13
KABANATA 44 PAGSUSURI SA BUDHI Mahahabang mga araw at malulungkot na gabi ang dumaan sa higaan ng may-sakit; Pagkatapos na makapangumpisal, si Maria Clara ay nabinat 1 , at sa kanyang pagkahibang ay walang ibang sinasambit kundi ang pangalan ng kanyang ina, na hindi niya nakilala. 2 Ngunit nagpupuyat ang kanyang mga kaibigan, ang kanyang ama at kanyang tiya; Si Kapitan Tiyago ay nagpadala ng pamisa at limos sa lahat ng milagrosong larawan at nangakong mag-aalay ng isang tungkod na ginto sa Birhen sa Antipolo, ngunit ang lagnat ay unti-unting bumaba nang malaunan. Si Doktor De Espadaña ay humanga sa bisa ng jarabe de altea 3 at sa nilagang liquen, mga hatol na hindi binago. Labis na nasiyahan si Donya Victorina sa kanyang asawa, kayat isang araw na natapakan nito ang cola ng robe ay hindi pinarusahan ng ayon kaniyang codigo penal na tatanggalan ang lalaki ng pustiso, kundi pinagsabihan na lamang ng: “Kung hindi ka pilay ay 1 MGA PALIWANAG Pagkatapos ng pangungumpisal ay nabinat? – Talagang sa nobelang ito ay isa sa mga labis na tinira ni Rizal ay ang pangungumpisal at kumpisalan. Dahilan sa mayroong natuklasan si Maria Clara sa panahon ng kaniyang unang pangungumpisal kay Padre Salvi. 2 Pagkatapos na mangumpisal si Maria Clara kay Pray Salvi ay sinambit na ng dalaga ang pangalan ng ina. Ano kaya ang sinabi si Padre Salvi ukol sa ina ni Maria Clara? 3 Ipinapakita lamang ni Rizal sa hanay na ito na talagang si Don Tiburcio ay hindi tunay na manggagamot – dahilan sa ito ay napahanga ng gamot na kaniyang ibinigay kay Maria Clara. Isipin mo ba naman, na sa katas ng marshmallow ay gumaling ang kaniyang pasyente . 508

Noli Me Tangere Deciphered-kab044

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

KABANATA 44PAGSUSURI SA BUDHI

       Mahahabang mga araw at malulungkot na gabi ang

dumaan sa higaan ng may-sakit; Pagkatapos na makapangumpisal, si Maria Clara ay nabinat1, at sa kanyang pagkahibang ay walang ibang  sinasambit kundi ang pangalan ng kanyang ina, na hindi niya nakilala.2   Ngunit nagpupuyat ang kanyang mga kaibigan, ang kanyang ama at kanyang tiya; Si Kapitan Tiyago ay nagpadala ng pamisa at limos sa lahat ng milagrosong larawan at nangakong mag-aalay ng isang tungkod na ginto sa Birhen sa Antipolo, ngunit ang lagnat ay unti-unting bumaba nang malaunan.

Si Doktor De Espadaña ay humanga sa bisa ng jarabe de altea3 at sa nilagang liquen, mga hatol na hindi binago.  Labis na nasiyahan si Donya Victorina sa kanyang asawa, kayat isang araw na natapakan nito ang cola ng robe ay hindi pinarusahan ng ayon kaniyang codigo penal na tatanggalan ang lalaki ng pustiso, kundi pinagsabihan na lamang ng: “Kung hindi ka pilay ay yayapakan mo pati ng aking korse!”4 Gayong hindi siya gumagamit noon!            Isang hapon, nang si Sinang at si Victoria ay dumalaw sa kanilang kaibigan ay nag-uusap sa kainan ang kura, si Kapitan Tiyago at mga kaanak ni Donya Victorina. “Dinaramdam ko,” ang sabi ng doktor, “at daramdamin ding lubha ni Padre Damaso.”

1MGA PALIWANAG Pagkatapos ng pangungumpisal ay nabinat? – Talagang sa nobelang ito ay isa sa mga labis na tinira ni Rizal ay ang pangungumpisal at kumpisalan. Dahilan sa mayroong natuklasan si Maria Clara sa panahon ng kaniyang unang pangungumpisal kay Padre Salvi.

2 Pagkatapos na mangumpisal si Maria Clara kay Pray Salvi ay sinambit na ng dalaga ang pangalan ng ina. Ano kaya ang sinabi si Padre Salvi ukol sa ina ni Maria Clara?

