10

Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab047

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab047

KABANATA 47ANG DALAWANG SENYORA

            Habang isinasabong ni Kapitan Tiyago ang kanyang lasak, si Donya Victorina naman ay naglibot sa bayan upang makita kung ano ang ayos ng mga bahay at bukirin ng mga tamad na Indio.  Isinuot ang pinakamaganda niyang damit, inilagay sa ibabaw ng sutlang robe ang lahat ng laso at bulaklak upang pahangain ang mga probinsiyano at ipakita ang pagkakaiba nila sa makakakita ang kahigitan ng kanilang mahal na pagkatao, at matapos na ikawit ang kamay sa kanyang bisig ng kaniyang asawang pilay ay gumala-gala sa mga lansangan ng bayan , sa gitna ng pagkagulat at pagtataka ng mga mamamayan.1  Ang pinsang si Linares ay naiwan sa bahay..            “Napakapangit ng mga bahay ng mga Indiyong ito!” pasimula ni Donya Victorina na ngumiwi, “hindi ko maalaman kung papaano sila nakakatira riyan:  kailangang maging Indio upang makatira riyan.  At labis sa kawalang pinag-aralan at mapagmataas!  Nasasalubong tayo ay hindi man lamang nagpupugay!  Paluin mo, gaya ng ginagawa ng mga kura at ng mga tenyente ng sibil; turuan mo sila ng paggalang.”

  “At kung patulan nila ako?” ang tanong ni Dr. De Espadaña.            `“Hindi ka ba lalake?”            “Da… datapwat pilay ako!”            Nag-init ang ulo ni Donya Victorina:  ang mga daan ay walang latag na bato at ang buntot ng kanyang saya ay puno ng alikabok.  Saka ang isa pa ay nakakasalubong ng maraming dalaga na pagdaraan sa kanyang tabi ay nangagsisiyuko at hindi humanga ng nararapat, sa kanyang magarang kagayakan.  Ang kutsero ni Sinang, na sakay ito at ang pinsan sa loob ng isang mainam na tres-por-ciento2 ay nangahas na sigawan siya ng malakas:  tabi!, na pumilit sa kanyang umilag at walang nasabi kundi:  “Tingnan mo ang hayop na kutserong iyon!  Sasabihin ko

1MGA PALIWANAG Naiskandalo ang mga tao sa ayos ng dalawa. Isipin ninyo na ang mga taga-probinsiya ay makakita ng gumagala sa kanilang lugar na ang lalaki ay nakasuot ng amerikana at ang babae ay todo ang kagayakan – sino ang hindi mabibigla. 2

Isang sasakyang batak ng kabayo at tinatawag na Berlina – kinikilala na isa sa mga magarang sasakyan sa kapanahunan ni Rizal. (Glosaryo)

543

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab047

sa amo mo na turuan niya nang kaunti pa ang kanyang mga alila.”           

“Bumalik na tayo sa bahay,” ang utos sa kanyang asawa.          Sa takot nito sa isang biglang galit ay ipinihit ang tungkod at sumunod sa utos. Nasalubong nila ang alperes, nagbatian sila, at ito ay nagpatindi pa sa sama ng loob ni Donya Victorina:  hindi siya pinuri ng militar dahil sa kanyang kasuotan ay halos pakutya pa siyang tiningnan.            “Hindi ka dapat makipagkamay sa isang alperes lamang,” ang sabi sa kanyang asawa nang iyon ay lumayo na, “bahagya na niyang ginalaw ang kanyang capacete at ikaw ay nag-alis ng sumbrero sa ulo mo; hindi ka marunong lumagay sa kalagayan mo!”           “Siya ang puno di…dito!”

