9
KABANATA 30 SA SIMBAHAN Sa magkabilang dulo ay puno ng mga tao ang kamalig na tinatawag ng mga tao na “Bahay ng Lumalang sa lahat ng nilikha .” 1 Nagtutulakan, nagkakasiksikan, makakarinig ng maraming aray ang kakaunting papalabas at ang maraming papasok. Malayo pa ay iniuunat na ang bisig upang basain ng agua bendita ang mga daliri, datapwa’t darating na walang anu-ano ang isang bugso ng mga tao at napapalayo ang kamay: kung magkagayon ay naririnig ang isang ungol. Isang babaeng napagtapakan ay nagmumura, subalit patuloy pa rin ang tulakan. Ang ilang matandang nakasawsaw ng daliri sa tubig na iyon, na kulay-burak na, na pinaghinawan ng buong bayan, bukod pa sa mga dayo, ay nagpapahid ng buong pananampalataya ng tubig na iyon, kahiman lubhang mahirap, sa kanyang batok, tuktok, noo, ilong, baba, at sa pusod, na taglay ang pananalig na sa gayong paraan ay nalilinis sa kasalanan ang lahat ng dakong tinuran at hindi siya magkakasakit ng torticollis (sakit na rayuma sa batok, sa leeg, sa likod o sa balikat), ni sakit ng ulo, ni 1 MGA PALIWANAG Tinawag ni Rizal na kamalig ang simbahan - Ang katotohanan, ang sinaunang simbahan ng pinakamatandang sibilisasyon ng Mesopotamia ay isang kamalig na pinagtataguan ng mga handog para sa kanilang mga diyos at kabayaran sa paggamit sa mga lupain ng kanilang haring pari (priest-king). Ang kamalig na ito ay pinamamahalaan ng uring panlipunan na tinatawag na kaparian, na iginagalang noon dahilan sa kanilang pagtataglay ng karunungan (ang pagsulat) at kakayahan na maunawaan ang kalooban ng mga diyos sa kalangitan sa pamamagitan ng tinatawag na astrolohiya. 372

Noli Me Tangere Deciphered-kab030

Embed Size (px)

DESCRIPTION

KABANATA 30 SA SIMBAHANSa magkabilang dulo ay puno ng mga tao ang kamalig na tinatawag ng mga tao na “Bahay ng Lumalang sa lahat ng nilikha.”

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab030

KABANATA 30 SA SIMBAHAN

Sa magkabilang dulo ay puno ng mga tao ang kamalig na tinatawag ng mga tao na “Bahay ng Lumalang sa lahat ng nilikha.”1

Nagtutulakan, nagkakasiksikan, makakarinig ng maraming aray ang kakaunting papalabas at ang maraming papasok.  Malayo pa ay iniuunat na ang bisig upang basain ng agua bendita ang mga daliri, datapwa’t darating na walang anu-ano ang isang bugso ng mga tao at napapalayo ang kamay:  kung magkagayon ay naririnig ang isang ungol.  Isang babaeng napagtapakan ay nagmumura, subalit patuloy pa rin ang tulakan.  Ang ilang matandang nakasawsaw ng daliri sa tubig na iyon, na kulay-burak na, na pinaghinawan ng buong bayan, bukod pa sa mga dayo, ay nagpapahid ng buong pananampalataya ng tubig na iyon, kahiman lubhang mahirap, sa kanyang batok, tuktok, noo, ilong, baba, at sa pusod, na taglay ang pananalig na sa gayong paraan ay nalilinis sa kasalanan ang lahat ng dakong tinuran at hindi siya magkakasakit ng torticollis (sakit na rayuma sa batok, sa leeg, sa likod o sa balikat), ni sakit ng ulo, ni pagkatuyo, ni di-pagkatunaw ng kinain.2  Ang mga kabinataan, marahil ay sapagka’t di-lubhang masasaktin o kaya ay dahil sa di-naniniwala sa banal na lunas na iyon, ay bahagya nang basain ang dulo ng daliri (upang walang masabi ang mapanata) at kunwari’y isasayad ang noo, ngunit

1MGA PALIWANAG Tinawag ni Rizal na kamalig ang simbahan - Ang katotohanan, ang sinaunang simbahan ng pinakamatandang sibilisasyon ng Mesopotamia ay isang kamalig na pinagtataguan ng mga handog para sa kanilang mga diyos at kabayaran sa paggamit sa mga lupain ng kanilang haring pari (priest-king). Ang kamalig na ito ay pinamamahalaan ng uring panlipunan na tinatawag na kaparian, na iginagalang noon dahilan sa kanilang pagtataglay ng karunungan (ang pagsulat) at kakayahan na maunawaan ang kalooban ng mga diyos sa kalangitan sa pamamagitan ng tinatawag na astrolohiya.2

Pinuna ni Rizal ang agua bendita mula sa puntos ng kaniyang pagiging manggagamot - ang labis nitong karumihan dahilan sa sawsawan ng napakaraming mga tao at nagbababala na maari itong maging sanhi ng sakit na tuberculosis.

