Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab06

  • View
    348

  • Download
    13

Embed Size (px)

Text of Noli Me Tangere Deciphered-kab06

KABANATA 6 SI KAPITAN TIYAGOSundin ang utos Mo dito sa lupa!

Samantalang natutulog pa o nag-aalmusal ang ating mga tauhan, ikukuwento namin si Kapitan Tiyago.1 Kailanman ay hindi niya kami naging panauhin, kaya hindi namin marapat pawalan siya ng kabuluhan2 at hindi namin siya mapuna sa mga lalong mahahalagang pagkakataon. Siya ay pandak, maputi ang kulay ng balat, bilog ang katawan at mukha dahil sa katabaan, na ayon sa kaniyang mga tagahanga ay biyaya ng langit; at galing sa dugo ng mga maralita ayon naman sa kaniyang mga kalaban;3 si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa sa tunay niyang edad: iisipin na siya ay tatlumpu o tatlumput limang taon lamang. Ang ekpresyon ng pagmumukha ay laging anyong banal sa panahong ng aming pagsasalaysay. Ang kanyang bungong bilog, maliit at natatakpan ng buhok na kasing-itim ng kamagong, na mahaba sa harap at maikling-maikli sa likuran, ay naglalaman ng maraming bagay sa loob ayon sa sabi-sabi;4 ang kanyang maliliit na mata na hindi naman singkit ay hindi nagbabago ng kilos magpakailanman, ang ilong ay maliit ngunit hindi pango, at kung angMGA PALIWANAG 1 Ang Kabanatang ito ng Noli ay halos katulad ng artikulo ni Rizal na pinamagatang Isang Makisig na Gobernadorsilyo. Sa nasabing katha ang gobernadorsilyo ay pinangalanan niyang Kapitan Pepe. Sa kabanatang ito ay ginamit ni Rizal ang pangalang Kapitan Tiyago na ang buong pangalan ay ipinakilala sa Kabanata 1 na Santiago de los Santos (Santiago ng lahat ng mga santo). Kinuha ni Rizal ang pangalan ni Kapitan Tiyago sa patron ng Espanya na si San Tiago (St. James the Greater), na ang dambana ay matatagpuan sa Campostela, Espaa. Ang pangalang Santiago de los Santos ay isang pang-iinsulto ni Rizal sa Espanya na nagdala rito ng isang pangkatin ng Kristiyanismo na kasama ang sari-saring mga santo. Mang-aasar si Rizal sa kabanatang ito dahilan sa halos kaniyang iisa-isahin sa pamamagitan ng mga satirikal na pamamaraan ang mga santo ng simbahan na sinasamba ni Santiago de los Santos. 2 Hindi pa naging bisita at sa ganoon ay mahalaga pa ito sa nagsasalaysay tandaan na ang may papiging ay halos walang nakakapuna sa panahon ng salosalo. 3 Si Kapitan Tiyago ay yumaman dahilan sa pagsasamantala sa mga mahihirap. Mayroon siyang kakayahan na pigain ang kahuli-hulihang sentimo mula sa bulsa ng mga Pilipinong naghihikahos sa buhay. Si Kapitan Tiyago ang tunay na modelo ng mga kompanya at negosyong may kakayahan pang humingi ng labis-labis sa kabila ng paghihirap ng malaking bilang ng mga mamamayang Pilipino sa ating kapanahunan. 4 Mapapansin ang paraan ng panunudyo ni Rizal, ipinakilala niya si Kapitan Tiyago na isang matalinong tao ayon sa sabi-sabi.

66

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

kanyang bibig ay hindi nawala sa ayos, dahil sa labis na pananabako at kanganganga ng hitso, na ang sapa na iniipon sa isang bahagi ng pisngi ay sumisira sa ayos ng kanyang pagmumukha, ay masasabing siya ay isang magandang lalaki.5 Kahit na sa nasabing bisyo, ay naiingatan naman na pamalagiing maputi ang kanyang mga sariling ngipin at ang dalawang ipinagkaloob sa kanya ng dentista sa halagang labindalawang piso ang bawat isa. Ipinalalagay siyang isa sa mga mayayaman sa Binondo at isa sa malalaking hacendero dahilan sa may mga lupain sa Pampanga at Laguna, lalo na sa bayan ng San Diego, na ang upa ay tumataas taontaon.6 Ang San Diego ang siyang pinakapaborito dahil sa maiinam na paliguan, sikat na sabungan at mga alaala niya: doon ay palaging manirahan siya ng hindi iiksi sa dalawang buwan sa isang taon. Si Kapitan Tiyago ay maraming ari-arian sa daang Santo Cristo, Anloague at sa Rosario.7 Ang kontrata sa pagbebenta ng opyo ay kinakalakal nila ng isang kasosyong Insik, hindi na kailangang sabihin na malaki ang kanilang pakinabang.8 Hawak niya ang kontrata ng pagpapakain sa mga bilanggo sa Bilibid9 at nagdadala ng damo sa maraming5 Isa sa ugali ni Kapitan Tiago ay ipunin ang hitso na nginunguya sa isang panig ng pisngi, parang nais ilarawan ni Rizal na ang kaniyang tauhan ay katulad unggoy na halos ganito ring paraan ng pagtatabi ng pagkain. Kung hindi ganito ang ayos ng mukha ni Kapitan Tiyago ay masasabi nating siya ay magandang lalaki sa istilong ito ay makikita ang kahusayan ni Rizal sa kaniyang pinong paraan ng pang-iinsulto. 6 Tinataasan ni Kapitan Tiyago ang upa sa lupang kaniyang ipinasasaka upang lalong yumaman at ang kapalit naman nito ay ang paghihikahos ng kaniyang mga kasama sa bukid. Talagang si Kapitan Tiyago ang idolo ng mga mapagsamantalang negosyante sa ating bansa. Sa bahaging ito ay pumapalo si Rizal sa kalabawat at sa kabayo naman lumalatay, ito ay sa dahilang ang katulad na pagsasamantala ay nararanasan ng kaniyang pamilya sa Calamba na hacienda na pag-aari ng mga Dominicano. 7 Dito ay ipinababakas ni Rizal na ang unang pinagmulan ni Kapitan Tiyago ng kaniyang kayamanan ay ang pag-aari niya ng lupa na maaring karamihan sa mga ito ay tinataniman ng tubo (Laguna at Pampanga) at mula sa kinita sa lupain sa lalawigan, ay nakabili ng mga ari-arian sa Maynila, at nakapagtatag ng iba pang mga negosyo. 8 Ang opyo ay isang narkotiko na nagbubunga ng pagkasugapa sa gumagamit. Isa sa pinagkakikitahan ng malaki ni Kapitan Tiyago ay ang pagbebenta ng opyo sa pamamagitan ng kasosyo niyang Intsik. Masasabing si Kapitan Tiyago ay isa sa sinaunang drug lord sa Pilipinas. 9 Ang mga bilanggo sa Bilibid (na nasa Maynila - ang larawan ay kuha sa taong 1898) ay pinapakain ng pamahalaan at ang kontrata ng dinadalang pagkain sa bilangguan ay isa sa mga negosyo ni Kapitan Tiyago. Malakas pagkakitahan ito,

67

Anotasyon ng Noli Me Tangere

pangunahing bahay sa Maynila, na dapat malaman na ito ay sa dahilan sa kontrata. 10 Kasundo niya ang lahat ng maykapangyarihan, matalino, masunurin at mapangahas sa pagsapantaha ng kalakal kakailanganin ng iba,11 Isang nagngangalang Perez ang kanyang mahigpit na karibal sa mga pangungupahan at mga subasta ng mga katungkulang kailanman at inilalagay ng pamahalaan sa Pilipinas sa kamay ng ibang tao.12 Kaya sa kapanahunang nagaganap ang mga isinasalaysay na ito, si Kapitan Tiyago ay isang taong labis na maligaya, isang kapalaran na mangyari ang gayon sa isang taong may maliit na ulo sa mga lupaing iyon:13 siya ay mayaman, kasundo ng Diyos, ng Pamahalaan at ng mga tao. Kasundo siya ng Diyos, bagay na hindi mapag-aalinlanganan: Walang dahilan para magkaroon ng masamang relasyon sa Diyos ang isang taong pinagpapala sa lupa, lalo na at kapag ang taong ito ay hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya kailan pa man, ni hindi man niya pinautang ang Diyos kailanman ng salapi.14 Kailanman ay hindi nagukol sa Kanya ng mga pananalangin, kahit na sa higit na kagipitan;15 sidahilan sa maari niyang bigyan ng kahit na anong pagkain ang mga bilanggo nang hindi makapagrereklamo. 10 Ang damong zacate ang nagsisilbing pinakagasolina ng mga sasakyang hinihila ng kabayo. Ang pagpapadala ni Kapitan Tiyago ng damong zacate sa mga bantog na bahay (tirahan ng mga opisyal) ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga ibinibigay na kontrata ng pamahalaan sa kaniya. Buti pa pala noong panahon ng kolonyalismo, damong zacate lang talo-talo na, ngayon por dies o veinte por ciento. 11 Isa sa mga katangian ng mahusay na negosyante nakikita kung ano ang magiging mga bagong pangangailangan ng mga tao at nagpa-plano ng maaga para mga napapanahong produkto at paglilingkod na maari niyang ipagbili sa iba. Smart si Kapitan Tiyago sa negosyo. 12 Mayroong mga puwesto sa kolonyal na pamahalaan na isinusubasta o naipagkakaloob pagkatapos na makapagbayad ang nagnanais na mapalagay sa nasabing posisyon. Ang higit nitong katulad sa ngayon ay ang kontraktwalisasyon sa mga trabaho kung saan ang isang ahensiya ng pagpapatrabaho ay kumukuha ng isang bahagi mula sa sahod ng manggagawang kontrakwal sa pagawaan. Sa mga mayroong employment agency naunahan na kayo ni Kapitan Tiyago ng mahigit isang siglo sa raket ninyo. 13 Kapalaran para kay Kapitan Tiyago na maging mayaman sa kabila ng kaniyang maliit na ulo - dahilan sa minamaliit noon ng mga prayle ang kakayahan ng mga Pilipino. 14 Isang malupit na paglalarawan ni Rizal sa kolonyal na Katolisismo sa kaniyang kapanahunan. Ang lahat ng santo ay maaring handugan ng mga materyal na bagay, subalit walang anumang abuloy na naka-ukol para sa Diyos. 15 Si Kapitan Tiyago ay relihiyosong malayo sa Diyos ni hindi man lamang nagukol ng panalangin ng pasasalamat o paghingi ng tulong sa Diyos. Hindi (nagpapautang) nagbigay ng abuloy para sa Diyos, sa mga kapanahunang iyon tila ang mga salapi ng mga deboto ay nakaukol sa kanilang mga paboritong