“Ano ang mayroon sa atin?  Mga Indio ba tayo ?” 3

           “May katwiran ka,” ang sagot ng lalake na ayaw makipagkagalit.            Dumaan sila sa harapan ng bahay ng militar.  Gaya nang nakaugalian, si Donya Consolacion ay nakasuot ng pranela at humihitit ng tabako, na nakadungaw sa kalsada.  Sa dahilang   mababa ang bahay ay nagkasalubong ng tingin ang dalawang senyora at nakita ni Donya Victorina na tahimik siyang pinagmamasdan, mula ulo hanggang paa ng “Musa ng Guwardiya Sibil”4 at pagkatapos ay lumabi, dumura at tumingin ng pakabila.  Ang bagay na iyon nakaubos sa pasensiya ni Donya Victorina; at matapos maiwang halos mapasubsob sa lupa ang kanyang asawa at hinarap nito na hindi makapagsalita sa galit ang alperesa.  Marahang lumingon si Donya Consolacion, muli siyang tiningnan nang buong tiwasay at muling dumura at nagpakita ng labis na pagpapawalang halaga.            “Ano mayroon kayo, Donya?” ang tanong.           “Masasabi po ba ninyo sa akin, Señora, kung bakit ninyo ako tinitingnan nang ganyan?  Naiinggit ba kayo?” ang nasabi rin sa wakas ni Donya Victorina.

3

Ang asawa niya ay hindi, pero si Dna. Victorina ay isang Indio na namumuhi sa kaniyang lahi at kalahi. Nalilimutan ng isang mapagmataas na tao ang kaniyang sariling lahi.4

Tandaan na kaya lumabas ng gayong kagayakan si Dna. Victorina ay para makita siya ng mga tao – at nakita niya ang kaniyang hinahanap, mula sa hindi tamang tao – tintingnan siya mula ulo hanggang paa ni Dna. Consolacion.

544

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab047

            “Ako, maiinggit ako, at sa inyo?” ang pakutyang sabi ng Medusa (asawa ng alperes), “siya nga naman, kinaiinggitan ko iyang inyong buhok na kulot.” 5

            “Halika na!” ang sabi ng doktor, “huwag mo siyang pa… pakinggan!”            “Hayaan mong turuan ko ng leksiyon ang walang-hiyang ito!” ang sagot ng babae na itinulak ang asawa na muntik nang nasubasob, at nang makaharap si Donya Consolacion ay: “Kilalanin ninyo kausap ninyo!” anya, “baka iaakala ninyong isa akong provinciano o kabit ng sundalo!  Sa aking bahay sa Maynila ay hindi nakapapasok ang mga alperes; hanggang pinto lang sila.”            “Kamusta kayo, Excelentissima Señora Puput, hindi nga makapapasok ang mga alperes, subalit ang mga pilay na gaya ng asawa ninyo ay puwede, ha! ha! ha!”            Kung hindi lamang makapal ang kolerete sa kaniyang mukha ay nakita sana na si Donya Victorina ay namula:  nagtangkang lumusob sa kalaban subalit pinigil siya ng bantay.  Samantala napupuno ng nanonood ang daan.6

            “Hoy, tingnan ninyo, ikinabababa ng aking karangalan ang pakikipag-usap sa inyo, ang mga taong may katangian… Ibig ba ninyong labhan ang aking damit, mahal ang ibabayad ko sa inyo.  Ang akala ba ninyo ay hindi ko alam na kayo’y naging labandera!”            Si  Donya Consolacion ay galit na galit na tumayo:  nakasugat sa kanya ang pagbanggit ng paglalaba. “Ang akala ba ninyo ay hindi namin alam kung sino kayo at kung sino ang inyong mga kasama?7  Ba!  Sinabi na sa akin ng aking asawa! Señora , ako po ay walang nagiging asawa kundi iisa lamang, pero kayo?   Kailangang maging patay-gutom upang mapasainyo ang tira-tirahang basahan sa buong mundo!”8

5

Ang bahaging ito ay isang pagbibigay ng babala na ang mga sangkap sa katawan ng tao na binago/pinalitan at masagwa ay maaring maging pagsimulan ng katatawanan at pang-iinsulto.6

Makikita ang ugali ng mga Pilipino na natutuwang manood ng pag-aaway.7

Alam ni Dna. Consolacion ang buong istorya ng buhay ng mag-asawang de Espadana at ang pagiging huwad na manggagamot ni Tiburcio. Alam din niya ang intensiyon ni Linares kaya nasa Pilipinas. Ito ang dahilan ng mapanuring tingin ni Dna. Consolacion kay Dna. Victorina – isang tingin na ang kahulugan “akala mo kung sino ka.”8

Kailangang maging patay-gutom upang mapasan ang tira-tirahang basahan sa buong mundo – sa bahaging ito ay ito ang pinakamasakit