372

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab030

gaya ng mahihinala ay hindi ito idinidikit.  “Banal na tubig nga, at sabihin na ang masasabi,” ang marahil ay iniisip ng ilang binibini, “nguni’t may kulay na!”3

            Bahagya nang makahinga doon; mainit at amoy-katawang tao; nguni’t h igit sa lahat ng kapinsalaang iyon ang halaga ng magsesermon:  ang kanyang sermon ay nagkahalaga sa bayan ng dalawang daa’t limampung piso.  Ang sabi ni Matandang Tasyo ay:

“Dalawang daan at limampung piso sa isang sermon!  Sa iisang tao, at isang beses!  Ang ikatlong bahagi ng upa sa mga komedyante na lalabas sa loob ng tatlong gabi…! Dapat nga silang maging mayayaman!”4

“Ano ang pakialam ng bagay na iyan sa komedya?” ang sagot na nayayamot ng maestro ng kapatiran sa V.O.T., “dahil sa komedya ay napupunta sa impiyerno ang mga kaluluwa, at sa sermon ay sa langit!  Isang libo man ang hiningi ay nasasayahan din kami at may utang na loob pa kami…”            “Kung ganoon, may katwiran nga kayo!” ang sagot ng pilosopo, “para sa akin ay nasisiyahan pa ako sa sermon kaysa komedya.”5

“Sa ganang akin, ni ang komedya!” ang sigaw na galit na galit ng isa.           “Marahil nga, dahil iisa ang pagkakaunawa ninyo sa dalawang bagay na iyan…!”6

            At ang matandang walang pananalig ay lumayong hindi pinuna ang mga tungayaw at mga kakila-kilabot na sumpa na kanyang sasapitin kabilang buhay, mula sa magagaliting maestro ng kapatiran.

3 Kulay burak at nakakadiri – isang pagpuna ni Rizal sa hindi panghahawak ng kolonyal na simbahan sa kasabihang “ang kalinisan ay sumusunod sa kabanalan”4

Labis na nalalakihan si Pilosopo Tasyo sa bayad sa paring magmimisa. Nagtanong sa kaniyang sarili kung dapat na magpayaman ang mga pari dahilan sa isa sa kanilang mga panata ay ang kahirapan.

5 Isang pang-aasar ni Rizal sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo. Dapat na masiyahan sa sermon kaysa sa komedya dahil mas higit na malakit ang ibinabayad ng bayan sa una.

6 Iisa lang ang komedya at sermon – magpareho lang ang mga ito na na ginagamit para sa pansamantalang makalimot ang bayan sa kaniyang kahirapan at kaapihan. Sa komedya ay para maaliw sila at malimutan pansamantala ang kahirapan at sa sermon ay para ipako ang kaniyang pag-asa sa walang hanggang gantimpala sa kalangitan.

373

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab030

           Samantalang hinihintay ang alkalde,7 ang mga tao ay pinapawisan at naghihikab:  nagpapahangin ang mga pamaypay, sumbrero at panyo; nagsisigawan at nag-iiyakan ang mga bata, bagay na nagiging malaking gawain ng mga sakristan upang sila ay mapalabas sa simbahan. Ang bagay na ito ay nakapagdulot ng kuru-kuro sa malumanay na guro ng Cofradia ng Santisimo Rosario.           “Bayaan ninyong ang mga bata ay lumapit sa akin,” ang tunay ngang sabi ng Poong si Jesucristo, nguni’t isipin ninyo na ang ibig sabihin niyon ay mga batang hindi umiiyak!8

          Isang matandang babaeng nakasuot ng ginggon, si Hermana Pute, ang sabi naman sa kanyang apong batang babaeng may anim na taon, na nakaluhod sa kanyang tabi: “Dimonyo ka!   Huwag kang palilinga-linga sapagkat makakarinig ka ng isang semon na katulad ng sa Biernes Santo!” At kinurot upang gisingin ang pananampalataya sa kalooban ng bata na napapangiwi, inihaba ang nguso at ikinunot ang noo.9

