Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab011

  • View
    278

  • Download
    8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Mga Maykapangyarihan

Text of Noli Me Tangere Deciphered-kab011

KABANATA 11 ANG MGA MAKAPANGYARIHANHati-hatiin at pagharian (Maquiavelo)

Sinu-sino ang mga naghahari sa bayan? Si Don Rafael, noong nabubuhay pa ay hindi naghahari-harian sa bayang ito, sa kabila na siya ang pinakamayaman, nagmamay-ari ng pinakamalaking lupain at may utang na loob ang halos lahat sa kanya. Dahilang sa siya ay mapagkumbaba ay sinikap niyang na huwag pahalagahan ng iba ang kaniyang kabutihan, hindi siya nagkaroon ng maraming kakampi sa bayan, at siya ay kinalaban nang makita na nasa masamang kapalaran.1 Si Kapitan Tiyago kaya? Na kung dumadating sa San Diego ay sinasalubong ng mga nagkakautang sa kaniya ng orkesta, ipinaghahanda ng piging at pinupuno ng maraming handog, napupuno ng mga pinakamabuting prutas, ang kaniyang hapag; kapag nakakahuli ng usa o baboy-damo ay napupunta sa kanya ang isang hita; kapag nabati ang kabayo ng isang may utang, kalahating oras pa lamang at ang kabayo ay nasa kanyang kuwadra. Ngunit sa kabila nito, siya ay pinagtatawanan sa talikuran at tinatawag na sakristang Tiyago.2MGA PALIWANAG 1 Si Don Rafael ay dugong Espanyol at mayaman, ngunit walang hilig sa pulitika. Dahilan sa walang paksiyon ng mga tao na nabuo sa kaniyang panig, sa panahon ng kaniyang masamang kapalaran ay wala siyang nakitang kakampi. Ang tagumpay ay maraming magulang, ang kasawian ay ulila. 2 Si Kapitan Tiago ay kinatatakutan dahilan sa may pautang, ngunit pinagtatawanan sa talikuran. Bakit tinatawag siyang sakristang Tiyago? Ang katotohanan ay mayroong mga nakakaalam na hindi siya ang tunay na ama ni Maria Clara! Alalahaning mabuti na sa Kabanata 6 ay mayroong pinsan si Kapitan Tiyago na naghihinala na mayroong ibang santo ang gumawa ng milagro upang maging tao si Maria Clara. Ang salitang pindeho ay isang opensibong salitang Filipino na ang katapat sa Ingles ay cuckold - man whose wife is unfaithful. Ang isang pindeho ay isang lalaking pinagtatawanan ng kaniyang kapwa tao sa talikuran. Subalit ang susi upang malaman na ang tinutumbok ni Rizal na dahilan upang pagtawanan si Kapitan Tiyago ay ang kaniyang pagiging pindeho ay tinatawag siyang sakristan: Basahin ninyo ang sinulat ni Rizal at magkakaliwanagan tayo: Sa isang eksena sa El Filibusterismo ay hinihikayat ni Kabisang Andang ang kaniyang anak na si Placido Penitente na umayon sa mga kagustuhan ng mga prayle kahit na masama sa loob nito: Ngunit dapat kang na huwag kang kumibo at magbata, walang ibang paraan. At binabanggit ang ang ganoon at ganitong mga ginoo na dahil sa nagpakita ng pagka-pacencioso at mapakumbaba,

128

Ang kapitan kaya ng bayan?3 Siya ay isang nakahahabag na nilalang, hindi nag-uutos, siya ang sumusunod; hindi nagagalit kaninuman, siya ang napapagalitan; hindi nagpapasiya, may nagpapasya para sa kanya, ngunit siya ang nanagot sa Alcalde Mayor4 sa lahat ng ipinag-utos, ipinagawa at ipinasya para sa kanya, na parang ang lahat nang iyon ay lumabas sa kanyang isipan; ngunit dapat ipagtapat, alang-alang sa kanyang karangalan, na ang tungkuling hinahawakan ay hindi niya ninakaw,5 ni kanyang nakuha sa panlulupig;6 kaniyang ginastusan ng limang libong piso at maraming kahihiyan,7 subalit ang gayong mga ginugol ay iniisip niyang maliit dahil sa kanyang kinikita.8 Kung gayon, ang Diyos kaya? Ah, ang mabait na Diyos ay hindi nang-iistorbo sa mga budhi o maging sa pagtulog ng mga mamamayan: hindi Niya pinanginginig ang mga tao, at kung sa isang pagkakataon aykahit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nagagalit sa kaniyang panginoon, ay naging promotor-piskal gayong galing sa pagiging alila ng prayle... ay galing sa pagiging isang maralitang sakristang mapagkumbabat masunurin, na nag-asawa sa isang magandang dalaga na ang naging anak ay inanak ng kura.