68

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Kapitan Tiyago ay mayaman at ang kanyang salapi ay siyang nananalangin para sa kanya.16 Para sa pagmimisa at pananalangin ay gumawa ang Diyos ng mga makapangyarihan at mapagmataas na pari;17 at para magnobena at magrosaryo, ang kalakihan ng awa ng Diyos ay gumawa naman ng mga maralita para sa kabanalan ng mayayaman, mga maralitang sa halagang piso ay nakahandang magdasal ng labing anim na misteryo at bumasa ng lahat ng banal na aklat, at kung tutumbasan ng kabayaran ay babasahin pati na Bibliyang Hebreo.18 Kung minsan sa isang malaking kagipitan ay kailangan niya ng saklolo ng kalangitan at walang makuha kahit isang kandilang pula ng Insik, ay tumatawag sa mga Santo at Santa na kanyang pinaniniwalaan, at pangangakuan ng maraming bagay upang mapilit at kumbinsihin sa kabutihan ng kanyang mga hangarin. Ngunit ang lalo niyang pinapangakuan at tinutupad naman ay ang Birhen sa Antipolo na Nuestra Seora dela Paz y de Buenviaje,19 ang ilang santong maliliit ay madalas niyang hindi tinutuparan ng pangako at hindi niya pinapakitunguhan ng mabuti: sapagkat kung minsang matapos na masunod ang kanyang kagustuhan ay hindi na sila naaalaala, sa kabilang dako ay tunay namang hindi na sila muling ginagambala magkaroon man uli ng bagong pangangailangan;20 alam ni Kapitan Tiyago na sa calendario ay maraming santong nakatunganga atsanto at hindi sa Diyos 16 Dinagil paniniwala ng mga taong mayayaman na ang pananaw ay malakas sila sa simbahan dahilan sa nakapagbibigay sila ng malaking donasyon sa parokya. 17 Isang masakit na pasaring ni Rizal sa kaparian na kumikita ng malaki mula sa misa. Mayayabang at mapagmataas dahilan sa kakayahan nilang pababain at kainin ang Diyos. 18 Tinutukoy ang mga mahihirap na magdarasal na komonkontrata upang ipagdasal ang mga mayayaman. (Mayroon pang ganitong mga tao sa simbahan ng ). Ang mga magdarasal ay katulad lamang ng mga taong binabayaran upang umiyak sa burol ng mga taong patay na hindi nila kaano-ano. Nang-asar pa si Rizal, upang ipakita ang pagiging desperado ng mga mahihirap na kinokontrata ng mga mayayaman na magdasal para sa kanila - handang basahin ang lahat ng dasal pati ang Bibliang Hebreo para sa halagang piso, ikumpara ito sa paring kumikita ng malaki para sa isang saglit na misa. Ang mga mahihirap sa karagdagang halaga ay babasahin ang Bibling Hebreo tandaan na hindi magagawa iyon ng mga mangmang na magdarasal dahilan sa kakaibang wika at titik, at direksiyon ng pagbasa nito. 19 Higit na pinaniniwalaan at tinatawagan ni Kapitan Tiyago ang mga santo at santa kaysa sa tunay na Diyos. Isang kabalintunaan ng kasaysayan ng kolonyal na Katolisismo sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol ay nagawa nilang mapalitan ang kadakilaan ng Diyos ng mga larawang inanyuan. 20 Ipinakikita ni Rizal ang pagiging swindler ni Kapitan Tiyago. Katunayan nga nito, santo at santa niloloko, ang mga tao pa kaya ang hindi.

69

Anotasyon ng Noli Me Tangere

marahil ay walang ginagawa sa langit.21 Saka ang isa pa ay inaakala niyang ang Birhen sa Antipolo ay may higit na kapangyarihan kaysa sa ibat ibang Birhen, kahit na may dalang tungkod na pilak, Nio Jesus na bihis o hubad, kalmen, kuwintas o correa:22 marahil ay dahilan sa ganitong kalaking kabantugan, ang birheng iyon ay magagalitin, maingat sa kaniyang pangalan, at kalaban ng potograpiya ayon sa sabi ng sakristan mayor sa Antipolo, at saka kung magalit, ay nangingitim na parang kamagong, ngunit ang ibang Birhen ay may malalambot na puso at mga maawain:23 alam naman nating hayag na may mga taong ibig pa sa isang despotikong haring na walang sinusunod kundi ang sariling kalooban kaysa sa isang hari na sumusunod saligang batas ng bayan;24 at kung hindi ito tooo, hayaan natin na magsalita sina Luis XIV at Luis XVI, sina Felipe II at Amadeo I. Marahil dahil dito, kaya makikita na lumalakad nang paluhod sa bantog na simbahan ang mga Insik na hindi binyagan at pati mga Kastila.25 Ang hindi lamang maipaliwanag ay kung

21 Hindi nakaligtas kay Rizal ang napakaraming mga santo ng simbahan, halos puno ang mga araw ng kalendaryo sa mga pangalan ng santo at santa. Ang napakaraming mga santo at santa ay maitutulad na lamang natin sa mga relihiyong pagano ng matandang panahon at maging sa dambana ng Hinduismo. 22 Nagkakaroon ng labanan ng pabantugan sa pagiging milagrosa ng mga imahen. Tandaan na si Mariang ina ni Jesus ay sinasabing inilalarawan ng imahe, kung iisa lamang ang mga iyon bakit magkakaiba pa ang kanilang tinataglay na kapangyarihan sa kolonyal na relihiyosidad ng mga Pilipino ang mahalaga ay ang rebulto at hindi ang santo/santa na maaring ang kadakilaan ay maging inspirasyon natin kahit wala ang kanilang anyong larawan. 23 Noong isilang si Rizal ay labis na nahirapan ang kaniyang ina sa panganganak sa kaniya, at ipinangako ng huli na kapag-nailuwal niya ng maluwalhati ang sanggol ay dadalhin niya ito sa birhen ng Antipolo sa edad na pito. Maging ang isa sa pinakamagandang tula ni Rizal na Junto Al Pasig ay kaniyang inihandog para sa karangalan ng birhen ng Antipolo. Pagkatapos ng ilang panahon ay naging kabaligtaran sapagkat sa bahaging ito ay kritikal si Rizal laban sa mga pamahiin na ikinakalat at pinaniniwalaan ng mga tagasunod ng birhen ng Antipolo. 24 Ipinakikita ni Rizal ang labis na pag-ibig ng mga Pilipino sa kanilang mga patron, anuman ang sabihin ng mga hindi naniniwala ay nandoon pa rin ang kanilang katapatan. Katulad ng katapatan at paghanga ng mga tao sa mga diktador na pinuno, na pinaniniwalaan nilang higit na mahusay na magpalakad ng bayan. 25 Isang pang-aasar ni Rizal, na kaya naroroon sa simbahan ng Antipolo ang mga Espanyol ay dahilan sa idolo nila ang mga malulupit na hari, na ginagaya at isinasagawa naman nila sa kanilang pamamalakad sa Pilipinas. Ang mga Tsino naman ay naandoon din sa Antipolo dahilan sa nasanay sila mahabang panahon ng kanilang kasaysayan na pinamumunuan ng mga malulupit na emperador.