3 Ipinapakita lamang ni Rizal sa hanay na ito na talagang si Don Tiburcio ay hindi tunay na manggagamot – dahilan sa ito ay napahanga ng gamot na kaniyang ibinigay kay Maria Clara. Isipin mo ba naman, na sa katas ng marshmallow ay gumaling ang kaniyang pasyente.

4 corset ay pinatigas na kasuotan ng babae sa loob ng katawan. Ibig ipahiwatig ni Dna. Victorina sa asawa na kung hindi ito lang pilay, hindi lang siguro ang dulo ng suot ng babae ang tinapakan, baka tinadyakan pa siya nito.

508

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

            “At saan ang sabi ninyong ililipat?” ang tanong ni Linares sa kura.            “Sa lalawigang Tayabas!” ang pawalang-bahalang tugon nito.            “Ang magdaramdam din nang lubos ay si Maria pag naalaman,” ang sabi ni Kapitan Tiyago, “minamahal niya ito na parang isang ama.” Sinulyapan siya ni Padre Salvi.5

            “Inaakala ko, Padre,” ang patuloy ni Kapitan Tiyago, “na ang pagkakasakit na ito ay galing sa sama ng loob na pinagdamdam noong pista.”            “Gayon din ang akala ko, at mabuti nga ang ginawa ninyong hindi pinahintulutan si Ginoong Ibarra na siya ay makausap; marahil ay lalo pang tumindi ang sakit .”            “At kung hindi dahil sa amin,” ang putol ni Donya Victorina, “si Clarita ay nasa langit na ngayon at nagpupuri sa Diyos.”            “Siya nawa!” ang inakalang dapat isagot ni Kapitan Tiyago.            “Kapalaran din ninyo ang pangyayaring ang asawa ko ay hindi nagkaroon ng maysakit na may lalong mataas na karangalan sapagkat napilitan sana kayong tumawag ng iba, at dito ay pawang mangmang ang mga manggagamot; ang aking asawa…”            “Nananalig ako, at patuloy sa paniniwala sa aking sinabi,” ang tutol ng kura, “ang pangungumpisal ni Maria Clara ay siyang nagbigay ng binat na iyon na nakapagligtas sa kanyang buhay.6  Isang budhing malinis ay mahigit kaysa maraming gamot at sukat ninyong akalaing hindi ko tinutulan ang kapangyarihan ng siyensiya, higit pa ang cirugia! ngunit ang isang budhing malinis… Basahin ninyo ang mga aklat tungkol sa kabanalan at makikita ninyo kung ilan ang gumaling dahil sa pangungumpisal!”            “Ipatawad ninyo,” ang hadlang na payamot ni Donya Victorina, “iyang bisa ng kumpisal… gamutin ninyo ang asawa ng alperes sa tulong ng isang kumpisal.”7

5

Sinusukat ni Padre Salvi ang kakayahan ni Kapitan Tiyago na makaramdam ng katotohanan. Una ay kung mahahalata ni Kapitan Tiyago ang pagiging tunay na ama ni Padre Damaso; at ikalawa ang kaniyang lihim na pag-ibig kay Maria Clara.

6 Ipinapakita ni Rizal sa pananalita ni Padre Salvi ang paniniwalang walang basehan – binat na nakapagliligtas ng buhay.7

Mapapansin ang walang pakundangang pagsagot ni Donya Victorina kay Padre Salvi.

509

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

            “Ang isang sugat po ay hindi isang sakit na may kinalaman ang budhi!” ang napopoot na sagot ni Pader Salvi, “gayunman, ang isang mabuting pagkakakumpisal ay makapag-iiwas sa kaniya sa darating sa pagtanggap ng bugbog na gaya ng tinanggap niya kaninang umaga.”            “Mabuti nga sa kanya!” ang patuloy ni Donya Victorina na parang hindi narinig ang mga sinabi ni Padre Salvi, “iyan ay isang babaeng walang pitagan!   Sa simbahan ay walang ginawa kundi pagmasdan ako; mangyari! Siya ay walang gaanong halaga; noong linggo ay tatanungin ko sana kung ako’y matsing sa mukha, subalit bakit ko mamantsahan ang aking sarili sa pakikipag-usap sa ganoong uri ng tao?” 8

