13
KABANATA 9 MGA BAGAY-BAGAY NG BAYAN Hindi nagkakamali si Ibarra: sa kanyang nakitang victoria ay nakasakay si Padre Damaso at papunta sa bahay na di pa natatagalan niyang nilisan. “Saan kayo pupunta?” ang tanong ng prayle kay Maria Clara at kay Tia Isabel na pasakay na sa isang karwaheng may mga palamuting pilak; sa kabila ng mga iniisip ukol sa sarili ay nagawa pa ni Padre Damaso na tapik-tapikin ang mga pisngi ng binibini. “Sa Beaterio, upang kunin ang aking mga gamit ko doon,” ang sagot ng dalaga. “Ahaaa! Aha! Ang naibulalas na hindi pansin na may kaharap at sinabi pa na “Tingnan natin kung sino ang masusunod sa amin, tingnan natin…” na nakatingin sa itaas ng hagdanan na kaniyang tinutungo, kaya’t ang dalawang babae ay labis na nagtataka. “Marahil ay may sermong ginagawa at isinasaulo!” sabi ni Tia Isabel. “sumakay ka na Maria at gagabihin tayo.” Hindi namin masasabi kung si Padre Damaso ay mayroon o walang sermon; ngunit malalaking bagay ang marahil ang nasa kanyang isipan, dahil hindi iniabot ang kamay kay Kapitan Tiyago, na halos napaluhod upang makahalik. “Santiago!” ang unang nasabi, “mayroon tayong mahahalagang bagay na pag- uusapan; halika sa iyong opisina .” 1 Si Kapitan Tiyago ay di- mapalagay, hindi makapagsalita, nguni’t sumunod sa matabang pari na isinara ang pinto nang sila ay makapasok. Samantalang lihim silang nag-uusap ay tuklasin natin ang 1 MGA PALIWANAG Pansinin ang galit at pambabastos ni Pray Damaso kay Kapitan Tiago – ito ay dahil siya mismo ang nagsabi sa huli na magtungo sa opisina (bahay iyon ni Kapitan Tiyago). Sa bahaging ito ay ipinapakita ang pakikitungo ng karaniwang prayle sa isang mayamang Pilipino – isipin na lamang kung papaano pa kung tratuhin nito ang mga mahihirap na Pilipino. 112

Noli Me Tangere Deciphered-kab09

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

KABANATA 9 MGA BAGAY-BAGAY NG BAYAN

Hindi nagkakamali si Ibarra:  sa kanyang nakitang victoria ay nakasakay si Padre Damaso at papunta sa bahay na di pa natatagalan niyang nilisan.          “Saan kayo pupunta?” ang tanong ng prayle kay Maria Clara at kay Tia Isabel na pasakay na sa isang karwaheng may mga palamuting pilak; sa kabila ng mga iniisip ukol sa sarili ay nagawa pa ni Padre Damaso na tapik-tapikin ang mga pisngi ng binibini.          “Sa Beaterio, upang kunin ang aking mga gamit ko doon,” ang sagot ng dalaga.          “Ahaaa!  Aha!  Ang naibulalas na hindi pansin na may kaharap at sinabi pa na “Tingnan natin kung sino ang masusunod sa amin, tingnan natin…” na nakatingin sa itaas ng hagdanan na kaniyang tinutungo, kaya’t ang dalawang babae ay labis na nagtataka. 

“Marahil ay may sermong ginagawa at isinasaulo!” sabi ni Tia Isabel.  “sumakay ka na Maria at gagabihin tayo.”

Hindi namin masasabi kung si Padre Damaso ay mayroon o walang sermon; ngunit malalaking bagay ang marahil ang nasa kanyang isipan, dahil hindi iniabot ang kamay kay Kapitan Tiyago, na halos napaluhod upang makahalik. “Santiago!” ang unang nasabi, “mayroon tayong mahahalagang bagay na pag-uusapan; halika sa iyong opisina.”1

