19
KABANATA 60 MAG-AASAWA SI MARIA CLARA Labis ang kasayahan ni Kapitan Tiago. Sa kakila-kilabot na panahong iyon ay walang nakagambala sa kanya: hindi siya inaresto at ikinulong na mag-isa sa bilangguan, hindi siya inimbestigahan, ni nailagay sa makina ng elektrisidad , 1 ni naranasan ang mababad ng matagal ang paa sa mga bilangguang nasa ilalim ng lupa , 2 at iba pang kagagawan, na alam na alam ng ilang bantog na ginoong tumatawag sa kanilang mga sarili ng sibilisado . 3 Ang kanyang mga dating naging kaibigang (sapagkat itinakwil na niya ang kanyang mga kaibigang Pilipino mula nang sila ay mapaghinalaan ng pamahalaan), ay ibinalik din sa kani-kanilang mga 1 MGA PALIWANAG Sa kapanahunan na sinusulat ni Rizal ang Noli ay mayroon ng koryente sa ilang piling lugar sa loob ng Maynila, ngunit ang isa sa pinagagamitan nito ay hindi lamang para sa ilaw – nakita na rin ng mga Espanyol ang bisa ng koryente sa pagkuha ng mahahalagang inpormasyon mula sa kanilang mga pinaghihinalaan. 2 Dito ay tinutukoy ni Rizal ang mga bilangguan sa ilalim ng lupa na matatagpuan sa Fort Santiago. Dahilan sa ang mga ito ay malalim kaysa sa lebel ng ilog/dagat at ay inaapawan ng tubig ang loob sa maraming araw. Siyam na taon ang nakalipas, pagkatapos na mailathala ni Rizal ang nobelang ito ay naganap ang himagsikan, sa nasabing panahon ay maraming mga Pilipinong napaghihinalaang mga Katipunero ang nakulong sa buktot na dungeon at isang aksidente ang naganap ito ay napuno ng tubig na lampas hanggang ulo ng mga nakabilanggo na nagbunga ng kamatayan ng maraming mga nakapiit na rebolusyonaryo. 3 Ipinakita ang malaking kontradiksiyon ng mga taong nag- aangkin ng pagiging sibilisado ngunit gumagamit naman ng mga makahayop na paraan ng pagpapahirap sa kanilang mga kapwa tao. 685

Noli Me Tangere Deciphered-kab060

Embed Size (px)

Citation preview

KABANATA 60 MAG-AASAWA SI MARIA CLARA

Labis ang kasayahan ni Kapitan Tiago. Sa kakila-kilabot na panahong iyon ay walang nakagambala sa kanya: hindi siya inaresto at ikinulong na mag-isa sa bilangguan, hindi siya inimbestigahan, ni nailagay sa makina ng elektrisidad,1 ni naranasan ang mababad ng matagal ang paa sa mga bilangguang nasa ilalim ng lupa,2 at iba pang kagagawan, na alam na alam ng ilang bantog na ginoong tumatawag sa kanilang mga sarili ng sibilisado.3 Ang kanyang mga dating naging kaibigang (sapagkat itinakwil na niya ang kanyang mga kaibigang Pilipino mula nang sila ay mapaghinalaan ng pamahalaan), ay ibinalik din sa kanikanilang mga tahanan makaraan ang ilang araw na pamamahinga sa mga gusali ng pamahalaan. Ang Kapitan Heneral na rin ang nag-utos na sila ay palayasin sa kanyang mga nasasakupang gusali dahil sa inakalang hindi sila nararapat na mamalagi roon, 4 bagay na isinamang lubos ng kalooban ng pingkok, na may balak na magpaskong kapiling ang gayong mga pasasa at masasalaping kasama.5MGA PALIWANAG 1 Sa kapanahunan na sinusulat ni Rizal ang Noli ay mayroon ng koryente sa ilang piling lugar sa loob ng Maynila, ngunit ang isa sa pinagagamitan nito ay hindi lamang para sa ilaw nakita na rin ng mga Espanyol ang bisa ng koryente sa pagkuha ng mahahalagang inpormasyon mula sa kanilang mga pinaghihinalaan. 2 Dito ay tinutukoy ni Rizal ang mga bilangguan sa ilalim ng lupa na matatagpuan sa Fort Santiago. Dahilan sa ang mga ito ay malalim kaysa sa lebel ng ilog/dagat at ay inaapawan ng tubig ang loob sa maraming araw. Siyam na taon ang nakalipas, pagkatapos na mailathala ni Rizal ang nobelang ito ay naganap ang himagsikan, sa nasabing panahon ay maraming mga Pilipinong napaghihinalaang mga Katipunero ang nakulong sa buktot na dungeon at isang aksidente ang naganap ito ay napuno ng tubig na lampas hanggang ulo ng mga nakabilanggo na nagbunga ng kamatayan ng maraming mga nakapiit na rebolusyonaryo. 3 Ipinakita ang malaking kontradiksiyon ng mga taong nag-aangkin ng pagiging sibilisado ngunit gumagamit naman ng mga makahayop na paraan ng pagpapahirap sa kanilang mga kapwa tao. 4 Pinauwi ng GH ang mga nabilanggo pagkatapos niyang matiyak na wala silang kasalanan.