            Sa dako naman ng kura na waring hindi rin narinig ang buong salaysay na ito ay nagpatuloy: “Maniwala kayo sa akin, Don Santiago; upang maging lubos ang paggaling ng inyong anak ay kailangang makinabang bukas; dadalhan ko siya ng viatico…inaakala kong wala siyang anumang ikukukumpisal, gayunman… kung ibig na mangumpisal ngayong gabi…”9

            “Aywan,” ang dugtong agad ni Donya Victorina na sinamantala ang isang pagkakahinto ng usapan, “hindi ko malaman kung bakit may mga lalaking may kakayahan na mag-asawa sa mga nakakatakot na babae na gaya niyan; 10 malayo pa ay halata mo na kung saan galing; nakikilalang mamamatay sa inggit; mangyari pa! ano na lamang ba ang suweldo ng isang alperes?”11

            “Don Santiago, sabihin ninyo sa inyong pinsan na ipaalam sa maysakit ang pakikinabang bukas; mamayang gabi ay babalik ako upang mapatawad ang ilang maliliit niyang kasalanan…”           

8 Dito ay makikita na panimula ng pagka-asar ni Dna. Victorina kay Dna. Consolacion ay ang pagpapalitan nila ng masamang tingin. Bakit masama ang tingin ni Dna. Consolacion kay Dna. Victorina – ang sikreto ay nasa sa Kabanata 48.

9 Alam ni Padre Salvi na walang ikukumpisal si Maria Clara, pero nanggigil na muling kumpisalin ang dalaga.

10 Nagsalita si Dna. Victorina, para bang siya ay hindi katulad ni Dna. Consolacion.

11 Mula sa sinabi ni Dna. Victorina ay makikita na maging sa panahon pa Espanya, ang mga tagapagpatupad ng batas ay maliit ang sinasahod mula sa pamahalaan. Ang maliit na sahod na ito ang siyang sinasabing ugat ng katiwalian at ang hinala ay nakikita ng mga tao sa maluhong pamumuhay na hindi kapantay ng maliit na sahod ng mga nasa pamahalaan.

510

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

At sa dahilang nakitang lumalabas si Tia Isabel ay sinabi rito: “Ihanda ninyo ang inyong pamangkin upang makapagkumpisal ngayong gabi, bukas ay magdadala ako rito ng viatico; sa tulong nito ay lalong dadali ang paggaling.”           

“Nguni’t Padre,” pangahas na tutol ni Linares, “baka akalain ng maysakit na siya ay malubha.”12           

“Huwag kayong mangamba!” ang sagot na di man lamang siya tiningnan. “alam ko ang aking ginagawa; marami nang maysakit ang aking napaglingkuran.  Saka ang isa pa ay siya ang magsasabi kung ayaw o ibig na makinabang, at makikita ninyong sasang-ayon.”13

            Si Kapitan Tiyago ay napa-oo sa lahat ng iyon.            Si Tia Isabel ay pumasok sa silid na kinalalagyan ng maysakit.

Patuloy rin sa pagkakahiga si Maria Clara na namumutla, maputlang-maputla; nasa piling niya ang dalawa niyang kaibigan.      

“Kumain ka pa ng isa,” ang marahang sabi ni Sinang, na sabay sa pagbibigay sa kanya ng isang maputing butil na kinuha sa isang munting bumbong na kristal, “ang sabi niya ay ihinto ang gamot pag nakaramdam ka ng pag-hugong sa iyong tainga.”14

12

Ang pagbibigay ng viatico para sa susunod na gabi ay kadahilanan ni Padre Salvi upang muling makita ang dalaga. Lalo na kung iisipin na ang ibibigay niyang seremonya ay viatico.

Mapapansin na hindi nagtitiwala si Linares sa ginagawang pagkupisal ni Padre Salvi sa dalaga. Dahil ang viatico ay ipinapaliwanag ng ganito:

Within the Roman Catholic Church, viaticum is a term for the Eucharist (communion) administered along with the anointing of the sick, given to a person who is dying or who faces the possibility of death, and is thus a part of the last rites. (http://en.wikipedia.org/wiki/Viaticum).

13 Sa hanay ng pananalita ay hawak na ni Padre Salvi ang isang bahagi ng desposisyon ni Maria Clara.

14 Mayroong ipinapainom na gamot kay Maria Clara – ito ay sa anyong pildoras na galing kay Ibarra na may kakayahan na makapagtimpla ng gamot. Pansinin na mayroong regulasyon sa pag-inom - tigilan kapag nakakarinig ng ugong sa tainga na indikasyon ng tinatawag na overdose.

