14
KABANATA 61 ANG PAGHAHABULAN SA DAGAT “Ginoo, pakinggan po ninyo ang aking iniisip na balak,” ang sabing ni Elias, habang tinutungo nila ang San Gabriel. “Itatago ko kayo sa bahay aking kaibigan sa Mandaluyong; dadalhin ko sa inyo ang lahat ng salaping aking iniligtas, at itinago ko sa paanan ng punong baliti na naroon sa mahiwagang libingan ng inyong ninuno; umalis kayo sa lupaing ito…” “Upang maging istranghero?” ang putol ni Ibarra. “Upang tahimik na makapamuhay sa mga araw na nalalabi sa inyong buhay. Mayroon kayong mga kaibigan sa Espanya, kayo ay mayaman, maaaring malakad ninyong kayo ay bigyan ng kapatawaran. Parang talagang ang ibang lupain ay mabuti pa, kaysa rito sa ating tinubuan .” 1 Si Crisostomo ay hindi sumagot; tahimik na nag-iisip. Dumating sila sa ilog-Pasig at ang bangka ay nagsimulang umusad na pasalungat sa agos. Sa ibabaw ng tulay na malaki 2 ay isang nakakabayo ang matuling 1 MGA PALIWANAG Mayroong historikal na katotohanan ang mga sinasabing ito ni Elias kay Ibarra – buhat sa karanasan ng 1872, marami sa mga ipinatapon sa Marianas ay lumigpit sa Europa. Halimbawa ang Paterno ay nanirahan sa Madrid; Pardo de Tavera, sa Paris; Regidor, sa London; at ang ilan sa mga mestisong Pilipino katulad nina Jose Ma. Basa at Balvino Mauricio ay nanirahan ng tahimik sa Hong Kong. Pansinin din ang sinabi ni Elias na mas mainam pa ang mabuhay sa ibang bayan, kaysa manatili rito sa ating tinubuan – isang masakit na puna ni Rizal sa ating bayan na pinaghaharian ng mga taong mapang- api at mapagsamantala. 2 Tinutukoy dito ang dating ‘Puente de España’ – ang kinaroroonan ngayon ng Jones Bridge. 700

Noli Me Tangere Deciphered-kab061

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

KABANATA 61ANG PAGHAHABULAN SA DAGAT

            “Ginoo, pakinggan po ninyo ang aking iniisip na balak,”

ang sabing ni Elias, habang tinutungo nila ang San Gabriel.  “Itatago ko kayo sa bahay aking kaibigan sa Mandaluyong; dadalhin ko sa inyo ang lahat ng salaping aking iniligtas, at itinago ko sa paanan ng punong baliti na naroon sa mahiwagang libingan ng inyong ninuno; umalis kayo sa lupaing ito…”           “Upang maging istranghero?” ang putol ni Ibarra.           “Upang tahimik na makapamuhay sa mga araw na nalalabi sa inyong buhay.   Mayroon kayong mga kaibigan sa Espanya, kayo ay mayaman, maaaring malakad ninyong kayo ay bigyan ng kapatawaran.   Parang talagang ang ibang lupain ay mabuti pa, kaysa rito sa ating tinubuan.”1

           Si Crisostomo ay hindi sumagot; tahimik na nag-iisip. Dumating sila sa ilog-Pasig at ang bangka ay nagsimulang umusad na pasalungat sa agos.  Sa ibabaw ng tulay na malaki2

ay isang nakakabayo ang matuling nagpapatakbo at may naririnig na isang mahaba at matalas na tunog ng silbato.           “Elias,” ang sabi ni Ibarra, “ang inyong mga kasawian ay galing sa aking mga kaanak, makalawang pagkakataong iniligtas ninyo ang aking buhay, kaya at hindi lamang dapat akong magkaroon ng utang na loob sa inyo, kundi nararapat ding isauli ko ang inyong yaman.  Pinagpapayuhan ninyo akong manirahan sa ibang bansa, sumama kayo sa akin at mabuhay tayong parang magkapatid.   Kayo man ay sawing-palad din dito .”           

