24
KABANATA 14 TASIO: LOKO O PILOSOPO Ang kakatuwang matanda ay naglilibot nang walang bahala sa mga lansangan. Isa siyang dating mag-aaral ng pilosopiya at iniwan ang pag-aaral hindi dahilan sa kakulangan ng gagastusin o dahilan sa kakapusan ng kakayahan ng isipan: kundi dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng kanyang ina, na ang sanhi ay dahil ang kaniyang inang mayaman ay nababalitaang siya ay matalino. Natatakot ang mabait na babae, na ang kanyang anak ay dumunong at makalimot sa Diyos , 1 kaya siya ay pinapili na magpari o iwan ang paaralang San Jose . 2 Dahilan sa siya ay umibig, ay pinili ang iwanan ang pag-aaral at nag-asawa. Ngunit, wala pang isa ng taon ay nabalo at naulila, at upang maiwaglit ang kalungkutan, sabong, at katamaran, ay naging libangan ang mga aklat. Ngunit naging malabis ang pagkakahilig sa pag-aaral at pagbili ng mga aklat at napabayaan ang kanyang yaman at unti-unti siyang naghirap. Ang mga taong mayroong pinag-aralan ay tinatawag siyang Don Atanasio o Pilosopong Tasyo, at Tasyong Baliw naman ang tawag sa kanya ng mga walang pinag-aralan, 1 MGA PALIWANAG Ganito rin ang ikinatatakot ni Donya Teodora para sa kaniyang anak na si Rizal. Ang karunungan ang maglalayo sa anak sa pagkakilala sa Diyos. Maaring tama ang ina ni Rizal dahilan ang ating bayani ay lumayo sa Diyos na ipinapakilala ng mga prayle, ngunit hinanap naman niya ang isang tunay na Diyos na hindi naiintindihan ng maraming mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan at maaring hanggang sa kasalukuyan. 2 Sa paaralang ito nag-aral ang ama ni Rizal na si Francisco Mercado at ang kaniyang nakakatandang kapatid na lalaki na si Paciano 154

Noli Me Tangere Deciphered-kab014

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

KABANATA 14TASIO: LOKO O PILOSOPO

         

Ang kakatuwang matanda ay naglilibot nang walang bahala sa mga lansangan. Isa siyang dating mag-aaral ng pilosopiya at iniwan ang pag-aaral hindi dahilan sa kakulangan ng gagastusin o dahilan sa kakapusan ng kakayahan ng isipan:  kundi dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng kanyang ina, na ang sanhi ay dahil ang kaniyang inang mayaman ay nababalitaang siya ay matalino. Natatakot ang mabait na babae, na ang kanyang anak ay dumunong at makalimot sa Diyos,1 kaya siya ay pinapili na magpari o iwan ang paaralang San Jose.2  Dahilan sa siya ay umibig, ay pinili ang iwanan ang pag-aaral at nag-asawa. Ngunit, wala pang isa ng taon ay nabalo at naulila, at upang maiwaglit ang kalungkutan, sabong, at katamaran, ay naging libangan ang mga aklat.  Ngunit naging malabis ang pagkakahilig sa pag-aaral at pagbili ng mga aklat at napabayaan ang kanyang yaman at unti-unti siyang naghirap.             Ang mga taong mayroong pinag-aralan ay tinatawag siyang Don Atanasio o Pilosopong Tasyo, at Tasyong Baliw naman ang tawag sa kanya ng mga walang pinag-aralan, na higit na lalong marami,3 dahilan sa kanyang mga kakaibang mga opinyon at paraan ng pamumuhay na hindi karaniwan sa nakagawian ng mga tao.             Katulad ng amin ng nasabi, ang gabi ay pinagbabantaan na dadaanan ng unos na nagbabala na nang hapong iyon;4 ang

1MGA PALIWANAG Ganito rin ang ikinatatakot ni Donya Teodora para sa kaniyang anak na si Rizal. Ang karunungan ang maglalayo sa anak sa pagkakilala sa Diyos. Maaring tama ang ina ni Rizal dahilan ang ating bayani ay lumayo sa Diyos na ipinapakilala ng mga prayle, ngunit hinanap naman niya ang isang tunay na Diyos na hindi naiintindihan ng maraming mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan at maaring hanggang sa kasalukuyan.

2 Sa paaralang ito nag-aral ang ama ni Rizal na si Francisco Mercado at ang kaniyang nakakatandang kapatid na lalaki na si Paciano

3 Ikaw ano ang tawag mo sa Matandang Tasyo - Baliw o Pilosopo? – pagkatapos basahin mo uli ang bahaging kaugnay nito sa itaas at malalaman mo kung saan ka kabilang.

4 Ang gabi na dadaanan ay tumutukoy sa madilim na kapanahunan ng bayan. Malimit na itinutulad ang panahon ng paghihirap ng bayan sa

154

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

mga kidlat ay nagpapaliwanag sa madilim na langit;5 ang ulap ay makapal6 at ang hangin ay maalinsangan.7 Tila nalimot ni pilosopong si Tasyo ang bungo ng kaniyang minamahal:  Nakangiti nang tinatanaw ang madilim na ulap.8

Sa malapit sa simbahan9 ay nakatagpo niya ang isang taong nakasaketang alpaka (German jacket), na may dalang mahigit sa isang arobang kandila at isang tungkod na may borlas, na palatandaan ng kapangyarihan.10

“Tila masaya kayo?” ang tanong nito sa wikang Tagalog.“Tunay nga po, Ginoong Kapitan; masaya ako pagkat mayroon

akong isang pag-asang darating.”

salitang gabi. Maging si Rizal ay ginamit sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo ang salitang “hindi lahat ay natutulog sa gabi ng ating mga ninuno”. Ang unos na nagbabanta ay ang isang pagkilos na panlipunan na maaring magtanggal ng mga maitim na ulap. Ang langit ay nasa kaitaasan, subalit ang tinutukoy ni Rizal ay ang mataas na bahagi ng istratang panlipunan na dadaanan ng isang nagbabantang unos.

5 Ang mga kidlat ay nagpapaliwanag ng langit – tumutukoy ito sa mga malayang kaisipan na nagbibigay ng pansamantala ngunit napakalakas na liwanag at gumising sa atensiyon ng mga mapag-isip na tao, upang makita ang kanilang kalagayan sa gitna ng isang madilim na gabi ng lipunan.

6 Ang mga ulap ay simbolismo ni Rizal sa mga makalumang kaisipan na nagpapadilim sa ibabaw ng lipunan noong kaniyang kapanahunan.

7 Ang hanging maalinsangan ay simbolismo ni Rizal upang iparamdam sa kaniyang mga mambabasa ang mga paghihirap ng mga tao sa isang lipunan na malapit ng daanan ng isang malakas na unos. Katulad halos ito ng nasa nakalipas na Kabanata ng inilalarawan ni Rizal ang pagtatagpo ni Ibarra at Padre Salvi,.8

Bakit nakangiting tinatanaw ni Pilosopo Tasyo ang maitim na ulap?Sapagkat nararamdaman niya na sa pagbuhos ng unos ay mawawala ang maitim na ulap na lumalambong sa liwanag ng bayan.

9 Nakangiti nang tinatanaw ang madilim na ulap. Sa malapit sa simbahan – salbahe talaga itong si Rizal pati sa pagsusunod ng mga salita at tagpuan/lugar kung saan niya ito sasabihin. Parang sinasadya niyang pagsunurin ang mga salita. kahit na isang talata ang ang naghihiwalay – parang ang simbahan ang siyang pinanggagalingan ng madilim na ulap. Ito ang isa sa mabigat na istilo ni Rizal – inilalapit niya ang kaniyang mapanuring puna sa tabi ng istraktura, tao, dako na nais niyang patungkulan – higit itong makikita sa Kabanata 15 at marami pang mga susunod na kabanata.

10 “may dalang mahigit sa isang arobang kandila at isang tungkod na may borlas, na palatandaan ng kapangyarihan” – napakasimbolikal ng ginawang paglalarawan ni Rizal sa Kapitan ng Bayan ng San Diego (o maging halos sa lahat ng mga pinuno ng pueblo sa

155

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

“Ha! At aling pag-asa iyan?” “Ang unos!”11

“Ang unos?  Ibig ba ninyong maligo?” tanong na pabiro ng kapitan, at pinagmasdan ang dukhang kasuotan ng matanda .12

“Maligo… kung sabagay, hindi masama ang maligo lalo na at makakasalubong ka ng dumi!” ang sagot ni Tasyo na pabiro din, at na parang nakahihigit sa pangungutya, at tiningnan ang mukha ng kausap, 13 subalit higit pang mabuti kaysa doon ang hinihintay ko.”14

“Kung gayon ano?” “ Ilang kidlat na maaring makamatay ng mga tao

at makasunog ng mga bahay!” ang sagot na walang halong pagbibiro ng pilosopo.15

Pilipinas noong kaniyang kapanahunan). Hawak ng kapitan ng bayan sa isang kamay ang mga kadila na simbolo ng kaniyang kapanatikuhan at sa kabilang kamay ay hawak naman niya ang baston na simbolo ng kaniyang mababaw na kapangyarihang bayan. Pinagtabi pa ni Rizal ang simbolo ng kapangyarihan at kapanatikuhan.

11 Ang pag-asa ni Pilosopo Tasyo ay nasa unos na darating – sa pamamagitan nito ay nagbabala na si Rizal sa posibilidad ng pagdating ng unos na panlipunan.12

Hindi naiintindihan ng Kapitan ng bayan ang unos na inaasahan ni Pilosopo Tasyo – kaya ang tiningnan ay ang dukhang kasuotan ni Pilosopo Tasyo. Isang simbolismo na ginamit ni Rizal upang ipakita ang pagmamaliit ng mga lokal na pinuno sa pag-asa at pananaw na panlipunan ng mga taong mayroong malalaya at kritikal na kaisipan.

13 Pag-alimura ni Pilosopo Tasyo sa hindi direktang paraan – nasabi hindi masamang maligo, dahilan sa nakasalubong siya ng dumi – ang kapitan ang pinatutungkulan na “dumi” sa salitang Ingles ay sh**.14

Nagpapakita ito na ang unos na inaasahan ni Pilosopo Tasyo ay hindi isang literal na unos. Isang unos na may pagkitil ng buhay.15

Isa sa pinapangarap ni Pilosopo Tasyo ay kidlat na makakamatay sa mga tao at makakasunog sa mga bahay.( Isang delubyo na lilinis ng lipunan) Mapapansin dito si Pilosopo Tasyo ay umaasa sa pagdating nang isang himagsikan na lilinis sa isang lipunang binubulok ng mga katiwalian – pansinin na tiningnan pa niya ang mukha ng kapitan ng bayan (parang gusto niyang ito ang isa sa mga unang dapat na matodas ng kaniyang pinapangarap na paglilinis ng bayan). Pansinin din sana na nasa harapan sila ng simbahan – sa panahon na kaniyang pinapangarap ang pagkakasunog ng mga bahay. Tandaan sana na ang simbahan ang pinakamalaking bahay sa bayan ng San Diego. Uulitin ni Rizal sa mga huling kabanata ang ganitong istilo ng paghahamon sa tabi ng istraktura na kumakatawan sa kapangyarihan na kaniyang nais na kalabanin.

156

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

“Ninanais ba ninyo na magkaroon ng delubyo!”16

“Iyon ang nararapat sa ating lahat, pati na sa inyo at sa akin!17  Kayo, Ginoong Kapitan, ay may dalang isang arobang kandila na galing sa tindahan ng Insik; may mga sampung taon ko nang iminumungkahi sa bawat nagiging kapitan na bumili ng panghuli ng kidlat, (lightning rod) at pinagtawanan ako ng lahat, at ang binibili ay mga bomba at kuwitis at bumabayad ng tagapagtugtog ng kampana.   Hindi lamang iyon, kayo na mismo, kinabukasan pagkatapos ng aking mungkahi na bumili ng panghuli ng kidlat ay nagpagawa sa panday na Insik ng isang kampanang patungkol kay Sta. Barbara ,18 gayong natuklasan na nang agham na labis na delikado ang tumugtog ng kampana kapag umuunos.19  At sabihin nga ninyo sa akin kung

16 Pansinin na talagang ginawang mangmang ang kaisipan ng Kapitan ng bayan at hindi niya masakyan ang mga mensahe ni Pilosopo Tasyo.

17 Mula sa pananaw ni Pilosopo Tasyo ay nararapat ang isang delubyong panlipunan. Parang si Pilosopo Tasyo ay nagsusulsol ng pag-aaring dapat/ justification ng isang delubyong panlipunan . Pero talagang ang gusto ni Pilosopo Tasyo ay tamaan ng kidlat ng paglilinis ng bayan ang mga tiwaling pinuno ng pamahalaan , na katulad ng nasa kaniyang harapan.

18 Sta Barbara- Story says that Barbara was a beautiful girl who dwelt in the city of Nicomedia in Asia Minor. Dioscurus, her cruel pagan father, had her shut in a tower in order to preserve her from suitors. She nevertheless secretly converted to Christianity. Her father commanded that she be built a bath-house, so that she would not have to use the public baths. The design for the bath-house originally had two windows, but Barbara had a third installed to commemorate the Trinity. Her father, seeing this change, discovered that she was a Christian. He had her taken to a Roman imperial magistrate during a persecution of Christians, who ordered her to be beheaded, and directed that her father carry out the sentence himself. He did so, but was struck dead by lightning in divine retribution. Her association with lightning caused her to be invoked against lightning and fire; by association, she also became the patron of artillery and mining. Her feast was formerly celebrated on December 4; in the 1969 reform of the Roman Catholic liturgy it was downgraded to a purely local celebration, and her name was dropped from the litany of saints. She was formerly one of the Fourteen Holy Helpers. She is depicted in art as standing by a tower with three windows, carrying a palm branch and a chalice; sometimes cannons are depicted by her side. Because of her identification with lightning and cannonry, in Santería she is identified with the god Shango, god of lightning and war.

In the Spanish language, the word "santabarbara" means the magazine of a ship or fortress. It was customary to have the statue of Saint Barbara at the magazine to protect the ship or fortress from suddenly exploding. She is the namesake of the city of Santa Barbara, California, located north of Los Angeles. The Order of Saint Barbara is a military honor society of the US for both the US Army and the US Marine Corps field artillery. Batis: www.wikipedia.org

19 Sa bahaging ito ay ipinapaliwanag ni Rizal sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo ang kahalagahan ng siyensiya bilang kapalit ng paniniwala sa kababalaghan na ikinakalat noon ng mga alagad ng kolonyal na simbahan.

157

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

bakit nang taong 1870 , ay tumama ang isang kidlat sa Binan 20 at ang tinamaan pa naman ay ang kampanaryo at sumira sa orasan at sa isang simbahan?   Ano ang nagawa ng kampana ni Sta. Barbara? ” 21

            Nang mga sandaling yaon ay gumuhit ang isang kidlat.            “Jesus, Maria y Jose!  Sta. Barbara Bendita!” bulong ng kapitan na namutla at nag-antanda.

Si Tasyo ay humalakhak. “Nararapat nga sa inyo ang pangalan ng inyong patron!”22 ang sabi sa wikang Kastila, samantalang tumatalikod ang kausap ay nagtungo sa simbahan.        Ang mga sakristan ay naglalagay ng isang tumulo na napapaligiran ng malalaking kandilang na nakatirik sa kahoy, iyon ay dalawang malalaking lamesa na nagkakapatong at natatakpan ng canvass na itim na may guhit na puti;23 sa ilang lugar ay may mga nakapintang bungo. “Iyan kayang lamesang iyan ay para sa mga kaluluwa o sa mga kandila?”24 ang tanong sa mga sakristan na naroroon. Dahilan sa bigla niyang nakita sa mga sakristang iyon ang dalawang batang lalaki na ang isa ay may higit-kumulang sa sampung taon, at ang isa ay pito, ay kaniyang nilapitan ang dalawa at hindi na hinintay ang kasagutan ng iba pang mga sakristan.25

20 1870 - Sa nasabing taon, si Rizal ay nasa bayan ng Biñan bilang mag-aaral sa paaralan ni Justiniano Aquino Cruz. Maaring ang nasabing kaganapan ay kaniyang naging karanasan. Maaring malayo ang simbahan sa bahay na kaniyang tinitirahan, subalit ang lakas ng kulog ay narinig niya at katulad ng mga hindi kakaibang malalakas na kulog na ating naririnig sa panahon ng ating mga kabataan ay hindi maalis sa ating ala-ala.

21 Pagpapakita ni Pilosopo Tasyo ng kaniyang pangungutya sa mga milagro at ang pananalig niya sa agham. Baliw ba o pilosopo ang matandang Tasyo?

22 Ang Kapitan ng bayan ay nanalig sa patron na si Sta. Barbara at ang patuyang sinabi ni Pilosopo Tasyo ay “karapat-dapat sa inyo ang pangalan ng inyong patron” – dahil lalaki ang kapitan hindi siya matatawag na Barbara kundi ang karapat-dapat ay BARBARO , na nangangahulugang taong kaaway ng sibilisasyon”

23 Ang tumulo ay matandang salitang Tagalog na nangangahulugan na tumbá. Pinagpapatongpatong na mga mesa o balangkas ng mga kahoy, tinatakpan ng ̃ damit na maitím at doon guinágawâ ang mg ̃a seremonya ukol sa mga patay - Paliwanag ni Pascual Poblete

24 Isang mapang-asar na pagtatanong ni Pilosopo TasyoMalaman na ang lamesa ay inihahanda ng mga sakristan para pagtirikan ng mga kandilang nakaukol sa mga kaluluwa. Sa paretorikang pagtatanong na iyon ni Pilosopo Tasyo ay kaniyang nais na ipakita na ang lamesa ay para lamang sa kandila at hindi para sa kaluluwa ng mga taong namayapa.

158

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

“Sasabay ba kayo sa akin?” tanong niya sa mga bata, “ipinaghanda kayo ng masarap na hapunan ng inyong ina.”

“Ayaw po kaming paalisin ng sakristan mayor hanggang matapos na makatugtog para sa alas-otso!” tugon ng pinakamalaki.  “Hininintay kong ibigay ang aking sahod upang ibigay ko sa aming ina.”

“Ah, at saan kayo paparoon ngayon?” “Sa kampanaryo po upang tumugtog patungkol sa mga kaluluwa.” “Paparoon kayo sa kampanaryo?  Mag-ingat kayo!  Huwag kayong lalapit sa mga kampana samantalang dumaraan ang unos.”26

          Pagkatapos ay iniwan ng matanda ang simbahan, matapos sundan ng tinging may pagka-awa ang dalawang batang umaakyat sa hagdanan upang magpunta sa koro.  Kinusot ni Tasyo ang kanyang mga mata, tiningnang muli ang langit at bumulong: “Daramdamin ko ngayon kung kikidlat.”27

At yuko ang ulong nag-isip, na tinungo ang labasan ng bayan. “Daan muna kayo!” narinig niya sa wikang Kastila nang isang boses na galing sa isang bintana.

          Itinaas ng pilosopo ang ulo at nakita ang isang lalaki na may tatlumpu o tatlumpu’t limang taong gulang, na siya ay nginingitian.          “Ano ba ang binabasa ninyo?” tanong ni Tasyo na itinuro ang aklat na hawak ng lalaki.

“Isang aklat na napapanahon:  Las penas que sufren las benditas animas del Purgatorio!” ang sagot na nakangiti ng isa.

“Naku!, Naku! Naku!” bulalas ng matanda sa iba’t ibang tunog ng boses, samantalang pumapasok sa bahay, “dapat sanang naging matalino ang kumatha.”28

25 Sa kabanatang ito ay ipinakita ni Rizal ang magkapatid na Basilio at Crispin.

26 Ipinakikita ni Rizal dito ang magkaibang pagtrato sa mga bata – ang mga tauhan ng kolonyal na simbahan ay handang ipasanganib ang buhay ng mga bata, samantalang ang mayroong malayang kaisipan ay nagnanais na alisin ang mga bata mula sa mapanganib na kalagayan.

27 Nakahandang ipagparaya ni Pilosopo Tasyo ang kaniyang pangarap para sa kaligtasan ng magkapatid. Ipaghambing ito mga susunod na kabanata na magpapakita ng mangyayari kay Crispin sa kamay ni Padre Salvi at ng sakristan.

SA BAHAGING ITO AY MAGKAKAROON NG ISANG PAG-UUSAP SINA PILOSOPO TASYO AT DON FILIPO UKOL SA KAISIPAN NG MGA DOGMA (ARAL) NG SIMBAHAN. MAPAPANSIN NA ANG PAG-UUSAP AY ANYO NG TALAKAYAN NG MGA MASON. ANG BAHAGING ITO PAG-UUSAP AY SINADYANG INALIS SA EXPURGATED EDITION NG NOLI NA GINAGAMIT SA PAARALAN .

28 Pinagtatawanan ni Pilosopo Tasyo ang kumatha ng aklat na ang pamagat ay Mga Hirap Na Tinitiis ng mga Banal na Kaluluwa sa Purgatoryo - pamagat pa lang ay kontradiksiyon na. Dalawang bagay na

159

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

            Sa pag-akyat niya sa hagdanan ay malugod siyang sinalubong ng may-ari ng bahay at ng asawa nito.  Ang pangalan ng lalaki ay Filipo Lino at ang babae ay si Teodora Viña.  Si Ginoong Filipo ay tinyente mayor29 at nangunguna sa isang pangkatin ng mga liberal, kung maaaring tawagin siyang gayon, at kung mangyayari na magkaroon ng mga partido pulitikal sa mga bayan-bayan ng Pilipinas. “Nakita ba ninyo sa simenteryo ang anak ng nasirang Don Rafael, na kararating pa lamang galing sa Europa?” “Opo, nakita ko nang bumababa sa sasakyan.” “Ang usapan ay pumaroon sa libingan at hanap ang libingan ng kanyang ama… Marahil ay nakakakilabot ang natamong dagok sa kalooban.”

Kinibit ng pilosopo ang kanyang balikat.30

“Wala bang anuman sa inyo ang kasawiang iyan?” ang tanong ng babae. “Alam na ninyong ako ay isa sa anim na nakipaglibing; 31 ako ang humarap sa Kapitan Heneral nang aking makita, na ang lahat dito, pati ang mga maykapangyarihan, ay hindi umiimik sa harap nang gayong kalapastanganan,32 gayong kailanman ay inugali ko ang purihin ang taong mabuti samantalang buhay at hindi kung patay na.”33

hindi maaring magkasama sa iisang pagkakataon dahilan sa kung tunay na banal ang kaluluwa bakit nagtitiis ng hirap sa purgatoryo? Ito ang dahilan kaya hindi mapigilan ni Pilosopo Tasyo ang matawa sa pamagat ng aklat na binabasa ni Don Filipo.

29 Tinyente mayor – pumapangalawa sa kapitan ng bayan (na nakasalubong ni Matandang Tasyo sa simbahan) – sa ating panahon ay vice mayor. Pansinin ang ibinigay ni Rizal na pangalan sa tauhang ito Filipo Lino – na halos katunog ng salitang Filipino. Isang marangal na pangalan ang ibinigay niya sa isa sa mga mahalagang tauhan ng Noli me Tangere.

30 Ang pagkikibit balikat ay isang aktwasyon na nagpapakita na hindi niya dinaramdam o ikinasasama ng loob ang pagwawalang halaga sa kaniyang naririnig.

31 Ano pa ang hihilingin sa matandang pagmamalasakit. Nakipaglibing na siya kay Don Rafael at nagawa na niya ang pinakamataas na pagmamalasakit sa namatay pamamagitan ng pagharap niya sa inbestigasyon ng Tinyente Guevarra. Malalaman dito na sa kabila ng kabutihang loob ni Don Rafael ay anim lamang ang nakipaglibing dahil sa natatakot ang mga taga San Diego – Ang mga nakipaglibing ay sina: Kapitan Tiyago, Pilosopo Tasyo, Guro ng San Diego, Don Filipo, Tinyente Guevarra, at ang alila ng pamilyang Ibarra.32

Isang malagim na paglalarawan ni Rizal sa kolektibong kaduwagan ng bayan. Kaya naapi ang bayan ay duwag siyang magpakita ng kolektibong pagtutol. (Balikan ang Kabanata 1 sa sinabi ni Tinyente Guevara na Duwag ang bayan ng San Diego.)33

160

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

“Gayon pala, e!”          “Subalit hindi po ako sang-ayon ng minamanang paghahari.  Dahil sa mga patak ng dugong-Insik na ibinigay sa akin ng aking ina, ay may kaunting pagka-Insik din ako sa opinyon; iginagalang ko ang ama, dahil sa anak, at hindi ang anak nang dahil sa ama. Tanggapin ng bawat isa ang gantimpala o kaparusahang ukol sa kanyang ginawa, ngunit hindi dahil sa ginawa ng iba.”34   “Nagpamisa ba kayo para sa inyong nasirang asawa, gaya ng payo ko sa inyo kahapon?” ang tanong ng babae na binago ang tungo ng usapan. “Hindi!” ang sagot na nakangiti ng matanda. “Sayang!” ang bulalas ng babae na taglay ang malinis na sama ng loob, “sinasabing hanggang bukas ng alas diyes ay malayang naglilibot ang mga kaluluwang nag-aantay ng abuloy ng mga buhay; umano ay ang isang misa sa mga araw na ito ay katumbas ng lima sa mga ibang araw ng taon, o anim, gaya ng sabi ng kura kaninang umaga.35

“Pero… Doray!” pigil ni Ginoong Filipo, “alam mo nang si Don Atanasio ay hindi naniniwalang may purgatoryo.”36

Isang pagbatikos ni Rizal sa ating kaugalian na purihin ang isang tao kapag ito ay namatay na.34

Sa lipunang Pilipino ay iginagalang natin ang isang tao dahilan sa anak siya ng mataas na tao – ngunit dapat na mangyari ayon kay Pilosopo Tasyo ay igalang ang isang ama dahilan sa nagawang kadakilaan ng kaniyang anak. Huwag nating isipin, na anak tayo ng ganitong uri ng tao (mataas man o mababa) – ang higit nating isipin na ang ating mga mahuhusay na magagawa ay para sa kadakilaan ng pangalan ng ating mga magulang.

35 Mapapansin sa pananalita ni Doray ang labis na paniniwala sa mga sinasabi ng kura paroko. Ipinapakita ang isang pagpapamisa sa araw ng Todos Los Santos hanggang sa alas diyes ng susunod na araw ay katumbas ng limang misa sa karaniwang araw. Kung sa ating panahon ang katulad nito ay isang nakakaakit na mga panahunang special offer sa mga malalaking tindahan. Ngunit ito naman ay special offer ng mga prayle na magpamisa ka ng isa na katumbas na ng lima. Sino mang mapag-harimunan ay hindi makakaiwas na kagatin ang ganitong kamurang alok na halaga para sa kabanalan. BUY ONE TAKE FOUR. Bakit katumbas daw ng anim na misa ayon sa sabi ni Pray Salvi? –nagpapakita ito ng hindi pagiging iisa ng aral ukol dito, at higit sa lahat mas kaakit-akit at napakamura ng alok ni Pray Salvi para higit na mas marami ang magpamisa sa kaniya.

36 Ito ang pangunahing dahilan upang si Pilosopo Tasyo ay tawaging baliw – ang kaniyang opinyon ay kakaiba sa paniniwala ng nakakarami sa kaniyang panahon. Maaring ang nagbigay ng bansag na ito ay ang prayle na naiinis sa mga sinasabi ni Pilosopo Tasyo at upang ang kaniyang paniniwala ay huwag tanggapin ng mga tao dahilan sa makakasira sa kanilang negosyo.

161

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

“Hindi ako naniniwala na may purgatoryo?” ang tutol ng matanda na napatindig sa kinauupan.  “Nalalaman ko pa ang ilang bagay ng kanyang kasaysayan!”37

“Ang kasaysayan ng purgatoryo?” bulalas na puno ng paghanga ng mag-asawa.  “Isalaysay nga ninyo sa amin!”38

“Hindi ninyo alam, samantalang kayo ay nagpapamisa at nagsasalita ng mga paghihirap ng kaluluwa sa purgatoryo!39  Dahil umuulan na at parang magtatagal ay samantalahin natin mag-usap upang di tayo mainip,” ang sagot ni Tasyo na nag-isip sandali.

Itinupi ni Ginoong Filipo ang aklat na nasa kamay,40 at si Doray ay umupo sa kanyang tabi at handang huwag paniwalaan ang anumang sasabihin ni Tandang Tasyo.41  Ito ay nagsimula sa ganito:

37 Ipinapakita ni Rizal sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo ang kahalagahan ng kaalamang pangkasaysayan sa pagsusuri ng mga umiiral na paniniwala at kalagayan ng isang lipunan. 38

Sa pamamagitan ng pananalitang ito ni Pilosopo Tasyo ay nanghihikayat si Rizal na tingnan ang historikal na kaunlaran o ebolusyon ng mga kaisipan partikular ang ating mga pinaniniwalaang pangrelihiyan.39

Isang paraan ng pagising ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa – isang masakit na salita na ibig sabihin GAWA KAYO NG GAWA, HINDI NAMAN NINYO PALA ALAM ANG PUNO AT DULO. Sa pamamagitan ng nobelang ito ay nagawa ni Rizal na ipakita ang batis ng kabuuang depekto ng lipunang Pilipino, magmula sa mga mananakop at maging ang mga depekto ng mga Pilipino na nanatili pa rin hanggang sa kasalukuyan – ang kawalan ng sapat na kaalaman sa kasaysayan.

40 Ang pagtutupi ni Don Felipo ng aklat na “Mga Hirap Na Tinitiis ng mga Banal na Kaluluwa sa Purgatoryo” ay simbolo ng pag-iisang tabi niya sa isang sabi-sabing paniniwala, at kahandaan sa pagtingin sa historikal na pagpapaliwanag sa ebolusyon ng isang aral ng simbahan na kaniyang pinaniniwalaan at isinasagawa nang hindi niya naiintindihan ang pinagmulan.41

Makikita na kapwa humahanga at naghihintay ng paliwanag ang mag-asawang Filipo at Doray ukol sa kasaysayan ng purgatoryo ngunit silang dalawa ay mayroong magkaibang layunin – ang lalaki para umunawa sa tunay na sanhi at ang babae ay para higit na patibayin ang kaniyang paniniwalang pansimbahan sa harap ng mabibigat na pagbatikos. Nililinaw din na kung magkasalungat ang layunin ng pakikinig ng mag-asawa ay hindi dahilan sa mahina ang isipan ng mga kababaihan – kundi iyon ay ang panahon na ang isipan ng nakararaming mga kababaihan ay ganap na nakakulong sa bilangguan ng panatisismo. Ang nagaganap kay Doray ay siya ring magiging damdamin ng mga taong mapanata sa simbahan na makatakatapos na basahin ang nobelang ito – pagbubuhusan nila ng panahon para huwag itong paniwalaan at makakaramdam sila ng pagtatagumpay ng kanilang pananampalataya.

162

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

          “Matagal nang panahon, bago pa man nagkatawang-tao ang ating Panginoong Jesucristo ay mayroon nang purgatoryo,42 at nasa gitna ng kalupaan alinsunod sa sabi ni Padre Astete , o kaya ay nasa kalapit ng Cluny alinsunod sa monghe na tinukoy ni Padre Girard.43 Kung saan naroon, ay walang malaking kabuluhan.  Ngayon:  sino ang natutupok sa mga apoy na iyon na nag-aalab na sapul nang panimula ng mundo?  Ang kanyang napakatagal nang pag-iral ay pinatutunayan ng pilosopiyang Kristiyano na nagsasabing walang nilalang na bagong bagay ang Diyos matapos na makapagpahinga.          “Mangyayaring iyo ay umiiral nang in potentia (bilang maaaring mangyari), nguni’t hindi in actu (talagang umiiral na nga)!” ang sabat ng tinyente-mayor.          “Ipalagay nating ganoon nga!  Gayunman ang isasagot ko sa inyo na nakilala na siya ng ilan in actu.  Isa sa mga nakakilala ay si Zarathustra o Soroastro na sumulat ng bahagi ng Avesta at nagtayo ng isang relihiyon, na may ilang pagkakatulad sa ating pananampalataya; at si Zarathustra,44 ayon sa mga marurunong ay nabuhay nang higit sa walong daang taon nauna kay Jesucristo.  Higit ang sabi ko, sapagkat matapos masiyasat ni Caffarel ang mga patunay ni Plato45 at Xanto ng Lidia Plinio,46 Hermipos at Eudoxio,47 ay nag-akalang una si Soroastro nang dalawang libo at limandaang taon kaysa kapanahunan nating mga Kristiyano.  Ngunit maging gayon o hindi man, ang totoo ay nabanggit ni Zarathustra ang isang katulad ng purgatoryo at nagturo ng paraan upang ito ay maligtasan.  Natutubos ng mga buhay ang kaluluwa ng mga patay na may kasalanan sa pagdarasal ng ilang bahagi ng Avesta, paggawa ng mabuti, datapwat kailangan na ang magdarasal ay isang kamag-anak na direkta hanggang sa ikaapat na salin.48  Ang panahong takda sa bagay na ito

42

Bago pa man isinilang si Jesuscristo ay may pinaniniwalaan ng purgatoryo ang relihiyon Zoroasterismo – dito pa lamang ay ipinapakita na ni Rizal na ang paniniwala dito ay hindi mula sa orihinal na pananampalatayang Kristiyano.43

Ipinapakita na kahit mga alagad ng simbahan ay hindi nagkakaisa kung saan naroon ang purgatoryo. Teka, nasaan nga kaya ang purgatoryo?

44 Ang kahulugan ng pangalang pangalang Zarahustra ay ang lalong magalíng sa mga anak ng mga tao.—Si Zarahustra ay pantás na pilosopo na bumago ng relihiyon ng Persia —P. H. Poblete.45

Dakilang pilosopo ng Gresya na sumulat ng mga aklat na The Republic at Dialogue. Ang tunay na pangalan ay Aristocles ngunit pinangalan ng kaniyang gurong si Socrates na Plato dahilan sa kalaparan ng noo.46

Bantog na naturalistang Latino (23-79 AD).47

Patriyarka ng Constantinople

48 Nais na ipapuna ni Rizal sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo na ang

163

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

ay minsan sa isang taon at tumatagal nang limang araw.  Sa paglipas ng mga panahon ay naging matibay na ang pananalig sa aral na iyon sa mga taong-bayan, ay nakita ng mga pari ng Zoroasterianismo na iyon ay pagkakakitaan nang malaki at kinalakal ang mga iyon ang “mga madidilim na bilangguang pinaghaharian ng mga pagsisisi,”49 gaya ng sabi ni Zarathustra.  Pinalakad nga nila na sa halagang isang derem, isang salaping ang sabi ay napakaunti ang halaga, ay mangyayaring mabawasan ng isang taón ang pagdurusa ng isang kaluluwa; ngunit dahilan sa ang relihiyong ay naniniwala na may kasalanang ang katimbang ay mula sa 300 hanggang 1,000 taong paghihirap, gaya sa halimbawa ng pagsisinungaling, pagdaraya, ang hindi pagtupad sa isang pangako, atbp., ay lumalabas na nakapag-iipon sa kanilang supot ng mga milyon na derem ang mga mandarayang paring iyon.50  Dito ninyo makikita ang isang bagay na katulad ng ating purgatoryo, kahit tunay na taglay ang pagkakaibang dapat maisip sa pagkakaiba ng pananampalataya.”

Isang kidlat na sinundan ng isang napakalakas na kulog ang nakapagpatayo kay Doray, na nagsabing sabay sa pag-aantanda: “Jesus, Maria y Jose!  Iiwan ko muna kayo; magsusunog ako ng palaspas na bininditahan at magtitirik ako ng kandilang perdon.51

Nagsimula ang pagbagsak ng isang malakas na ulan.  Ang pilosopong si Tasyo ay nagpatuloy, samantalang minamasdan ang babae na lumalayo. “Ngayong wala siya ay mapag-uusapan natin ang bagay na ito nang higit na malalim.  Si Doray, kahit may kaunting pagkamapamahiin, ay isang mabuting Katolika, at ayokong pawiin ang pananalig ng puso:   ang isang malinis at payak na pananampalataya ay naiiba sa panatisismo, tulad ng pagkaiba ng apoy sa usok, gaya ng

Purgatoryo ay maaring kinopya lamang ng simbahan sa paniniwalang Zoroaterianismo.

49 Ipinakita ni Rizal na ang kinabagsakan ng mga mapagsamantalang kaparian ng Zoroasterianismo ay siya ring balon ng kamalian na kinahulugan ng mga kaparian ng kolonyal na simbahan.

50 Si Rizal ay humahampas sa kalabaw at ang nalalatayan naman ay ang kabayo – direktang binabanggit ni Rizal ang mga mapagsamantalang kaparian ng Zoroasterismo, ngunit ipinasasalamin naman ang pagiging katulad nila sa mga alagad ng kolonyal na simbahan.

51 Makahulugan ang ginawang pagtayo at balak na gawin ni Doray – magsusunog ng palaspas dahilan sa paniniwala na iyon makapag-aalis ng kidlat; at magsisindi ng kandilang perdon – ito ay isang kandilang binasbasan at pinaniniwalaan makakalinis ng kasalanan. Iniisip ni Doray na nakagawa siya ng kasalanan dahilan sa pakikinig kay Pilosopo Tasyo. Ikaw magsisindi ka na ba ng kandilang perdon dahilan sa pagbabasa mo nito.

164

Page 12: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

tugtugan sa ingay:   mga bagay na pinagkakamalan na magkapareho ng mga tuliro at bingi.52 

Sa ganang atin ay masasabing ang pagkakalagay ng purgatoryo ay mabuti, banal at nararapat; nakapagpapatuloy ng pagkakaisa ng mga yumao na at ng mga buhay, at pumipilit upang mamuhay nang lalong mabuti.  Ang masamang bunga nito ay ang pagmamalabis na ginagawa nang dahil sa kanya.53 Subalit tingnan natin kung bakit natungo sa Katolisismo ang bagay na ito na wala sa Bibliya, maging sa mga Santong Ebanghelyo.   Kahit si Moises, ni si Jesucristo ay hindi man lamang ito nabanggit,54 at ang tanging salaysay na tinukoy tungkol sa mga Makabeo ay hindi sapat, bukod sa ating aklat na ito ay pinagpasiyahang hindi dapat paniwalaan sa concilio sa Laodicea, at nitong huli na lamang tinanggap ng Santa Iglesia Catolica .55  Ang relihiyong pagano ay wala ring bagay na kahawig man lamang nito.  Ang sinulat ni Virgilio, na laging natutukoy, na Aliae panduntur inanes,56 na nagbigay-daan upang si San Gregorio Magno ay magsalita tung kol sa mga lunod na kaluluwa, at pinalaki pang lalo ni Dante sa kanyang Divina Commedia , ay hindi mangyayaring siyang pinagbuhatan ng paniwalang ito.  Ni ang mga  Braman, ni ang mga Budhista, ni ang mga Ehipsiyo na nagbigay sa Gresya at Roma ng kanilang Caronte at Averno,57 ay wala ring kahawig ng bagay na ito.  Hindi ko na tutukuyin ang mga relihiyon ng mga bayang nasa hilaga ng

52 Sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo ay ipinakikita na hindi nais ni Rizal na sirain ang malinis at tapat na pananalig – maari kaya itong pasaring ni Rizal sa ating simbahan upang alisin ang mga dogma na walang Biblikal na basehan at minana o kinopya lamang sa mga matandang relihiyon na minsang umusbong sa mga baybayin ng Dagat Mediterranean. Makikita na si Rizal ay tila hindi lamang repormista ng lipunan, at maituring pa na isang repormista ng simbahan.

53 Ang pangangailangan ng tao sa relihiyon ay hindi masama, sapagkat ang tao ay naghahanap ng pananampalatayang kailangan niyang paniwalaan at pagsaligan ng kaniyang pag-asa. Ang nakakasama sa pagsampalataya ay ang pagmamalabis na ginagawa at ipinapagawa sa mga nananalig.

54 Sa pamamagitan ng rasyonal na pangangatwiran ni Pilosopo Tasyo ay direktang naipakita ni Rizal na WALA SA BIBLIA ANG PURGATORIO – Isa ito sa iniuusok ng ilong ng mga prayle laban kay Rizal at nasa likod ng kanilang pagnanais na pugnawin ang Noli Me Tangere.

55 kapulungan ng mga obispo na nagpapasya ng mga tuntunin sa pananalig sa Katolisismo. MINSAN SA KASAYSAYAN NG SIMBAHAN ANG PURGATORIO AY IPINAGBAWAL PA ITONG PANIWALAAN. Ha!

56 Nakabitin ang iba sa papawirin

57 Sa mitolohiyang Griyego si Caronte ay isang mamamangkang naghahatid ng kaluluwa at ang Averno naman ay impyerno.

165

Page 13: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

Europa:   ang mga relihiyong ito dahilan sa pananampalataya ng mga mandirigma, mga makata at mga mangangaso, at hindi ng mga pilosopo,58 kahit na taglay pa hanggang ngayon ang kanilang mga paniwala at mga paraan sa pagsamba na ginagamit na ng mga Kristiyano,59 ay hindi nadala ng kanyang mga kampon sa panloloob sa Roma ni sa pagluklok sa Capitolio:  sa dahilang siya ay relihiyong maulap ay napapawi sa araw ng katanghalian.60 

Ang mga Kristiyano ng mga unang siglo ay hindi naniniwala sa purgatoryo; sila ay namatay na taglay ang masayang pag-asa na madaling makakaharap ang Diyos.  Ang mga unang Ama ng Iglesia na parang nakabanggit sa bagay na ito ay sina San Clemente ng Alejandria, Origenes at San Ireneo, na marahil ay dala ng paraan sa pananamba ng mga nananalig kay Zarathustra na nang mga kapanahunang yaon ay malusog pa at malaganap na malaganap sa buong Kasilanganan, dahilan sa madalas tayong nakababasa ng mga sumbat sa pagiging maka-silanganin ni Origenes.61 Pinatutunayan ni San Ireneo ang pagkakaroon ng purgatoryo dahil sa pangyayaring si Jesucristo ay lumagi “ng tatlong araw sa kailaliman ng lupa,” tatlong araw sa purgatoryo, at hininuha sa bagay na ito na ang bawa’t kaluluwa ay dapat mamalagi doon hanggang sa pagkabuhay na muli ng katawan, kahit na tila ang Hodie mecum eris in Paradiso (ngayon ay sasama ka sa akin sa Paraiso) ay laban sa kanya.  Si San Agustin ay nagsalita rin tungkol sa purgatoryo, ngunit kahit hindi pinatutunayang mayroon nga ay hindi naman niya inaakalang hindi magkakaroon, at inaakala niyang mangyayaring ipagpatuloy sa kabilang buhay ang kaparusahang tinamo sa buhay na ito, dahil sa ating mga kasalanan.”  

“Putris na San Agustin,” ang bulalas ni Don Filipo, “hindi pa nasiyahan sa hirap na ating tinitiis sa

58 Ang mga matandang relihiyon ng Hilagang Europa ay hindi ganap na nagkaroon ng malaking inpluwensiya sa ebolusyon ng mga aral ng kolonyal na simbahan, dahilan sa pagiging payak ng mga aral nito.

59 Subalit marami rin silang nai-ambag sa paniniwala ng simbahan – halimbawa ay ang Santa Claus.60 Ang isang maulap/malabong relihiyon ay napapawi sa liwanag ng katanghalian. Pansinin ang krus at ang mga dahon ng laurel at usbong ng suha sa pagsusuri ng pabalat ng nobela.

61 Sa malalim na pagsusuri ni Rizal sa kasaysayan dahilan sa nagawa niyang maipaliwanag na ang pagpasok ng aral ukol sa purgatoryo dahilan sa mga sinaunang Ama ng Simbahan na nainpluwensiya ng popular na aral ng Zoroaterianismo na noon ay malaganap sa kanilang kapanahunan at lugar na kinaroroonan. Ito ang trahedya ng simbahan sa kaniyang kasaysayan – pinayagan nito na makapasok ang elementong paganismo. Kaya ang puna ng mananalaysay na si Will Durant – Isinapagano ng simbahan ang Kristiyanismo.

166

Page 14: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

kasalukuyan at ibig na ibig pa ang ituloy hanggang sa kabilang buhay!”62

“Gayon ang kalagayan ng mga bagay-bagay; ang ilan ay naniwala at ang ilan ay hindi.  Kahit na tinanggap ni San Gregorio sa kanyang de quibusdam levibus culpis esse ante judicium purgatorius ignis credendus est, ay hindi nagkaroon ng huling kapasyahan tungkol sa bagay na ito hanggang sa taong 1439, o kaya makaraan muna ang walong daang taon, na ipinahayag sa concilio sa Florence na nararapat magkaroon ng isang apoy na panlinis sa kaluluwa ng mga namatay sa pag-ibig sa Diyos, nguni’t hindi pa nakasasapat sa kahatulan ng langit.63  Sa kahuli-hulihan, ang Concilio Tridentino, nang kapanahunan ni Pio IV, noong 1563, sa ika XXV pagpupulong, ay nagtakda ng kapasyahan tungkol sa purgatoryo, na

62 Pansinin sana ang sinabi ni Don Filipo - “Putris na San Agustin, hindi pa nasiyahan sa hirap na ating tinitiis sa kasalukuyan at ibig na ibig pa ang ituloy hanggang sa kabilang buhay” o sa textong Espanyol ay “¡Diantre con S. Agustín! - exclamó D.Filipo- ¡no estaba satisfecho con lo que aquí sufrimos y quería la continuación!”

Mapansin sana ang salitang “Putris” at ang sa orihinal na textong Espanyol na “Diantre con San Agustin “ /The Devil with Saint Augustine sa salin ni Derbyshire /Ang diablo ay kasama si San Agusin). Ginamit sa salin ni Patricio Mariano ay ang salitang “putris” na nagkakaiba ang kahulugan depende sa tindi ng galit ng nagsasalita – sa kalabisan ng galit ang kahulugan nito ay “demonyo,” “diyablo,” at nagagamit din sa hindi matinding galit o pagkainis lamang at ang kahulugan ay “nasira,” “sayang,” “nawala.” Ngunit sa orihinal na textong Espanyol ay ang ginamit ni Rizal ang salitang diantre. Ang salitang diantre ay nanatili pa sa wikang Filipino na diaske.Bakit kaya ito ang ginamit ni Rizal sa pananalita ni Don Filipo na labis na napaka-opensiba sa Ama/Doctor ng simbahan? Isang bagay ang maaring makagpapaliwanag nito: Pansinin sana ang isang bahagi ng pangungusap ni Don Filipo “Putris (kasama ng dimonyo si) na San Agustin hindi pa nasiyahan sa hirap na ating tinitiis sa kasalukuyan.“

Si San Agustin ay naging pangunahing kalaban ng erehiyang Donatismo. Ipinapahayag ng mga Donastista na ang anumang sakramento sa simbahan ay walang kabuluhan, kung ang paring nagsasagawa nito ay imoral o wala sa matuwid na pamamaraan ng pamumuhay. Kinontra ni San Agustin ang nasabing kaisipan ng Donatismo at sa ganito, nagbigay daan sa pagpasok sa iba’t ibang panahon ng eksistensiya sa institusyon ng mga taong simbahan na ang pamumuhay ay hindi angkop sa pamantayan ng moralidad. GINAMIT NI RIZAL SI DON FILIPO UPANG IPADAMA ANG MASAMANG EPEKTO NG PAGLABAN NI SAN AGUSTIN SA EREHIYA NG MGA DONASTISTA.

63 Sa bahaging ito ay ipinararamdam ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa na ang dogma ukol sa purgatoryo ay hindi likas na aral ng matandang Kristiyanismo, ito ay dumaan sa proseso ng ebolusyon. Kinuha ng simbahan dahilan sa malakas na inpluwensiya ng paniniwalang pangrelihiyon at pilosopiya ng silangan.

167

Page 15: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

nagsimula sa:  cum catholica ecclesia, spiritu sancto edocta (kinakatigan ng Espiritu Santo ang Iglesia Katolika), atbp., sa dakong nagsasabing ang abuloy ng mga buhay, ang mga pagdarasal, mga paglilimos at iba pang mabubuting gawa ay siyang mga paraang lalong mabisa sa pagliligtas ng mga kaluluwa, kahit na inilagay na lalo sa lahat ang misa.  Gayunman, ay hindi ito pinaniniwalaan ng mga Protestante, at gayon din ang mga paring Griyego sapagka’t wala isa mang patunay ng Bibliya,64 at sinasabi nilang ang taning ng kabutihan at kasamaan ay natatapos sa kamatayan, at ang ibig sabihin ng Quodeumque ligaberis in terra (kahi’t gaano ang pagkakatali sa lupa) ay hindi usque ad purgatorium atbp:  subalit maitututol dito na sa dahilang ang purgatoryo ay nasa sa lupa ay naloloob sa kapangyarihan ni San Pedro. 

Nguni’t hindi tayo magkakatapos kung sasabihin kong lahat dito ang mga naipahayag na tungkol sa bagay na ito.  Isang araw na ibig ninyong ito ay pagtalunan natin ay pumaroon kayo sa aking bahay at doon ay magbukas tayo ng mga aklat at saka tayo magtalong tahimik at malaya .65  Aalis na ako:  hindi ko maisip kung bakit sa gabing ang kahabagan ng mga Kristiyano ay pinahihintulutan ang pagnanakaw - binabayaan naman ninyong mga makapangyarihan66 – at

64 Tinutukoy ni Rizal ang mga protestante at ang Greek Orthodox Church ay hindi naniniwala sa aral ng purgatoryo. Ito ay katugma ng simbolismo ng krus na Byzantina na na nakalagay sa libingan ni Don Rafael na sinunog ng sepulturero .

65 Ang pagtatalo sa purgatoryo ay dapat gawin na tahimik at malaya. Bakit magbubukas sila ng libro? Ipapakita ni Pilosopo Tasyo ang kabuuan ng kasaysayan upang patunayan nito kay Don Filipo ang ebolusyon ng pagpasok ng aral ng purgatoryo sa simbahan. Subalit maaring ginamit lamang ni Rizal ang bahaging ito, upang higit nilang mapag-usapan ang iba pang mga dogma ng simbahan na hinango lamang sa paniniwalang pagano ng mga Romano.

Kung interesado kayo sa pinagmulang Greko-Romanong tradisyon ng mga paniniwalang pansimbahan ay maari ninyong i-download sa internet ang aklat na The Golden Bought ni James Frazer. www.gutenberg.org66

“hindi ko maisip kung bakit sa gabing ang kahabagan ng mga Kristiyano ay pinahihintulutan ang pagnanakaw.” Paliwanag: Tandaan na ang araw na sinasakop sa salaysay na ito ng nobela ay araw ng Todos Los Santos. Pinupuna ni Pilosopo Tasyo ang kaugalian na tinatawag na pangangaluluwa – kung saan ang mga nangangaluluwa ay kumukuha ng pag-aari ng iba – katulad ng damit sa sampayan at mga manok sa kulungan, na hindi naman nagagalit ang ninakawan dahilan sa paniniwala ng mga tao na ang kumuha noon ay ang mga “kaluluwa” ng mga yumao. Ang katunayan na ito ang tunay na binabanggit dito – mapapansin na ipinahuhuli ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo ang mga nagnanakaw na nangangaluluwa. Ang katulad nito sa mga bansang kanluran ay Halloween.Maaring Basahin sa Internet ang artikulong Horrors of Halloween.http://members.tripod.com/~RU_BOLD/halloween.html

168

Page 16: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

ipinangangamba ko ang aking mga aklat.   Kung nanakawin lamang sana sa akin upang basahin ay akin nang pababayaan, subalit batid kong ang marami ay may hangad na sunugin upang magawan ako ng isang kabutihan, at ang kabutihang ito, na bagay sa ugali ng Haring Omar, ay nakatatakot.67 Ang ilan ay nag-aakalang dahil sa mga aklat na ito ay wala na akong kapatawaran…”

“Subalit inaakala kong kayo ay naniniwala sa pagkakaroon ng

parusang walang-kapatawaran?” ang tanong na nakangiti ni Doray, na lumalabas na may dalang isang munting lagayang tanso na may tuyong palaspas na nagkakalat ng nakayayamot na usok at masarap na amoy.            “Hindi ko po alam Ginang, kung ano ang gagawin sa akin ng Diyos!” ang tugong nag-iisip ni matandang Tasyo.  “Kapag ako ay naghihingalo na ay haharap akong walang panganib sa Kanya; gawin Niya sa akin ang nais niya.68  Subalit mayroon akong isang naiisip…”

“At ano ang naiisip ninyong iyan?”“Kung ang mga tanging makaliligtas ay ang mga Katoliko, at sa

mga tinuran ay ang lima lamang sa bawa’t isang daan, gaya ng sabi ng maraming kura, at ang mga Katoliko ay ikalabindalawang bahagi lamang ng mga tao sa lupa, kung paniniwalaan natin ang mga tala; ang mangyayari ay matapos na magtamong kaparusahan ang milyon- milyong katao sa loob ng di-mabilang na mga daan-daang taong

67 Tinutukoy si Umar I (586?-644) – ang Caliph na nagpasunog ng Dakilang Aklatan ng Alexandria noong 640. Ang aklatan ng Alexandria ay itinatag noong panimula ng ikatlong Siglo bago ipanganak si Cristo, at ito ay naglaman ng napakaraming mga manuskrito (sulat kamay) ng mga matatandang kasulatan noong unang panahon at dito nagmula ang maraming kopyang sulat kamay ng mga matatandang kaalaman at kasaysayan. Nang ipasunog ni Omar ang nasabing aklatan ay itinanong kung ang mga aklat na nasa loob ay kasang-ayon o kalaban ng Quoran. Kung kasang-ayon, ay kalabisan na iyon at kung ito ay kalaban ng Quoran ay makakasama – alinman sa dalawa ang maging kasagutan ay iisa lamang ang magiging kapasiyahan – ang sunugin ang aklatan. (Glosaryo)

68 Sa bahaging ito ay makikita ang paninindigan ni Pilosopo Tasyo na hindi niya babawiin hanggang kamatayan ang kaniyang paniniwalang kritikal sa aral ng simbahan. Dito ay ipinapakita ni Rizal na ang kamatayan ay hindi maaring magpabago ng paniniwala ng isang taong nagtataglay ng mga malayang kaisipan. Ang katunayan nga nito ay mayroong isang artikulo si Rizal ukol sa kamatayan ng isang matalino at mahusay na manggagamot/doctor na namatay na hindi binabawi ang kaniyang kritisismo laban sa kolonyal na simbahan sa kabila ng pagnanais ng kaniyang kaibigan na ibalik siya sa paniniwalang Katoliko. Nagtapos ang akda ni Rizal sa isang nakakatawang tagpo – kung saan ang kaibigan ng namatay na manggagamot ay umuwing lulugo-lugo.Basahin ang artikulo ni Rizal na Malayang Palaisip sa www.reocities.com/cavitesu/bioriz.htm

169

Page 17: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

nakaraan bago pumanaog sa lupa ang Mananakop, bago mamatay nang dahil sa atin ang isang anak ng Diyos, ay ngayon lamang makaliligtas ang lima sa bawa’t isang libo at dalawang daan?   Oh, hinding-hindi nga! 69 Ibig ko pa ang manalig at masabing kagaya ni Job na:  Magbabangis ka ba sa isang dahong lumilipad at uusigin mo ang isang tuyong pinagapasan?  Hindi, ang gayong kalaking kasawian ay hindi mangyayari, ang paniniwala sa gayon ay isang panunungayaw, hinding-hindi!”          “Ano ang magagawa?  Ang Kapangyarihan, ang Kalinisan ng Diyos…”            “Oh!  Ngunit makikita na ang darating na Kapangyarihan at Kalinisan ng Diyos bago mangyari ang paglalang!” ang sagot na tumitindig at nangingilabot ng matanda.  “Ang paglalang, ang tao ay isang bagay na maaaring sumipot o hindi man at hindi kailangan, at hindi na sana dapat na siya ay nilalang ng Diyos na iyon upang sa pagpapaligaya sa isa ay kailanganin ang papaghirapin ang mga daan-daan sa isang kasawiang walang katapusan, at ang lahat ng ito ay dahil lamang sa mga kasalanang minana o nagawa sa isang saglit.70 

69 Tinutulan ni Tasyo ang aral ng simbahan na Extra Ecclesiam Nulla Salus (Sa Labas ng Simbahan ay Walang Kaligtasan). Ang maaring maging paliwanag kung bakit isinulat ito ni Rizal at winika ni Tasyo: Una ay hindi niya pinaniniwalaan ang aral na ito dahilan si Rizal sa takbo ng kaniyang mga sinulat ay higit na Deistiko na naniniwala ang kaalamang pangrelihiyon ay katutubo sa bawat tao at matatamo sa pamamagitan ng paghahanap ng katwiran, umiiwas na mapaanib sa, at hindi pinaniniwalaan ang partikular na aral ng grupo ng relihiyon; at ikalawa ay ang kaniyang pagnanais na ipakita na ang Extra Ecclesiam Nulla Salus ay hindi reyalistiko sa harap ng katotohanan na mayroong napakaraming iba’t ibang mga paniniwalang pangrelihiyon sa daigdig. Maaring layunin ni Rizal sa pagbanggit ng kaisipan na ito sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo ay ang kaniyang pagnanais na sirain ang monopolyo ng simbahang Katoliko sa mercado ng konsensiya sa Pilipinas.

70 Ang Pelagianismo ay paniniwala na ang malayang pagpapasiya ng bawat tao ang pinakamahalagang elemento sa perpeksiyon ng sangkatauhan, sa ganito ay lumiliit ang pangangailangan para sa tinatawag na biyaya at kaligtasan. Ang aral na ito ay binalangkas ni Pelagius, isang tao na kinikilala sa kaniyang kaalaman at mataas na karakter na moral.

Tinanggihan ni Pelagius ang eksistensiya ng original sin, hindi kailangan ang pagbibinyag ng mga sanggol (dahilan sa wala pa naman itong mga kasalanan). Ang katiwaliang moral ng tao ay hindi minamana mula sa kapanganakan, kundi bunga ng masasamang halimbawa na nakikita nila sa lipunan. Para kay Pelagius, ang tao ay maaring mabuhay ng matuwid at sa ganito ay maaring matamo ang kalangitan, dahil sa ang tunay biyaya ng Diyos sa tao ay ang pagkakaroon nila malayang kapasiyahan, katwiran, at konsensiya, kasama na din dito ang panlabas na biyaya tulad ng Batas ni Moises at ang pagtuturo at halimbawa ni Jesucristo na sekondarya lamang. Para kay Pelagius, ang pananampalataya at dogma ay hindi mahalagang bagay dahilan sa ang tunay na esensiya ng relihiyon ay ang aksiyong moral. Ang paniniwala ni

170

Page 18: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

Hindi!  Kung ito ay totoo ay sakalin na ninyo ang anak ninyong iyan na natutulog; kung ang paniwalang iyan ay hindi isang pamumusong sa Diyos na dapat maging pedestal ng kabutihan, ang Molok71 ng mga Phoenician, kung gayon, na kinakailangang handugan ng mga taong pi napatay at dugong walang-sala, at sa kaniyang tiyan ay sinusunog ang mga batang inaagaw sa kandungan ng kanilang mga ina, ang mabangis at kakila-kilabot na Diyos na iyan kung itutulad sa Kanya (sa ating Diyos) ay makakatulad lamang ng isang mahinang binibini, isang kaibigan, ang ina ng Sangkatauhan!” At puno ng pangingilabot na iniwan ng baliw o ng pilosopo ang bahay, at nagtatakbo sa mga lansangan sa kahit na nalalambungan ng dilim at umuulan. Isang nakasisilaw na kidlat, na may nakagugulat na kulog, na nagkalat sa himpapawid ng mapanirang apoy, ay tumanglaw sa matanda na sumisigaw, na nakataas sa langit ang mga kamay: “Tumututol ka, batid kong hindi ka malupit, batid kong wala akong ibang dapat itawag sa iyo kundi Ang Mabait.”72    

Pelagius ukol sa perpeksiyon ng moralidad ay hinango sa paniniwala ng mga pilosopong Stoico. Muli si San Agustin ay naging instrumento ng simbahan sa pagsugpo ng Pelagianismo. Ito ay higit na magpapatunay na ang sinabi ni Don Filipo na putris si San Agustin ay isang hanay ng pananalitang punong-puno ng katuturan at hindi isang karaniwang bulalas lamang.

71 Para kay Tasyo, kung inilalaan lamang ng Diyos sa kaparusahan ang sangkatauhan ay higit Siyang malupit kung ihahambing sa kakila-kilabot na diyos ng Phoenicia na si Moloch, na ang pagsamba sa ay kinapapalooban ng pagsasakripisyo ng buhay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy o pagpuputol-putol ng katawan ng biktimang isinasakripisyo.

Moloch, in the Old Testament, deity at one period associated with Baal, probably as a sun god, but differing from him in being almost entirely malevolent. The worship of Moloch embraced human sacrifice, ordeals by fire, and self-mutilation. The Hebrew form of the word is invariably Molech, meaning “king” or “counselor.” The first recorded instance of a worshiper of Yahweh who “burned his son as an offering” (that is, to Moloch) is that of Ahaz (see 2 Kings 16:3). The same story is told of Manasseh, eponymous ancestor of one of the 12 tribes of ancient Israel (see 2 Kings 21:6). The practice is also alluded to in the books of Jeremiah, Ezekiel, and Leviticus. The ritual of Moloch worship was probably borrowed by Judah from one of the surrounding nations; it was practiced by the Moabites (see 2 Kings 3:27) and Ammonites.Batis: © 1993-2003 Microsoft Corporation. All rights reserved.

72 Sa bahaging ito ay nakakaramdam si Pilosopo Tasyo ng pagsisi sa kaniyang ginawang blasphemy laban sa Diyos (pero hindi pinagsisihan ang paghahantad ng kababawan ng dogma). Ang pamumusong ni Tasyo ay isang mental gymnastic na katulad ng isang taong deist. Nagkukumpara ng Diyos - na ang hinahanap ay isang tunay na Diyos na malayo sa ipinakikilala ng frailocracia sa kaniyang kapanahunan.

Ang tinatawagang Diyos ni Pilosopo Tasyo ay ang isang napadakilang Manlalang - na ang kadakilaan ay nilambungan ng mga ulap

171

Page 19: Noli Me Tangere Deciphered-kab014

Ang mga kidlat ay nagsunud-sunod, ang bagyo ay lalong lumalakas…73

ng mga pamahiin at sinasaraula ng ilang mga tiwaling alagad ng kolonyal na simbahan. Ang mga pananalitang ito ni Tasyo ay kaliliwanagan ng tunay na balangkas ng kaisipan ni Rizal ukol sa Diyos. Sa Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos ay kaniyang inisa-isa ang mga katiwalian ng frailocracia at pagkatapos ay sinabing “Kung ito ang Diyos na sinasamba ng mga prayle, Tumatalikod ako sa ganyang Diyos.

73 Ang pagsunod-sunod ng kidlat ay kasagutan ng langit sa hamon ni Tasyo. Sa pamamagitan ng simbolismo ng galit ng langit ay ipinakikita ni Rizal na iba ang Diyos na ipinapakilala ng frailocracia sa Diyos na naninirahan sa langit, ang Diyos na bukal ng kabanalan, kabutihan, katwiran, at may-akda ng kasaysayan na palaisipan sa mga sangkatauhan upang kapag kanilang natutunan ay tahakin nila ang tamang landas tungo sa isang tunay na lipunan na may tunay kapantayan, at higit sa lahat ay isang lipunan na hubad sa pagsasamantala ng tao laban sa kaniyang kapwa tao.

172