685

Si Kapitan Tinong ay umuwi sa kanyang bahay na may sakit, namumutla, minamanas, hindi siya naging hiyang sa kanya ang paglalakbay, at siya ay naging ibang-iba na, walang kaimikimik, ni hindi man bumati sa kanyang kaanak na natatawa, napapaiyak at baliw sa katuwaan. Ang kaawa-awang tao ay hindi na umaalis sa kanyang bahay upang di-malagay sa panganib na makabati sa isang pilibustero. Hindi siya mapagsalita ng anuman ng pinsang si Primitivo kahit na ginamit nito ang buong katalinuhan ng mga tao sa una.6 Maniwala ka, pinsan, ang sabi sa kanya, kung hindi ko nasunog ang lahat ng inyong mga papeles ay nabitay ka; ngunit kung nasunog ko sana ang buong ang bahay ay hindi ka sana nakasuhan man lamang. Ngunit quod eventum, eventum; Gratias agamus Domino Deo quia non in Marianis Insulis es, camotes seminando.7 Ang ilang mga pangyayaring katulad ng nangyari kay Kapitan Tinong ay batid ni Kapitan Tiyago. Puno siya ng pagkilala ng utang na loob, ngunit hindi niya matukoy kung kanino niya utang ang gayong kalalaking kapalaran. Inaakala ni Tia Isabel na ito ay himala ng Birhen sa Antipolo, ng Birhen del Rosario o kung di ay sa Birhen del Carmen, at kung hindi man sa gayon, marahil at ito ay siyang pinakahuli na niyang matatanggap, ay gawa iyon ng Nuestra Seora dela Correa; para sa kanya ay hindi na iiba pa doon ang may gawa ng himala. Tinatanggap ni Kapitan Tiyago ang himala ngunit ang dugtong niyay: Naniniwala nga ako, Isabel, ngunit marahil ang bagay na iyan ay hindi mag-isang gawa lamang ng Birhen sa Antipolo; nakatulong din ang aking mga kaibigan, ang aking magiging manugang na si Ginoong Linares, na batid mo nang nakikipagbiruan kay Don Antonio Canovas, iyon bang nalalarawan sa La Ilustracion, iyong kung humarap sa tao ay walang ipinakikita kundi kalahating mukha lamang.5 Ang pinkok na Espanyol ay isang mataas na tao sa pamahalaan isinama ng kaniyang kalooban ang maagang pagpapalabas ng mga masalaping bilanggo, na maari niyang huthutan mula sa pananakot sa mga kaanak nito o pakunwaring pagbibigay ng pangako na tutulungan ang mga ito. 6 Naging tulala si Kapitan Tinong isa sa mga naging biktima na sinangkot sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872 na nagkaroon ng ganitong kapansanan ay mismong si Padre Jacinto Zamora. Sinasabing nawala sa kaisipan noong malaman niya ang iginawad na hatol na kamatayan at nasa kalagayang tulala noong ito ay bitayin. 7 Ang nangyari ay nangyari na; pasalamat tayo sa Poong Diyos dahil wala ka ngayon sa Isla ng Marianas at nagtatanim ng kamote.

686

Ang butihing tao ay hindi nakapipigil ng ngiting may kasiyahang-loob, kailanman at nakakarinig ng isang mahalagang balita tungkol sa mga pangyayari. At sadyang gayon nga ang nararapat. Sa bulung-bulungan ay sinasabing mabibitay si Ibarra; na kahit kulang sa katibayan upang maparusahan ay may lumitaw na isang nagpapatibay sa sumbong;8 umano ay sinabi ng mga bihasa na tunay ngang ang mga pader na bato ng paaralan ay maaring maging isang kuta kahit may kahinaan, gaya nang inaasahan sa yari ng mga igoranteng Indiyo. Ang mga balibalitang ito ay nagbibigay sa kanya ng kapanatagan at nakapagpapangiti sa kanya.9 Gaya ng dati si Kapitan Tiyago at ang kanyang pinsan ay nagkakaiba sa pag-aakala, ang mga kaibigan ng pamilya ay nagkakahati din: ang ilan ay naniniwala sa himala at ang iba ay sa pamahalaan, kahit kakaunti itong mga huli. Ang mga nananalig sa himala ay mayroon pang sanga-sanga: ang sakristan-mayor sa Binundok, ang babaeng nagtitinda ng kandila at ang pinuno sa isang cofradia ay nag-aakalang iyon ay galing sa Diyos sa pamamagitan ng Birhen del Rosario; ang sabi naman ng Insik na magkakandila na binibilhan niya ng kandila kung nagpupunta sa Antipolo, sabay sa pagpapagalaw ng paypay at pangunguyakoy, ay: Huwag kayo gonggong; Milhen li Antipolo iyan! Iyan malakasi sa lahat; huwag kayo gonggong. Malaki ang pananalig ni Kapitan Tiyago sa Insik na manghuhula, manggagamot atbp. Nang may anim na buwan na ang kabuntisan ng kanyang asawa, samantalang sinisiyasat ang palad ng kamay, ay sinabi ng Insik na: Kung hinne lalake at paktaylo, mamae huete-huete!10 At si Maria Clara nga ay isinilang sa mundo at nagakaroon ng katuparan ang hula ng Insik.