Ipinapapansin ni Rizal sa karamdaman ni Maria Clara ang tatlong paraan ng panggagamot sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan – relihiyoso, palsipikadong panggagamot (quack), at ang palihim na

511

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

            “Hindi ka na ba muling sinulatan?” ang marahang tanong ng maysakit.            “Hindi, marahil ay maraming ginagawa!”            “Wala bang ipinasasabi sa akin?”15

            “Walang sinasabi kundi sisikaping bawiin ng arsobispo ang excomunion upang…”            Ang salitaan ay nahinto dahil sa pagdating ng tiyahin.            “Ang sabi ng pari ay humanda kang mangumpisal, ineng,” ang sabi ng tiyahin, “iwan ninyo siya upang makapagbulay ng kanyang mga kasalanan.”

“Ngunit wala pa mang isang linggong nakapangungumpisal,” ang tutol ni Sinang.  “Kung akong walang sakit ay di ako madalas na magkakasala …!”            “Aba, hindi ba ninyo alam, sabi ng kura:   ang matutuwid ay pitong beses nagkakasala sa maghapon?16  Ibig mo bang ibigay ko sa iyo ang Ancora, ang Ramillete o ang Matuwid na landas patungo sa langit?”17

            Si Maria Clara ay hindi sumagot.            “Hindi ka mapapagod,” ang dugtong ng butihing tiyahin upang maaliw ang maysakit, “ako ang babasa ng examen de conciencia at alalahanin mo na lamang ang iyong mga kasalanan.”

“Sulatan mo siya at sabihin mong limutin na niya ako!” bulong ni Maria Clara kay Sinang, nang ito ay magpaalam.18

pagpasok ng siyensiya ng medisina. Ang tatlong pamamaraan ng panggagamot na ito ay pinagdaanan ni Maria Clara sa panahon ng kaniyang karamdaman.

15 Mapapansin dito na si Maria Clara ay naghahanap ng pag-aalala mula kay Ibarra.

16 Talagang grabe si Rizal sa pang-aasar sa mga katangahan ng kaniyang mga kapanahon – ang mga matuwid ay pitong beses nagkakasala sa maghapon. Paano kaya naging mga matuwid iyon?

17 Nagpapatawa rito si Rizal - Ikaw kaya ang maysakit at pabasahin ka ng marami-raming aklat at ang isa rito ay ang aklat na ang pamagat ay Matuwid na Landas Patungo sa Langit, ano kaya ang iisipin mo.

18 Nakaramdam ng habag sa sarili si Maria Clara dahilan sa walang anumang pasabi si Ibarra – ito ang nagtulak sa dalaga para ipasabi sa binata na “limutin siya.” Ipinapapansin ni Rizal na mapaghanap ng kalinga ang mga kababaihan ng Pilipinas.

512

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

            “Ano?” subalit pumasok na ang tiyahin at si Sinang ay lumayong hindi maintindihan ang kaibigan.            Inilapit ng mabait na tiyahin sa ilaw ang isang upuan, inilagay ang salamin sa ilong at sabay na pagbubukas ng isang munting aklat, sinabi niya na: “Pakinggan mong mabuti, anak ko.  Sisimulan ko sa “Sampung Utos ng Diyos,” babagalan ko nang makapagmuni ka; kung hindi mo ako marinig na mabuti ay sabihin mo upang maulit ko; alam mo nang hindi ako marunong mapagod sa tungkol sa ikabubuti mo.”

Sinimulan ni Tia Isabel ang pagbasa sa tulong ng humal na tinig sa mga pagmumuni-muni tungkol sa mga maaring maging kasalanan.  Sa katapusan ng bawat salaysay ay humihinto nang mahaba upang ang binibini ay magkapanahong makapag-alaala ng mga kasalanan at makapagtika.  Si Maria Clara ay nakatanaw sa itaas.  Matapos ang unang utos na Ibigin ang Diyos nang lalo sa lahat ng bagay , ay tiningnan siya ni Tia Isabel na ang tingin ay pinaraan sa ibabaw ng salamin, at nasiyahan sa kanyang anyong nagbubulay-bulay at malungkot.19  Umubo ng ubong banal at matapos ang isang mahabang patlang ay sinimulan ang pangalawang utos.  Maliwanag at taimtim ang pagbasa ng matanda at nang matapos ang mga muni-muni ay muling tinanaw ang kanyang pamangkin na dahan-dahang ipinaling ang ulo sa kabilang dako.            “Bah!” ang sabi sa sarili ni Tia Isabel, “dito sa panunumpa sa ngalan ng Diyos ay walang pakialam ang kaawa-awang bata!20 Magpatuloy tayo sa pangatlo.”