Malungkot na iniiling ni Elias ang ulo at sumagot: “Imposible!   Totoong nga na hindi maaaring ako ay umibig o

1MGA PALIWANAG Mayroong historikal na katotohanan ang mga sinasabing ito ni Elias kay Ibarra – buhat sa karanasan ng 1872, marami sa mga ipinatapon sa Marianas ay lumigpit sa Europa. Halimbawa ang Paterno ay nanirahan sa Madrid; Pardo de Tavera, sa Paris; Regidor, sa London; at ang ilan sa mga mestisong Pilipino katulad nina Jose Ma. Basa at Balvino Mauricio ay nanirahan ng tahimik sa Hong Kong. Pansinin din ang sinabi ni Elias na mas mainam pa ang mabuhay sa ibang bayan, kaysa manatili rito sa ating tinubuan – isang masakit na puna ni Rizal sa ating bayan na pinaghaharian ng mga taong mapang-api at mapagsamantala.

2 Tinutukoy dito ang dating ‘Puente de España’ – ang kinaroroonan ngayon ng Jones Bridge.

700

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

maging maligaya sa aking bayan, ngunit maaaring akong magtiis at mamatay sa ating lupain, at marahil ay nang dahil sa kanya:   iyon kahit kaunti ay palaging mahalaga.3  Ang kasawian ng aking bayan ay maging kasawian ko, at kahit hindi kami pinagtali ng isang banal na pag-aakala, kahit hindi magkaisang tumitibok ang aming puso nang dahil sa isang pangalan, ay makaisa ko man lamang sa paghihirap ang aking mga kababayan, makasama man lamang nila ako sa pagluha nang dahil sa aming mga sakit, at maaring ang isang magkatulad na kasawian lamang ang lulunod sa aming mga puso!”4

            “Kung gayon ay bakit ninyo ipinapayo sa akin ang umalis?”            “Sapagka’t sa ibang lupain ay maari kayo ay lumigaya at ako ay hindi, sapagkat hindi kayo ipinganak upang maghirap, at maaring kamumuhian ninyo ang inyong bayan kapag balang araw ay nasawi kayo nang dahil sa kanya:  at ang pagkamuhi sa sariling bayan ay siyang pinakamalaking kasawian.”            “Mali ang palagay ninyo sa akin!” ang naisagot ni Ibarra na may pagdaramdam, “nalimot ninyong kararating ko pa lamang dito ay hinanap ko na ang kanyang ikabubuti…”5

            “Huwag po kayong magdamdam, hindi po ako gumagawa ng pagbatikos:  Kalooban ng Diyos na kayo ay pamarisan ng lahat!6  Nguni’t hindi ko kayo hinihilingan ng imposible, at huwag

3 Ang pag-ibig sa bayan ay dalisay – walang hinihiling na kapalit. Isang tahimik na na pagpupugay ni Rizal sa mga bayaning (noon at NGAYON) na naghandog ng buhay at/o anumang anyo ng kanilang ambag para sa kapakanan ng sawimpalad at pinagsasamantalahang bayan.4

Isang pagpapahayag ng kadakilaan ng pag-ibig ni Elias sa inang bayan. Naging sawi si Elias, ngunit handa siyang ibigay ang kaniyang buhay para sa bayan na kaniyang pinakamamahal. Minsan isang malungkot na pagninilay-nilay ang makikita natin habang binabasa ang bahaging ito, malimit na ang tunay na nagtatanggol sa bayan ay mula sa mga sawimpalad na mamamayan. Napakabihira at natatangi ang galing sa mga pangkat ng mga taong nakakariwasa sa buhay.5

Dito ay ipinadadama ni Rizal sa kaniyang mga mambabasang creole ang magmasid at kumilos sa kalagayan ng bayan. Maaring kaya hindi sila kumikilos ay dahilan sa hindi nila nadarama ang talim ng pagsasamantala dahilan sa mayroon silang mga kayamanan at inpluwensiya sa pamahalaan. Pero sa sandaling lahat ng iyon ay mahubad sa kanila, doon nila mararamdaman ang talas at hapdi na idinudulot ng isang mapagsamantalang sistema sa lipunan.6

Nagawa din ni Elias sa pamamagitan ng buhay ni Ibarra na ipakita na maging ang mga creole ay hindi maaring maging ligtas sa mga