8 Paglitaw ng isang sinungaling na saksi Sa tatlong paring martir ay walang anumang direktang ebidensiya na makapagtuturo ng kanilang anumang direktang partisipasyon sa Pag-aalsa sa Cavite, ngunit ang paglitaw ng isang Francisco Saldua na sumaksi laban sa kanila ang ganap na nagdiin sa GOMBURZA para maparusahan ng kamatayan. 9 Makikita dito ang pagiging tuso ni Kapitan Tiyago Nangingiti siya dahilan sa bibitayin ang lalaking pinagkakautangan niya ng P50,000. Hindi matutuloy ang kasal na maari nilang ikapagkasira ni Padre Damaso. 10 Napakahusay ng manghuhulang Intsik na ito nang hulaan niya sa pamamagitan ng palad si Kapitan Tiyago ay nasabi niya na ang magiging anak nito ay kung hindi lalaki at patay ay isang babae.

687

Si Kapitan Tiyago, taong maingat at matatakutin, ay hindi agad nakasang-ayon sa anuman, gaya ng taga-Troyang si Paris;11 hindi niya masabi nang gayun-gayon lamang kung alin ang mabuti sa dalawang Birhen dahil sa panganganib na baka magdamdam ang isa, bagay na maaring magbunga ng kasawian. Kaiingat! ang sabi niya sa sarili, huwag tayong magkamali ngayon! Sa mga ganitong pag-aalinlangan siya naroon nang dumating ang pangkat na nananalig sa pamahalaan: si Donya Victorina, si Don Tiburcio at si Linares. Si Donya Victorina ang umako sa kanyang sarili ng maaring sasabihin ng tatlong lalake at ng kanyang sarili, sinabing mga pagdalaw ni Linares sa Kapitan Heneral, at makailang inulitulit ang kabutihan nang magkaroon ng isang kamag-anak na mataas na tao. Na! ang tapos niya, gaya ng sabi namin: ang sumisilong sa mabuting lilim ay tumatanggap ng mabuting bunga. Ba ba baligtad! ang sabi ng doktor. May ilang araw nang ginagawa ng babae natin ang magkunwaring taga-Andalucia sa pamamagitan ng pag-aalis ng d at pagpapalit ng z sa s, at walang makapag-alis sa kanya ng gayon; marahil ay payagan pa munang maalis ang kanyang pustiso. Oo! ang patuloy na tukoy din kay Ibarra, bagay nga sa kanya ang magkaganyan; sinabi ko na nga noong una ko pa siyang makita: itoy isang pilibustero. Ano ang sinabi sa iyo ng Heneral, Pinsan? Ano ang sinabi mo sa kanya, ano ang ibinabalita mo tungkol kay Ibarra? Sapagkat nakikitang ang pinsan ay matagal sa pagsagot ay nagpatuloy na hinarap si Kapitan Tiyago. Maniwala kayo sa akin, pag nahatulang ng kamatayan, gaya ng maasahan, ay dahil sa pinsan ko. Donya Victorina! Donya Victorina! ang tutol ni Linares.12 Ngunit hindi niya ito binayaang makapagpatuloy.

11 Ang paghatol ni Paris sa mitolohiya ang prinsipe ng Troy na si Paris ay tinawag para hatulan kung sino ang higit na maganda sa tatlong diyosa Hera, Athena, at Aphrodite. Pinangakuan siya ng kapangyarihan ni Hera; tagumpay sa digmaan ni Athena; at pinakamagandang babae sa buong mundo ang alok ni Aphrodite. Pinili ni Paris ang huli at tinulungan siya ni Aphrodite na agawin si Helen, na naging dahilan ng tinatawag na Digmaan Trojan. 12 Nakakaramdam ng pagkapahiya si Linares sa kayabangan na ipinangangalandakan ni Dna. Victorina at marahil ay nakikita ang paglapit ni Maria Clara.

688

Ay, naging napaka-diplomatiko mo namang labis. Alam naming ikaw ang tagapayo ng Heneral na ayaw malayo sa iyo Ah! Clarita! Si Maria Clara ay sumipot na namumutla pa, kahit magaling na. Ang mahaba niyang buhok ay natutungkos sa isang lasong sutla na kulay bughaw. Kiming yumuko, na malungkot ang ngiti, at lumapit kay donya Victorina upang mahagkan nito, alinsunod sa kaugalian. Matapos ang mga karaniwang batian ay nagpatuloy ang nagkukunwaring Andalus. Pumarito kami para dumalaw sa inyo; salamat sa inyong mga ka-relasyon at kayoy naligtas, at tumingin nang may pakahulugan kay Linares. Ang Diyos ang nagligtas sa aking ama! ang mahinang tugon ng dalaga.13 Oo nga, Clarita, ngunit nakalipas na ang kapanahunan ng mga himala; sinasabi naming mga Kastila na: manalig sa Birhen at tumakbo ka nang matulin. Ba ba baligtad!14 Si Kapitan Tiyago, na hindi magkapanahong makapagsalita, ay nangahas magtanong, na inunawang mabuti ang kasagutan. Kung gayon, Donya Victorina, sa akala ninyo, ang Birhen ay Kaya nga kami naparito ay upang kausapin kayo tungkol sa Birhen, ang sagot, at mahiwagang itinuro si Maria Clara, Narito kami para pag-usapan ang ukol sa buhay. Nahalata ng dalaga na nararapat siyang umalis: humanap ng dahilan at lumayong nakatuon ang mga kamay sa mga muebles. Ang mga napagkasunduan sa pag-uusap na ito ay labis na napakababa at walang kabuluhan, kaya hindi na namin isasalaysay pa. Sapat nang sabihin na ng magpaalaman ay masasayang lahat, at pagkatapos ay sinabi ni Kapitan Tiyago kay Tia Isabel, na:

13 Si Maria Clara ay hindi isang tanga upang hindi maramdaman ang pagyayabang ni Dna. Victorina. 14 Itinutuwid ni Don Tiburcio ang sinabi ng kaniyang asawa dahilan sa ang tama ay huwag kang manalig sa birhen at tumakbo ka ng matulin. Ang pang-aasar ni Rizal ay ginamit niya sa pamamagitan ng maling pananalita ni Donya Victorina na manalig sa birhen at tumakbo ng matulin.