70

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

bakit tumatakas ang mga kura na dala ang pananalapi ng kakila-kilabot na larawan, tumutungo sa Amerika at doon nag-aasawa.26 Sa pintuan ng isang kuwarto na natatago sa isang tabing na sutla, tungo sa isang munting kapilya o dalanginan na hindi dapat nawawala sa saanmang bahay sa Pilipinas: dito ay makikita ang mga diyos na sinasamba ni Kapitan Tiyago, at sinabi naming mga diyos na sinasamba, sapagkat ang ginoong ito ay mahilig sa pananalig sa maraming diyos kaysa iisang Diyos lamang na kailanman ay hindi mauunawaang mabuti.27 Dito ay makikita ang mga larawan ng Banal na Pamilya na ang ulo, paa at kamay ay gawa sa garing, ang mata ay kristal, mahahaba ang pilikmata, at ang buhok ay mapulang kulot, mga pangunahin sa mga pagawaan ng santo sa Sta. Cruz. Mga pintang kuwadro na gawa sa oleo na likha ng mga taga-Pako at Ermita, 28 na naglalarawan ng mga kamartiran ng mga banal, mga milagro ng Birhen, atbp.; si Sta. Lucia, na nakatingin sa langit, at dala sa isang plato ang dalawang mata na may mga pilikmata at kilay, katulad ng mga nakikitang nakaguhit sa triangulo ng Santisima Trinidad o sa mga libingan ng mga taga-Ehipto;29 sina San Pascual Bailon at San Antonio de Padua na nakaabito ng ginggon at minamasdan ang isang umiiyak na Nio Jesus na suotCapitan General, nakatrespiko, sable at botas na katulad ng makikita sa26 Dahilan sa dami ng nagpupunta sa Antipolo at laki ng halaga na nakokolekta ay naging dahilan upang ang parokya ay maging labis na mayaman. Sa kasayayan ng Pilipinas, ang pangangasiwa sa parokya ng Antipolo ay mahigpit na pinaglabanan ng mga paring Espanyol at Pilipino at isa sa mga mitsa ng pagbangon ng Kilusang Sekularisasyon. Mayroong mga kuwento noon na may mga paring Espanyol na naitalaga sa parokya ng Antipolo ang yumaman ng labis at pagkatapos ay iniwan ang pagkapari at nag-asawa sa Timog Amerika. Mapansin sana ang sinabi ni Rizal sa birhen ng Antipolo kakilakilabot na larawan. 27 all estn los dioses lares de Capitn Tiago, y decimos dioses lares, porque este seor ms bien senta por el politesmo que por el monotesmo, que jams haba comprendido (textong Espanyol). Ang kolonyal na simbahan ay nagaangking monoteismo (paniniwala sa iisang Diyos), nakikita ni Rizal ang angulo ng pagkakaroon natin ng maraming mga rebulto at larawan ng mga santo ay walang pinagka-iba sa kagawian ng mga politeismo na ang dambana ay puno ng maraming mga rebulto ng kanilang mga pinaniniwalaang diyos. Ang hanay na ito ay isang pagdagil ni Rizal kay Kapitan Tiyago, subalit ang higit niyang tinatarakan ng malalim na pagpuna ay ang aral ng kolonyal na simbahan sapagkat ang tunay na monoteismo ay hindi nauunawaang mabuti ng simbahan at marahil ng maraming mga Pilipino. Para kay Rizal - HINDI ALAM NG MGA PILIPINO ANG KAHULUGAN AT DIWA NG MONOTEISMO. 28 Pansinin kung paano dumagil si Rizal sa mga santo at santa ng kolonyal na simbahan. Ang mga santo at santa ay ginagawa ng mga pangunahing artisano sa mga distrito Santa Cruz at Ermita sa Maynila hindi sa langit. 29 Sa hanay na ito ay ipinapakita ni Rizal na mayroong mga larawan ng santo at santa na na kinopya sa mga dambanang pagano.

71

Anotasyon ng Noli Me Tangere

sayawan ng mga bata sa Madrid:30 sa pagkakakita ng larawan na ito ay nasasabi ni Kapitan Tiyago sa sarili na ang kahulugan nito ay kahit idagdag ng Diyos sa kanyang kapangyarihan ang pagiging Kapitan Hener al ng Pilipinas ay paglalaruan din siya na katulad ng isang manika ng mga Pransiskano.31 Nakikita rin doon ang isang San Antonio Abad na may isang baboy sa tabi, baboy na inaakalang milagroso ring kagaya ng santo, kaya hindi mapangahasang tawagin ito ni Kapitan Tiyago na baboy kundi alaga ng Santo Seor San Antonio;32 isang San Francisco de Asis na may pitong pakpak at abitong kulay kape, na nakalagay sa ibabaw ng isang San Vicente na may dalawang pakpak lamang ngunit may hawak namang isang trumpeta; isang San Pedro30 Katulad sa ngayon ay ang Santo Nio na nakasuot ng pulis, magsasaka, manlalaro ng basketball atbpa. kabihisan ayon sa kagustuhan ng may-ari. 31 Isang pagbibiro ni Rizal at isang direktang pahayag sa kalabisan ng kapangyarihan ng mga prayle. Kaya nilang paglaruan na tulad ng manyika maging ang Diyos at Kapitan Heneral para sa kapakinabangan ng kanilang mga orden. Ito rin halos ang mukha ng mga naging punong ehukitibo sa bansa na tila manyikang pinaglalaruan ng dayuhang pamahalaan at mga makapangyarihang grupo upang umakto ng pabor para sa kanilang mga kapakanan. 32 Saint Anthony the Great (251 - 356), also known as Saint Anthony of Egypt, Saint Anthony of the Desert, Saint Anthony the Anchorite, and The Father of All Monks, was a Christian saint and the outstanding leader among the Desert Fathers, who were Christian monks in the Egyptian desert in the 3rd and 4th centuries A.D. His feast day is celebrated on January 17th in some churches, but celebrated on Tobi 22 (January 31) in the Coptic Orthodox Church and the Coptic Catholic Church which has the closest cultural and geographical ties to him. Para sa kapakanan ng mga matatalino kong mambabasa ay mabuting maliwanagan natin ang nais na ipahayag ni Rizal sa bahaging ito. Hatiin natin ang mga pangungusap: Makikita rin doon ang isang San Antonio Abad na may isang baboy sa tabi, baboy na inaakalang milagroso ring kagaya ng santo, kaya hindi mapangahasang tawagin ito ni Kapitan Tiyago na baboy kundi alaga ng Santo Seor S. Antonio - Ang baboy na gustong patungkulan ni Rizal na alaga ni San Antonio ay walang iba kundi ang mga prayle. Ito rin ang tunay na pakahulugan ni Rizal sa pagsasabi ni Kapitan Tiyago na ang bagong kura ng San Diego ay isang banal baboy. Pansinin ang isa sa mga akda ni Rizal: Walang bagay na lalo pang banal kaysa sa isang simbahan, at ang simbahan ng San Agustin (sa Intramuros - daniel) ay isa sa lalong banal. Gayong sinasabing ang pook na kinatatayuan ng simbahan ay pinag-aalagaan ng mga baboy ng aking mga magulang Rizal: Si Maligaya at si Sinag-tala

72

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Martir na nahati ang ulo sa pamamagitan nang isang pantaga ng Moro, na hawak ng isang hindi sumsampalataya, katabi naman ang isa pang larawan ni San Pedro na pinuputol ang tainga ng isang moro, si Malko, na kagat ang labi at nakangiwi sa sakit, samantalang ang isang sasabunging tandang ay tumitilaok at pinapaspas ang pakpak sa ibabaw ng isang haliging dorico, sa bagay na ito ay pinagsususpetsahan ni Kapitan Tiyago na upang maging santo ay kailangang mataga o managa.33 Sino ang may kakayahan na isa-isahin sa kalipunang iyon ng mga larawan at makapagsasabi ng mga bagay-bagay na taglay ng bawat isang naroroon? Hindi sapat ang isang kabanata!34 Gayunman, ay hindi natin iiwan na hindi binabanggit ang isang San Miguel na kahoy na may ginintuang pinta, may sukat na isang metro halos ang taas: ang arkanghel ay nakapakagat-labi at nanlilisik ang mga mata, kunot ang noo, namumula ang magkabilang pisngi, taglay sa kaliwang bisig ang isang panalag na hubog-Griyego, at hawak sa kanan ang isang kris ng taga-Jolo, at handang hiwain ang sumasamba o ang sinumang lumapit (ayon sa maiisip sa kanyang kaanyuan at mabalasik na tingin) at hindi ang demonyo na may buntot at sungay at nakakagat ang pangil sa kanyang binting katulad ng sa dalaga.35 Si Kapitan Tiyago ay hindi

