12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 6: Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng Bansa Zest for Progress Zeal of Partnership 4 Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________ Baitang at Pangkat: ___________________________ Pangalan ng Paaralan: ___________________________

Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

Republic of the Philippines Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 6:

Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng Bansa

Zest for Progress

Zeal of Partnership

4

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________

Baitang at Pangkat: ___________________________

Pangalan ng Paaralan: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

l Natutukoy ang posibleng bunga ng wasto at hindi wastong

pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa l Nakilalahok sa matalinong pangangasiwa ng likas na yaman ng

bansa

Balikan

Panuto: Bashin ng mabuti ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang –alang sa kakayahan at abilidad ngsusunod na henerasyon na makamit din ang kanilang pangangailangan.

A. Kalikasan C. Yaman ng bansa B. Kayamanan D. Likas kayang pag-unlad

2. Ano ang mithiin ng bawat bansa tungkol sa kalikasan?

A. Pagsulong at pag-unlad C. Pagtulong-tulungan ng bawat mamayan B. Pagkakaisa at pagkakaunawan D. Pagmamahalan at pagbibigayan

3. Sa anong taon natukoy ng United Nations Conference on Human

Development ang posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at kaunlaran?

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Princess Joy P. Denoyo Editor: Amancio B. Cainta, Jr., Florence S. Gallemit

Tagasuri: Dr. Jephone P. Yorong, Florence S. Gallemit Tagaguhit: Princess Joy P. Denoyo Tagalapat: Princess Joy P. Denoyo Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa

Dr. Jephone p. Yorong Florence S. Gallemit Joy I. Cagbabanua Mirason S. Omlig

Page 3: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

A. Noong 1970 C. Noong 1980 B. Noong 1972 D. Noong 1982

4. Anong programa ang binuo upang mapag-aralan at bigyang kaukulang

solusyon ang suliranin sa kalikasan at kaunlaran? A. Clean and Green Program B. Clean Up Drive C. World Commission on Environment and Development ( WCED) D. Department of natural Resources

5. Bakit nabuo ng United Nations ang World Commission on Environment and Development ( WCED)?

A. Upang maging magkaibigan ang lahat na bansa. B. Upang malaman ng ibang bansa kung ano-ano ang kanilang mga

yaman. C. Upang lalong umunlad ang lahat kaya kailangan ang pagtulong-

tulungan. D. Upang pag-aralan at bigyan ng kaukulang solusyon ang suliranin sa

kalikasan at kaunlaran. 6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga stratehiya ng

WCED upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao.

A. Pagsama sa usaping pangkalikasan B. Pagsama sa mga isyung pampupolasyon C. Paggawa nga mga imprastraktura. D. Pagpaigting ng edukasyong pangkalikasan

7. Ano ang binigyang diin ng World Commission on Environment and

Development o pandaigdigang komisyon ng kalikasan at kaunlaran? A. Mga yamang tao ng bansa B. Likas kayang pag-unlad C. Hamon ng kalikasan D. Oportunidad ng bawat mamayan

8. Alin sa mga sumusunod na istratehiya ang tumutugon sa mga

pangunahing pangangailangan ng tao?

A. Pagputol ng mga punongkahoy B. Pagtatapon ng basura sa ilog C. Pagpigil sa pulosyon D. Pagsusunog sa kagubatan

Page 4: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

9. Kailan nabuo ang pandaigdigang komisyon sa kalikasan at kaunlaran?

A. Noong 1987 B. Noong 1997 C. Noong 1977 D. Noong 1967

10. Alin sa mga sumusunod na gawain ang Hindi nagpapakita ng

pangangalaga at pagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng likas na yaman ng bansa?

A. Pagtatanim ng mga punongkahoy B. Pagsusunog ng basura C. Paglilinis ng mga baradong kanal D. Paghihiwalay ng mga basura sa tatlong uri: malanta, hindi malanta at

magamit pa.

Tuklasin

Ang likas na yaman ang pangunahing pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng mga tao. Isa ito sa mga salik sa pagkakaroon ng maunlad at masaganang kabuhayan sa isang lugar. Ang wastong paraan ng paggamit ng mga likas na yaman ay kapakinabangan din ng mga mamamayan. Ngunit ang maling paggamit ay maaring humantong sa kanilang pagkasira, pagkawasak, o tuluyang pagkawala.

Wastong Pamaraan ng Pangangasiwa

Ang wastong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman ay makakatulong upang mapanatili ang mga ito at mapakinabangan pa ng mga susunod na salinlahi. Ilan sa maaring gawin ay ang mga sumusunod:

n Magtanim ng mga puno sa mga bundok at maging sa mga bakanteng lote.

n Iwasan ang pagkakaingin o pagsusunog ng mga puno sa kagubatan.