701

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

ninyong ikagagalit kung sabihin kong dinadaya kayo ng inyong puso.  Inibig ninyo ang inyong bayan sapagkat itinuro sa inyo ng inyong ama ang gayon; iniibig ninyo siya sapagkat nasa kanya ang inyong pag-ibig, kayamanan, kabataan; sapagkat nakangiti sa inyo ang lahat ng bagay, wala pang kasamaang nagagawa sa inyo ang inyong bayan.   Ngunit pagsapit ng araw na kayo ay maghirap, madayukdok, inuusig, masuplong at pinagtaksilan nang inyo ring mga kababayan, sa araw na iyan, ay isusumpa ninyo ang inyong sarili, ang inyong bayan at ang lahat na.”            “Ang inyong mga pangungusap ay nakakasugat sa akin,” ang sabing may pagdaramdam ni Ibarra.            Tinungo ni Elias ang ulo, nag-isip at sumagot: “Ibig ko pong bigyan kayo ng disilusyon, upang mailayo kayo sa malungkot na kinabukasan.  Maalala sana ninyo noong minsang kausap ko kayo sa dito sa bangka din ito at nang sa liwanag ng buwan ding iyan, may isang buwan na ngayon humigit-kumulang;7 noon ay maligaya kayo.  Ang daing ng mga sawing-palad ay hindi ninyo dininig, hindi ninyo pinahalagahan ang kanilang mga karaingan sapagkat para sa inyo ay daing ng mga kriminal; inayunan pa ninyo ang kanilang mga manunupil, at kahit anong paki-usap ko at pangangatwiran ay kumampi kayo sa mga maniniil, gayong nang kapanahunang iyon ay nasa kamay ninyo ang ako ay maging salarin o mamatay sa pagtupad sa isang hindi mababaling pangako.  Hindi ipinahintulot ng Diyos na mangyari ang gayon sapagkat ang matandang pinuno ng mga tulisan ay namatay… Isang buwan ang nakaraan at ngayon ay iba na ang inyong kaisipan!”            “May katwiran kayo, Elias, ngunit talagang ang tao ay isang hayop na sumusunod sa mga kaganapan:   noon ay nabubulagan ako, masama ang aking loob, ewan ko ba!   Ngayon ay inalis ng kasawian ang piring sa aking mga mata; ang pag-iisa at ang karumal-dumal na kalagayan sa aking bilangguan ay nagturo sa akin; ngayon ay nakikita ko ang kakila-kilabot na kabulukang sumisira sa lipunang ito, na nakakapit sa kanyang mga laman at humihingi ng isang matinding kagamutan.   Sila ang nagbukas sa aking mata, ipinatanaw nila sa akin ang sugat at pinilit akong magkasala!   At dahil inibig nila ang gayon ay magiging pilibustero ako, ngunit tunay na pilibustero; tatawagin ko ang lahat ng mga nahihirapan, ang lahat noong sa loob ng

pakana ng mga taong tunay na nakikinabang sa pagsasamanta sa bayan.7

Isang kabalintunaan ng pagkakataon na sa bangkang iyon ni Elias ay hindi pinakinggan ni Ibarra ang pakiusap ni Elias na iparating ang daing ng mga taong bayan sa pamahalaan. Ngunit sa nasabi ding bangka naganap ang pagkamulat ni Ibarra sa kalagayan ng bayan.

702

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

kanilang mga dibdib ay nakakaramdam na may tumitibok na puso, iyang mga taong nagpasugo sa inyo upang ako’y kausapin…8 hindi, hindi maaring maging taksil sapagkat kailanman ay hindi taksil ang nakikipaglaban nang dahil sa kanyang bayan!9  Sa loob ng tatlong daang taon ay iniabot natin sa kanila ang ating mga kamay, hinihingaan natin ng pag-ibig, hinahangad nating matawag silang mga kapatid, ano ang itinutugon sa atin?   Mga pagkutya at pag-iring, at halos ayaw tayong kilalaning tao.10  Walang Diyos, walang pag-asa,  walang paglingap sa katauhan; wala na, kundi ang katwiran ng lakas!”11

Si Ibarra ay nanginginig; ang buong katawan niya’y yumayanig.