Si Kapitan Tiyago ay di-mapalagay, hindi makapagsalita, nguni’t sumunod sa matabang pari na isinara ang pinto nang sila ay makapasok.          Samantalang lihim silang nag-uusap ay tuklasin natin ang nangyari kay Pray Sibyla. Ang maalam2 na Dominicano ay maagang-maagang umalis sa kumbento ng Binondo matapos makapagmisa at nagtungo sa kumbento ng kanyang orden na nasa pagpasok ng Puerta de Isabel o de Magallanes, alinsunod sa liping naghahari sa Madrid.3 Umakyat si Pray Sibyla na hindi pinansin ang masarap na

1MGA PALIWANAG Pansinin ang galit at pambabastos ni Pray Damaso kay Kapitan Tiago – ito ay dahil siya mismo ang nagsabi sa huli na magtungo sa opisina (bahay iyon ni Kapitan Tiyago). Sa bahaging ito ay ipinapakita ang pakikitungo ng karaniwang prayle sa isang mayamang Pilipino – isipin na lamang kung papaano pa kung tratuhin nito ang mga mahihirap na Pilipino.2

Ang mas tamang ingles ay astute na nangangahulugang matalino sa mga pamamaraan at may malayong pananaw lalo na sa mga bagay o pangyayari na mayroon siyang pakikinabangan.

3 Ang pangalan ng pangunahing pintuan papasok ng Intramuros ay nagbabago ayon sa angkan ng namumuno – ganito pa rin hanggang sa

112

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

amoy ng sikulate, maging ang tunugan ng mga kahon at salapi,4 na nanggagaling sa dako ng Procuracion5 bahagya nang sinagot ang magalang na bati ng procurador; binagtas ang ilang pasilyo at tumawag sa pamamagitan ng pagkatok, sa isang pinto.  “Tuloy!” ang hibik ng isang tinig.        

“Ibalik nawa ng Diyos sa reverencia ang kalusugan,” ang bati ng batang Dominicano pagpasok.6

Nakaupo sa isang malaking silya ang isang matandang paring payat, naninilaw, katulad ng mga santong ipininta ni Rivera.7  Ang mga mata ay nakalubog, may makapal na kilay, na sa dahilang parating magkasalubong ay nakapagdaragdag ng kinang sa kanyang naghihingalong mata. Nag-iisip siyang minamasdan ni Pray Sibyla na noon ay nakahalukipkip sa ilalim ng kagalang-galang na kalmen ni Sto. Domingo.  Pagkatapos ay tumungong hindi nagsasalita at parang naghihintay.8            

ngayon, ginagamit ng nanunungkulang pinuno ang kaniyang puwersa para palitan ang pangalan ng mga pampublikong gusali at inprastruktura para sa kaluwalhatian ng kanilang mga namayapang magulang.

4 Hindi pinansin ni Pray Sybila ang amoy ng sikulate at ang kalansingan ng pera dahilan sa mayroon siyang higit na mahalagang bagay na gagawin. Subalit kung wala, siguradong papansinin niya iyon. Makikiinon siya na tanda ng katakawan at makiki-usyoso sa pagbibilang ng salapi na maaring palatandaan ng pagkahilig niya sa pera. Nagagawa lamang ng mga prayle na masunod ang kanilang panata ng kahirapan dahilan sa lubhang pangangailangan.

5 Tanggapan ng procurador na nakakaalam sa pananalapi sa mga kumbento.

6 Bakit masyadong concern si Pray Sybila sa kalagayan ng matandang paring maysakit? Natural sa isang tao na magpakita ng simpatya sa isang tao na mayroong malubhang karamdaman. Ang ating pagsimpatya ay nagmumula sa kakayahan na ilagay natin ang ating mga sarili sa kalagayan ng iba. Bilang kapwa pari, alam ni Padre Sybila ang pinagdaanang buhay ng matandang pari na maysakit na kaharap niya, (katulad din ng pagkakaroon ni Padre Sybila ng kaalaman sa pinagdaanan ni Padre Damaso).

7 Rivera – pintor na Espanyol na kilala sa mahuhusay niyang pintang larawan na ang pangunahing katangian ay ang nakakasindak na eksena tulad ng pagpakakasakit, pagpapahirap, at kamatayan. (Glosaryo)

8 Sa kabilang dako, mararamdaman sa bahaging ito ay hindi lamang ang labis na simpatya ni Pray Sybila para sa matandang pari, kundi ang contemplation sa kalagayan ng matandang pari.

