16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan- Modyul 5: Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo Name of Learner: Grade & Section: Name of School: _________________________________ 8

Z P Z P Araling Panlipunan

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z P Z P Araling Panlipunan

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan- Modyul 5:

Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo

Name of Learner:

Grade & Section:

Name of School: _________________________________

8

Page 2: Z P Z P Araling Panlipunan

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Zamboanga Del Norte, 7100

Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Arianne Marie Bulilan, Maricar P. Pelera, Adam Keth J. Lacquio Editor: Mimie M. Opo Tagasuri: Monina R. Antiquina Tagaguhit: Chris Raymund M. Bermudo Tagalapat: Tagapamahala:

Virgilio P. Batan Jr - Schools Division Superintendent

Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

Monina R. Antiquina - Education Program Supervisor, Araling Panlipunan

Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Arsenia C. Zamoras - Public Schools Division Supervisor

Adrian G. Refugio - School Principal, Galas NHS

Ferdinand R. Cornellio - School Principal, Tubod IS

Dexter S. Elumba - School Principal, Miputak NHS

Page 3: Z P Z P Araling Panlipunan

1

Alamin

Pamantayan ng Pagkatuto: AP8AKD-IVi-10 (MELC) Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng cold war at ng neokolonyalismo

sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Nasusuri ang mga epekto ng mga ideolohiya, cold war at

neokolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig;

b.Naipaliliwanag ang mga mabuting epekto at di-mabuting epekto ng mga ideolohiya, cold war at neokolonyalismo sa iba’t

ibang bahagi ng daigdig; at

c. Nakapagtatala ng mga ideya tungkol sa mga epekto ng cold war

at neokolonyalismo.

Balikan

Gawain 1. BALIK-TANAW MUNA TAYO

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.

Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang nagsisilbing kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya at pampolitika ng isang bansa, pamahalaan o kilusan.

A. Ideolohiya B. Pilosopiya C. Sosyolohiya D. Sikolohiya

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kategorya ng ideolohiya MALIBAN sa ______.

A. Panlipunan B. Pampolitika C. Pangkabuhayan D. Panrelihiyon

3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng ideolohiya? A. Kapitalismo B. Pangkultura C. Pang-ekonomiya D. Dayuhang Tulong

4. Anong uri ng ideolohiya na nagpapatamasa sa lahat ng pantay na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi,

kasarian o relihiyon. A. Sosyalismo B. Demokrasya C. Kapitalismo D. Totalitaryanismo

5. Ito ay kategorya ng ideolohiya na nakasentro sa paraan ng pamumuno

at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. A. Panlipunan B. Panrelihiyon C. Pampolitika D. Pangkabuhayan

Page 4: Z P Z P Araling Panlipunan

2

Tuklasin

Gawain 2: CONCEPT MAP

Panuto: Gamit ang kasunod na concept map, isulat ang kahalagahang

ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa.

Suriin

Gawain 3: TAYO’Y MAGBASA AT MATUTO

Panuto: Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa

mga ideolohiya, cold war at neokolonyalismo. Pagkatapos mong basahin ay

sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang susunod na gawain na may

kinalaman tungkol dito.

Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo

Aralin 7

Page 5: Z P Z P Araling Panlipunan

3

Ang mga Ideolohiya sa daigdig sa kasalukuyan ang pangunahing pamantayang sinusunod ng mga mamamayan. Ito rin ang puwersang

nagpapakilos sa kanila bilang isang bansa. Nagmula ang salitang ideolohiya sa salitang ugat na idea o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. Lipon

ito ng mga kaisipang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ng maraming tao na kumikilos ayon sa mga ideya, simulain, prinsipyo o paniniwala na

napapaloob dito.

Ang Cold War ay panahon ng tensiyong politikal na naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945 hanggang 1991, nangyari ito dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa

ekonomiya, ang hindi pagkasundo ng mga politiko, at tensiyong militar. Ang digmaan ay sa pagitan ng mga kanlurang mga bansa kasama ang Estados Unidos at ang Unyong Sobyet kasama ang mga kaalyado nito. Ang

paghihirap ng Cold War ang humubog sa mga kasalukuyang pangyayari. Ito ang labanang pandiplomatiko at pangkabuhayan at alitan sa ideolohiya at

kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang bansa. Naging labanan ito ng ideo-

lohiya at tinatawag na Cold War dahil walang naganap na putukan o tuwirang komprontasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang magkatunggaling ideolohiya, cold war ay ang matinding kompetensiya na naganap sa pagitan ng mga bansa pagkatapos ng 1945. Ito

ay tunggalian sa kapangyarihan at ideolohiya ng dalawang kinatawan ng mga bansa, kung saan ang demokrasya at kapitalismo ay itinaguyod ng United