545

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab047

            Ang mga salitang ito ay nagpainit ng ulo ni Donya Victorina; naglilis, pasuntok na galit na galit na ang sabi ay: “Pumanaog ka, matandang baboy, at nang madurog ko ang salaula mong bibig!  Kalunya ng isang batalyong sundalo at lantod pagkabata na!” 9

            Ang Medusa ay biglang nawala sa bintana, agad siyang nakita na patakbong pumapanaog at iwinasiwas ang latigo ng kanyang asawa. Nagpipilit na umaawat si Don Tiburcio, subalit nagkaabot na sana kung hindi dumating ang alperes.            “Mga senyora…Don Tiburcio!”            “Turuan po ninyo nang kaunti ang inyong asawa, ibili ninyo ng lalong maayos na damit at kung wala kayong salapi ay magnakaw kayo sa mga taong-bayan,10 para ano at mayroon kayong mga sundalo!” ang sigaw ni Donya Victorina.            “Nandito ako, senyora , 11 bakit hindi durugin ng inyong kadakilaan ang aking bibig? 12  Wala kayo kundi laway at dila lamang, Donya Excelencias !” 13

            “Ale!” ang sabing galit ng alperes, “pasalamatan ninyong naaalaala kong kayo ay babae sapagkat kung hindi ay dinurog ko sana kayo sa sipa, pati ang inyong laso at kulot.”

na narinig ni Dna. Victorina – dahilan sa ang kahulugan nito ay patay gutom ang kaniyang asawa (Don Tiburcio) na para mabuhay at pasanin ang tira-tirang basahan ng buong mundo. 9

Lantod (mababang uri ng babae) – Sa kabilang dako ay hindi lamang ang pagiging dating labandera ni Dna. Consolacion ang alam ni Dna. Victorina, kundi maging ang nakaraan nito. Maaring maitanong na, sinabi ni Dna. Consolacion na “wala siyang naging asawa kundi iisa lamang.” Tama iyon, iisa lang ang naging asawa ni Dna. Consolacion (bahala ka ng mag-isip ng iba pang kahulugan) at tandaan din natin ang sinabi ni Pilosopo Tasyo (na higit na kapani-paniwala) sa kanilang pag-uusap ni Ibarra ukol sa moralidad ni Dna. Consolacion.10

Isang masakit na parunggit ni Rizal sa mga opisyal ng hukbo na ang ginamit na tagapagsalita ay si Donya Victorina – magnakaw sila sa taong bayan.

11 Isang paala-ala ng alperes na nasa harapan siya ni Dna. Victorina at kailangang maging maingat ang babae sa pagsasalita ng laban sa kanya.12

Pansinin ang sinabi ng Alperes na - bakit hindi subukan ni Dna. Victorina na patahimikin siya. Mapipilitan siyang magsalita ukol sa kaniyang alam tungkol sa mag-asawa.13

Pagpapamukha ng alperes sa katotohanan na walang tunay na kapangyarihan si Dna. Victorina – bibig lamang at laway - sa ating salita ngayon ay bluffer lamang.

546

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab047

            “Gi…ginoong alperes!”            “Magtigil kayo, medikong Lucas!14  Hindi kayo lalake, Ginoong Juan Lanas!” 15

            Ilang sigawan, kaingayan, murahan at laitan ang nangyari; lahat ng maruming nakatago ay lumabas, at sa dahilang ang apat ay panabay na nagsasalita at ang sinasabi ay maraming bagay na katotohanan, na ikadudusta ng ilang lipi, ay hindi na namin isasalaysay ang mga  pinagsasabi nila.16  Ang mga nanonood, kahit hindi naiintindihan ang lahat ng mga pinagsasabi ng nag-aaway ay nagkakatuwa at inaantay ang pagsasabunutan.17  Ang masama lamang ay dumating ang kura at sila ay pinayapa18.            “Mga ginoo, mga ale, kahiya-hiya naman!  Ginoong Alperes!”            “Bakit kayo nanghihimasok rito, hipokritong carlista ?” 19

            “Don Tiburcio, ilayo ninyo ang inyong asawa!  Ale, itigil ninyo ang inyong dila!”