          Ilang lalakeng nakatingkayad ay nag-aantok sa tabi ng mga kumpisalan.10  Inakala ng ating manang na bumubulong ng dasal at pinalalakad ang kamay sa butil ng kuwintas, na inakala

7

Hinintay ang Alcalde ng lalawigan, higit na pinahahalagahan ang kaniyang pagdating kaysa sa maisagawa ang misa sa tamang oras. Ang pagiging huling dumating kaysa sa itinakda ay hindi katutubong kalikasan ng mga Pilipino – ito ay namana lang natin sa mga mananakop na ang pagdating ng huli sa oras ay isa sa palatandaan ng pagiging “importante.”8

Pinagtatalunan ng mga mapanata kung tama ang ginawang pagpapalabas sa mga batang umiiyak ng malakas sa loob ng simbahan. Sabi ni Cristo ay palapitin ang mga bata sa kaniya at ang sabi naman ng isa “sinabi iyon ni Cristo pero hindi iyong mga batang umiiyak.”

9 Mapansin ang sinabi ni Hermana Pute sa kanyang apong batang babaeng may anim na taon, na nakaluhod sa kanyang tabi: “Dimonyo ka!  Huwag kang palilinga-linga sapagkat makakarinig ka ng isang semon na katulad ng sa Biernes Santo!” At kinurot upang gisingin ang pananampalataya sa kalooban ng bata na napapangiwi, inihaba ang nguso at ikinunot ang noo. Ngayon nauunawaan mo na ba ang paraan ng religious instruction sa panahon ng kolonyalismo ng Espanya. Magkahalo ang galit at pananakot sa bata.

10 Inantok ang lalaki sa kapaguran sa kapistahan hindi mawari kung ito ay dahilan sa kaabalahan, kasayahan, o sugalan.

374

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab030

na ang pagyuyukayok11 ng isang matandang lalake ay siyang lalong magalang na pagsunod sa utos ng kalangitan, kayat unti-unti niyang ginaya.12

Si Ibarra ay nasa isang sulok; si Maria Clara ay nakaluhod sa malapit sa altar-mayor sa isang pook na inireserba ng kura sa pamamagitan ng mga sakristan.13  Si Kapitan Tiyago na naka-prak ay umupo sa luklukang ukol sa mga maykapangyarihan kayat inakala ng mga bata na siya ang kapitan sa bayan, kung kaya natatakot sila na siya ay lapitan.          Dumating ang alkalde na galing sa sakristiya, kasama ang kanyang mga ayudante, at umupo sa isang mainam na upuan na nakapatong sa isang alpombra.  Ang alkalde ay gayak na gayak, at taglay sa dibdib ang medalya ni Carlos III14 at apat o lima pang palatandaan ng katangian.

Hindi siya nakilala ng bayan.15

11 Pagtulog na labis na nakatungo

12 Talagang makikita ang pagkainis ni Rizal sa mga taong nanggagaya ng kabanalan.

13 Mapapansin na mayroong reserbasyon sa dakong unahang bangko sa simbahan si Maria Clara, mula sa kagandahang loob ni Padre Salvi. Ang layunin nito ay para makita ni Padre Salvi ng malapitan ang kagandahan ni Maria Clara.14

Maaring hindi ito napapansin ng ibang mga nagsusuri ng Noli Me Tangere, subalit bakit ipinasuot ni Rizal sa alkalde ang medalya ni Carlos III, na mas kilala sa tawag na Carlos de Bourbon at ang kaniyang pamumuno sa Espanya ay na isa sa mga Enlightened despot ng Europa.

Si Carlos III ay naging hari ng Espanya noong 1759—1788. Sa panahon ng kaniyang panunungkulan ay pinahusay niya ang agrikultura at komersiyo, nagtatag ng mga academia militar, pinalakas ang hukbong nabal, nireporma ang pananalapi, pinahina ang inquisition , at pinalayas ang mga Jesuita sa Espanya. Ito ay simbolismo na nararapat sanang isa-puso ng Alkaldeng Espanyol ng lalawigan - ang ideyalismo ni Carlos III, subalit wala sa isip at gawa – DEKORASYON LAMANG.

15 Hindi kilala ng mga tao ang alkalde - Ito ay dahil palaging nasa kapitolyo ng lalawigan at bihirang pumunta sa mga bayan-bayan, maliban kung may kapistahan. O HINDI KILALA NG MGA PILIPINO NA MINSAN AY MAYROONG HARI ANG ESPANYA NA NAGPAHINA NG KAPANGYARIHAN NG MGA KAPARIAN.