689

Magpasabi ka sa ponda na bukas ay may handaan tayo! Ihanda-handa mo si Maria na ipakakasal natin sa loob ng madaling panahon. Siyay pinagmasdang gulat na gulat ni Tia Isabel. Makikita mo! Kapag naging manugang natin si Linares ay papanhik at papanaog tayo sa lahat ng palasyo at kaiinggitan tayo, lahat ay mamamatay sa inggit! At nangyari, kinabukasan nang ikawalo ng gabi ay muli na namang napuno ng tao ang bahay ni Kapitan Tiyago, datapwat sa ngayon, ang kanyang mga panauhin ay pawang mga Kastila at Insik lamang; ang kababaihan ay pawang lahing Kastilang anak sa Espanya at sa Pilipinas. Naroon ang maraming kilala natin: si Padre Sibyla, si Padre Salvi na kahalubilo ng ilang Pransiskano at Dominicano; ang matandang tenyente ng guwardiya sibil na si Ginoong Guevara, na higit pang malungkot kaysa dati;15 ang alperes na isinasalaysay na naman ang kanilang pakikipaglaban na makalibo na niyang naibalita,16 at ang lahat ay paalipustang tinitingnan na parang ang akala sa sarili niya ay si Don Juan de Austria;17 ngayon ay tenyente na siya, na grado comandante; si De Espadaa na kung tumanaw sa tenyente ay may paggalang at takot at iniiwasan ang kanyang tingin, at si Donya Victorina na masama ang loob. Si Linares ay hindi pa dumarating, sapagkat dahilan sa siya ay dakilang tao ay nararapat na mahuli kaysa iba:18 may mga mababang tao na sa pagkakahuli ng isang oras sa lahat ng bagay ay lumalaki. Sa pangkat ng mga babae si Maria Clara ang tampok ng bulung-bulungan:19 sila ay binati at sinalubong ng binibini na lubhang magalang, na taglay rin ang mukha ng kalungkutan.

15 Sa unang piging si Tinyete Guevarra ay malungkot dahil sa inhustisya na nakita niya kay Don Rafael at sa pagkakataong iyon na muli siyang panauhin sa piging, ang nasa bilangguan naman ay si Ibarra. 16 Sa mga taong kakaunti ang nagawang kahusayan paulit ulit na ikinukuwento ang iilang natatanging nagawa. 17 Juan de Austria (1547-1578) Heneral na Espanyol at anak sa labas ni Emperador Carlos V. Ipinagkaloob sa kaniya ang pamumuno sa isang malaking armada ng hukbong dagat ng Espanya na tumalo sa hukbong dagat ng Imperyong Ottoman sa Labanan ng Lepanto noong 1573. 18 Ang mga taong nagpapaimportante ay makikita sa pagiging huli sa oras.

690

Psh! sabi ng isang dalaga, mapagmalaki Maganda! ang sagot ng isa, Pero sana naman ang lalake ay pumili naman sana, mukhang tanga na gaya niyan. Mayaman po; ang kagandahang lalake ay kinakalakal. Sa isang lugar naman ay ito: Pakasal sa panahong ang unang katipan ay malapit nang mabitay! Iyan ang matatawag na matalino; may nakahanda na agad na pamalit. Kapag nabalo Ang mga usapang iyon ay parang nakakarating sa pandinig ni Maria Clara na nakaupong inaayos ang isang bandeha ng mga bulaklak, dahil ang kamay ay nanginginig, namumutla at napapakagat-labi. Sa pulutong ng mga kalalakihan, malakas ang salitaan, at, gaya ng maiisip tungkol sa mga huling pangyayari ang paksa. Lahat ay nagsasalita, pati na si Don Tiburcio, liban na si Padre Sibyla, na gaya rin ng dati ay walang imik na nagwawalangbahala. Narinig kong iiwan daw ninyo ang bayang iyon, Padre Salvi, ang sabi ng bagong tenyente na naging masuyuin nang kaunti dahil sa bago niyang bituin sa manggas. Wala na akong gagawin doon; lalagi na ako rito sa Maynilaat kayo? Iiwan ko rin ang bayang iyon, ang tugong sabay sa pag-unat, kailangan ako ng pamahalaan upang mamahala sa isang pangkat ng kawal at nakatalaga para kumilos upang pawiin ang lahat ng pilibustero sa mga lalawigan. Siya ay tiningnan mula sa ulo hanggang paa ni Padre Sibyla at pagkatapos ay tinalikuran.20 Alam na ba ninyo ang gagawin sa nangulo, sa binatang pilibustero? ang tanong ng isang kawani. Si Crisostomo Ibarra po ba ang sinasabi ninyo? ang tanong ng isa pa. Marahil, nararapat siyang mabitay gaya ng mga nag-alsa noong 1872. Itatapon! ang sagot ng matandang tinyente. Matatapon lamang! Marahil ay habang buhay! sabay-sabay na bulalas ng ilan.19 Ang sama ng ugali sila ay panauhin at nagawa pa nilang magsalita ng masakit laban sa anak ng nag-anyaya sa kanila. 20 Minamaliit ni Padre Sybila ang alperes dahilan sa paniniwala ng pari na sila a tunay na nakatuklas ng pag-aalsa at ang pagbbigay ni Padre Salvi ng inpormasyon sa alperes ang nagligtas dito laban sa mga nagaalsa sa San Diego.