8

Mapapansin na makikipag-ugnayan si Ibarra sa mga tulisan na nagpasugo kay Elias para siya kausapin. Dito ay makikita ang isang determinasyon ni Ibarra na ipunin ang mga sawimpalad ng lipunan para pamunuan ang pakikipagtuos sa isang opresibo at mapagsamantalang pamahalaan, na hindi kumikilos para sa kabutihan ng bayan.9

Sa bahaging ito ipinahayag ni Ibarra an kaniyang pagkamulat sa kalagayan ng bayan. Ang mga tulisan na inaakala niya noon na mga kriminal ay nagkarron siya ng isang tunay na makabagong pananaw – Hindi kaylanman magiging taksil kaylanman ang nakikipaglaban nang dahil sa kaniyang bayan. – Maaring ipakilala ng isang mapagsamantalang pamahalaan ang kaniyang mga armadong kalaban na mga rebelde, subersibo o terorista pero ang lilitaw na ang tunay na taksil sa bayan ay ang mga taong ipinagbibili at isinasanla ang kapalaran at kinabukasan ng bayan sa kanilang mga kasosyong dayuhan at pandaigdigang bangkong pautangan.10

Ang bahaging ito ng pahayag ni Ibarra ay isang hayagang pagsasabi ni Rizal ng kawalang kabuluhan ng pakilos ng mga repormista, na noon ay naniniwala na may pag-asa pa na pag-isahin ang Espanya at Pilipinas sa ilalim ng isang karaniwang batas at kapantayang panlahi. Sa kaniyang pangungusap na ito ay nagbubukas si Rizal ng isang panibagong alternatibo na maari nilang tahakin - ang landasin ng pagsasarili bilang isang bansa.11

Katwiran ng Lakas – mapapansin sa pananalita ni Ibarra ang kaniyang banta ng paggamit ng armadong pamamaraan. Isang kalakaran ng kasaysayan na ang mga inaapi at pinagsasamantalahan na ayaw pakinggan ng bingi at manhid na pamahalaan ay sumasapit ang panahon ng armadong konprontasyon. Nililinaw at isinisigaw ng mga putok ng armas, ang kanilang mga hindi pinayagang pangangatwiran.

703

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

Dumaan sila sa tapat ng tahanan ng Heneral12 at parang may napuna silang galawan at pagkakagulo ng mga bantay.13ª

“Napuna na kaya ang pagtakas?” ang bulong ni Elias. 

“Humiga kayo upang takpan ko kayo ng zacate 14 dahil daraan tayo sa kalapit ng Polvorista,15 baka tayo sitahin ng bantay kapag dalawa tayo.”

Ang bangka ay makikitid na bangkang pandamo na hindi bumabagtas kundi dumudulas lamang sa ibabaw ng tubig. Gaya nang hinala ni Elias ay pinahinto siya ng bantay at tinanong kung saan galing.            

“Sa Maynila, binigyan ko ng damo ang mga oidor/hukom at mga kura,” ang sagot na ginagaya ang punto ng mga taga-Pandakan.            Isang sarhento ang lumabas at siniyasat ang nangyari.            “Sulong!” ang sabi nito, “ibinibilin ko sa iyo na huwag kang magsasakay kahit sino sa bangka mo; may isang bilanggong katatakas pa lamang.  Pag nahuli mo at dinala mo rito sa akin ay bibigyan kita ng malaking pabuya.”

12

Muli na namang ipinakita ni Rizal ang kaniyang kahusayan sa simbolismo – Pansinin sana na si Ibarra ay nagpapahayag nang paghamon sa sistemang kolonyal – habang ang bangka ay dumadaan sa likuran ng Malacañan. Napakalaki ng pagkakaiba, ang mga kasalukuyang nagpo-protesta at humahamon sa kapangyarihan ng punong ehukutidbo ay isinasagawa ito sa harapan.13

