng pag-unlad ng panahong pre- historiko ng mga sumusunod na salita sa bawat

bilang.Isulat ang P – sa patlang kung ito ay nangyari sa Panahong Paleolitiko,M- kung ito ay nagyari sa Panahong

Mesolitiko, N- kung ito ay nagyari sa Panahon Neolitiko.

____1. Pagtatanim _____6. Maghabi at gumawa ng tela

____2. Ma-alaga ng hayop _____7. Nanirahan sa pampang ng ilog

____3. Kasangkapan sa pagtatanim _____8. Kasangkapan nagsilbing kutsilyo

____4. Paggamit ng Apoy _____9. Kaalaman sa sining

____5. Pangangaso _____10. Pulidong kasangkapan

New Ideas: Para saiyo,bakit mahalaga ang apoy sa pag-unlad ng buhay ng tao?

________________________________________________________________________

Bilang isang Anthonians,Paano nakatulong ang pagkakaroon ng isang tahanan sa pagbuo ng pag-uugali,gawi,at mga

pananaw sa buhay ng isang tao?______________________________________________

VI : Panghuling Pagtataya( Evaluation)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1.Paano nakatulong sa pagbabago ng daigidig ang mga halaman ?

A. Ito ay nagbigay ng oxygen upang mabuhay ang mga hayop

B. Ito ang tumulong sa pag-iwas laban sa erosion.

C. Ito ang nagsilbing pagkain para sa mga hayop.

D. Lahat ng nabanggit

2. Sa aling panahon ng Tertiary nabuhay ang iba pang hayop tulad ng elepante,aso at pusa ?

A. Pliocene B. Pleistocene C. Neocene D. Eocene

3. Ano ang pangunahing idinulot ng mga glacier noon?

A. Tumulong sa pagiiba-iba ng temperature sa buong daigdig

B.nagpapalamig ng temperature sa buong daigdig

C. Pinagkukunan ng tubig

D. Wala sa nabanngit

4. Ito ay malaking pagkakahawig niya sa tao at gumagamit ng kasangkapang bato.

A. Australopithecus africanus B. Hominid ( Ramapithecus )

C. Homo Habilis D. Australopithecus robustus

5.Ito ay may matipunong pangangatawan ,may mahabang noo, mahbang mukha, at maliit na panga ?

A. Australopithecus africanus B. Hominid ( Ramapithecus )

C. Homo Habilis D. Australopithecus robustus

6. Ito ay hinihinalang nginunguya niya ang kanyang pagkain tulad ng kasalukuyang tao ?

A. Australopithecus africanus B. Hominid ( Ramapithecus )

C. Homo Habilis D. Australopithecus robustus

7. Sa Panahong Paleolitiko naganap ang pangyayaring ito ?

A. Natuto silang gumawa ng palayok B. Natutong gumamit ng apoy

C. Natuto silang mag-alaga ng hayop D. Natutong gumawa ng kasangkapan sa pagtatanim

8. Sa Panahong Mesolitiko naganap ang pangyayaring ito?

A. Nagkaroon ng kaalaman sa sining B. Naging lagalag

C. Nanirahan sila sa pampang D. Natutong mangaso

9.Sa Panahong Neolitiko naganap sa pangyayaring ito ?

A. Natuto silang maghabi at gumawa ng tela B. Nakagagawa ng kasangkapang patulis o pulido

C.Nakaranas ng tagtuyot D. May kaalaman sa sining.

10. Sa Panahong ito natuto ang mga tao sa Cave painting?

A. Panahong Mesolitiko B. Panahong Neolitiko

C. Panahong Paleolitiko D. Panahong Ebolusyon

.

TALASANGGUNIAN AT WEBSITE NA GINAMIT SA MODYUL

Araling Asyano ( Tungo sa pagkakakilanlan) , The Library Wikipedia

Page 7: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

LEARNING MODULE 4

Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject Teacher: Rhealinda Tagayuna

Grade Level: 8 email add: [email protected]

Quarter: First fb/messenger account:Rhealinda Tagayuna

Academic Year : 2021 - 2022 contact #: 09178288298

Topic: Heograpiya at Sinaunang Kabihasnan ng Daigidig

I. PANIMULA

Umusbong ang iba’t ibang kabihasnan sa daigidig.Ang Kabihasnang Mesopotamia isang rehiyon sa Timog at

Kanlurang Asya.Maraming ambag sa iba’t ibang larangan gaya ng agham,tknolohiya,lipunan, kultura at pamamahala.

Ang Kabihasnang Ehipto sa hilagang silangan ng aprika mula sa matatabag lupain sa Ilog Nile.Naging malaki ang ambag

ng heograpiya sa pagyabong at pagbagsak nito. Naitatag ang Kabihasnang Indyanosa Lambak ng Ilog Indus dahil sa

matabang lupa nito.Malaki ang naitulong ng Ilog Indus sa pag-unlad ng Indyano na tumagal ng maraming henerasyon.