States at ang sosyalismo at komunismo naman ay itinaguyod ng Soviet Union. Lahat ng mga bansa sa Europa ay nangangailangan ng tulong upang muling makabangon mula sa pagkawasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mabuting Epekto ng Cold War Ang United States at Union Soviet ang nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng United

States na maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang

daloy ng malayang kalakalan sa mundo. Kasabay ring inayos ang International Bank Rehabilitation and Reconstruction (IBBR) o World Bank

upang tumulong sa mga gawaing rehabilitasyon at rekonstruksiyon. Samantala, pagkamatay ni Stalin ng USSR ay hiniling ni Khrushchev ang

Peaceful Co-existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na makipaglaban pa sa digmaan. Isinulong ni Mikhail Gorvachev ang glasnost o

pagiging bukas na pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina Gorvachev ng Union Soviet at Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang

badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng nakararami. Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig: ang pagpapalipad ng Sputnik

Page 6: Z P Z P Araling Panlipunan

4

I ng USSR, at Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid sa mundo. And US naman ang nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga

puwersang nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi pati na sa medisina sa komunikasyon.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

Umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang-militar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa sa Soviet

Union na nagdulot nga malaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa matinding sigalot bunga ng Cold War, iginiit ng dalawang puwersa ang

kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa. Nagkaroon pa ng bansa ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty

Organization o Warsaw Pact, at ikatlong puwersa o kilusang non-aligned.

Neokolonyalismo

Tumutukoy ang neokolonyalismo sa patuloy na impluwensiyang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang kolonya, bagamat wala silang tuwirang militar o politikal na kontrol sa mga

ito.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang makabagong uri ng pananakop upang mapanatili ang kanilang

kapangyarihan, ang neokolonyalismo, at interbensiyon. Itinuturing ang neokolonyalismo na bago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahirap na bansa. Ayon sa agham-politika, ito ang pananatili ng kontrol ng isang dating

kolonyalista sa dati nitong kolonya.

Mga Pamamaraan at Uri ng Neokolonyalismo

Pang-ekonomiya – Naisagawa ang neokolonyalismo sa pamamagitan

ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na

ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumulong.

Pangkultura – Nababago nito ang pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito. Bunga ng kulturang dala ng dayuhang tumutulong o bansang dayuhan, nababago ang

pinahahalagahan ng mga mamamayan ng tinutulungang bansa sa pananamit, babasahin, maging sa pag-uugali.

Dayuhang Tulong o Foreign Aid – Isang instrumento na nagkaloob ng dayuhang tulong na maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o

pangmilitar. Sa una’y maiisip na walang kondisyon ang pagtulong tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata o pamamahagi ng mga aklat.

Ngunit kung titingnang mabuti, may kapalit ang libreng pagtulong.

Page 7: Z P Z P Araling Panlipunan

5

Nagbebenta ang bansang tinutulungan kaya nga’t bumabalik din sa kanila ang malaking tubo ng kanyang puhunan.

\

Dayuhang Pautang o Foreign Debt – Anumang pautang na ibibigay

ng International Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging may kaakibat na kondisyon. Kabilang dito ang pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa

ng halaga ng salapi at pagsasaayos sa sistema ng pagbubuwis. Kung hindi susundin ang mga kondisyon, hindi makauutang ang umuutang

na mga bansa. Dahil dito, hindi rin makakaahon sa utang ang mahihirap na bansa. Debt trap ang tawag dito.

Lihim na pagkilos o Covert Operation – Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang

guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.

Epekto ng Neokolonyalismo

Over Dependence o labis na pagdepende sa iba - Malinaw na umaasa

nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States.

Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan- Sanhi ng impluwensiya ng

mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa

kanluran ay mabuti at magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at mga produkto.

Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin- Totoo ngang ang

umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran.

Ang lahat ng aspekto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran.

Pagyamanin Gawain 4: H - DIAGRAM

Panuto: Paghambingin ang epekto ng cold war at neokolonyalismo gamit ang H - diagram sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Page 8: Z P Z P Araling Panlipunan

6

Pamprosesong tanong:

1. Ano-ano ang hindi mabuting epekto ng cold war? ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mabuting epekto ng neokolonyalismo?