19 Tandaan na sa bawat pagbabasa ni Tiya Isabel ng mga talata ng Sampung Utos ay tinitingnan niya ang mukha ni Maria Clara at sinasalamin ang epekto nito sa dalaga ayon sa reaksiyon ng mukha. Sa bahaging Ibigin ang Diyos nang lalo sa lahat ng bagay , ang anyong ng dalaga ay nagbubulay-bulay at malungkot. Para kay Tia Isabel ay buo ang pananalig ng dalaga sa Diyos. Subalit ang tunay na iniisip ng dalaga ay ang kaniyag pag-ibig kay Ibarra.

20 Walang paki-alam o walang alam? - Ipinapaalam na sa Sampung Utos na nasa Biblia, ang pangalawang utos ay ukol sa pagbabawal sa pagsamba, pagluhod at sa mga larawan o imahen. Sa Sampung Utos ng Santa Iglesia ( the expurgated edition of Ten Commandments ) na parang katulad ng Sampung Utos sa Biblia ay kapuna-puna na ang bahaging ito ay inalis at pinalitan ng pagbabawal sa paggamit ng pangalan ng Diyos sa walang kabuluhang bagay. Pansinin na pinatlangan ni Tia Isabel na basahin kay Maria Clara ang nasabing ikalawang utos ng Santa Iglesia – KATULAD DIN KAYA NG PAGPATLANG NA GINAWA NG SIMBAHAN SA IKALAWANG BAHAGI NG BIBLIKAL NA SAMPUNG UTOS.

513

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

            Ang pangatlong utos ay siniyasat at matapos na mabasa ang lahat ng nagiging dahilan upang pagkasalahan ay muling tumingin sa hihigan; ngunit itinaas ng tiyahin ang salamin at pinahid ang mga mata:  nakita niyang inilapit sa mukha ng kanyang pamangkin ang panyo na parang nagpapahid ng luha. “Ehem!” anya, “Ehem!”Minsan ay nakatulog siya samantalang nakikinig ng sermon.21

            At matapos na mailagay na muli ang salamin sa dulo ng ilong ay sinabi sa sarili: “Tingnan natin kung nagkasala man sa paggalang sa mga araw ng pista ay nagkasala rin sa pagbibigay-dangal sa mga magulang.” At binasa ang ikaapat na utos na ang tinig ay lalo pang humal at madalang dahil sa inaakala niyang sa gayong paraan ay lalong napadadakila ang pagbasa, gaya ng nakita niyang ginagawa ng maraming prayle:  si Tia Isabel ay hindi nakakakita kung papaano kung mangaral ang isang cuaquero,22 kung hindi ay pinapanginig din sana niya ang kanyang katawan.  Samantala naman ay makailang inilapit ng binibini ang panyo sa mga mata, ang kanyang paghinga ay lumakas.23

“Anong buting kaluluwa!” ang sabi sa sarili ng matanda, “siya na napakamasunurin at mapakumbaba sa kahit sino!  Ako ay nagkasala nang higit kaysa kanya:   ngunit kailanman ay hindi ako nakaiyak nang totohanan.”

At sinimulan ang ikalimang utos na lalo pang madalang at ang pagkahumal ay lalo pang wasto, kung masasabi ito, sa loob ng buong sigabo ng kalooban, kayat hindi narinig ang timping pananangis ng kanyang pamangkin.  Sa isang pagtigil lamang, matapos ang mga muni-muni tungkol sa pagpatay sa kapwa napuna ang hikbi ng makasalanan.24  Nang magkagayon ay

Matalas talaga si Rizal pati sa paraan ng pangungutya sa aral ng simbahan.

21 Ang ikatlong utos ay ang pangingilin sa tanging mga araw ng simbahan – para kay Tia Isabel ay kaya lumuluha si Maria Clara ay dahilan sa nakikita niya ang dalaga na nakakatulog habang nagsesermon ang pari sa simbahan.

22 Ang cuaquero (Quaker) ay isang Pastor ng relihiyong Unitarian na itinatag ni Fox sa Inglatera noong 1647 na nanginginig ang boses at katawan habang nangangaral.