Ang Tsina ay umusbong sa Ilog Yangtze,nakatulong ang kanilang pilosopya at paniniwala.Ang Mesoamerika ay

matatagpuan sa bahaging kagubatan.Nagkataon nagkaroon umunlad dahil sa agrikultura,kalakalan at sa pagkakaisa ng

mga mamamayan nito

ESSENTIAL QUESTION

Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao sa daigidig?

II. STANDARDS

Pamagat : Ang Pagsisimula ng mga Kabihasnan sa Daigdig (Preshistoriko- 1000 BCE)

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang

kapaligiran na nagbigay-daan sa sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog

sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Learning Targets:1. Triple Matching Type,Tracing the beginning of the chart, differentiate and importance.

Pamantayang Pagkatuto: 1. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa

daigdig. 2. Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig: pinagmulan, batayan at katangian.3.

Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at

lipunan.4. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

III. TRANSFER

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at

preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Transfer Goal: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan ay makakagawa ng isang Multimedia Campaign.

Performance Output: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan ay makakagawa ng isang Multimedia

Campaign.

IV. MGA GAWAIN

Gawain 1: TRIPLE MATCHING TYPE

Panuto: Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa

partikular na heograpiya ng isang kabihasnan

A B C

1.Indus

2.Tsino

3.Ehipto

4.Mesopotamia

5. Mesoamerica

1. Ziggurat

2.Hindu Kush

3.Huang Ho

4.The Gift of Nile

5.Agrikultura

1. Kanlurang Asya

2. Timog Asya

3. Silangang Asya

4. Hilagang Silangan ng

Africa

5. Kanluran ng North

America

Page 8: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

Gawain 2: TRACING THE BEGINNING OF THE CHART

A. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihininging datos sa bawat kolum

B. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart

Anu-ano ang mga sinaunang

kabihasnang umusbong sa daigidig?

Paano nagsimula ang kanilang

kasaysayan ?

Ano ang kanilang mga katangian?

Gawain 3 :

Panuto:Ibigay ang pagkakaiba at kahalagahan ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Mga Kabihasnan Lipunan/Politikal Pamahalaa Relihiyon Panitikan Ekonomiya

Discussion: Heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabishanan sa daigdig

Kabihasnan- yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.

Mesopotamia – ay galing sa salitang Griyego na ibig sabihin ay meso” o gitna at “potamos “ o ilog.Dumadaloy dito ang

mga Ilog Tigris at Euphrates na nagbibigay ng matabang lupa at masaganang suplay ng tubig sa mga nakatira sa mga

lugar na nasasakop nito.at ang unang kabihasnan.Matatagpuan sa Kanlurang Asya.

Fertile Crescent – Kilala bilang lugar na pinagmulan ng mga makapangyarihang kaharian sa daigdig at ng sari-saring

ambag ng teknolohiya naakapagbabago sa buhay ng tao. Ang hugis nito ay suklay.

Kabihasnang Sumer- Timog bahagi ng fertile crescent. Nabuo 5000 taon na nakakaraan

Sumerian – Unang pangkat ng tao na nagtatag at nanirahan dito.Kilala sila sa malayang pamamahala,

pagpapahalaga ng ng kalayaan,pagkakaisa,aktibong paglahok sa mga kalakalan,tanyag na mga lungsod est

Lungsod Ur – Eto ang pinakamatandang lungsod,itinatag ng mga ubaidan.

Cuneifrom – Paraan ng pagsusulat nila na binbuo ng 500 pictrograph at simbolo,ginamit sa pagtatala ng mga

sobrang produkto sa pagsasaka.

Ambag- Dome, Vault, Algebra,Sexagesimal system,kalendaryong lunar,gulong,potter’s, araro sa pagsasaka.

Pamahalaan – Theocracy na pinamumunuan ng simbahan,Patesi ang pinunong pari.

Relihiyon- Polytheism ang pananampalataya sa maraming Diyos tulad ng Anu – dyos ng kalangitan, Enlil -dyos ng mga

ulap at hangin, Ea – dyos ng tubig at baha.

Ziggurat- Templong tore na animo’y pyramide 2-7 baitang,may templo sa tuktok na pinagdadausan ng ritwal,nasa

sentro ng lungsod ng pamayanan.

Imperyo ng Mesopotamia

Imperyong Akkadian – Unang imperyo sa buong mundo itinatag ni Haring Sargon I kaunaunahang pinuno ng mga

Semitic tumagal ng 50 taon ang pamumuno. Naramsin pumalit kay Sargon I.