691

Kung ang binatang iyan, ang malakas at matigas na sabi ni Tenyente Guevara, ay nag-ingat lamang nang kaunti; kung naging maingat sa pagtitiwala sa ilang tao na kaniyang sinusulatan; kung hindi lamang naging malabis sa pagpapakahulugan ang ating mga taga-usig sa mga nasusulat ay maa-absuwelto sana ang binatang iyan.21 Sa sinabing ito ng matandang tenyente at ang tunog ng kanyang boses ay namangha ang mga nakikinig, na hindi malaman kung ano ang sasabihin. Si Padre Salvi ay tumingin sa sa ibang lugar upang marahil ay huwag makita ang malamlam na titig ng matanda.22 Si Maria Clara ay napatigil at binayaang mahulog ang mga bulaklak.23 Si Padre Sibyla na alam ang manahimik, ay parang siya ang tanging marunong magtanong. Mga sulat po ba ang tinutukoy ninyo, Ginoong Guevara? Ito ang sinasabi sa akin ng mga abogado, na seryosong humawak sa kaso. Maliban sa ilang hanay na may kalabuan ang kahulugan na isinulat ng binata sa isang babae bago magpunta sa Europa, mga hanay na kinakitaan daw ng piskal ng paghahanda at pagbabala laban sa pamahalaan, at kinilala ng nasasakdal na sulat nga niya, ay walang makitang anumang dahilan para akusahan siya. At paano ang pahayag ng tulisan bago namatay? Nagawang pawalang kabuluhan iyon ng nagtatanggol sapagkat ayon sa sabi ng tulisang iyon, sila ay hindi nagkausap kailanman ni Ibarra, kundi ng isang nagngangalang Lucas na napatunayang na kagalit ni Ibarra, at ito ay nagbigti pagkatapos, 24 marahil ay sa pagsisisi. Napatunayan na ang mga kasulatang nakuha sa bangkay ay huwad lamang sapagkat ang mga titik ay kagaya ng mga titik ni Ginoong Ibarra noong may pitong taon na ang nakaraan, ngunit hindi ng titik sa ngayon, bagay na nagpapakilalang ang ginayahan ng mga titik ay ang sulat na

21 Ang nagdiin kay Ibarra ay ang isang sulat. 22 Umiwas si P.Salvi ay sa pakikinig kay T. Guevarra sa bahaging nababanggit ang ukol sa sulat. 23 Napagtatanto ni Maria Clara na sa kaniya galing ang sulat na nagdidiin kay Ibarra. 24 Si Francisco Saldua na ginamit na saksi sa paglilitis laban sa GOMBURZA ay binitay na kasama ng tatlong paring martir, ang layunin sa pagbitay kay Saldua ay upang patahimikin ito sa mga tunay niyang nalalaman sa mga taong tunay na nasa likod ng Pag-aalsa sa Cavite. Dito maaring kinuha ni Rizal ang naging kapalaran ni Lucas.

692

pinagbatayan ng sakdal.25 Hindi pa iyon, sinasabi ng nagtanggol na kung inibig ni Ginoong Ibarra ang huwag kilalanin ang sulat ay naipagtanggol pa sana siya nang lalong mabuti; ngunit nang makita ng binata ang sulat ay namutla, nanlambot at inamin ang lahat ng isinulat niya roon.26

Ang sabi ninyo, sabi ng isang Pransiskano, ay sulat sa isang babae; bakit nakarating sa kamay ng taga-usig?

25 Sa bangkay ni Lucas ay may natagpuang sulat na nag-uugnay kay Ibarra sa naganap na pag-aalsa sa San Diego, ngunit ito ay napatunayan ng mga nag-iimbestiga na huwad lamang. Sa ganito ay masasabing sadyang pinatay si Lucas para makita sa kaniyang bangkay ang nasabing sulat at higit na madiin si Ibarra. Alam ni Rizal na ang mga alagad ng kolonyal na simbahan ay mayroong kakayahan na gumawa ng huwad na sulat upang ipaako sa isang taong namatay ang ideya na nais nilang ipangalandakan at papanig sa kanilang paniniwala upang linlangin ang mga tao. Ang bahaging ito ng Noli Me Tangere ay may pagkakatulad sa buhay ni Rizal noong mamatay si Rizal ay lumabas ang isang kuwento na nakasaad na binawi niya ang kaniyang mga sinulat na kontra simbahan upang patunayan ito ay gumawa ang mga alagad ng na simbahan ng isang huwad kasulatan ng pagbawi ng kaniyang mga sinulat laban sa sImbahan, KASAMA NA ANG NOBELANG ITO, NA NAGBUBUNYAG NG PANGHUHUWAD NG SULAT NI CRISOSTOMO IBARRA. 26 Ito ay dahilan sa nang makita ni Ibarra ang sulat ay natanto niya na iyon ay galing kay Maria Clara. Nang makita niya ang sulat na iyon ay naramdaman niya ang pagtataksil ng kasintahan laban sa kaniya, at sa kawalan ng pag-asa ay inamin na niya ang lahat. (Inisip niyang isinuplong siya ni Maria Clara, dahil magpapakasal na ito kay Linares).