Inilalarawan dito ni Rizal sa kapanahunan ng Espanya na ang galawan ng mga bantay sa Malacanan na tahanan ng punong ehekutibong kolonyal na pamahalaan ay mistulang termometro ng init ng panganib na kanilang nararamdaman. Sa panahon ng himagsikang Pilipino noong 1896 ay iniwan ng punong tagapagpaganap, ang palasyo ng Malacanan upang magkanlong sa “ligtas” na lugar sa loob ng nababakurang lunsod ng Maynila sa Intramuros.ª

14 Takpan ng zacate – Sa kuwento ni Artigas y Cuerva, bago maganap ang kaguluhan ng 1872 ay mayroong mga kabataan na nagdadala at namumudmod ng mga babasahing kontra sa konserbatibong elemento ng lipunan na itinatago ang mga babasahing ito sa pamamagitan ng pagtatabon ng mga damong Zacate.15

Ito ang nagsisilbing bahay ng mga bantay – katulad ito ngayon ng military detachment.

704

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

            “Opo, ano po ang tanda?”            “Naka levita at marunong ng Kastila; kayat ingat ka!”            Ang bangka ay lumayo.  Lumingon si Elias at nabanaagan ang bantay na nakatayo sa tabi ng pampang.            “Maabala tayo ng ilang sandali,” ang marahang sabi, “dapat tayong pumasok sa ilog-Beata upang ipakita na taga-Peñafrancia ako.  Makikita ninyo ang ilog na inawit ni Francisco Baltazar.”            Ang bayan ay nakakatulog sa liwanag ng buwan.  Si Crisostomo ay tumayo upang pagmasdan ang tila-libingang katahimikan ng kalikasan.  Ang ilog ay makipot at ang kanyang mga pampang ay nababalutan ng damo. Itinapon ni Elias ang kanyang dalang damo sa pampang, humawak sa isang kawayang mababa at kumuha sa ilalim ng mga dayami ng ilang bayong na walang laman.  Nagpatuloy sila ng pamamangka.

“Kayo po ang makapangyayari ng inyong kagustuhan at sa kung ano ang ibig gawin,” ang sabi kay Crisostomo na hindi umiimik.  “Ngunit kung ipahihintulot ninyo sa akin ang isang payo ay sasabihin ko sa inyong:   Tingnan ninyong mabuti ang inyong gagawin, sisindihan ninyo ang isang digmaan, dahil mayroon kayong salapi, talino at madali kayong makakatagpo ng mga bisig, dahil sa maraming masama ang loob.16 Datapuwat sa labanang ito, na inyong kakaharapin, ay ang mga hindi makapagtatanggol at mga walang kasalanan ang siyang mapapahirapan.  Ang mga damdamin ding nag-udyok sa akin, noong may isang buwan na ngayon ang nakararaan, nang kayo’y kausapin tungkol sa paghingi ng mga pagbabago, ay siya ring umuudyok sa akin sa ngayon sa  pagsasabing mag-isip kayo.  Ang bayan po ay hindi iniisip na mahiwalay sa Espanya; walang hinihingi kundi kaunting kalayaan lamang, kaunting karapatan at kaunting pag-ibig.   Tutulungan kayo ng mga di-nasisiyahang- loob, ng mga maysala, ng mga wala nang pag-asa sa kabuhayan, nguni’t ang bayan ay hindi kikilos.   Namamali kayo kung iniisip ninyong ang bayan ay may naisin nang magbangon, dahil sa namamalas ninyong ang lahat ay madilim.     Ang bayan nag ay naghihirap, oo, nguni’t nag-aantay pa rin, nananalig, at magbabangon lamang kapag naubusan na ng pagtitiis, sa isang sabi, kung kailan ibigin ng mga namamahala, bagay na lubha pang malayong mangyari.   Ako mismo ay hindi makikisama sa inyo; kailanman ay hindi ko lalapitan ang mga huling panglunas na iyan, samantalang mayroon pa akong nababanaagang pag-asa sa mga tao.”17

16

Ipinapakita ni Rizal ang potensiyal ng mga creole para pangunahan ang himagsikan.17