Imperyong Babylonian – Naging malakas na imperyo, Hammurabi – Kinatatakutan sa sobrang husay niyang

mandirigma ambag niya ang Code of Hammurabi kauna unahang kodigo ng batas sa buong mundo at sistematikong

pagpapatupad ng mga batas sa lupain. Nilalaman nito ay tungkol sa pampulitika, panlipunan at pangkabuhayang

organisasyon,probisyon sap ag-aasawa ,diborsyo,pangako at pakikiapid at katayuan ng babae sa lipunan.

Pamilya at Relihiyon – dito nakabase ang kanilang pamumuhay. Marduk- tawag sa pinakamakapangyarihang diyos.

Imperyong Hittite – Kauna unahang imperyo na nakapagtayo ng kabihasnan sa Asia Minor noong 1700

BCE.Nakapaglinang ng higit na makataong Batas,mas mataas ang pagtingin sa mga kababaihan .May modernong

silang kagamitan sa pakikidigma,unang pangkat na gumamit ng sandatang bakal, bihasa sa pagsakay ng kabayo at

pangangarwahe.

Hattusas – ang kanilang kapitlyo o kabisera

Ambag- epektibong sistema ng pamumuno,serbisyong postal o koreo o sulat,maayos at magagandang kalsada,silid

aklatan,at hindi nagtatagal ang mga malupit at palalong pinuno

Imperyong Assyrian - Kinakatakutan ang mga mandirigmang Assyrian sa kanlurang bahagi ng Asya. Ito ay dahil sa kanilang marahas at malupit na pakikipagdigma. Nagsagawa ng sistematikong pananalakay gamit ang mga chariot, helmet, sibat, at espadang yari sa bakal.

Imperyong Chaldean – Nakilala sila sa Tore ni Babel na isang ziggurat tinawag na Hanging Garden

Imperyong Hittite – Nakilala sila sa paggamit ng karwahe,bakal at tanso sa pakikipaglaban

Imperyong Lydian- Nakilala sila sa paggamit ng sensilyo

Imperyong Phoenician- Nakilala sila sa sistemang alpabeto at kaalaman sa pagalalayag.

Aspekto ng Pamumuhay ng Mesopotamia

Lipunan/Politikal Hierarkikal,ang estruktura nito ay nakabatay sa kapangyarihan,katalinuhan at

yaman na taglay ng tao.Pangkat at tribo ang namumuno dahil sa mga kaharian.

Pamamahala Naglagay sila ng city-state upang mapadali ang pamamahala ng bawat

kaharian” Kodigo ni Hammurabi” makatwirang batas

Page 9: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

Relihiyon Politeistiko o sumasamba sa maraming Diyos

Ekonomiya Pag-usbong ng agrikultura,ang tubig na galing sa Ilog Tigris at Euphrates

nagbigay ng pag-unlad.

Panitikan Cuneiform sistema ng pagsulat

Aspekto ng Pamumuhay ng mga Indus

Aspekto ng pamumuhay ng mga Tsina

Aspekto ng Buhay sa Ehipto

Lipunan/Politika

Emperado ang namumuno.Ang uri ng lipunan nila nakabatay sa kakayang magtrabaho at sa

edad hind isa kahusayan at yaman.

Pamahalaan Ang pamamahala nila ay hawak ng isang dinastiya.Nasa ilalim ng emperador ang

kapangyarihan kasama ang pamilya ta kanyang nasasakupan

Relihiyon Mandato ng Langit dinidikta ng mga diyos kung isang pinuno at pamilya ng isang pinuno ay

angkop para sa pamumuno ng Tsina.

Sining at Panitikan Kalendaryong lunar,Classic sa Dinastiyang Zhou,may malaking koleksyon ng mga

tula,dula,kwento at epiko

Ekonomiya Bukod sa agrikultura,nagkaroon din sila pag-unlad sa larangan ng kalakalan at paggawa dahil

sa mga likas na yaman.

Lipunan/Politikal Nahati sa limang lipunan ayon sa sistemang caste: Brahmin pari ang pinuno sa

templo,Kzhatriya mandirigma at nagmamay-ari ng lupa,Vaisya mangangalakal at Sudra

mga artisano,magsasaka at mangingisda.Hari din ang mga namumuno.

Pamahalaan Hari ang namamahala sa bawat teritoryo,siya ang nagpapalakas militar.kalakalan at

agrikultura at sistema ng pamamahala.

Relihiyon Sumasamba sila sa diyos na tutulong sa aspeto ng kanilang pamumuhay.Halimbawa ng

Hinduismo.

Sining at Panitikan Ang Mahabharata ang pinakahabang epiko ng daigdig,Ramayana kwento tungkol sa mag-

asawang Rama at Sita.