693

Ang tinyente ay hindi sumagot; sandaling tinitigan si Padre Salvi, at lumayong bigla, habang ginagalaw ang kaniyang balbas, samantalang ipinahahayag ng mga naiwan ang kanilang mga akala. Makikita ang kamay ng Diyos! sabi ng isa, pati ang ng mga babae ay nagagalit sa kanya. Ipinasunog ang kanyang bahay sa akalang maliligtas siya sa gayon, ngunit hindi niya naalaala ang isang bagay, ang kanyang kalunya, ang kanyang babae, ang dugtong na tumatawa ng isa. Talaga ng Diyos! Santiago cierra Espaa!27 Samantala, ang matandang militar ay tumigil sa kaniyang paglakad at lumapit kay Maria Clara, na hindi makagalaw sa kanyang upuan at pinakikinggan ang usapan: sa kanyang paanan ay nakasabog ang mga bulaklak. Isa kayong matalinong binibini, ang mahinang pagkakasabi sinabi sa kanya ng matandang tenyente, mabuti ang ginawa ninyong pagbibigay ng sulat ito ay titiyak sa inyo isang matiwasay na buhay sa haharapin.28 Nakita ng dalaga ang paglayo ng militar, ang kaniyang ang paningin ay lito at napapakagat-labi. Mabuti lamang at dumaan si Tia Isabel. Si Maria Clara ay nagkaroon ng lakas na mahawakan ang tiyahin sa damit. Tia! ang bulong. Anong nangyayari sa iyo? ang tanong na sindak nang makita ang mukha ng binibini. Ihatid ninyo ako sa aking silid! pakiusap niyang kumapit sa bisig ng matanda upang tumayo. May sakit ka ba, anak ko? Tila nawalan ka ng buto! Anong nangyayari sa iyo? Nahihilo ako ang daming tao sa salas ang daming mga ilaw kailangan kong magpahinga . Sabihin ninyo sa ama kong ako ay matutulog. Nanlalamig ka! Ibig mo ba ng tsa? Si Maria Clara ay umiling, isinusi ang pinto ng kanyang silid at nagpatilagmak na umiiyak sa harap ng isang larawan. Ina, ina, ina ko! Sa bintana at sa pintuang patungo sa asotea ay pumapasok ang liwanag ng buwan.

27 Santiago cierra Espaa - mga salitang ito ay isinisigaw ng mga Espanyol sa pakikipaglaban. 28 Sa paglapit na ito ni Tinyente Guevarra kay Maria Clara ay nagawa niyang magparunggit ng paninisi sa dalaga dahilan sa ang sulat na nagdiin kay Ibarra ay galing sa dalaga.

694

Ang musika ay patuloy sa pagtugtog ng masayang balse; nakaaabot sa silid ang mga tawanan at ang mga salitaan; ilang beses kumatok sa pinto ang kanyang ama, si Tia Isabel, si Donya Victorina at maging si Linares, ngunit si Maria Clara ay hindi sumagot: isang hinagpis ang lumalabas sa kanyang dibdib. Nakaraan ang ilang oras, ang mga kasayahan sa hapag kainan ay natapos, nawala ang sayawan, naubos ang langis ng ilawan at namatay ang ilaw, ngunit ang dalaga ay patuloy rin sa nakahandusay na natatanglawan ng sinag ng buwan sa paanan ng isang larawan ng Ina ni Jesus. Unti-unting bumalik ang katahimikan sa bahay, namatay ang mga ilaw, si Tia Isabel ay muling kumatok sa pinto. Ah, nakatulog! ang malakas na sabi ng ali, dahil bata at walang tigatig ay parang patay kung matulog. Nang tahimik na ang lahat ay tumindig siyang dahandahan at pinagmasdan ang kanyang paligid, natanaw ang asotea, ang mga balag, na naliliwanagan ng malabong sinag ng buwan. Isang tahimik na kinabukasan! Natutulog na parang patay! ang mahinang bulong at tumungo sa asutea. Ang lunsod ay natutulog; paminsan-minsang naririnig ang ingay ng isang sasakyan na dumadaan sa tulay na kahoy na nakasaklaw sa ilog na ang tubig ay maaninag sa pamamagitan ng liwanag ng buwan. Itinitig ng binibini ang kanyang mata sa malinis na langit na katulad ng sapiro; unti-unting inalis ang kanyang mga singsing, hikaw, panusok at suklay, na inilagay sa palababahan ng asotea, at tumingin sa ilog. Isang bangkang may dalang zacate ang tumigil sa lunsarang nakalagay sa bawat bahay na nasa tabi ng ilog. Ang isa sa mga lalakeng sumasagwan ay umakyat sa hagdang bato, lumundag sa pader at makaraan ang ilang sandali ay narinig ang kanyang yabag na paakyat sa hagdanan ng asotea. Nakita ni Maria Clara, na huminto nang siya ay makita, ngunit sandali lamang, sapagkat ang lalake ay mrahang lumapit, at, nang tatlong hakbang na lamang ang layo sa binibini ay tumigil. Si Maria Clara ay napaurong. Crisostomo! ang marahan niyang sabi na puno ng pagkasindak. Oo, ako nga si Crisostomo! ang seryosong sagot ng binata, isang kaaway, isang taong kinapopootan, si Elias ang kumuha sa akin sa bilangguang pinaglagyan sa akin ng aking mga kaibigan. Ang mga salitang ito ay sinundan ng isang malungkot na katahimikan; itinungo ni Maria Clara ang ulo at napabagsak ang dalawang kamay. Si Ibarra ay nagpatuloy: Sa tabi ng bangkay ng aking ina ay sumumpa akong ikaw ay magiging maligaya, anuman ang aking kahihinatnan!695