Aralin 1

Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa

Page 5: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

n Iwasan ang paggamit ng mga nakasasamang kemikal sa pananim.

n Magtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop at mga ligaw na halaman.

n Gawin ang Bio-Intensive Gardeningo paggamit ng organikong paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa lamang.

n Pagtatatag ng mga sentro o sanctuary para sa mga yamang tubig.

n Pagpapanatiling malinis ng lahat ng katubigan - kanal, ilog, at dagat

n Huwag gumamit ng dinamita sa pangingisda.

n Magtayo ng mga Water Treatment Plantupang linisin ang maruruming tubig mula sa mga paggawaan, pook-alagaan ng mga hayop, tahanan at taniman.

Di Wastong Pamaraan ng Pangangasiwa

May mga gawain ding lubhang nakakasira ng kapaligiran gaya ng mga sumusunod:

n Pagsusunog ng mga plastik at pagputol ng mga puno.

n Paggamit ng mga sobrang kemikal sa pananim.

n Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

n Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat.

n Pagtagas ng langis sa dagat.

n Pagtatayo ng mga pabrika, gusali o pook-alagaan malapit sa mga ilog o dagat.

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang wastong pamamaraan ng pangangalaga at pangangasiwa ng mga yamang lupa ? Magbigay ng tatlong paraan.

Sagot:________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 6: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

2. Bakit mahalagang mapangalagaan ang ating mga likas na yaman? Sagot:________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 3. Ano ang mangyayari kung hindi mapangasiwaan nang maayos ang mga likas na yaman? Ipaliwanag. Sagot:________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 4. Bilang isangmag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga likas na yaman?

Sagot:________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Lagyang ng tsek ( / ) ang patlang kung wasto ang pangangalaga sa mga likas na yaman at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

___1. Pagbawas sa paggamit ng plastik.

___2. Pagtapon ng basura sa kanal.

___3. Paggamit ng mga organikong pataba sa pananim.

___4. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga gusali.

___5. Pagpapahintulot sa pagpapatayo ng malalaking minahan.

___6. Pagtanim ng mga punong-kahoy kapalit sa mga pinutol na puno.

___7. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid.

___8. Paggamit ng maliliit na lambat sa pangingisda.

___9. Tiradorin ang mga ibon sa gubat.

___10. Pagsusunog ng mga basura. ___11. Paghiwalayin ang mga nabubulok at hindi nabubulok na basura.

___12. Sumunod sa mga batas pangkalikasan.

___13. Gawin ang programang 3Rs (Reduce,Reuse,Recycle)

Page 7: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

___14. Sirain ang mga halaman sa paligid.

___15. Patayin ang mga hayop sa kabundukan.

Gawain

Panuto: Isulat T kung tama ang ginawa ng tauhan sa bawat sitwasyon at M naman kung mali sa patlang bago ang bilang.

_____1. Habang naglalakad ka pauwi, nakita mong sinisira ng isang bata ang mga halaman ng iyong kapitbahay. _____2. Itinapon ng iyong kaibigan ang kanyang basura sa angkop na basurahan. _____3. Gumagamit ng dinamita ang iyong Tatay sa pangingisda. Masaya siya dahil marami siyang huli. _____4. Nakita ni Luis na maraming basura sa tabing dagat. Pinabayaan niya ito dahil alam niyang may taga-linis roon. _____5. Maraming punong kahoyang pinutol ng iyong Kuya para ibenta sa merkado.

Isaisip

Panuto: Punan ng tamang salita ang talata sa ibaba mula sa kahon upang

mabuo ang diwa nito.

maubos mag-aaway alagaan mahalin

pangunahing mawala magtutulungan

Page 8: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

Natutunan ko na ang likas na yaman ay ang 1.__________________ pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng mga tao. Kaya dapat ay atin itong 2._______________ at 3.________________. Dahil maari itong 4._____________ at 5.________________ kapag atin itong pinabayaan. Kaya dapat lahat tayo ay 6.___________________ sa pangangalaga ng ating likas na yaman.

Tayahin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang gagawin mo sa balat ng pinagkainan mong kendi kung wala kang mahanap na basurahan sa paligid?

A. Iuuwi ko at sa bahay ko nalang itatapon. B. Itatapon ko sa pinakamalapit na ilog. C. Magkukunwari akong nahulog sa daan. D. Itatapon ko sa bakanteng lote.

2. Alin ang tamang paraan ng pangingisda?

A. Paggamit ng lason B. Paggamit ng lambat C. Paggamit ng dinamita D. Paggamit ng kemikal

3. Nakita mong maraming punong pinutol ng iyong ama sa gubat, ano

ang gagawin mo?

A. Palitan at taniman ng puno ang gubat B. Hayaan nalang C. Magpapakain sa mga kaibigan D. Pagtatawanan ang resulta

4. Ano ang dapat mong gawin sa mga dyaryo at bote na hindi na

ginagamit?