375

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab030

         “Aba!” ang bulalas ng isang magsasaka “isang sibil na suot-komedyante!”16

         “Hangal!” ang sagot ng isang kalapit na hindi naniniwala ang nagsalita, “iyan ang prinsipe Villardo na nakita natin kagabi sa dulaan!”17 Ang alkalde ay lalong napataas sa mata ng bayan, naging prinsipeng engkantado na dumaig sa mga higante.18

         Sinimulan ang misa.  Ang mga nakaupo ay nagtayuan, ang natutulog ay nagising dahil sa tugtog ng kampanilya at matunog na tinig ng mga umaawit.  Si Padre Salvi, kahit na walang kaimik-imik, ay waring puspos ng kasiyahang-loob, mangyari baga’y ang kanyang pinaka-diyakono at sub-diyakono ay dalawang Agustino pa naman.19 Nang dumating ang tungkulin ay umawit na maayos ang bawat isa sa pamamagitan ng tinig na humal at malabong bigkas, liban na lamang sa nagmimisa na nanginginig nang kaunti, at di-miminsang nawala sa tono, bagay na ipinagtaka ng mga nakakakilala sa kanya.  Gayunman ay maayos at magara ang kanyang kilos; binibigkas niya ang Dominus Vobiscum nang buong lumanay na ikinikiling nang kaunti ang ulo at

16 “Aba!” ang bulalas ng isang magsasaka “isang sibil na suot-komedyante!” Mapapansing muli ang katalasan ni Rizal sa pang-iinsulto: Nagawa niyang maging tagapagsalita ang isang magsasaka upang ipakita ang kalagayan ng punong lalawigan sa kanilang kapanahunan – sibil na suot komedyante. Magara ang kasuotan – subalit pinagtatawanan.

17 Dahilan sa magarang kasuotan ng alcalde ay napagkamalang artista sa entablado na kanilang pinapanood.Artista – magiging pinunong bayan!Aba panahon pa pala ni Rizal ay nakikini-kinita na niya iyon.

18 Isang malupit na pagpapatawa – pero mula sa pananalita ay maaring basahin na ang pinuno ng bayan ay higit na malaki sa paningin ng mga tao – kaysa sa tunay niyang nagagawa para sa mga ito. Isang masakit na pagbibiro ni Rizal hanggang sa kasalukuyan sa mga pinuno ng bayan na higit na mahilig sa press releases at magpasikat sa harapan ng telebisyon.19

Nasisiyahan si Padre Salvi dahilan sa ang mga umalalay sa kaniya sa pagmimisa ay mula sa ibang ordeng relihyoso. Isang karangalan para sa kaniya na makita na nasa mababang kalagayan ang kaniyang kapwa pari, lalo na ito ay mula pa sa ibang orden. Ipinapahalata ni Rizal sa bahaging ito ang ambisyon ni Padre Salvi na magakaroon ng mataas na katungkulan sa loob ng simbahan.

376

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab030

ang mata ay nakatingin sa bubungan.  Kung makikita siyang tumatanggap ng usok ng kamanyang ay may katwiran si Galen20 sa pagtanggap ng akalang dumaraan sa butas ng singhutan ang usok na pumapasok sa ilong at tungo ang ulo, sapagkat siya’y tumitiyad, inililinga ang ulo sa likod, at pagkatapos ay lalakad na tuwid na tuwid na tungo sa gitna ng altar21 kaya’t para kay Kapitan Tiyago ay matuwid pa siya kaysa komedyanteng Insik na lumabas nang gabing nakaraan, na suot-emperador, maraming pinta, mga watawat na maliliit sa likuran, ang balbas ay buntot ng kabayo at ang sapin sa paa ay may makapal na pangyapak. “Hindi nga matatawarang ang isang prayle namin ay may-higit na kilos-hari kaysa lahat ng emperador ng Tsina.22

Hindi kawasa ay dumating ang hinihintay na sandaling madidinig si Padre Damaso.  Ang tatlong pari ay umupong ayos-mabait sa kanilang mga silya;23 ang alkalde at ang iba pang taong may baras at baston ay gumaya sa kanya;24 ang musika ay huminto. Iyong biglang pagkawala ng ingay at ang napalit ay pananahimik ay nakagising sa ating matandang Manang Pute na naghihilik dahil sa musika.  Gaya ni Segismundo o ng manluluto sa kuwento ni Dornroschen, ang unang ginawa nang magising ay ang kutusan ang kanyang apo na nakatulog din.  Ang bata ay napasigaw, subalit madaling nalibang dahil sa pagkakita sa isang babaeng nagsususuntok sa dibdib dala nang buong pananalig ng kalooban.25 Lahat ay umayos na mabuti; ang mga walang bangko ay umupong patingkayad, ang mga babae ay umupo sa lapag o sa ibabaw ng kani-kanilang hita.