Maaring makalimot ka sa iyong sumpa, dahil sa siya ay hindi mo ina; ngunit akong kanyang anak ay iginagalang ko ang kanyang alaala, at sa kabila ng libong panganib ay nagpunta ako dito upang tuparin ang sa ganang akin, at nagkaroon ako ng pagkakataon na ikaw ay aking makausap. Maria, hindi na tayo muling magkikita pa; ikaw ay bata at marahil balang araw ay susumbatan ka ng iyong budhi kaya ako pumarito ay upang sabihin sa iyo, bago ako umalis, na pinatatawad kita. Lumigaya ka nawa, paalam!29 Tinangka ni Ibarrang lumayo ngunit pinigilan siya ng dalaga. Crisostomo! sinabi mong. Pinaparito ka ng Diyos upang ilayo ako sa paghihirap pakinggan mo ako, at saka mo ako hatulan! Tinangka ni Ibarrang makapiglas na malumanay sa kanya. Hindi ako naparito upang makipagtuos sa iyo naparito ako para ibigay sa iyo ang katiwasayan. Ayaw ko nang katiwasayang ibinibigay mo sa akin; ako ang magbibigay ng katiwasayan sa aking sarili. Inaalipusta mo ako, at ang alipustang iyan ay magiging panghabang buhay na kapaitan sa akin! Nakita ni Ibarra ang paghihirap at sakit ng ng babae, at nagtanong kung ano ang gusto. Maniwala kang lagi kitang iniibig! Si Crisostomo ay ngumiti na may kahalong kalungkutan. Ah! Nag-aalinlangan ka sa akin, nag-aalinlangan ka sa kaibigan mo mula sa pagkabata, na hindi nagtago sa iyo ng anuman! ang nasabing may hinagpis ng dalaga. Nauunawaan kita! Pag nalaman mo ang kasaysayan, ang kasaysayang ipinahayag sa akin noong ako ay may sakit ay kahahabagan mo ako at hindi mo isasalubong ang masakit na ngiting iyan sa akin 30 Bakit hindi mo lang binayaan na akoy mamatay sa kamay ng aking mangmang na manggagamot? Sana ay naging maligaya pa tayo!

29 Ang tunay na dahilan ni Ibarra sa pagpunta kay Maria Clara ay para ipamukha ang kaniyang sama ng loob, ngunit ibigay din sa dalaga ang pagpapatawad dahilsa ginawa ng dalagang pagbibigay ng sulat sa mga maykapangyarihan na nagdiin sa binata sa kasong rebelyon. 30 Sa panahon ng pagkakasakit ni Maria Clara sa San Diego ay nahayag sa kaniya ang lihim ng kaniyang pagkatao sa panahon na kinukumpisal siya ni Padre Salvi.

696

Si Maria Clara ay humintong sandali at nagpatuloy: Ikaw ang may gusto niyan, nag-alinlangan ka sa akin, patawarin ako ni ina! Noonggabing naghihirap ako sa aking karamdaman ay ipinaalam sa akin ng isang tao kung sino ang tunay kong ama, at ipinagbawal sa akin ang ibigin ka Maliban lamang kung ang aking ama ang magpatawad sa iyo sa kalapastanganang ginawa mo sa kanya!31 Si Ibarra ay napaurong at gulat na napatingin sa binibini. Oo, ang patuloy ng babae, sinabi sa akin ng taong iyon na hindi niya mapapayagan ang kasal natin sapagkat ibinabawal sa kanya ng sariling budhi ang gayon,32 at mapipilitan siyang ihayag ang mga lihim, kahit na kumalat ang isang malaking kahihiyan, sapagkat ang ama ko ay si33 At ibinulong sa tainga ng binata ang isang pangalan, na walang nakarinig kundi ang pinagsabihan. Ano ang gagawin ko? Hindi ko ba maisasakripisyo aking pag-ibig para sa alaala ng aking ina, ang karangalan ng hindi ko tunay na ama at ang katungkulan ng tunay ama? Magagawa ko ba iyon, kung hindi pati ikaw ay lumayo rin sa akin? Ngunit ano ang katibayan, nagkaroon ka ba ng patoo? Kailangan mo ng patoo! ang nanginginig na sabi ni Ibarra. Dinukot ng binibini sa dibdib ang dalawang piraso ng 34 papel. Dalawang sulat ng aking ina, dalawang sulat na sinulat sa gitna ng kanyang pagdadalamhati noong dinadala pa niya ako sa tiyan! Narito, basahin mo at makikita mong ako ay kanyang isinusumpa at ninanais ang aking kamatayan ang kamatayan kong hindi naganap kahit na sa tulong ng sari-saring gamot na