___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagkakaroon ng cold war

at neokolonyalismo? Pangatwiran. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

Gawain

Gawain 5: BIGYANG-KAHULUGAN

Panuto: Ipaliwanang ang kahulugan ng mga sumusunod na uri ng

neokolonyalismo gamit ang graphic organizer.

Page 9: Z P Z P Araling Panlipunan

7

Pamprosesong tanong: 1. Ano ang iyong ideya tungkol sa salitang neokolonyalismo?

2. Bakit kaya nagkaroon nito? 3. Paano naapektuhan ng patakarang ito ang ekonomiya ng mga bansang

papaunlad pa lamang?

Isaisip

Gawain 6: HULA-LETRA

Panuto: Buuin ang salitang inilalarawan o ipinaliliwanag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa

lalong- lalo na sa may kaugnayan sa United States. _ v _ r d _ p _ n _ _ n _ e

2. Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng

tuluyan.

C _ v _ r t _ p _ r a _ _ _ _

Page 10: Z P Z P Araling Panlipunan

8

3. Ang umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring

nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran.

_ o _ t _ n _ _ _ E _ s _ a _ _ m _ _ t 4. Sa pamamaraang ito ay nabago ang pananaw ng tinutulungang bansa sa

mga bagay na likas na angkin nito. P _ _ g _ u _ t _ _ a

5. Isang instrumento na nagkaloob ng dayuhang tulong na maaaring pang- ekonomiya, pangkultura o pangmilitar.

_ _ r _ i _ n _ i _

6. Mapayapang pakikimuhay sa halip na makipaglaban pa sa digmaan. _ _ a _ e _ u _ C _ - e _ i _ t _ _ _ e

7. Ang anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) ay laging may kaakibat na kondisyon. Kung hindi

susundin ang mga kondisyon ay hindi makakautang ang umuutang na bansa.

F _ _ _ i _ n _ e _ t 8. Dahil sa impluwensiya ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao

na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling.

_ o _ _ o _ _ r _ _ e 9. Naisasagawa ang neokolonyalismo sa pamamagitan ng pagkunwaring

tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa. _ a _ _ - _ k _ _ _ m _ _ a

10. Panahon ng tensiyong pampolitikal at tensiyong militar na naganap matapos sa ikalawang digmaang pandaigdig.

_ _ _ d _ _ r

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na

may kaugnayan sa mga epekto ng ideolohiya, cold war at neokolonyalismo. Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang ideolohiya?

Page 11: Z P Z P Araling Panlipunan

9

A. Isang uri ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan

B. Isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado

C. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng tao D. Mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mabuting epekto ng cold

war? A. Pagsasaayos ng daloy ng malayang kalakalan sa mundo B. Pag-igting ng di pagkakaunawaan ng mga bansa

C. Pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya D. Maraming imbensiyon ang naisasagawa

3. Bakit nangyari ang cold war sa pagitan ng United States at Soviet Union? A. Dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa ekonomiya, ang hindi

pagkasundo ng mga politiko at tensiyong militar B. Dahil sa kompetensiya sa kalakalan at sa kapangyarihan C. Dahil sa pagkakaroon nito ng makabagong pamamaraan sa

pamumuhunang industriyal at pinansiyal D. Dahil sa uri ng suliraning pampolitika at pang-ekonomiya na ang lahat

ng estado mayaman o mahirap ay maaring masangkot 4. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kategorya ng ideolohiya MALIBAN sa

isa. Ano ito? A. Pampolitika C. Panlipunan B. Pangkabuhayan D. Dayuhang Pautang

5. Ano ang pinagkasunduan nina Mikhail Gorbachev ng Soviet Union at Ronald Reagan ng United States?

A. Tapusin ang Arms Race B. Pagbuo ng International Monetary Fund

C. Pagbuo ng militar na tinawag na Black Shirts D. Kasunduan ng Versailles 6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng ideolohiya?

A. Pang-ekonomiya C. Pangkultura B. Kapitalismo D. Dayuhang Tulong

7. Ano ang neokolonyalismo? A. Isang uri ng mga kaisipang gabay sa pagkilos

B. Isang uri ng suliraning pampolitika at pang-ekonomiya na ang lahat ng estado mayaman at mahirap ay maaring masangkot

C. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan D. Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na

kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao

8. Ano ang layunin ng neokolonyalismo? A. Layunin nito ang pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang

pamumuhunan at kalakalan

B. Layunin nitong hindi mapasunod ng mapayapa, gumawa ng paraan

Page 12: Z P Z P Araling Panlipunan

10

ang mga neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan

C. Layunin nitong mabago ng neokolonyalismo ang pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito

D. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang bansa, pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan at kunin ang mas

malaking kita sa negosyo 9. Isa sa mga epekto ng neokolonyalismo ay ang loss of pride o kawalan ng karangalan. Bakit nawalan ng interes ang mga tao sa sariling kultura at

mga produkto? A. Dahil malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang

bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States B. Dahil ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng

kanluran C. Dahil naimpluwensiyahan ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng

mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling D. Dahil patuloy pa ring nakatali ang maliliit na bansa sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran

10. Ang Dayuhang Pautang o Foreign Debt ay isa sa mga pamamaraan ng neokolonyalismo. Anumang pautang na ibigay ng International

Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging may kaakibat na kondisyon. Anu-ano ang mga kondisyong ito?

A. Pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis

B. Pagputol ng kalakalan, limitado ang paglalakbay at bawal ang pahayagan, magasin, aklat at programa sa radyo

C. Pagbebenta ng bansang tumulong ng mga imported na produkto D. Pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at

kalakalan at pagbebenta ng bansang tumulong ng mga imported na produkto

Karagdagang Gawain Gawain 7: REPLEKSIYON

Panuto: Sumulat ng repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan sa epekto ng cold war at neokolonyalismo. Gawing batayan sa pagsulat ng

repleksiyon ang balangkas sa ibaba. Isulat ito sa isang buong papel.

(Pamagat)

(Panimula)

(Katawan)

(Konklusiyon)

Pamantayan sa Pagsulat ng Repleksiyon

Page 13: Z P Z P Araling Panlipunan

11

Mga

Kyarterya

10 8 6 4

Organisasyon Mahusay ang pagkasunod-

sunod ng ideya sa kabuuan ng talata, mabisa

magpanimula at malakas ang

konklusiyon batay sa

ebidensiya

Maayos ang pagkasunod-

sunod ng ideya sa talata, may

angkop na simula at

konklusiyon

May lohikal na

organisasyon ngunit hindi masyadong

mabisa ang panimula at

konklusiyon

Hindi maayos ang

organisasyon at walang panimula at

konklusiyon

Lalim ng Repleksiyon

Napakalalim na makikita ang pag -uugnay ng

dating kaalaman at

karanasan sa bagong

kaalaman

Malalim na makikita ang dati at

bagong kaalaman

Mababaw at hindi gaanong makikita ang

pag-uugnayan sa dati at

bagong kaalaman

Napakababaw

at walang pag-

uugnay ang

dati at bagong

kaalaman

Presentasyon Malinis at

maayos ang pagkakasulat

ng talata

Malinis

ngunit hindi maayos ang

pagkakasulat ng talata

May

kahirapang unawain ang

pagkakasulat ng mga

pangungusap

Mahirap

basahin, hindi maayos at

malinis ang pagkakasulat

ng talata

Kabuuang Puntos

Page 14: Z P Z P Araling Panlipunan

12

Susi sa Pagwawasto

Gawain

Bigyang-Kahulugan

Ang mga sagot ay nakadepende sa sagot ng

mag-aaral ayon sa kanilang pag-unawa.

Pagyamanin

H - Diagram Ang mga sagot ay

nakadepende sa sagot ng mag-aaral ayon sa

kanilang pag-unawa.

Karagdagang Gawain:

Repleksiyon

Ang mga sagot ay nakadepende sa sagot ng

mag-aaral ayon sa kanilang pag-unawa.

Isaisip

1. Over Dependence 2. Covert Operation 3. Continued Enslavement

4. Pangkultura 5. Foreign Aid

6. Peaceful Co-existence 7. Foreign Debt

8. Loss of Pride 9. Pang-ekonomiya 10.Cold War

Tayahin

1. D 2. B 3. A

4. D 5. A

6. B 7. B

8. D 9. C

10.A

Balikan

Balik-Tanaw Muna Tayo

1. A

2. D 3. A 4. B

5. C

Tuklasin

Concept Map Ang mga sagot ay

nakadepende sa sagot ng mag-aaral ayon sa

kanilang pag-unawa.

Page 15: Z P Z P Araling Panlipunan

13

Sanggunian

Blando, R., et al., (2014). Kasaysayan ng Daigdig- Modyul ng Mag-aaral. (Unang Edisyon). Vibal Group Inc. and Deparment of Education-

Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Vivar, T., et al (2000). Kasaysayan ng Daigdig- Batayang Aklat Para sa Ikatlong Baitang. SD Publications, Inc.

Page 16: Z P Z P Araling Panlipunan

14