23 Ika- apat na utos ay paggalang sa magulang – higit na maraming luha at hindi na maitago ang iyak. Ibig sabihin higit na makasalanan sa ganitong kautusan si Maria Clara – wala kayang kinalaman dito ang naganap sa Kabanata 22.

24 Sa ikalimang utos ay huwag papatay – dito ay nakarinig na ng hikbi si

514

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

lalong ipinaimbuyog ang pagbasa sa nalalabi sa utos at ang tinig na iniayos na waring nagbabala, at nang makitang ang kanyang pamangkin ay patuloy din sa pag-iyak ay sinabing:

“Sige, anak ko, umiyak ka!” ang sabi sa dalaga at lumapit sa hinihigaan.  “Kung lalong marami ang iyak ay lalong madali kang patatawarin ng Diyos.  Magtaglay ka ng pagsisising contricion na lalong mabuti kaysa pagsisising atricion.  Umiyak ka, anak ko, umiyak ka!  Hindi mo lamang alam kung gaano ang tinataglay kong katuwaan sa pagkakitang ikaw ay lumuluha .   Daguk-dagukan mo rin ang iyong dibdib, ngunit huwag malalakas, sapagkat may sakit ka pa.” 25

            Datapwat dahilang sa ang kadalamhatian ay parang nangangailangan ng hiwaga ng lihim, nang makita ni Maria Clara na siya ay nakikitang umiiyak ay unti-unting nagpigil ng paghikbi, pinahid ang kanyang mga mata nang hindi man humuma ni tinugon man lamang ang kanyang ali.26 Ipinatuloy nito ang pagbasa, ngunit sa dahilang ang iyak ng nakikinig sa kanya ay huminto ay nilipasan siya ng sigabo ng kalooban, ang mga huling utos ay nagpaantok sa kanya at siya ay pinapaghikab, bagay na nakasira sa paghuhumal-humalan na naputol dahil doon.            “Kung hindi ko sana nakita ay hindi ko paniniwalaan!” ang pumasok sa isip, pagkatapos, ng mabuting mdfatanda, “kung magkasala sa mga unang limang utos ang batang ito ay katulad lamang ng mga sundalo27, at mula sa

Tia Isabel mula kay Maria Clara. Parang lumalabas na mas maraming kasalanan dito si Maria Clara.

25 Pinatatawa tayo ni Rizal sa sinabing katangahan ni Tia Isabel na “Hindi mo lamang alam kung gaano ang tinatamo kong katuwaan sa pagkakitang ikaw ay lumuluha”. Pinadadagukan pa ang dibdib, pero may concern naman, dahil sa huwag lalakasan at may sakit pa – pag wala nang sakit si Maria Clara, puwede ng lakasan ang pagdagok nito sa dibdib.

26 Ang tunay na dahilan ng pagluha at pag-iyak ni Maria Clara ay hindi dahilan sa kasalanan, kundi ang hinanakit kay Ibarra na hindi pa dumadalaw sa dalaga. Papaano naman dadalawin ni Ibarra si Maria Clara, gayong exculmulgado ang binata at bawal na papanhikin o makausap ng iba. Subalit ang pagpapadala ni Ibarra ng gamot na tunay na nakagaling kay Maria Clara, ang pinakamataas na pagpapahayag ng kaniyang pag-ibig sa dalaga ay ang pagmamalasakit.27

Makikita na kahit na sa maliit na iniisip ni Tia Isabel ay hindi rin nakaligtas sa patama ni Rizal ang mga guwardiya sibil – lumalabag sila

515

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

ikaanim hanggang ikasampu ay wala man lamang kahit isang magaang na kasalanan, kaiba siya sa amin!28 Gaano ang pagkaiba ng lakad ng mundo ngayon!”