705

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

            “Kung gayon ay gagawin ko nang hindi kayo kasama!” ang matigas na sagot ni Crisostomo.            “Iyan na ba ang huli ninyong kapasyahan?”            “Matigas at huli na, saksi ko ang ala-ala ng aking ama!   Hindi ko mapapayagang ako ay alisan ng katiwasayan at kaligayahan nang hindi naghihiganti, akong walang ninanais kundi kabutihan, akong ang lahat ay aking iginalang at tiniis dahil lamang sa pag-ibig sa isang ipokritong relihiyon at sa pag-ibig sa isang bayan.   Ano ang iginanti sa akin?   Ang ako ay itapon sa isang karumal-dumal na kulungan at pawiin ang kalinisan ng aking magiging kabiyak ng dibdib.   Ang hindi ko paghihiganti ay magiging isang kasalanan, hihikayat pa upang sila ay gumawa ng bagong mga kapaslangan!   Dapat na mawala ang karuwagan, ang pangangamba; ang pagdaing at pagluha kapag may dugo at may buhay, kapag sa paglait at paghamon ay kasama ang pag-alipusta!  Tatawagan ko ang mangmang na bayang iyan, ipakikilala ko sa kanya ang kanyang karukhaan; huwag nang alalahaning may mga kapatid; wala kundi mga lobo lamang na nagkakagatan, at sasabihin ko sa kanilang sa paniniil na ito ay nahaharap at tumututol ang lakas na karapatan ng tao sa pagtuklas ng kanyang kalayaan!”18

            “Ang mga taong bayang walang kasalanan ay maghihirap!”

Mapapansin na nagkaroon ng pagbabago sa puso ni Elias, kaniyang tinalikuran ang una niyang balakin at hindi kasundo sa armadong alternatibo na iminumungkahi ni Ibarra. Bakit nagbago ang isipan ni Elias? 18

Ang unang pangangailangan sa isang matagumpay na himagsikan ay ang ipakita sa mga mamamayan ang tunay nilang kalagayan, ang mga dahilan ng paghihirap ng bayan ay hindi lamang nila tunay na kagagawan – kundi ng isang sistemang panlipunan na nabubuhay sa pang-aapi at pagsasamantala.

706

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

            “Lalong mabuti!19 Maihahatid ba ninyo ako hanggang sa kabundukan?”            “Hanggang sa makarating kayo sa kaligtasan!” ang sagot ni Elias.            Muli silang lumabas sa ilog-Pasig.  Paminsan-minsang nag-uusap sila tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan.             “Santa Ana!” ang bulong ni Ibarra.  “Marahil ay kilala ninyo ang bahay na ito?”            Noon ay dumadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga Jesuita.            “Maraming araw na masasaya at maliligaya ang dumaan sa akin diyan!”20 ang buntung-hininga ni Elias.  “Noong nag-aaral pa ako ay nagpupunta kami diyan buwan-buwan… noon ay kagaya ako ng iba, mayroon akong yaman, kaanak, pinangangarap ko at nakatanaw sa isang kinabukasan.  Sa mga araw na iyon ay nakikita ko ang aking kapatid na nasa kalapit na paaralan; dinadalhan niya ako ng isa niyang gawa… ang lagi niyang kasama

19

Ang anumang magiging pagpapahirap ng pamahalaan sa bayan ay makakabuti sa himagsikan. Hanggang hindi pa nararamdaman ng bayan ang mga pahirap, hindi siya kikilos. Sa ating panahon ay isang babala sa pamahalaan – sige payagan pa nilang itaas ang presyo ng langis na araw-araw, kahit hindi nagtataas ang OPEC at huwag na silang maglaro pa ng roll back, payamanin natin ang mga dayuhang kumpanya ng langis; sige, itaas pa ang presyo ng koryente, at bayaran natin ang mga bilyong piso ang mga plantang na hindi naman gumagawa ng koryente, gawin pang 40 porsiyento ang Value Added Tax at gawin pa nating 80 porsiyento ng pambansang budget ang ibayad natin sa utang ng bansa. Kung hindi ang bayan ay magsusulong ng tunay na himagsikan, na hindi katulad sa mga inutil na himagsikan ng EDSA.20

Sinabi ni Elias noong mapadaan siya sa bahay bakasyunan ng mga Jesuita na maraming masayang araw ang nagdaan sa kaniya doon. Ang bahay bakasyunan ng mga Jesuita sa Santa Ana ay malimit na pinupuntahan ni Rizal noong siya ay mag-aaral – mayroong nagsasabing sa nasabing bahay bakasyunan sinulat ni Rizal ang kaniyang unang mahalagang akda na pinamagatang Junto Al Pasig .