14

Hindi tunay na manggagamot – pagbubunyag na alam ng alperes ang katauhan ni Don Tiburcio.15

Juan Lanas –isang lalaking sunud-sunuran sa asawa - katapat sa atin ngayon ay under the saya.16

Sa biglaang pag-aaway ay lumalabas ang karumihan ng dalawang pangkat na magkaka-away. Bakit naman hindi mangyayari, isang kaugalian ng tao na ipunin o ilista kung hindi man sa papel kahit na sa memorya ang mga kasamaan at kasiraan ng kanilang mga kalaban, upang gamitin sa pag-sira/demolition sa mga ito sa tamang panahon.17

Ipinakita ni Rizal na ang tunay na layunin ng mga miron sa mga pag-aaway ay ang mapanood ang pag-uupakan ng dalawang magkalaban – ang ito ay katulad ng panonood ng pagsasabong ng mga tunay na tao.18

Talagang si Padre Salvi ay isang tunay na kill joy – noong una ay sinira ang kasayahan ng mga nagpi-piknik sa lawa – ngayon naman ay sinira ang inaasam ng mga miron na makapanood ng pag- aaway.19

Hipokritong Carlista isang pagpapahiwatig ng alperes na - alam niya ang mga tagong lihim at misteryo ni Padre Salvi, kaya sa paningin ng alperes ang pari ay wala moral ascendency na umawat sa kanila. Maaring itanong ninyo kung bakit nalalaman iyon ng alperes – dahil ang kolonyal na ang hukbo noon ay mayroon ng maayos na intelligence gathering. Mapapansin sa pagsaway ng alperes, na pati si Padre Salvi ay hindi nakaligtas sa panunuya ng opisyal ng hukbong kolonyal– lumabas ang tunay na galit sa panahon na hindi nababantayan ng hinahon ang kaniyang tagong pagka-inis.

547

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab047

            “Iyan ang sabihin ninyo diyan sa magnanakaw sa mahihirap!”            Unti-unting naubos ang listahan ng mga pagmumura, natapos ang pagtatanghal ng kawalang-hiyaan ng bawat mag-asawa at nagmumurahang nagbabalaan na lumayo ng unti-unti sa isa’t isa.  Si Padre Salvi ay palakad-lakad sa dalawang dako at siyang nagbibigay-buhay sa magandang panooring iyon, kung ang kaibigan naming tagapagbalita ng pahayagan ay naharap sana roon…!            “Ngayon din ay uuwi tayo sa Maynila at makikipagkita tayo sa Kapitan Heneral!” ang sabi ni Donya Victorina sa kanyang asawa.  “Hindi ka lalake, sayang ang pantalon na suot mo!”      “Da… datapwa’t… ang mga sundalo…?  Ako’y pilay!”            “Dapat mong hamunin ng duwelo sa pistola o sable, o kundi…kung di…”      At tiningnan ni Donya Victorina ang ngipin ng lalake.      “Ineng, kailanman ay hindi pa ako nakahawak ng…”

Hindi pinabayaan ni Donya Victorina na matapos ang sasabihin:   sa isang mabilis na kilos ay inalis ang pustisong ngipin ng asawa at pinagtatalakan.  Ang lalake ay halos mapaiyak at ang babae ay dumadakdak na nakarating sa bahay.  Sa mga sandaling iyon ay kausap ni Linares sina Maria Clara, Sinang at Victoria, at dahil hindi alam ang away ay hindi-maalaman ang gagawin nang makita ang kanyang mga pinsan.  Si Maria Clara, na nakasandig sa isang silya na may mga unan at kumot, at nagtaka nang makita ang   bagong anyo ng mukha ng gumagamot sa kanya.20

            “Pinsan,” sabi ni Donya Victorina, “ ngayon din ay hamunin mo ng duwelo ang alperes, kung hindi ay…”            “At bakit?” ang tanong na pagulat ni Linares.          “Hahamunin mo siya ngayon din o kung hindi ay sasabihin ko sa lahat ng tao rito kung sino ka…”            “Nguni’t… Donya Victorina!”            Ang tatlong magkakaibigang dalaga ay nagtinginan.            “Inalimura tayo ng alperes at sinabi kung ano ka .21  Ang matandang aswang na babae ay pumanaog na may dalang latigo, at ito, ito naman ay pumayag na murahin… lalake pa naman!”            “Aba!” ani Sinang, “nag-away pala at hindi natin nakita!”