33 Isang pangungutya ni Rizal sa mga prayle kailangang mataga o magsakripisyo ng buhay para sa aral na kanilang pinaniniwalaan. O kaya ay managa upang maipagtanggol ang aral na kanilang pinaniniwalaan. Dito natin maiiuugnay ang binanggit na pagpatay kay GH Bustamante sa Kabanata 1 at sa simbolismo ni Rizal sa kabanata 3, na sa galit ni Pray Damaso kay Ibarra ay nagsasalita siya na hawak ang kutsilyo (para sa matamis). Ang tunay na dahilan kaya natatakot si Kapitan Tiyago sa mga banal (prayle) ay baka siya mataga, na ang kaugnayan nito ay makikita sa Kabanata 36. 34 Sa dinadami ng mga santo/santa magagawa kaya ng isang deboto na isaisahin ang mga iyon at malaman ang naging buhay ng mga ito. Paano nga nila malalaman pa kung ang larawan ng santo ay iyon nga ang anyo ng nabubuhay pa? Isa sa nakagulat nang malaki kay John Foreman na isang Ingles na nakapanirahan sa Pilipinas noong mga huling bahagi ng ika-19 na siglo ay nang makita niya na sa isang bahay ang pamilya ay lumuluhod at nagdadasal sa isang larawan ng isang santo na nagkataon naman na iyon ay ang larawan ng rebolusyonaryong Italiano na si Garibaldi. (John Foreman. The Philippines footnote p. 190). Siguro ay natatawa si Foreman lalo na kung maiisip niya na ang larawan ni Garibaldi na dinadasalan ng hindi nakakaalam na pamilya ay ang rebolusyonaryong Italiano na nagnanais na bawiin sa simbahan ang lupain ng Papa sa bahagi ng Roma. 35 Ang paglalarawan na ito kay San Miguel na may hawak na espada at tinataga ang diablo ay ginawang imortal sa pintura ni Fernando Amorsolo na nagng pabalat sa alak na Ginebra San Miguel. Subalit sa paggamit ni Rizal sa paglalarawan sa nobela ay ginamit niyang simbolismo sa mapamuksang kapangyarihan ng mga alagad ng kolonyal na simbahan laban sa mga kanilang mapaparatangang mga demonyo.

73

Anotasyon ng Noli Me Tangere

lumalapit sa kaniya kaylanman, sa takot na baka ito gumawa ng himala.36 Makailan nang gumalalaw ang isang larawan, kahit napakasama ng pagkayari37 mula sa karpinterya ng mga taga Paete, upang ang isang makasalanang kulang sa pananampalataya ay maguluhan ng kaisipan at magtamo ng 38 kaparusahan. Napabantog ang isang Cristo sa Espanya, na ginawang saksi sa sumpaan tungkol sa pag-ibig, ang rebultong ito ay nagpatunay sa harap ng isang hukom sa pamamagitan n g pagtango ng ulo. Ang isa pang Cristo ay nakabukas ang kamay upang yakapin si Sta. Lutgarda, at hindi ba niya nabasa sa isang aklat na maliit na maliit, na kalalabas pa lamang, ang tungkol sa isang sermong dinaan sa kilos, na ginawa ng isang larawan ni Sto. Domingo de Soriano? Ang santo ay hindi bumigkas ng isa mang salita, ngunit sa inianyo ng kanyang mukha ay nahinuha o hininuha ng maykatha ng sinabi ay ang pagsapit ng pagkagunaw ng mundo (hari na nawang matupad kaagad ang hulang ito sa maykatha ng aklat at sa aming lahat na naniniwala sa kanyaRizal).39

36 Bakit natatakot si Kapitan Tiyago na lumapit sa larawan ni San Miguel? Dito ay nagpapatawa si Rizal at siguro siya man ay tumatawa sa nais niyang palitawin. Tandaan na ang tinataga ni San Miguel ay mga dimonyo at si Kapitan Tiyago ay takot na lumapit sa larawan ni San Miguel dahilan sa nararamdaman niya na isa siya sa mga karapat-dapat na tagain ng nasabing anghel. 37 Makailan nang gumagalaw ang isang larawan, kahit napakasama ng pagkayari Ito ay isang lihim na paghahantad ni Rizal sa mga pakana ng mga prayle na gamitin ang kanilang armadong kapangyarihan. Tandaan na ang isa sa kanilang unang biktima sa Pilipinas ay si Gobernador Heneral Bustamante. Kahit napakamasama ng pagkakayari (nang aksiyon at hindi ng sining) dahilan sa ginawa ang paggalaw (pagpatay o pananaga) para sa sariling kapakinabangan ng mga prayle. 38 upang ang isang makasalanang kulang sa pananampalataya ay maguluhan ng kaisipan at magtamo ng kaparusahan mapapansin din na ang armadong kapangyarihan ng mga prayle ay handa ring gamitin sa mga kulang sa pananampalataya o erehe. Sa nakatagong hanay ng pananalitang sa kabanatang ito ay lihim na inilalatag ni Rizal ang kakayahan ng mga prayle na gumamit ng dahas laban sa mga Pilipinong nagtataglay ng mapangahas at kritikal na kaisipan na sususri sa kakatwang panatisismo na umiiral sa loob ng kolonyal na Kristiyanismo. 39 Pansinin ang sulat ni Rizal mula sa Espanya na kaniyang ipinadala sa kaniyang mga kaanak: Ngayon ay kapistahan ni San Antonio Abad, at ang mga buro, mula kabayo at iba pang hayop na may dalawa o apat na paa ay naparoon sa kinaroroonan ng nasabing santo, upang dumalaw at sila ay basbasan. Ang mga iyon ay magarang napapalamutian: aywan ko kung ano ang mahihita ng buro sa mga bendisyon at indulhensiya, kung totoo, gaya ng

74

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Hindi ba naibalita rin na ang Birhen ng Luta sa bayang Lipa ay matambok ang isang pisngi kaysa isa at may putik ang laylayan ng damit? Hindi baga iyon ay isang patotoo na ang mga banal na larawan ay namamasyal din naman, na hindi naglililis ng kanilang kasuotan,40 at sumasakit din ang ngipin marahil ay dahil sa atin?41 Hindi ba nila nakita, sa tulong ng mga matang sarili, ang lahat ng Cristo sa sermon ng Pitong Wika, na kumikilos at iniyuyuko nang makaitlo ang ulo ng ayon sa kumpas na siyang ikinaiiyak at ikinasisigaw ng lahat ng mga bababe at ng mga kaluluwang maramdaming nakaukol na umakyat sa langit? Kulang pa ito? Kaming na mismo ang nakakita sa predicador na ipinakikita sa madla, sa pagbababa sa krus , ang isang panyong maliit na puno ng dugo, at iiyak na sana kami sa pagkahabag, nang sabihin sa amin (sa kasawian ng aming kaluluwa) ng isang sakristan, na iyon ay biro lamang: iyon ay dugo ng isang inahing manok na pinatay, iniihaw, at kinain in continenti kahit noon ay Biernes Santo at ang sakristan ay mataba.42 Si Kapitan Tiyago nga, dahil sa kanyang pagkamaingat at relihiyoso, ay umiiwas na mapalapit sa kris ni San Miguel. Iwasan natin ang mga pagkakataon! sabi sa sarili, alam kong isa kang arkanghel, ngunit, huwag, hindi ako magpapakatiwala, hindi ako magpapa-katiwala!43sinasabi nila, na ang mga itoy walang kaluluwa at hindi maaring magkasala o magtanggol sa Diyos. Sa anut anuman, darating ang isang mapalad na araw na kahit batoy magkakaroon ng isang patron na tatangkilik sa kanila. Magpakabihasa kayo riyan at humanap ng isang santo para sa mga kalabaw na magliligtas sa ito sa mga pagkukulang at pagbabayad ng mga buwis. 40 Ang isinulat na ito ni Rizal na paggagala ng birhen sa gabi ay isang palihim na pagdagil sa mga prayle na umaalis ng kumbento na hindi naka-abito tuwing gabi upang lihim na makipagtagpo sa kanilang mga babae. Para kay Rizal, hindi lamang mga prayle ang gumagawa ng mga himala. Maging ang mga santa man ay umaalis din ng simbahan. Hindi isang akusasyon ang paliwanag na ito dahilan sa ipapaliwanag ito sa iba pang kabanata ng nobela. 41 Tuwing may nababalitang milagro ay palaging sinasabing nagaganap ito para sa mga makasalanan, kaya naririnig natin ang kuwento na umiiyak ang birhen dahilan sa ating mga kasalanan. Dito ay hinihikayat ni Rizal na maging kritikal sa mga napapaulat na mga milagro ng mga rebulto ng simbahan. Pansinin ang Talababa Blg. 69 42 Maging ang pagpatay ng manok para ipakita ang dugo ng hayop na ipinahid sa panyo ay isang panlilinlang sa mga bulag na mapanata at ang pagkain naman ng karne nito sa Biyernes Santo ay isang hayagang paghahayag ng mayakda na ang mga taong simbahan ay gumagawa ng paglabag sa aral na kanilang mismong ipinatutupad. 43 Bakit inulit ang pag-iwas ni Kapitan Tiyago na lumapit sa larawan ni San Miguel? Sa ikalawang pag-uulit ay mapapansin ang salitang umiiwas (kanina ay lumapit). Ito ay dahilan sa pailalim na pagdagil ni Rizal upang ipaalam na maaring anumang oras na gagawa si Kapitan Tiyago na hindi kaayon sa kagustuhan ng mga prayle ay maaring mayroon siyang masamang kalalagyan