Noong si Rizal ay naglalakad sa daang Malecon para bitayin sa Luneta ay natanaw niya ang Ateneo at sinabi niya sa kaniyang kasabay na “Maraming masayang araw ang dumaan sa kaniya sa Ateneo”.

707

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

ay isang kaibigan, isang magandang binibini.21  Lahat ay nagdaan na parang panaginip lamang.”            Namalaging tahimik ang dalawa hanggang sa dumating sa Malapad-na-bato.22  Ang mga nakapaglakbay nang minsan, sa gabi, sa ilog ng Pasig, sa isa sa magagandang gabi na inihahandog ng Pilipinas, kapag ang buwan ay nagsasabog, mula sa bughaw na langit, ng mga malulungkot na tulain; kung itinatago ng dilim ang mga pagdurusa ng katauhan at ang katahimikan ay umiinis sa tunog ng kanyang tinig; kung ang tanging nangungusap ay ang kalikasan, sila lamang ang nakakaalam sa iniisip ng dalawang binata.            Ang karabinero sa Malapad-na-bato ay nag-aantok at dahilang nakita na walang laman ang bangka at walang anumang makukulimbat, na kaugalian ng pangkat na iyon ng kawal ay binayaan silang madaling makaraan.23 Ang guwardiya sibil man sa Pasig ay hindi rin nagkaroon ng anumang hinala, at hindi sila ginambala. Mag-uumaga na nang sila ay dumating sa lawa na payapa at tahimik na mistulang isang malaking salamin.  Ang buwan ay unti-unting namutla at ang silanganan ay nababahiran ng tintang kulay pula.  Sa dakong malayo ay mayroon silang nabanaagang isang malabo-labong bagay na unti-unting lumalapit.            “Dumarating ang falua,” ang marahang sabi ni Elias, “mahiga kayo at tatakpan ko kayo nang bayong. Ang anyo ng daong ay lalong lumilinaw at nakikilala.             “Pumapagitna siya sa atin at sa dalampasigan,” ang nasabi ni Elias, na nakakaramdam ng panganib. Iniba ang ang patutunguhan ng kanyang bangka at dahan-dahang sumagwan patungo sa Binangonan.  Sa kabila ng kanyang pagkalito ay napansin na ang falua ay nagbago rin ng direksiyon samantalang

21

Ang binabanggit na paaralan ay ang La Concordia kung saan nag-aaral ang kapatid na babae ni Elias. Sa kabilang dako, ang mga kapatid na babae ni Rizal ay nag-aral din sa La Concordia at sa kapanahunang si Rizal ay nag-aral ng sabay sa Unibersidad ng Santo Tomas at Ateneo ay dumapo sa kaniya ang kaniyang unang pag-ibig na napaukol sa kaibigan ng isa sa kaniyang kapatid na babae – ang dalagitang iyon ay Segunda Katigbak ng Lipa, Batangas. Ang dalagita ay nagkaloob ng mga bulaklak na rosas na gawa sa papel kay Rizal noong ay dumadalaw pa sa dalagita.22

Malapad na Bato – bahagi ito ngayon ng bayan ng Makati.23

Isa sa sakit noon ng mga kawal na nagbabantay sa mga checkpoint ay ang patigilin ang mga naglalakbay na bangka at humingi ng anuman sa mga mangangalakal ng anumang bagay na nasa loob ng sasakyan para madali itong makalampas sa kanilang binabantayan.

708

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

sinisigawan siya ng isang tinig. Si Elias ay huminto at nag-isip.  Ang pampang ay malayo pa at di magtatagal ay aabutin na sila ng baril ng mga nasa falua.  Binalak niyang magbalik sa Pasig; ang kanyang bangka ay matulin kaysa sa daong.  Ngunit isang masamang kapalaran, isang bangka na nanggagaling sa Pasig at natatanaw ang kislap ng mga bayoneta at mga capacete ng mga guwardiya sibil.            “Napapaligiran tayo!” ang bulong niyang namutla. Tiningnan ang kanyang malalaking bisig at nagpasiya na ang tanging paraang magagawa ay sumagwan nang ubos-lakas, patungo sa pulong Talim.  Samantala naman ay dumudungaw na ang araw. Ang bangka ay matuling umuusad; nakita ni Elias sa ibabaw ng falua, na pumihit, ang ilan kataong kumakaway sa kanya.            “Marunong po ba kayong mamangka?” ang tanong kay Ibarra.            “Opo, bakit?”            “Sapagkat wala na tayong ligtas kung hindi ako tatalon sa tubig, sila ay aking ililigaw.  Hahabulin nila ako, magaling akong lumangoy at sumisid… ilalayo ko sila sa inyo, at pagkatapos ay pagsikapan ninyong makaligtas.”            “Huwag, manatili kayo at ipagbili natin ng mahal ang ating buhay!”            “Hindi maari, wala tayong sandata, at sa kanilang baril ay mapapatay tayong parang maliliit na ibon.”24

            “Sa sandaling iyon, narinig nila ang sa isang tsis sa tubig, na parang paglagpak ng isang mainit na bagay, na kasunod ang isang putok.            “Nakita na ninyo?” ang sabi ni Elias, na inilagay ang sagwan sa bangka.  “Magkikita tayo, sa Noche Buena, sa libingan ng inyong ninuno.  Lumigtas kayo.”            “At kayo?”

24

Maliit lamang ang hanay ng salitang ito ni Elias, ngunit ito ang kabuuang pilosopiya ni Rizal ukol sa himagsikan. Tinanggihan ni Rizal ang alok ni Pio Valenzuela na pangunahan ang himagsikan dahilan sa kawalan ng sapat na armas ng mga rebolusyonaryong Pilipino na kasapi sa Katipunan. Para kay Rizal, ang himagsikang walang sapat na sandata ay isang anyo ng maramihang pagpapatiwakal.

709

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab061

            “Inililigtas ako ng Diyos sa maraming panganib.”            Hinubad ni Elias ang suot na baro; at ito ay binutas sa kaniyang kamay ng isang punglo at dalawang putok ang narinig.  Panatag na kinamayan si Ibarra, na patuloy rin sa pagkakahiga sa loob ng bangka; tumayo at tumalon sa tubig, na sabay sa pagtulak nang paa sa kaniyang bangka. Narinig ang ilang sigaw at agad nakita sa malayo ang paglabas ng ulo ng binata na upang makahinga, at madaling lumubog.            “Doon, naroon!” ang sigaw ng ilang tinig at muling humaging ang mga punglo.            Sinundan siya ng falua at ng bangka; ang bahagyang pag-galaw ng tubig ang nagtuturo ng kanyang dinadaanan, at siya ay palayo nang palayo sa bangka ni Ibarra, na lumalakad na parang walang sakay.  Sa bawa’t paglabas ng ulo ng lumalangoy, upang huminga, ay pinapuputukan ng mga guwardiya sibil at ng mga tao sa falua. Ang paghahabulan ay nagtatagal; ang bangka ni Ibarra ay malayo na, ang lumalangoy ay malapit na sa pampang na ang layo ay mga limampung dipa na lamang.  Ang mga sumasagwan ay pagod na, ngunit maging si Elias ay gayon din, sapagkat madalas na inilalabas ang ulo at sa iba’t ibang dako, na parang ibig lituhin ang mga humahabol sa kanya.  Hindi na makita sa tubig palatandaan ng nilalanguyan.  Ang huling kita sa kanya ay may sampung dipa na lamang ang layo sa pampang, pinaputukan ng mga humahabol… at pagkatapos ay nakaraan ang mga sandali; wala nang lumitaw sa ibabaw ng tubig ng tahimik at patag na lawa. Makatapos ang kalahating oras, ang mananagwan ay may napansin na na tila dugo sa tubig, sa malapit sa pampang, ngunit umiiling ang kanyang mga kasama nang iling na hindi masabi ang kahulugan kung sang-ayon o hindi.

710