Ekonomiya Pagsasaka ang kanilang kabuhayan at umunlad din ang kanilang kalakalan

Lipunan/Politikal Hierarkikal ang pamumuno nila,nakabatay ito sa kakayahang mamuno,pagkilala ng

tao,yaman.Hari din ang namumuno dito.Mummification hindi nabubulok at napanatili ang

kaayusan ng katawan sa loob ng matagal na panahon.

Pamahalaan Nome naitatag mga pamayanang may mga malasariling pamahalaan.

Relihiyon Naniniwala din sila sa maraming diyos,nanggaling sa kapaligiran at nagsisilbing gabay sa bawat

tao sa mga pamayanan.

Page 10: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

Aspekto ng Pamumuhay ng mga Mesoamerika

Lipunan/Politikal Ang Maya, Teotihuacan, Zapotec, Maya, Aztec ay mga tribu nagtratrabaho sila sa leader ng tribu

Pamahalaan Nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan

Relihiyon Ritwal ay mahalaga sa kanilang pamumuhay .Pok-a-tok na kahalintulad ng basketbol

Sining at Panitikan Ang mga Feathered Serpent,Maize God , Were-Jaguar

Ekonomiya Kabuhayan May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdudulot ng sobrang produkto

Sining at Panitikan Malikhain sila at may malalaking estruktura at rebulto na inukit ng higit isang tao gamit ang

matatalas na kagamitan.

Ekonomiya Dahil sa matabang lupa lumawak ang mga taniman ng mga pamayanan at nagdulot ng

kasaganahan sa buong kaharian.

Page 11: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject

New Ideas: Paano umusbong at bumagsak ang mga sinaunang kabihasnan ng daigdig_____________

__________________________________________________________________

Bilang Anthonian, Ano ang kahalagahan nag pagkakaroon ng aspekto ng pamumuhay sa isang

komunidad____________________________________________________.

Performance Output: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan ay makakagawa ng isang Multimedia

Campaign kung paano mapreserba at pangalagaan ang pamana ng mga sinaunang kabihasnan ng dagidig.

Rubrics:

Pagkamalikhain at Orihinalidad: 40%

Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena: 20%

Linaw ng Kaisipan at Mensahe: 10%

Epektibong Gamit ng Wika: 20%

Aplikasyong Teknikal: 10%

______________________________________

Total 100%

VI:Evaluation

Panghuling Pagtataya

Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Ang cuneiform, anong kabihasnan ang may ambag?

A. Kabihasnang Ehipto B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Mesopotamia D. Kabihasnang Tsino

2. Anong Imperyo ang nagtatag ng Code of Hammurabi sa Kabihasnang Mesopotamia?

A. Imperyong Akkadian B. Imperyong Babylonian C. Imperyong Chaldean D. Imperyong Phoenician.

3. Paano nakatulong sa pamumuhay ng mga Ehipto ang Ilog Nile?

A. Ito ay batayan ng batayan ng kanilang teritoryo.

B. Ito ay batayan ng paniningil ng buwis ng mga opisyal.

C. Ito ay nakatulong sa kanilang agrikulura.

D. Ito ay nagsilbing lunsaran ng kanilang paniniwala

4. Bakit ayaw gawing pagkain ng mga Ehipto ang mga alaga nilang hayop?

A. Nasisiyahan sila sa mga ito

B. Ito ay utos ng diyos

C. Ginagamit nila ang mga ito sa kanilang hanap-buhay

D. Simbolo sila ng pananampalataya.

5. Sila ang mga pilosopya ng Tsina maliban sa isa.

A. Zhoukoudian B. Confucius C. Lao Tzu D. Mo Tzu

6. Ang relihiyon nila ang naniniwala sa Mandato ng Langit.

A. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Ehipto C. Kabihasnang Tsino D. Kabihasnang Mesopotamia.

7. Ang Feathered Serpent ay isa sa mga panitikan nila.

A. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Ehipto C. Kabihasnang Tsino D. Kabihasnang Mesoamerica

8. Ano ang pamahalaan meron ang Kabihasnang Indus?

A. Nabuo ang lungsod- estado B. Pamayanang Nome

C. Hari ang namamahala at nagpapalakas ng military D. Naglagay sila ng city-estate

9. Ang emperador ang namumuno sa kabihasnang ito.

A. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Ehipto C. Kabihasnang Tsino D. Kabihasnang Mesopotamia

10. Kilala bilang lugar na pinagmulan ng mga makapangyarihang kaharian sa daigdig,ang hugis nito ay suklay.

A. Ziggurat B. Cuneiform C. Fertile Crescent D. Hammurabi

TALASANGGUNIAN AT WEBSITE NA GINAMIT SA MODYUL

Araling Asyano ( Tungo sa pagkakakilanlan) , The Library Wikipedia

Page 12: LEARNING MODULE 3 Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject