Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab024

  • View
    363

  • Download
    12

Embed Size (px)

Text of Noli Me Tangere Deciphered-kab024

KABANATA 24 SA KAGUBATAN

Maagang tinapos ni Padre Salvi ang kanyang misa at ilang sandali lamang ang ginamit niya sa paglilinis ng isang dosenang maruruming kaluluwa, bagay na hindi niya ugali.1 Waring sa pagkabasa ng ilang sulat na dumating, na mabuti ang pagkakalagay ng selyo at alakre,2 ay nawalan ng ganang kumain ang kura, dahil sa pinabayaang lumamig na ganap ang kaniyang sikulate. Ang pari ay may sakit, ang sabi ng tagaluto samantalang naghahanda ng panibagong ng tasa, ilang araw nang hindi kumakain; sa anim na pinggang ulam na aking inihain sa lamesa, hindi man lamang niya hinipo ang dalawa:3 Maaaring hindi makatulog na mabuti! sagot ng alila sa kusinero, binabangungot na madalas sapul nang mag-iba ng silid na tulugan.4 Ang kanyang mga mata ay unti-unting nanlalalim, namamayat sa araw-araw at naninilaw na lubha. Siya nga naman, nakaaawa si Padre Salvi kung makikita. Ni hindi rin ginagalaw ang pangalawang tasang sikulate, ni hindi tinikman ang mga tinapay na galing sa Cebu; nagpapalakad-lakad na nag-iisip sa maluwang na salas, na nilulukot ng mabuto niyang kamay ang ilang sulat na sandali-sandali lamang binabasa. Sa kahulihulihan ay ipinahanda ang kanyang sasakyan, nag-ayos at ipinag-utos na siyay ihatid sa kagubatang kinaroroonan ng nakapangingilabot na puno ng baliti, sa lugar na malapit sa pinagdarausan

MGA PALIWANAG 1 Tinutukoy ay ang pakikinig ng kumpisal minadali ni Padre Salvi ang pakikinig ng kumpisal na hindi niya kaugalian. Gusto niya ay kumpisalin ng mahaba ang maruruming kaluluwa lalo na ang mga kababaihan.2

Alakre wax seal na upang tiyakin na ang sulat ay hindi nabuksan ng iba. Bakit nawalan ng gana si Padre Salvi, maaring hindi niya gusto ang nilalaman ng sulat.

Ang pari ay may sakit, ang sabi ng tagaluto sa anim na pinggang ulam na aking inihain sa lamesa, hindi niya hinipo ang dalawa: (ibig sabihin apat ang kaniyang kinain, dalawang pinggan ang hindi niya hinipo). ilang araw nang hindi kumakain (gustong ipahalata ni Rizal na ang apat na pinggan ng ulam ay hindi pa kain sa isang prayle na katulad ni Padre Salvi) GANYAN KAGANDA MAGBIGAY SI RIZAL NG KANIYANG MGA MARIRIKIT NA PANDUDUSTA MARAMI PANG GANYAN.3

Bakit palaging binabangungot si Padre Salvi at hindi na natutulog sa dati niyang silid buhat ng gabing mawala si Crispin?4

283

ng kasayahang pambukid. Nang dumating sa pook na iyon ay pinaalis ni Padre Salvi ang sasakyan at nag-isang pumasok sa kagubatan. J Isang mapanglaw na landas ang bahagya nang madaanan sa gitna ng mga dawag at patungo sa isang batis na dinadaluyan ng mainit na bukal, na tulad ng maraming batis na nasa paanan ng Makiling. Nakapalamuti sa mga pampang ang maraming bulaklak-parang, na ang marami sa kanila ay hindi pa nagkakaroon ng pangalan sa wikang Latin,5 datapwat kilala na sila ng mga insektong kulay-ginintuan, ng mga paruparong sarisari ang laki at kulay-bughaw at ginto, puti at itim, batikbatik, makikintab, abuhin, na may dalang mga rubi at esmeralda sa kanilang mga pakpak, at ng libu-libong mga salagintong ang katawan ay parang sinabugan ng ginto. Ang haging ng mumunting hayop na ito, ang huni na mga kuliglig na nag-iingay sa gabi at araw, ang awit ng ibon, o ang walang ugong na kalabog ng bulok na sangang nahuhulog at sumasabit sa lahat ng dako ang tanging nakabubulahaw sa katahimikan ng mahiwagang pook na iyon. Matagal-tagal din siyang nagpalakad-lakad sa pagitan ng masisinsing dawag,6 na iniiwasan ang mga tinik na pumipigil sa kanyang abitong ginggon, na parang ibig na siya ay pahintuin, ang mga ugat na nakalabas sa lupa na laging nagpapatalisod sa kanyang paang di-sanay na maglakad.7 Bigla siyang huminto: masasayang halakhakan at mga sariwang tinig ang kanyang narinig at ang tinig at halakhakang iyon ay nanggagaling sa batisan at unti-unting lumapit. Titingnan ko kung ako ay makakakita ng isang pugad, ang sabi ng isang maganda at matamis na tinig Inilagay ni Rizal ang bahaging ito upang akitin ang interes ng mga banyagang siyentipiko ng mundo sa mga bagay na maari nilang makita sa Pilipinas. Akitin silang pumunta dito, magsagawa ng pag-aaral sa layunin niyang makapasok sa bansa diwa ng adbanseng siyensiya. Ang batayang katotohanan ng pagsusuring sa nasabing talata ay ang ginawang pagpupunaygi ni Rizal noong 1889 na maitayo sa Europa ang isang samahan ng mga siyentipiko na mag-aral ukol sa Pilipinas. Wala pang scientific name dahilan sa hindi pa napag-aaralan ng mga siyentipiko. 6 Mapapansin na si Padre Salvi ay nagpunta sa batisan sa pamamagitan ng landas na hindi sa malimit na daanan ng mga tao. Kung ganoon, mayroong siyang pananais na makarating sa batisan sa palihim na paraan.5J

Makikita na pati ang kalikasan ay humahadlang sa kaniyang nais na puntahan o gagawin.7

284

na kilala ng kura, ibig ko siyang makita nang hindi niya ako nakikita, masundan ko siya saanman pumaroon.8 Si Padre Salvi ay nagtago sa likod ng isang malaking puno at nakinig. Kung gayon ay ibig mong gawin sa kanya ang ginagawa sa iyo ng kura, na palagi kang minamatyagan saan ka man pumaroon, ang sagot ng isang masayang boses, kaiingat ka ang selos ay nakapag-papapayat at nagpapalalim ng mata!9 Hindi naman dahil sa ako ay nagseselos, kundi ibig ko lamang siyang palaging makita! putol ng mataginting na boses, samantalang inuulit ng tinig na masaya ang: iyon nga, selos, selos! at humalakhak.10 Kung ako ay nagseselos ay siya ang iibigin kong huwag makita ng kahit sino at hindi ako, upang sa gayon ay walang makakita sa kanya.11 Pero kahit ikaw ay hindi mo rin siya makikita, na hindi dapat mangyari. Ang mabuti, sakaling matagpuan natin ang pugad ay ibigay natin sa kura, upang maari kang bantayan niya nang hindi kailangang siya ay makita natin, ano?12 Nais ni Maria Clara na magkaroon ng pugad ng tagak para magkaroon ng kapangyarihan na makita niya si Ibarra ng hindi naman siya nakikita nito.8

Ang kahusayan ni Rizal sa pagsulat sa pamamagitan ng usapan ni Maria Clara at kaniyang mga kasamang dalaga ay nagawa niyang ipasalamin sa mga mambabasa ang damdamin at lihim na ginagawa sa pagkakataong iyon ni Padre Salvi. Mapapansin din ang husay ni Rizal sa paglalarawan ng damdamin ng kaniyang mga tauhan dahilan sa nahahalata ng mga kasamahang dalaga ni Maria Clara na nagseselos si Padre Salvi dahilan sa pangangayayat at panlalalim ng mata ng pari. Sa mga seloso at selosa, binabalaan kayo ni Rizal sa health risk nang pagiging isa.9

PANSININ NA - Napaka-pilya nitong si Maria Clara kaya niya gustong makita palagi si Ibarra ay hindi dahilan sa nagseselos, kundi gustong gusto lang niyang makita na hindi siya nakikita. Kapag ang isang tao ay hindi mo naman pinagseselosan, pero gusto mong makita ng hindi ka nakikita Hindi ba iyon ay isang anyo ng panunubok. Naalala pa ba ninyo ang Kabanata 7, noong unang dumating si Ibarra sa bahay ni Maria Clara sa Binondo, ang ginawa ng dalaga ay silipin ang binata sa butas ng susian sa pinto ng kuwartong kinaroroonan ng mga santo.10

Kung ganoon hindi talagang selos, ang dahilan ni Maria Clara kaya nais niyang laging makita si Ibarra ng hindi siya nakikita talagang lamang pilya siya.11 12

Nagbibitaw ng mga parunggit ang mga dalaga laban kay Padre Salvi, hindi nila alam na lihim na pinapanood sila sa batisan.

285

Hindi ako naniniwala sa pugad ng mga tagak, ang sagot ng isa pang boses, subalit kung ako ay magseselos ay bahala na akong manubok nang hindi ako makikita13 At paano, at paano? Kagaya ba ni Sor Escucha?14 Naghatid ng halakhakan ang pagkaalaalang ito sa kapanahunan ng pagka-kolehiyala. Alam mo na kung papaano dayain si Sor Escucha!15 Mula sa kaniyang pinagtataguan ay nakita ni Padre Salvi si Maria Clara, si Victoria at si Sinang na naglalakad-lakad sa ilog. Silang tatlo ay lumalakad na lahat ay nakatingin sa tubig at hinahanap ang makababalaghang pugad ng tagak: Ang tapis ng kanilang sayang pampaligo ang mga kaakit-akit na pagkakahugis ng kanilang mga hita sa kanilang suot. Lugay ang kanilang mga buhok at lilis ang mga manggas at ang nakatatakip sa kanilang dibdib ay mga barong may malalapad na guhit at masasaya ang kulay. Samantalang naghahanap ng bagay na imposible ang tatlong dalaga ay nagsisipamulot ng mga bulaklak at mga gulay na tumutubo sa mga pampang. Minamasdang mulat na mulat at walang tinag ng paring Acteon16 ang mahinhing Diyanang iyon; ang kanyang mga mata ay kumikinang sa

13

Isang hindi sinasadyang pasaring kay Padre Salvi na noon ay nagkataong nanunubok sa mga dalagaSor Escucha isang madre na ang gawain ay manubok o makinig sa usapan ng mga babaeng mag-aaral sa kolehiyo. Mula sa salitang Espaol na ang kahulugan ay tagapakinig o taga-pagmanman.

14

15

Pagpapadama ni Rizal na ang mga madreng tagasubaybay ay nagagawaan ng mga kolehiyala ng pamamaraan upang maligtasan ang mahigpit na panunubok sa kanilang ginagawa o mga usapan. ANO ANG MAARING PINAG-UUSAPAN NG MGA KOLEHIYALA NOON KAYA MAHIGPIT SILANG BINABANTAYAN NI SOR ESCUCHA? NARITO ANG ISA SA PINAG-UUSAPAN NG MGA KOLEHIYALA NA BINABANTAYAN NI SOR ESCUCHA: Kung gayon ay ang mga dalagang iyan ang mga cochers? Si Paulita ay unti-unting lalong nalulungkot dahil sa pag-iisip na kung bakit ang mga babaing iyon na tinatawag na cochers ay nakaakit kay Isagani. Ang salitang cochers ay nagpapaalaala sa kanya ng ilang banggit na ginagamit ng mga kolehiyala upang ipahiwatig ang isang wariy damdamin kung sila-sila ang nag-uusap. Batis: Kabanata 22 Ang Palabas El Filibusterismo Ibig sabihin, panahon pa ni Rizal ay pinagkukuwentuhan na ng mga kolehiyala ang posibilidad na ang mga babae ay maging mga kutsero. Aha! interesado ka nang basahin ang El Filibusterismo!

286

maiitim na bilog na hindi nagsasawang tumingin sa mapuputi at mabibilog na bisig na iyon, sa magandang leeg na kasama ang bungad ng dibdib; ang mga maliliit at mamula-mulang paa ay nagbibigay sa kanyang abang katawan ng mga di-kilalang damdamin at nakapagbibigay-