75

Anotasyon ng Noli Me Tangere

Hindi lumalampas ang bawat taon kay Kapitan Tiyago na hindi dumadalo na may kasamang isang orkesta para sa malaking kapistahan ng Antipolo; pagkatapos ay bumabayad para sa dalawang misa de gracia, tatlong nobena at ng iba pang araw na walang nobena, at pagkatapos ay naliligo sa batis na pinaliguan ng Birhen. Nakikita pa hanggang sa ngayon ng mga taong mapanampalataya ang bakas ng kanyang mga paa at buhok sa matigas na bato, noong banlawan ng birhen ang kaniyang buhok, na katulad ng sinumang babaing gumagamit ng langis ng niyog, at waring patalim o diamante at isang libong tonelada ang bigat ng kanyang buhok.44 Nais namin minsan sana ay iwasiwas ng kakila-kilabot na Larawan ang kanyang buhok sa mga mata ng mga mapanampalatayang ito, at tuntungan ang kanilang mga dila o ulo.45 Sa panabi ng nasabing batis, si Kapitan Tiyago ay kumakain ng litson, sinigang na dalag sa alibambang at iba pang lutong maaring masasarap. Ang dalawang misa ay nagkakahalaga sa kanya ng mahigit na apat na raang piso, ngunit mura pa iyon sa kanyang inaasahang malalaking suwerte na matatamo sa buong taon dahil sa mga misang iyon. Ngunit hindi lamang ang Antipolo ang teatro ng kanyang maingay na debosyon. Sa Binondo, Pampanga at sa San Diego, kapag siya ay magsasabong ng isang tandang na may malaking pusta ay nagpapadala sa kura ng salaping ginto para sa angkop na misa para siya manalo,46 katulad ng mga Romano na nagtatanong muna sa kanilang mga augur47 bago ganapin ang isang labanan sa pamamagitan ng pagpapakain sakailangan niyang maging maingat. Matutunghayan ang kabuluha nito sa Kabanata 36. 44 Dito ay gumagawa ng isang siyentipikong pagbatikos ni Rizal sa mababaw na paniniwala ng mga panatiko, na ang mga bakas ng birhen ng Antipolo ay nakabakat sa paliguan at para mangyari iyon ayon kay Rizal ay kailangan na ang buhok ng rebulto ay isang libong tonelada at kasingtalim ng diamante. 45 Upang maunawaan ang sinulat ni Rizal isang rebulto na may isang libong tonelada ang buhok at iwasiwas ito- isipin ninyo ang lakas na yayanig sa loob at maaring makasira sa simbahan ng Antipolo. Pagkatapos ay ipapatong ang paa sa dila o ulo ng mga deboto isipin ninyo kung ipatong ng isang rebulto na ang buhok ay may isang libong tonelada ang bigat, siguradong daig pa ang ilang beses na dinaanan ng pison ang ulo ng mga kahabag-habag na deboto. 46 Tila ninanais ni Kapitan Tiyago na makakampi sa sugalan ang mga santo. 47 Augur miyembro ng kaparian ng matandang relihiyong Romano na nagbibigay ng paliwanag tungkol sa kalooban ng mga diyos na pagano tinitingnan nila ang mga tanda sa pamamagitan ng lipad ng mga ibon. Kalagayan ng laman-loob ng mga isinakripisyong hayop, direksiyon ng kidlat. Makapangyarihan ang mga augur dahilan sa kanilang mga payo bago ganapin ang digmaan at importanteng okasyon.

76

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

mga sinasambang manok, si Kapitan Tiyago ay nagtatanong din naman sa kanyang mga sinasamba, ngunit alinsunod sa mga kaibahang taglay ng panahon at ng mga bagong katotohanan. Tinitingnan niya ang dingas ng mga kandila, ang usok ng incenso, ang tinig ng pari, atbp., at mula sa lahat ng iyon ay hulaan ang ang maaring kalabasan. Tanggap ng la hat ang paniwala na bihirang matalo si Kapitan Tiyago, at kung matalo ay dahilan sa ang pari ay paos, kakaunti ang ilaw, ang mga kandila ay masebo o kaya ay nahaluan ng masamang piraso ang kuwalta, atb.; pinatutunayan sa kanya ng isang pinuno ng isang cofradia na ang mga kasawiang iyon ay ipinatitikim sa kanya ng kalangitan upang lalong patibayin ang kanyang paniniwala at debosyon.48 Minamahal siya ng mga kura, iginagalang ng mga sakristan, sinusunod ng lahat ng mga Insik na magkakandila at ng mga manggagawa ng paputok, siya ay lubhang mapalad sa pananampalataya dito sa lupa, at inaakala ng ilang mahahalagang tao at may pananamba, na sa kalangitan man ay mayroon din siyang malaking kabuluhan.49 Mayroon siyang kapayapaan sa Pamahalaan, bagay na hindi mapag-aalinlanganan kahit na lubhang mahirap paniwalaan. Ito ay dahilan sa wala siyang kakayahan na mag-isip ng isang bagong bagay, at lubos na nasisiyahan sa kanyang paraan sa pamumuhay at nakahanda sa lahat ng sandali sa pagsunod kahit na sa pinakamababang oficial quinto ng lahat ng kawanihan, nagreregalo ng mga hamon, kapon, manok, mga prutas mula sa Tsina sa anumang buwan ng taon.50 Kapag nakadinig siya ng salitaang masama laban sa mga Pilipino, sapagkat ipinalalagay niyang hindi niya kalahi ang mga pinagsasalitaan ng masama, ay nakikiisa siya sa panlilibak at lalo pang masama kung siya ay magsalita.51 Kung pinagwiwikaan ng masama ang mga mistisong

48 Sa mga sugarol, ang lahat ng kilos ay may kahulugan sa pag-aakalang sila ay mananalo. Para sa mga manunugal, mayroon akong alam na pinakamahusay na palatandaan na kayo ay mananalo sa sugal ito ay kapag naramdaman ninyong nagsasawa ka na sa pamimigay ng pera sa mga taong nagtatawa sa iyong kamalasan doon ka magsisimulang manalo laban sa sugal. 49 Inilalarawan dito ni Rizal na sa Pilipinas ay pinakikitunguhang mabuti ang isang mayamang parokyano (na ang unang kahulugan noon ay taga parokya na masugid na sponsor ng mga gawaing pansimbahan). Sa pagdating ng panahon ang katawagang iyon ay ginamit na bilang pagkilala sa mga bumibili ng marami o palagian (suki) sa isang tindahan. 50 Ipinakikita rito ni Rizal na sa isang pamahalaan na walang tunay na demokrasya, ang isang uto-uto ang modelong mamamayan. 51 Si Kapitan Tiyago ay dumudusta sa sarili niyang kababayan pinagtatawanan ang kahinaan ng kaniyang kalahi. Sa kabilang dako, ang Noli ay isinulat ni Rizal hindi sa layunin na dustahin kundi isang pagpapakita ng mga kahinaan ng kaniyang kababayan, sa layunin na suriin ang kadahilanan at maituwid ito.

77

Anotasyon ng Noli Me Tangere

Insik o Kastila, ay kasama rin siya sa pag-alipusta, sapagkat iniisip niya marahil na siyay isang tunay na Kastila. Siya ang unang pumupuri sa anumang pagpapataw ng buwis, lalo na kung sa likod niyon ay may naaamoy siyang kontrata o pabuwisan.52 Mayroon siyang laging nakahandang orkestra, para batiin o haranahin ang lahat ng mga gobernador, alkalde, piskal, atbp., sa kanilang mga kapistahan, araw na kapanganakan, pagsilang o pagkamatay ng isang kamag-anak, sa isang sabi, sa anumang pagbabago na naiiba sa nakakabagot na pang arawaraw na pangyayaring. Dahil sa mga pangyayaring ito ay nagpapagawa ng mga tulang papuri, mga awiting pagpaparangal sa malambot at magiliw na gobernador, matapang at malakas na alkalde na magtatamo sa kalangitan ng palaspas ng mga banal, at iba pang bagay.53 Siya ay naging gobernadorcillo ng mayamang samahan ng mistiso, sa kabila ng pagtutol ng marami, dahil sa inaakalang nilang hindi siya mistiso.54 Sa dalawang taong kanyang pamamahala ay nakasira nang sampung prak, gayon din karaming sombrero de copa at anim na baston. Ang prak at sombrero de copa ang kanyang suot pag nagpupunta sa Ayuntamiento (city hall), sa Malakanyang at sa kuwartel; suot ang sombrero de copa at ang prak kung nasa sabungan, sa talipapa, sa mga prusisyon, sa mga tindahan ng mga Insik, at sa ilalim ng sumbrero at sa loob ng prak, si Kapitan Tiyago ay pawisan dahil sa kakukumpay ng baston de borlas na nag-uutos, inaayos at ginugulo ang lahat ng bagay, sa tulong ng isang kasipagang kahanga-hanga at anyong walang katawa-tawa, na lalo pang kahanga-hanga mandin.55

52 Si Kapitan Tiyago ay katulad ng ating kasalukuyang mga mambabatas opisyal ng pamahalaan na handang umayon sa pagtataas ng buwis nagsasabing makabubuti iyon sa ating bayan. Subalit ang tunay na dahilan may nakikita silang pakinabang mula sa karagdagang buwis na ipapataw mga mamamayan.

at at ay sa

53 Ang isa sa mga kahinaan ng mga opisyal ng kolonyal na pamahalaan ay ang purihin sila ng labis-labis. Pansinin sana na ang mga pananalitang nakaguhit na ang lahat ng mga ito ay papuring labis-labis kaysa sa katotohanan. Magagamit pa ito hanggang sa kasalukuyan - kung nais mong mapalapit sa mga pulitiko ay purihin mo siya ng labis-labis. Binobola ng mga pulitiko ang bayan at ang bayan naman ay binobola ang kanilang mga pulitiko. 54 Siya ay naging gobernadorcillo ng mayamang samahan ng mistiso, sa kabila ng pagtutol ng marami, dahil sa inaakalang nilang hindi siya mistiso. Ang higit na katulad nito sa ating panahon ay ang pagtakbo sa eleksiyon ng isang tao na nanirahan sa Maynila, ngunit kumandidato sa probinsiya kung saan siya isinilang at iniwan pagkatapos na siya ay mabinyagan, sumisipot paminsan-minsan para magbakasyon, at pagkatapos ay tatakbo sa eleksiyon bilang opisyal sa anumang puwesto sa lalawigan. 55 Pakitang tao lamang ang kaniyang ginagawa para sa ngalan ng kaniyang katungkulan. Mula sa kagawian na ito ni Kapitan Tiyago ay mababakas natin ang pinagmulan ng kaugalian ng mga pulitiko na pumorma ng sobra sa harap ng maraming mga tao na nanonood sa kaniya.