20 Pinakamahusay na manggagamot sa matandang panahon.

21 Ipinapakita sa mambabasa na ang waring ang epekto ng usok ng insenso ang siyang dahilan upang kumilos ng ganito ang paring nagsasagawa ng misa.22

Sa namumuong paniniwala ni Kapitan Tiyago ay ipinakita ni Rizal ang labis na na paniniwala ng mga panatikong mapanata sa kalamangan at kahigitan ng kapangyarihan ng kanilang mga kura paroko.

23 “Ang tatlong pari ay umupong ayos-mabait sa kanilang mga silya”Ibig sabihin ay hindi totoong mabait – pakitang tao.24

Kung nagbait-baitan ang mga prayle – ganon din ang mga pinuno ng pamahalaan.

25 Isa sa mga aktwasyon noon sa loob ng simbahan ng mga mapanata ay ang suntukin ang kanilang dibdib. Bilang pagpapakita ng paging bukal sa loob ng pagsisi sa kanilang mga nagawang kasalanan.

377

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab030

           Dumaan sa gitna ng karamihang tao si Padre Damaso, na pinangungunahan ng dalawang sakristan at sinusundan ng isa pang prayle na may dalang isang malaking kuwaderno.26 Nawala siya, nang umakyat sa hagdang suso,27 ngunit madaling lumabas na muli ang kanyang mabilog na ulo, pagkatapos ay ang matabang batok na sinundan kaagad ng kanyang katawan.  Tumingin nang buong kapalagayang-loob sa lahat ng dako at umubo ng kaunti; nakita si Ibarra:  isang di-karaniwang kisap ng mata ang nagpahiwatig na hindi siya malilimot sa pananalangin:  pagkatapos ay isang tinging may kasiyahang-loob kay Padre Sibyla 28 at isang pawalang-bahala kay Padre Martin, ang nagsermon kahapon.29  Matapos ang ganitong pagsisiyasat ay palihim na nilingon ang kasama na nakatago sa ibaba at sinabihang:  “Huwag malilingat, kapatid!”30  Binuksan nito ang kuwaderno. Subalit karapat-dapat malagay ang sermon sa isang kabanata.  Isang binata na noo ay nag-aaral ng takigrapiya 31at lubhang magiliw

26

Ang prayleng ito na may dalang malaking kuwaderno ang siyang magsisilbing tagadikta ng sermon ni Padre Damaso. Maaring ipinapupuna rito ni Rizal ang kababawan sa kaalaman ni Pray Damaso na walang kakayanan na maghanay ng kaniyang sermon.

27 Hagdanang paikot ang baitang.

28 Bakit ganoon ang tingin ni Pray Damaso kay Padre Sybila? Tandaan na sa Kabanata 3 ay nagkaroon sila ng pag-aagawan sa silya sa kabisera ng hapag kainan sa ginanap na hapunan sa bahay ni Kapitan Tiyago. Naagaw ni Padre Sybila ang mahalagang upuan sa ginanap na hapunan at sa pagkakataon namang ito ay nakaupo lamang ito at makikinig kay Pray Damaso na siyang magiging bida sa okasyon.29

Si Padre Martin ay karibal ni Padre Damaso sa katanyagan sa husay sa pagse-sermon – ngayon ay makikinig lamang.

30 Pinaalalahanan niya ang kaniyang tagadikta na huwag makakaligta – kailangang idikta sa kaniya ang lahat ng nakalaman sa talaan ng kaniyang isesermon.

31 Takigrapiya/stenography –pagkuha ng kumpletong tala, samantalang

378

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab030

sa mabubuting mananalumpati, ay sinundan siya ng tala; at salamat sa pangyayaring ito ay mailalagay namin dito ang isang bahagi ng paraan sa pananalumpati tungkol sa pagsamba sa mga lupaing iyon.

nagsasalita ang kinukunan ng isinusulat. Maging si Rizal ay nag-aral ng stenography

379