At nagtirik ng isang malaking kandila sa harap ng Birhen sa Antipolo at dalawang munti sa Nuestra Señora del Rosario at Nuestra Señora del Pilar, subalit iningatang mapalayo at inilagay sa isang sulok ang isang krusipihong garing upang maipakilala na hindi itinirik ang kandila nang dahil sa kanya.  Ang Birhen ni Dela Roche ay hindi rin tumanggap ng biyaya na mapag-ukulan ng sindi ng kandila; siya ay isang dayuhang di-kilala at si Tia Isabel ay hindi pa nakakarinig ng isa mang kababalaghang nagawa niya.            Hindi namin batid kung ano ang nangyari sa kumpisalang idinaos nang gabing yaon; iginagalang namin ang mga lihim na iyan.  Ang pangungumpisal ay mahaba, at buhat sa malayo ay binabantayan ng ali ang kanyang pamangkin;29 napuna niyang ang kura ay hindi siyang dumidinig sa mga salita ng maysakit kundi bagkus pa ngang nakaharap sa binibini at para

sa unang limang utos: Ibigin ang Diyos ng higit sa lahat ng bagay (mas mahalaga sa kanila ang salapi); huwag gagamitin ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhang bagay (nagagamit nila ang pangalan ng Diyos sa pagmumura at kasinungalingan) Alalahanin ang pangingilin (hindi nagsisimba o bihirang magsimba); Igalang ang Ama at Ina (hindi rin); at Huwag kang papatay (lalong hindi nasusunod ng guwardiya sibil). Kaya nagtataka si Tia Isabel at dito ay narinig niyang umiiyak si Maria Clara – parang ang kasalanan ni Maria Clara ay katulad ng kasalanan ng mga sundalo. Sa pabirong paraan ay humahagupit si Rizal sa kaugalian ng mga sundalo ng kolonyal na hukbo.

28 Sa bahagi ng ika-anim hanggang ikasampung utos si Maria Clara ay tahimik na at hindi na umiiyak. Kung umiyak kayang lalo si Maria Clara ay ano kaya ang aakalain ni Tia Isabel sa kaniyang pamangkin. Lalo na kung ang mga ito ay utos na; huwag makiki-apid; huwag magnanakaw; huwag sasaksing bulaan sa laban sa iba; huwag pagnanasaan ang asawa ng iba; at huwag pag-iinteresan ang pag-aari ng iba. Kung umiyak lamang kahit bahagya si Maria Clara sa ika-anim at ika-siyam na utos ay siguradong nataranta ng labis si Tia Isabel. Kaiba daw si Maria Clara sa kanila, dahilan sa ang kasalanan daw ni Maria Clara ay nasa unang lima, samantalang sila ay nasa ika-anim hanggang sampu. Isang tahimik ngunit masakit na pagbibiro na kahalong pagpuna ni Rizal sa kahinaan ng mga tao29

Mapapansin na maingat si Tia Isabel – binabantayan niya si Maria Clara mula sa malayo habang kinukumpisal si Maria Clara. Ano kaya ang nais na ipahiwatig ni Rizal sa gayong pagiging maingat o suspetso ni Tiya Isabel?

516

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab044

bang ibig maunawa o mahulaan sa magagandang mata ng dalaga ang mga iniisip nito.            Namumutla at impit ang mga labi na lumabas sa silid si Padre Salvi.  Kung makikita ang kanyang madilim at pawisang noo ay masasabing siya ang nangumpisal at hindi nagtamo ng kapatawaran.30

            “Jesus, Maria y Jose!” ang sabi ng ali, samantalang nag-aantanda upang mapalayo ang isang masamang hinala, “sino ang makauunawa sa sumasaisip ng mga dalaga sa ngayon?”31

30 Ang katotohanan sa naganap na “pangungumpisal” si Padre Salvi ay nagkasala ng kasalanang walang kapatawaran na malalaman ninyo ang magiging kahahantungan. Makikita talaga ang kahusayan ni Rizal sa kaniyang simbolismo sa pamamagitan ng paglalarawan ng prayle na nakagawa ng pagkakasala sa kumpisalan – PINAGPAPAWISAN SA NOO. Kayong na ang mag-isip ng kasalanan na makikita sa pamamagitan ng pawis ng noo.31

Jesus, Maria y Jose!” ang sabi ng ali, samantalang nag-aantanda upang mapalayo ang isang masamang hinala, “sino ang makauunawa sa sumasaisip ng mga dalaga sa ngayon? Nagkaroon ng masamang hinala si Tia Isabel na natukso si Maria Clara kay Padre Salvi.

 Ano ang batayan ng ganoong hinala! LUMABAS NG KUWARTO NI MARIA CLARA SI PADRE SALVI NA NAMUMUTLA, IMPIT ANG LABI AT PINAGPAPAWISAN ANG NOO. Maari rin na balikan ang Kabanata 24 ukol sa hitsura ni Padre Salvi pagkatapos ng kaniyang ginawang paninilip kay Maria Clara.

517