78

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Nakikita siya ng mga maykapangyarihan bilang isang mabuting tao, nagtataglay ng mabuting kalooban, payapa, mapagkumbaba, masunurin, hindi nagbabasa ng anumang aklat o mga dyaryo mula sa Espanya, samantalang nakababasa at nakapagsasalita naman siyang mabuti ng Kastila; ang tingin sa kanya ay kagaya ng tingin ng isang mag-aaral sa takong ng isang lumang sapatos na napangiwi dahil sa kanyang ugali sa paglalakad.56 Sa ganang kanya ay lumalabas na kapwa totoo ang dalawang banggit, na ang isa ay sa binyagan at ang isay sa hindi kampon ni Cristo na beati pauperes spiritu at beati possidentes (mapapalad ang mga aba at mapapalad ang mga mayroon) at bagay na bagay ikapit sa kanya iyong mga salitang Griyego na masama ang pagkakasalin, alinsunod sa sabi ng ilan, na: Kaluwalhatian sa Maykapal sa kaitaasan, at katiwasayan sa mga taong may mabubuting kalooban sa lupa57 sapagkat gaya ng56 Ibig sabihin ay nahirati na sa porma kahit nakangiwi na ang ayos ay masarap pang isuot dahilan sa kasundo na ng paa. Si Kapitan Tiyago ang nakangiwing sapatos at ang mga maykapangyarihan ang nagsusuot o gumagamit. Subalit ang isang lumang sapatos na matagal na nating ginagamit at nakasanayan na ng ating mga paa ay maari nating iwanan anumang sandali na hindi na ito angkop sa ating kasiyahan. Isang paraan ng pagbibigay ni Rizal ng babala sa mga taong sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga taong nakakataas sa pamahalaan. 57 Mula sa paniniwalang ito ay tumubo ang henerasyon ng mga Pilipinong walang kibo. Mahalaga sa mga ito ang kapayapaan kahit na ito na buhay nila ay puno ng pagsasamantala, panlilinlang, at pang-aapi. Bigyan ng Pansin na masama ang pagkakasalin, ng teksto sa Biblia ng talatang Lucas 2:14 na Kaluwalhatian sa Maykapal sa kaitaasan, at katiwasayan sa mga taong may mabubuting kalooban sa lupa Bago ang Berlin, ang pinakahuling pinag-aralang panayam papel na binigkas ni Rizal noong siya ay papaalis na sa Universidad Central de Madrid, kung saan ang paksang kaniyang tinalakay ay ukol sa teksto ng Biblia na Kaluwalhatian sa Maykapal sa kaitaasan, at katiwasayan sa mga taong may mabubuting kalooban sa lupa at ipinakita niya dito na ito ay isang maling salin ng Bibliang Latin mula sa orihinal. Coates, Austin: Rizal: Philippine Nationalist and Martyr Ang tamang salin ay Luwalhati sa kaitaasan, katiwasayan sa lupa, at sa mga tao ay mabuting kalooban.

79

Anotasyon ng Noli Me Tangere

makikita natin sa huli, ay hindi sapat ang magkaroon lamang ng mabuting kalooban upang mabuhay nang payapa. Ang mga taong kulang sa pananampalataya ay itinuturing si Kapitan Tiyago na isang hangal, inaari siyang ganid, walang puso at mapagsamantala sa kahirapan ng mga maralita, at inaari siyang maniniil at masiba ng mga nakababa sa kanya.58 At ang mga babae? Ah, ang mga babae! Mga mapanirang bulungan na umuugong sa mga pawid na dampa, at may nagpapatunay na nakadinig umano ng mga daing, hagulgol na kahalong minsan ng pag-uha ng isang bata. Hindi iisang dalaga ang itinuturo ng mga malisyosong daliri ng mga kapitbahay: ang dalaga ay may tinging walang ibig turan at tuyo ang dibdib.59 Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi nakapagbibigay gambala sa kanya, walang dalagang nakapupukaw sa kanyang katiwasayan.60 Isang matandang babae ang nagpapahirap ng labis sa kanya, isang matandang babae na karibal niya, sa pagkamapanata at nagtamo ng lalong malalaking papuri mula sa mga kura, kaysa mga tinamo ng lalaki natin sa panahon ng kanyang karingalan. Si Kapitan Tiyago at ang balong babaing ito, na naging tagapagmana ng mga kapatid at mga pamangkin, ay mayroong isang banal na karibalan na ang tunay na nabibiyayaan ay ang simbahan. Kagaya ng nangyayari sa kumpetisyon ng mga pampasaherong bapor na bumibiyahe sa Maynila-Pampanga na ang nakikinabang ay ang mga taong-bayan. Si Kapitan Tiyago ay naghandog ng isang tungkod na pilak na may mga esmeralda at topasyo sa alinmang Birhen? Agad-agad namang naroon na si Aling Patrocinio 61 na nagpagawa kay Gaudines ng isang tungkod na ginto na may mga brilyante; kung sa prusisyon ng Naval62 ay nagpatayo si Kapitan Tiyago ng isang arco na may dalawang

58 Dito ay makikita ang kontrast ni Kapitan Tiyago, isang lalaking sunudsunuran sa nakakataas sa kaniya at mapagsamantala naman sa kaniyang mga nasasakupan. 59 Paglalarawan sa isang babaeng sinawi ng makamundong paghahangad ng isang lalaki. 60 Mayroong bulung-bulungan na si Kapitan Tiyago ay mahilig sa mga babae, subalit hindi naman ito totoo. 61 Ipinapapansin sa bahaging ito panibagong kalupitan ni Rizal sa pagbibigay ng pangalan sa kaniyang mga tauhan ang babaing kalaban ni Kapitan Tiyago sa karibalang pang-relihiyon ay Patrocinio ang pangalan na ito ay nangangahulugan sa wikang Tagalog na tagapagtaguyod (sponsor) na nagkakaloob ng salapi at iba pang mga kakailanganin sa pagsasagawa ng isang malaking aktibidad, kapalit ng malawakang publisidad. Sanggunian http://es.wikipedia.org/wiki/Patrocinio 62 Taunang kapistahan na pinangungunahan ng Orden Dominicano ginaganap tuwing Oktubre sa karangalan ng Nuestra Senora del Rosario, na pinaniniwalaan na ang tumulong sa mga Espanyol para magtagumpay laban sa mga sumasalakay na hukbong nabal ng Olandes noong 1649.

80

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

facade, na may bukul-bukol na kayo, mga salamin, mga salaming globo, mga lampara at araa, si Aling Patrocinio naman ay mayroong agad na isang arco na may-apat na facade, dalawang dipa ang higit sa itaas at lalo pang marami ang mga palamuti at pabitin.63 Ngunit kung magkagayon ay paiiralin naman ng lalaki natin ang kanyang katangian, ang mga misang may mga malakas na paputok. Sa ganito si Aling Patrocinio ay nagkakahusto na lamang sa pagkagat ng labi sa pamamagitan ng kaniyang bungal na gilagid, sapagkat dahil sa kanyang pagkamatatakutin, hindi rin makatagal sa malakas na repike ng mga kampana at lalong hindi matagalan ang putukan. Samantalang ang lalaki ay nangingiti ay iniisip naman ng babae ang paraan ng pangganti at ibinabayad ang salaping kaniyang minana sa mga lalong mabubuting mananalumpati ng limang corporacion sa Maynila, sa mga lalong bantog na canonigo sa Katedral at pati sa mga Paulista upang magsermon sa mga tanging araw ng mga paksang malalalim at tungkol sa teologia ang mga makasalanang walang naiintindihan kundi wikang Kastilang tindahan.64 Napapansin ng mga kakampi ni Kapitan Tiyago, na ang babae ay nakakatulog samantalang nagsesermon, ngunit sinasagot naman ng mga kakampi ng babae na binayaran na ng babae ang sermon, at sa lahat ng bagay ay ang pagbayad ang siyang kaunaunahan. Sa kahuli-hulihan ay dinaig ng babae ang lalaki dahilan sa naghandog ang una sa isang simbahan ng tatlong andas na nababalutan ng pilak, na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng mahigit sa tatlong libong piso. Inaasam ni Kapitan Tiyago na ang babaing ito ay mamatay anumang araw o kaya ay matalo ng lima o anim na usapin sa husgado upang mapag-isa siya sa paglilingkod sa Diyos;65 ngunit ang masama ay ang mga nagtatanggol kay aling Patrocinio ay ang mga pinakamahuhusay na abugado ng Real Audiencia, at kung tungkol sa pagkakasakit ay walang lugar na mapasukan ang karamdaman sa pangangatawang iyon: na tila isa siyang kawad na asero, marahil ay upang ikabuti ng mga kaluluwa, at nagpapakapit-kapit sa bayang ito ng sakit nang walang pinag-iwan sa mga singaw sa balat. Lubos na lubos ang pananalig ng kanyang mga kaibigan, na, pagkamatay niya, ay magiging santa at pati si Kapitan Tiyago ay sasamba sa kanya sa mga altar, bagay na payag na gawin ng ating lalaki, mamatay na lamang kaagad ang babae.

63 Ang kalaban nina Kapitan Tiyago at Donya Patrocinio, ay kung sino ang magiging bantog sa kanila sa pagbibigay ng pera sa simbahan. Labanan ng dalawang hangal na inuubos ang kanilang mga kayamanan para sa ilusyon ng kabanalan at popularidad. 64 Pang-aasar ni Rizal sa mga paring gumagamit ng wikang hindi naiintindihan ng kaniyang mga taga parokya. Papaano kaya mauunawaan ng mga tao ang mensaheng pangkabanalan, kung ito ay hindi naman naiintindihan ng marami. 65 Nakikipaligsahan sa kabanalan subalit ipinagdadasal na magkaroon ng masamang kapalaran ang kaniyang kalaban. Ipinakikita dito ang pagiging paimbabaw ng kabanalan.

81

Anotasyon ng Noli Me Tangere

Ito ang kalagayan ni Kapitan Tiyago nang kapanahunang iyon. Tungkol naman sa kanyang kahapon ay ito: Siya ay nag-iisang anak ng isang mayamang mag-aasukal sa Malabon, ngunit gahaman sa salapi, na ayaw gusmastos kahit isang salapi para sa pag-aaral ng kanyang anak, sa ganyang dahilan ang batang si Santiago ay pinalaki ng isang mabuting Dominicano, taong mabait, na nagpunyaging ituro sa kanya ang lahat ng mabuting naaabot at magagawa.66 Nang aabot na siya sa kapanahunang matatawag na sana siyang logico ng kanyang mga kakilala, sa isang sabi, nang mag-aaral na siya ng Logica, ay naputol ang kanyang pag-aaral dahil sa pagkamatay ng nag-aampon sa kanya, na sinundan pa ng pagkamatay ng kanyang ama. Magmula noon ay inatupag na niya ang pagnenegosyo. Nag-asawa sa isang magandang binibining taga-Sta. Cruz na tumulong sa kanya sa pagpapayaman at siyang nagbigay sa kanya ng katangian sa bayan. Si Donya Pia Alba ay hindi nasiyahan sa pamimili na lamang ng asukal, kape at tina: nagnanais na magtanim at mag-ani, kaya namili ang mga bagong kasal ng mga lupain sa S. Diego,67 at doon nagsimula ang pakikipagkaibigan nila kay Padre Damaso at kay Don Rafael Ibarra, ang pinakamayamang mamumuhunan sa bayan. Ang kawalan ng tagapagmana sa anim na taon ng kanilang pagsasama ay nagbigay daan sa kanilang pagsusumigasig na makaipon ng yaman na halos nagkakaroon ng kulay ng kasalanan.68 Si Donya Pia ay may magandang pangangatawan at mainam na kaanyuan. Walang napala sa kanyang pagnonobena; sa pang-uudyok ng ibang mapanatang taga-San Diego ay dumalaw sa Birhen ng Caysasay sa Taal,69 nagbigay ng maraming limos, nagsayaw sa66 Mapapansin dito na maging si Rizal ay hindi nakalimutan na banggitin ang kabutihan na tinataglay ng mga alagad ng kolonyal na simbahan na sumusunod sa aral ng simbahan. Pansinin ang pamilang na isang mabuting Dominicano simbolismo ng pagiging bihira o natatangi. Bakit Dominicano pa ang napiling gawing mabait ni Rizal? - Malaman sana na ang mga Rizal ay hindi landlord kundi mga tenant sa hacienda na sinasabing pag-aari ng mga Domicano. Ito ang dahilan kung bakit maingat si Rizal sa pagdagil sa mga Dominicano. 67 Ipinapakita ni Rizal ang pag-unlad ng kabuhayan ni Kapitan Tiago, mula sa pagiging comprador na nagsisilbing middleman sa pagbili ng mga kalakal mula sa mga magsasaka at pagbebenta naman nito sa mga dayuhan. Pagkatapos ng pagiging kumprador si Kapitan Tiago ay namili at nagmamay-ari ng malawak na lupa. Sa ganito ay nagkaroon ng malaking inpluwensiya sa kaniyang mga nasasakupang kasama o manggagawa sa bukid. 68 Naging kapwa tuso ang mag-asawa para sa pagkakamal ng kayamanan. 69 Ang birhen sa Taal, Batangas na sinasabing natagpuan ni Juan Maningcad, noong 1603, sa Ilog Pansipit sa Baryo Caysasay sa nabanggit na bayan. Dinala ni Juan ang rebulto ng birhen sa kaniyang bahay at nalaman ito ng buong pamayanan at ito ay dinala sa bayan ng Taal, iningatan ng biyuda ng hukom ng bayan, at iningatan sa isang magandang lalagyan. Ayon sa paniniwala, isang araw ay nawala ang imahen sa lagayan at kinabukasan ay muling nagbalik at ang pangyayari ay naganap ng ilang ulit.

82

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

prusisyon, sa gitna ng kainitan ng araw sa buwan ng Mayo, sa harap ng Birhen sa Turumba sa Pakil. Ngunit walang himala sa lahat ng iyon, hanggang pagpayuhan ni Pray Damaso na magtungo sa Obando, at doon ay nagsayaw sa pista ni San Pascual Bailon,70 at humingi ng isang anak na lalaki. Alam na nang madla na sa Obando ay may tatlong larawang nagbibigay ng anak na lalaki o babae, ayon sa kahilingan: ang Nuestra Seora de Salambaw, si Sta. Clara at si S. Pascual Bailon. Salamat at sa matalinong payong ito at nagdalang-tao si Donya Pia;71 ngunitay! gaya nang mangingisdang sinasabi ni Shakespeare sa kanyang Macbeth, na pagkatapos makatagpo ng isang kayamanan ay hindi na umawit; si Donya Pia ay nawalan ng katuwaan, naging malungkot at wala nang nakakita kahit ng isa niyang ngiti. Ugali na ng mga naglilihi! ang sabi ng lahat, pati ni Kapitan Tiyago. Isang matagalang lagnat ang nagwakas kanyang nakatagong kalungkutan, at iniwang ulila ang isang magandang sanggol na babae, na inanak sa binyag ni Padre Damaso; at sa dahilang hindi ipinagkaloob ni San Pascual ang anak na lalaking hinihingi,72 ay Maria Clara ang ipinangalan, alang-alang sa Birhen sa Salambaw at kay Sta. Clara, at naghiganti si Kapitan Tiyago kay San Pascual Bailon sa pamamagitan ng hindi pagbanggit ng pangalan nito.Pansinin ang mga Ginawa ni Donya Pia upang magkaroon ng anak: Dumalaw sa Birhen ng Caysasay nawawala sa tuwing gabi!!! Balikan ang Talababa 41. Nagsayaw sa Birhen ng Turumba sa gitna ng kainitan ng araw!!! 70 Parang walang malisya ang hanay na ito ng mga pananalita subalit nakatago ang malalim na misteryo Walang naging HIMALA SA MGA UNANG GINAWA NI PIA ALBA Nabuntis lamang ang babae ng pagpayuhan siya ni Padre Damaso na sumayaw sa harapan ni San Pascual de Baylon Malaman sana na si San Pascual de Baylon ay isang Prayleng Pransiskanong Espanyol na isa sa mga masugid na kumalaban sa kaisipang modernismo. Makikita ang talas ni Rizal sa paghahalo ng simbolismo at pangungutya, tandaan sana na ang payo ni Pray Damaso na isang Espanyol na Pransiskano, na si Pia Alba ay magsayaw kay San Pascual Baylon upang magkaroon ng anak. Alam mo na ngayon kung ano ang gustong palabasin ni Rizal ang milagro sa pagbubuntis ni Pia Alba ay ekstensiyon ng himala ng Espanyol na Pransiskanong Santo na si San Pascual Baylon na ang instrumento ay ang Espanyol na Pransiskanong si Pray Damaso. 71 Sa bahaging ito ay ipinapaalam ang mga inpormasyon ukol sa mga milagrosang imahen sa Obando, Bulacan na nakapagbibigay ng anak. Ngunit higit na mapagmilagro ang kura paroko ng San Diego, kaysa sa mga santo at santa ng Obando. Isa sa malupit na pagkutya na sinulat ni Rizal laban sa mga prayle sa El Filibusterismo ay ang katagang Higit na mapagmilagro, kapag nakahubad ng abito. 72 Hindi raw naipagkaloob ni San Pascual de Baylon (Prayleng Espanyol) ang anak na lalaki. Pero makikita ang kapilyuhan ni Rizal dahilan sa bago ang pangungusap na iyon ay pakunwari munang ipinakilala si Padre Damaso bilang ninong ni Maria Clara.