3 Kapitan ng Bayan (gobernadorcillo) sa panahon ng kolonyal pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas ay siyang pinakamataas na pinuno bayan (katumbas ng ating mayor). sila ay pinipili ng taunan sa halalan isang lupon ng mga principalia at ang resulta ng pagpili ay pinagtitibay kura paroko.

na ng ng ng

4 Alcalde Mayor sa panahon ng mga Espanyol ito ang pinakamataas na pinuno ng isang lalawigan (katumbas ngayon ng gobernador). Maraming gagawing pagbubunyag si Rizal sa katungkulan ng isang punong lalawigan sa kaniyang panahon sa Kabanata 34. 5 Hindi niya natamo ang katungkulan sa pamamagitan ng pandaraya sa halalan. 6 Hindi nakuha sa pamamagitan ng mga armadong tauhan. (guns and goons) 7 Subalit ipinapakita rito ni ni Rizal na ginagastusan ng malaki ng isang pinunong bayan ang kaniyang katungkulan (gold), ngunit hindi niya iniinda ang nasabing malaking halaga dahilan mayroon siyang pakinabang mula rito. 8 Ang kapitan ng bayan ng San Diego ay kumikita ng malaki mula sa kaniyang puwesto sa pamahalaan. Marami siyang kinikitang salapi mula sa pagawaing bayan. Maaring basahin ang aklat ng Paglalakbay ni Jagor sa Pilipinas.

129

mabanggit ang kaniyang pangalan sa isang sermon, ay tiyak na sasagi sa kanilang pag-iisip, samantalang nagbubuntung-hininga ng: Kung iisa lamang sana ang Diyos!9 Ang taong bayan ay hindi malabis na9 Bakit sumasagi sa isip ng ilan ang paniniwalang Kung iisa lamang sana ang Diyos Nararamdaman ni Rizal noon pa man na mayroon ng mga Pilipino na nagsisimulang manghawak sa kasipan ng dalisay na monoteismo. Sa hanay na ito ng pananalita ay mayroon pang malalim na pagnanais si Rizal na ipakilala ang monoteismo na hindi pinapansin ng kolonyal na simbahan. Ang katotohanan, alam ni Rizal na ang monoteismo at trinity ay dalawang magkasalungat na kaisipan. Ang monoteismo ay paniniwala sa iisang Diyos lamang. Ang trinity ay paniniwala sa tatlong persona na pinagsama sa isang Diyos. Balikan ang Kabanata 6 upang makita ang marahan na pagpapasimula ni Rizal ng pagtuturo ng konsepto ng monoteismo sa mga Pilipino. Isa sa dahilan kung bakit tinutulan ng mga obispo ng simbahan Katoliko ang maipabasa ng buo ang nobela ay dahilan sa ang Noli at Fili ay naglalaman ng mga bahagi na kritikal sa trinity. PAKIBASA LAMANG ANG ISANG AKDA NI RIZAL AT MAYROON KAYONG MAKIKITANG SIKRETONG MALUPIT SA KANIYANG KAISIPANG PANGRELIHIYON, LALO NA ANG UKOL SA TRINITY:Ang tinig na iyon ay kilalang-kilala ng mga kapitbahay; yaoy kay Maligaya na kakambal na kapatid ni Maria Sinag-tala, dalawang dalagang dahil sa kagandahan at sa angkang pinagmulan ay lubhang kilala sa kabayanan. Sa panig ng amay apo sila ni Numanatay, ang maginoong pinugutan ng ulo na kasama ng anak na lalaki ni Lakandula; ang ina nilay apo ni Lakandula at nagngangalang Isabela. Ang ama na nagngangalang Maambun ay di-binyagang kagaya ng lahat ng mga nuno nila, at napilitan lamang na pabinyag upang mapakasal kay Isabel, na kanyang iniibig. Datapuwat isang buwan pagkatapos na makasal, nang siya ay tanungin ng kanyang ama, ang kasindak-sindak na si Kamandagan, ay nagpahayag sa harap ng buong angkan na siyay mananatili sa dating pananampalataya at siyay walang ibang pangalan kundi Maambun. at ang pagkakabinyag sa iyo! ang tanong nila sa kanya. Sumingaw na ang tubig, at halos hindi nakabasa sa balat ng ulo ko ang sagot na buong kalamigan ng loob. at ano naman ang pakialam niyon sa mga bagay na iyan? Hindi ba tayo ay naliligo sa araw-araw, kumakain ako ng asin, at naglalangis sa buhok ko? At ang mga salitang binigkas ng paring Kastila sa ibabaw ng iyong ulo? ang tutol ng asawa niyang nagugulumihanan. Hindi ko naunawaan kahit isang salita niya ang tugong may pagkikibit ng balikat at bagaman nagsalita siya ng mahabang oras ay hindi rin siya naunawaan ng mga sakristan, gayong sinasagot siya ng mga ito. Ano ba ang magagawa at ano ang kabuluhan ng mga salita kung hindi nauunawaan? Kung gayoy bakit ka nagpabinyag? ang usisa ng isang amain ni Isabel. Ano pa kundi upang ako ay makasal; sinabi ko sa aking sarilil