20

Nagbago ang mukha ni Tiburcio dahilan sa nawalan ng pustiso.21

Kung ganoon ay nabanggit din ng alperes pati ang tunay na pagkatao ni Linares sa pag-aaway na iyon (na hindi na idinetalye ni Rizal – baka magkulang ang lahat ng aklat sa sanglibutan).

548

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab047

            “Dinurog ng alperes ang ngipin ng doktor!” ang dugtong ni Victoria.            “Ngayon din ay uuwi kami sa Maynila; ikaw ay maiwan dito upang hamunin ng duwelo ang alperes, at kung hindi ay sasabihin ko kay Ginoong Santiago na puro kasinungalingan ang mga pinagsabi mo sa kanya, sasabihin kong…”22

            “Ngunit Donya Victorina, Donya Victorina!” ang namumutlang putol ni Linares, lumapit sa babae, “huminahon kayo,  huwag kayong magsalita …”  At marahang ibinulong na, “huwag kayong magpakita nang ganyan, ngayon pa naman…”23

            Habang nangyayari ito ay dumdating na malungkot at pabuntong-hininga si Kapitan Tiyago, galing sa sabungan:  natalo ang kanyang lasak. Subalit si Donya Victorina ay hindi pinabayaan na makapagsalita si Kapitan Tiyago:  sa pamamagitan ng kaunting salita at maraming mura ay ikiniwento kay Kapitan Tiyago ang lahat ng nangyari, at ayon sa dapat mangyari, ay iningatang siya ang lumabas na mabuti.        “Hahamunin siya ni Linares.  At kung hindi ay huwag ninyong pabayaang maging asawa ng inyong anak, huwag ninyong payagan!   Kung duwag ay hindi nababagay kay Clarita.”24

            “Kung ganoon ay mag-aasawa ka pala sa ginoong iyan?” tanong ni Sinang na napaluha, “batid kong ikaw ay mapagtimpi, subalit hindi salawahan.”            Si Maria Clara ay labis na namutla at nagtangkang tumindig at tiningnan nang tinging gulat ang kanyang ama, si Donya Victorina at si Linares.  Ito ay namula, si Kapitan Tiyago ay tumungo na lamang at si Donya Victorina ay nagpatuloy.             “Huwag mong kalilimutan, Clarita; huwag kang mag-aasawa kailanman sa isang lalakeng hindi marunong magsuot ng salawal;   malalantad ka sa lahat ng insulto, kahit maging sa mga aso.”

22

Matandaan na sa pagpapakilala kay Linares, si Donya Victorina ang gumawa ng maraming mga kabulaanan at kayabangan upang pagandahin ang impresyon ng binata kay Kapitan Tiyago.23

Sa pagkakataong ito ay nagkakaroon na nang pag-ibig si Linares kay Maria Clara, at ang dalaga naman ay nagpapakita ng kabaitan sa binata – dahilan dito ay inaakala ng binata na may pagtingin sa kaniya ang dalaga. 24

Ibinuko ni Dna. Victorina ang pagnanais ni Linares na pakasalan si Maria Clara.

549

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab047

      Subalit ang dalaga ay hindi sumagot. Tumingin sa mga kaibigan at sinabing: “Ihatid ninyo ako sa kuwarto hindi ako makalakad na mag-isa,”             Sa pamamagitan ng tulong ay nakatindig ang dalaga; at pumasok sa kanyang silid, na ang baywang niya ay hawak ng mga bisig ng kanyang mga kaibigan at ang kanyang ulo ay nakasandig sa balikat ng magandang si Victoria.            Nang gabi ring iyon ay iniligpit ng mag-asawa ang kanilang mga kagamitan, iniharap kay Kapitan Tiyago ang mga bayarin sa pagkakagamot, na umabot sa ilang libo,25 at kinabukasan ay maagang nagtngo sa Maynila; ang sinakyan ay karwahe ni Kapitan Tiyago.  Si Linares ay naiwan upang maghiganti.

25

Napakalaking kabayaran sa huwad na gamutan - ang tunay na nagpagaling sa dalaga ay ang mga gamot na mula kay Ibarra.

550