83

Anotasyon ng Noli Me Tangere

Ang bata ay lumaki sa pag-aalaga ni Tia Isabel, ang mabait na matandang babae, ay turong prayle ang napag-aralan, na nakita natin sa unahang kabanata nito. Ang pinakamalaking bahagi ng taon ay itinira niya sa San Diego dahil sa kabutihan ng klima doon at doon naman ay naging labis ang debosyon Padre Damaso sa bata. Hindi taglay ni Maria Clara ang maliliit na mata ng kanyang ama:73 ang kanyang mga mata ay malaki na gaya ng sa kanyang ina, maiitim at naaaninuhan ng mahahabang pilikmata, masasaya at nakatutuwang naglalaro, malulungkot, malalamlam at mapagmuni kapag hindi ngumingiti. Noong siya ay bata ay halos mapula ang kanyang kulot na buhok; ang kanyang ilong na mainam ang tabas ay hindi lubhang matangos at hindi naman sarat;74 ang kanyang bibig ay larawang tunay ng maganda at maliit na bibig ng kanyang ina na kasama ang nangakalulugod na dimple sa mga pisngi, ang kanyang balat ay kasingnipis ng balat ng sibuyas at kasimputi ng bulak, alinsunod sa sabi ng mga kamag-anak na nangakapunang ang tanda ng katunayang siya ay anak ni Kapitan Tiyago ay ang pagkakamana rito ng maiinam at maliliit na tainga na taglay ni Maria Clara.75 Itinuturing ni Tia Isabel ang mga anyong iyon na bikas-Europea sa paglilihi ni Aling Pia; naaalaala niyang nang mga unang buwan ng pagbubuntis ay nag-iiyak sa harap ni San Antonio;76 ang isa pang pinsan ni Kapitan Tiyago ay may gayon ding akala, naiiba lamang sa pagkakapili ng santo;77 sa ganang kuro nito ay ang Birhen o si San Miguel ang napaglihihan. Ang bantog na pilosopo, na pinsan ni Kapitan Tinong at nakasasaulo ng Amat, ang naghinuhang ang anyong iyon ay inpluwensiya ng posisyon ng mga bituin at planeta sa langit.7873 Malupit talaga si Rizal, sapagkat isa sa mga malimit na namamana ng anak sa kaniyang magulang ay ang hitsura ng mata. 74 Ikumpara ang ilong ni Maria Clara na mainam ang tabas na hindi lubhang matangos sa ilong ni Kapitan Tiyago na maliit ngunit hindi pango. 75 Ang namana lamang ni Maria Clara kay Kapitan Tiyago ay ang maliit na tenga, na malimit na natatakpan ng buhok. Isang lihim na pahiwatig na ang kahulugan ay halos walang nakikita ang mga tao na pagkakahawig ng dalaga kay Kapitan Tiyago. 76 Eto ang sikretong malupit: Si San Antonio ay isang santo na nagawang makapanindigan sa harap ng tukso bakit sa dinami-dami ng mga santo sa bahay ni Kapitan Tiyago ay dito umiiyak si Pia Alba? Ano nakita mo na ang husay ni Rizal sa pagtagong pahiwatig marami pang ganyan tayong makikita tandaan mong nasa kabanata 6 pa lang tayo, marami pa niyan hanggang sa katapusan. 77 Naiintindihan mo na ang pailalim na pasaring dito na nais na iparamdam ni Rizal may mga naghihinala na ibang santo ang gumawa ng milagro nagpapakita lamang na ang mga Pilipino maging sa kaniyang kapanahunan ay hindi ganap na tanga. May naghihinala na sa mga pinsan ni Kapitan Tiyago na si Maria Clara ay hindi niya tunay na anak. Sino ang santo na kanilang iniisip basahin ang Talababa Bilang 70. Tinutukoy si Torres Amat isang Espanyol na naging arsobispong sa

84

Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Si Maria Clara, ay ginigiliw ng lahat, lumaki sa gitna ng mga ngiti at pagmamahal. Ang mga prayle kapag may prusisyon ay sinusuutan siya ng kasuotang puti, ang makapal at kulot na buhok ay pinapalamutian ng mga sampagita at asusena, may dalawang maliliit na pakpak na ginto at pilak sa likod ng kagayakan, at may dala sa kamay na dalawang kalapating puti na natatalian ng ribbon na kulay asul. Napakasaya niya, kalugud-lugod niyang magsinungaling noong siya ay bata na nagbibigay ng labis na katuwaan kay Kapitan Tiyago na walang likat sa pagpapasalamat sa mga santo sa Obando at pagpapayo sa lahat na bumili ng magagandang larawang kahoy. Sa mga bayang mainit ang singaw, ang mga batang babae ay nagiging dalaga na, sa ika-13 o ika-14 na taong gulang,79 katulad ng buko kung gabi at nagiging bulaklak na sa umaga. Sa kapanahunang ito ng pagbabago, na puno ng misteryo at romansa ay ipinasok si Maria Clara sa beaterio ng Sta. Catalina,80 sa hatol ng kura ng Binondo upang tumanggap sa mga mongha ng dakilang aral ng mga mapanampalataya. Umiiyak na nagpaalam kay Padre Damaso at sa tangi niyang kaibigang kalaru-laro noong siya ay bata, na si Crisostomo Ibarra na, pagkatapos ay tumungo naman sa Europa. Doon, sa kumbentong iyon na ang tanging tanawan sa labas ay nahaharangan ng dalawang magkasaping rehas na bakal at nasa ilalim pa ng pagbabantay ng madre o monghang tumatanod sa mga batang babaeng nagsisipag-aral sa beateryo, dito siya nabuhay nang pitong taon.

Tarragono, Espanya at nagkapaglahatla ng Bibliang Latin. Ang nasaulo ng pinsan ni Kapitan Tinong (nakilala natin sa Kabanata 2 at ang mapag-Latin na pinsan niya ay makikilala naman natin sa Kabanata 59) ay ang Biblia Latin ni Torres Amat. Dinagil dito ni Rizal ang mga matatalinong Pilipino na may kakayahan na sauluhin ang Biblia, subalit mayroon pa ring malaking pananalig sa astrolohiya. 79 Sa mga bayang mainit ang singaw, ang mga batang babae ay nagiging dalaga na, sa ika-13 o ika-14 na taong gulang, katulad ng buko kung gabi at nagiging bulaklak na sa umaga. Si Rizal ay nakaramdam ng kaniyang unang pag-ibig kay Segunda Katigbak na sa isang dalagitang taga Lipa, Batangas. Sa panahon ng panliligaw ni Rizal, ang nasabing dalagita ay 14 na taong gulang pa lamang. Si Leonor Rivera na isang kamag-anakan ni Rizal ang kaniyang naging tunay na pag-ibig at ang dalagita noon magsimula ang kanilang relasyon ay nasa edad na 13 taong gulang pa lamang. 80 Ipinapakita ni Rizal na ang isa pangunahing dahilan noon kaya ipinapasok ang mga batang babae para mag-aral sa loob ng mga beatario ay upang iiwas sa maagang pakikipagtipan o pag-aasawa. Ang katunayan nga nito, noong matuklasan ng mga magulang ni Leonor Rivera ang relasyon ng dalagita kay Rizal, ay ipinasok ng mga magulang ang dalagita sa La Concordia (Nick Juaquin: Rizal Saga)

85

Anotasyon ng Noli Me Tangere

Dahilan sa magkaibang layunin at nalalaman nila ang damdamin ng dalawang bata, ay pinagkasunduan ni Don Rafael at ni Kapitan Tiyago ang pag-iisang dibdib ng kanilang mga anak at silang dalaway nagsosyo sa pangangalakal.81 Ang bagay na ito na nangyari makaraan ang ilang taong pagkakaalis ng binatang si Ibarra at tinanggap nang buong galak ng dalawang puso ang kasunduan, na ang bawat isa ay nasa ibayo ng mundo at nasa mga kalagayang lubhang magkaiba.

81 Ang kasunduan na ipakasal ang kanilang mga anak ay ginawa sa magkaibang layunin: Si Don Rafael ay para sa damdamin ng kaniyang anak, habang si Kapitan Tiyago ay para sa sosyohan sa negosyo. Masasalamin dito ang pagiging tuso ni Kapitan Tiyago. Sa Kabuuan ng Kabanatang ito ay tinatanggap ng nagsasaliksik ang kaawastuhan ng pagsasalin ng awtor na si Austin Coates sa bahagi ng Huling Paalam ni Rizal na

Mi Patria idolatrada, dolor de mis dolores, Land of my idolatry, my misery of miseries

86