31 Dito ay ipinihayag ng hindi direkta ni Maria Clara kung sino ang kaniyang tunay na ama. Nabigla si Ibarra, dahilan sa ang kaniyang sinaktan ay hindi si Kapitan Tiyago kundi si Pray Damaso. 32 Dahil sa hindi makapag-aasawa si Padre Salvi ay ayaw din niyang makapag-asawa si Maria Clara. Makikita na talagang si Padre Salvi ang ayaw na matuloy ang kasal at ito ay nagtataglay ng isang hibang na pagibig. 33 Ginamitan ng ng blackmail ni Padre Salvi ang dalaga. 34 Makikita dito ang husay ni Rizal sa paggamit ng kabalintunaan sa kaniyang nobela sa unang kabanata ng nobela ay dito sa asotea na ito upinakita ni Maria Clara ang sulat sa kaniya ng binata at sa mga pagtatapos ng kabanata ay dito rin sa nasabing asotea, ang ipinapakita ni Maria Clara ay ang sulat ng ina ni Maria Clara.

697

ibinibigay ng aking ama!35 Ang mga sulat na ito ay naiwan ng aking ama sa bahay na kaniyang tinirahan, nakuha at itinago ng lalakeng nagsabi sa aking ipinagkaloob ito sa akin na ang kapalit ay ang iyong sulat upang patunayan, ayon sa sabi niya na hindi ako pakakasal sa iyo nang walang pahintulot ang aking ama. Magmula nang mapasaakin ang mga sulat na iyon, kapalit ng iyong sulat, ay nakaramdam ako ng panlalamig sa aking puso. Isinakripisyo kita, isinakripisyo ko ang aking pag-ibig ano ang hindi gagawin ng isang katulad ko para isang yumaong na ina at sa dalawang kapwa buhay na ama? Paghihinalaan ko ba ang paggagamitan sa sulat mo? Si Ibarra ay nanghilakbot. Si Maria Clara ay nagpatuloy. Ano pa ang naiiwan sa akin? Maaari bang masabi ko sa iyo kung sino ang aking ama? Masasabi ko bang humingi ka ng tawad, sa nagpahirap nang labis iyong sa ama? Maaari bang sabihin ko sa aking ama na ikaw ay patawarin, maaari bang sabihin kong ako ay kanyang anak, siya na nagnais na ako ay mamatay? Wala nang nalalabi sa akin kundi ang magtiis, itago sa sarili ang lihim, at mamatay na nagtitiis! Ngayon, kaibigan ko, ngayong alam mo na ang buhay ng kaawa-awa mong si Maria, maisasalubong mo pa kaya sa kanya ang maalipustang ngiting iyan? Maria, ikaw ay isang banal! Akoy maligaya na sapagkat naniniwala ka sa sinabi ko Gayunman, dugtong ng binata na nag-iba ng pangungusap, nabalitaan kong ikaw ay mag-aasawa Oo! ang iyak ng dalaga, ipinipilit ng aking ama ang sakripisyong ito ako ay minahal niya at pinakain, gayong hindi naman niya katungkulan, babayaran ko sa kanya ang utang na loob na ito at bibigyan ko siya ng katiwasayan sa pamamagitan ng pakikikamag-anak na ito; ngunit Ngunit? Hindi lilimutin ang isinumpa kong katapatan sa iyo. Ano ang binabalak mong gawin? ang tanong ni Ibarra na ibig makilala sa mata ng babae ang binabalak nito. Ang hinaharap ay malamlam at ang kapalaran ay balot ng kadiliman! Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin; ngunit malaman mong ako ay minsan lamang umibig, at kung hindi sa

35 Binalak mismo ni Padre Damaso ang paglalaglag sa kapanahunang ipinagdadalantao si Maria Clara. Isang kabalintunaan na sa ating panahon ang simbahan ayaw pagamitin ang mga katoliko ng artipisyal na kontraseptibo at kontra sa aborsiyon. Nagawa ni Rizal na ilabas ang pagiging hipokrito ng mga taong simbahan.

698

pamamagitan ng pag-ibig ay hind ako kakamtin ninuman.36 At ikaw, ano ang kasasapitan mo? Ako ay isang takas lamang. Hindi magtatagal ay mahahalata nila ang aking pagtakas, Maria Hinawakan ng dalawang kamay ni Maria ang ulo ng binata, hinalikan ng ilang beses sa bibig,37 niyakap, at pagkatapos ay biglang inilayo sa kanyang piling. Sulong, tumakas ka! sabi, tumakas ka, paalam! Siya ay tinitigan ni Ibarra ngunit sa isang hudyat niya ay umalis na parang lasing at uurong-sulong ang binata38 Muling tinalon ang pader at sumakay sa bangka. Tinatanaw ni Maria Clara na nakasandig sa palababahan ang kanyang paglayo. Si Elias ay nag-alis ng salakot at bumati nang buong galang sa binibini.

36 Makikita ang determinasyon ni Maria Clara minsan lamang siya iibig at kung wala nito ay hindi siya maangkin ninuman. 37 Dito ay nailarawan ni Rizal unang halikan sa labi sa panahon ng pamamayani ng makalumang panitikan, na ang palaging inilalagay sa ulo ng mga Pilipino ay ukol sa kabalbalan ng kabanalan. Ito pa rin ang susi sa katotohanan na noong mapag-isa sina Ibarra at Maria Clara sa Kabanata 22 ay may romansang naganap sa kanila. 38 Makikita dito na na-shock si Ibarra sa ginawa ni Maria Clara sa kanya. Urong-sulong hindi niya malaman kung uulit pa o tatakas na.

699