A. Itapon sa dagat B. Sunugin sa gubat C. Itapon sa bakanteng lote D. I-recycle

Page 9: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

5. Halos wala ng puno sa kagubatan. Ano ang maari mong gawin?

A. Magdasal B. Matulog C. Mag-alaga ng hayop D. Magtanim ng mga puno

6. Anong uri ng lambat ang dapat mong gamitin sa pangingisda?

A. Lambat na sobrang liit na butas B. Lambat na may katamtamang butas C. Lambat na may napakalaking butas D. Lambat na maliit na butas

7. Lahat ay nagpapakita ng wastong pangangalaga sa likas na yaman

maliban sa _______.

A. paglilinis B. pagsusunog C. pagtapon sa wastong lagayan D. paggawa ng Bio-Intensive Gardening

8. Nakita mong itinapon ng kaibigan mo ang kanyang basura sa ilog. Ano

ang gagawin mo?

A. Pagsasabihan ko siya na mali ang pagtapon ng basura sa ilog. B. Tatawagin ko ang iba ko pang kaibigan upang magtapon din ng

basura sa ilog. C. Gagayahin ko ang ginawa ng aking kaibigan. D. Hahayaan ko lang siya.

9. Inutusan ka ng nanay mo sa pagtapon ng basura. Ano ang gagawin

mo?

A. Sunugin ang basura B. Itapon sa bakanteng lote C. Hindi ko pakikinggan si nanay D. Paghihiwalayin ko ang nabubulok at hindi nabubulok na basura

at ilagay sa tamang lagayan

10. Habang kayo ay namamasyal sa parke ay nakita mong may naiwang basura ang kapatid mo sa upuan. Ano ang gagawin mo?

A. Hayaan ko nalang. B. Itago sa ilalim ng upuan ang basura. C. Kukunin ko at itatapon sa malapit na basurahan. D. Magkukunwari akong hindi ko nakita at maglalaro nalang.

Page 10: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

11. Lahat ng nabanggit ay mga di wastong pamamaraan sa pangangasiwa ng likas na yaman maliban sa ______.

A. Pagtapon ng basura sa tamang lagayan B. Paggamit ng dinamita sa pangingisda C. Pagputol ng mga puno sa kagubatan D. Pagtapon ng basura kahit saan

12. Nakita mo na naiwan ng isang bata ang kanyang basura sa mesa

ano ang gagawin mo?

A. Doon ko din itatapon ang aking basura. B. Sasabihan ko siya na naiwan niya ang kanyang basura. C. Kukunin ko at itatapon sa sahig. D. Hahayaan ko lang.

13. Basahin ang seleksyon sa kahon.

Kung ikaw si Ana, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?

A. Oo, dahil hindi naman malalaman ng pamahalaan ang paggamit nito.

B. Oo, upang maraming isdang makuha. C. Hindi, dahil mamamatay ang maliliit na isda at masisira ang mga

coral reefs. D. Hindi, dapat ay turuan din ako kung paano gumamit ng

dinamita sa pangingisda.

14. Kug ikaw si Ana, ano ba ang dapat mong gawin?

A. Hayaan ko nalang para maraming isdang mahuli. B. Sasama ako at magpapaturo kung paano ito gamitin. C. Hindi ako makikialam dahil baka mapagalitan ako. D. Sasabihan ko ang aking ama na ‘wag gumamit ng dinamita dahil

ito ay bawal at masisira ang yamang tubig.

15. Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating likas na yaman?

A. Upang hindi ito mawala at maubos B. Upang hindi ito masira at mawasak C. Upang mapanatili at mapakinabangan pa ito D. Lahat ng nabanggit

Nakita ni Ana na hinahanda ng ama niya ang gagamiting dinamita sa pangingisda. Natutunan ni Ana na ipinagbabawal ito ng pamahalaan ngunit tiningnan lamang ni Ana ang kanyang ama at naglaro sa labas.

Page 11: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

Karagdagang Gawain

Panuto: Bilang isang mamamayan at mag-aaral na nakikinabang sa likas na yaman, ano ang mga gagawin at hindi mo gagawin upang mapangalagaan ang ating likas na yaman? Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN PAGYAMANIN GAWAIN ISAISIP TAYAHIN 1.D 2.A 3.B 4.C 5.D 6.C 7.B 8.C 9.A 10.B

1. / 2. X 3. / 4. X 5. X 6. / 7. / 8. X 9. X 10. X 11. / 12. / 13. / 14. X 15. X

1. M 2. T 3. M 4. M 5. M

1. pangunahing 2. alagaan 3. mahalin 4. mawala 5. maubos 6. magtutulungan

1. A 2. B 3. A 4. D 5. D 6. B 7. B 8. A 9. D 10. C 11. A 12. B 13. C 14. D 15. D

Sanggunian (Ma. Corazon V. Adriano, 2015) (Ma. Corazon V. Adriano M. A., 2015)

GAGAWIN KO HINDI KO GAGAWIN

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Page 12: Z P Araling Panlipunan - dipologcitydivision.net

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.