130

nag-aabala sa mabuting Panginoon: sapat na ang kaabalahan na kanilang iniuukol sa mga santo at santa.10 Sa paniniwala ng mga taong bayan, ang Diyos, ay naging katulad ng mga kahabag-habag na haring napapaligiran ng mga maharlika: at sa ganito ang mga huli ang pinapahalagahan ng mga tao.11 Ang San Diego ay isang parang lunsod ng Roma, ngunit hindi ang Roma sa kapanahunang ng tusong si Romulo12 nang lagyan niya ng muog ang lunsod sa tulong ng kanyang araro; o sa kapanahunang siya ang nagdidikta ng mga batas ng buong mundo dahilan sa kakayahan niyang magpaagos ng sariling dugo at nang sa kaniyang mga kalaban:13ang kaunting tubig ay hindi makapagbabago sa dugo ni Maambun. Nasumpungan ng mga dayuhang iyon na basain ang ulo ng lahat, at yamang ang ang di-karaniwang kabaliwang ito ay nakahawa sa mga kamag-anak ng magiging asawa ko, ay pinagbigyan natin sila. Hindi iyan, hindi nga iyan ang lalong mahirap, kundi ang pag-aaral at pagsasaulo ng mga bagay na iyong napaka-di-karaniwan na tatlo o apat na iisa, na isang Inang isang Birhen, o ng amang hindi naman ama at aywan ko kung ano pa, sa dahilang nalimutan ko na; iyan ay mga kasaysayang napakagusot at kahalakhalak, na gaya ng lahat ng itinuturo nila. Kaya huwag na ninyong ibalita ito sa pari at baka manghimasok pa at papaghiwalayin kami; ang lalong mahalaga ay maging mabuti akong asawa ni Isabel, gaya ng pagiging mabuti ng lahat ng ingkong ko at ng inyo, na kaylanmay hindi nagpabinyag, at bayaan ninyo akong sumampalataya sa itinuturo sa akin ng mga magulang ko at hindi sa mga sinasabi ng mga dayuhang iyan.Si Maligaya at Si Sinag-tala Mga Akdang Pampanitikan sa Tuluyan ni Jose Rizal

10 Isang pagdagil ni Rizal na sa mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan ay higit ang pagpapahalaga sa kanilang mga santo at santa at hindi sa Diyos. Maaring ihalintulad ito sa paraan ng relihiyosidad ni Kaptan Tiyago sa Kabanata 6 11 Ang mga patron sa kapanahunan ni Rizal ay kinikilala ng mga Pilipino na kanilang tagapamagitan sa Diyos, dito sila nagsasabi ng mga bagay na kanilang kailangan at hinihiling sa paniniwala na ang mga patron ay malakas sa Diyos. Ang pagkakaroon ng mga tagapamagitang santo ay repleksiyon ng mga nagaganap na transaksiyo