113

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

“Ah!” ang buntunghininga ng maysakit, “pinagpayuhan ako ng operasyon , Hernando, ang operahan sa edad kong ito!  Ang lupaing ito, ang kakila-kilabot na lupaing ito!   Matuto ka sa nakikita mo sa akin, Hernando!9 

“At ano po ang iyong pasya?” tanong ni Pray Siblya na itinaas ang tingin at itinitig sa maysakit.10

          “Ang mamatay!   Mayroon pa bang natitira sa akin kundi iyon na lamang?   Malaki ang aking ipinaghirap; ngunit… marami akong pinapaghirap… nagbabayad ako ng aking utang!11  At ikaw, ano ang lagay mo?  Ano ang iyong dalang balita?”

“Naparito ako upang kausapin kayo tungkol sa inyong ipinagawa sa akin.”12

“Ah!  At ano?”“Psh!” sagot na masama ang loob ng bata, na umupo at iniharap

ang mukha sa ibang dako, “si Ibarra ay binatang may katalinuhan; hindi mukhang hangal, gaya ng sinasabi sa atin, at sa palagay ko ay isang mabuting bata.”13

“Sa akala mo?” “Nagsimula na po kagabi ang labanan!” “Agad-agad na, papaano?” 14

9

Ang matandang pari ay mayroong sakit na ang dahilan ay ang pagsasamantala sa Pilipinas.… pansinin ang sinabi nito kay Padre Sybila ‘Ang lupaing ito, ang kakila-kilabot na lupaing ito!  Matuto ka sa nakikita mo sa akin, Hernando! Matutunugan na mayroong malaking nalalaman ang matandang pari ukol sa kahiligan ni Pray Sybila sa babae, at ito ay nangangaral sa pamamagitan ng babala sa batang pari upang makaiwas sa kalagayan na katulad ng sa matanda. (Mayroong alam sa isa’t isa ang dalawa) Sangguniin ang talababa 11.

10 Sa tanong pa lamang ni Pray Sybila ay mapapansin na ang kaniyang nararamdaman na malaman ang gagawin ng matandang pari ay upang malaman niya ang kaniyang magiging option sa hinaharap kapag siya na ang nasa kalagayan ng matandang pari.11

Kinukumpirma rito ni Rizal na ang karamdaman ng matandang Dominicano ay dahilan sa pagsasamantala sa bayan at sa ganito ay pinaghigantihan lamang siya ng kapalaran.

12 Mula sa pag-uusap ay makikita na si Pray Salvi ay nag-uulat sa matandang Dominicano, sa ganito ang pari ay mayroong mataas na katungkulan sa orden.

13 Sa paglalarawan ni Rizal sa kilos ni Pray Sybila ay kaniyang ipinararamdam sa kaniyang mga mambabasa ang pagiging masusi o masiyasat na pagtingin nito kay Ibarra. Tandaan ang kaniyang pagkabigla ng una niyang makita ang binata sa bahay ni Kapitan Tiyago.

14 Bago pa man makita ni Pray Sybila si Ibarra ay mayroon na siyang mga pangunahing inpormasyon ukol sa binata. Ito ang dahilan kaya nabigla si Padre Sybila at tiningnan ng buong pagsusuri si Ibarra sa naganap na

114

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

Sa maikling salita ay isinalaysay ni Pray Sibyla ang nangyari kay Padre Damaso at kay Crisostomo Ibarra.

“Saka ang isa pa,” ang patapos na sabi, “ang binata ay magiging asawa ng anak ni Kapitan Tiyago, na nag-aral sa paaralan ng ating mga hermana; mayaman at hindi iibigin ang magkaroon ng kagalit upang mawala ang kanyang kaligayahan at kayamanan.15 Itinungo ng maysakit ang ulo, bilang pagsang-ayon.

“Oo, gayon din ang akala ko… Kung gayon ang magiging asawa at ang biyenan ay buong-buong atin siya.  At kung hindi, lalong mabuti ang lumantad na kaaway natin!”16

Nagtatakang napatingin sa matanda si Pray  Sibyla.“Sa ikabubuti ng ating banal na corporacion, ang ibig kong

turan,” ang dugtong na nahihirapan sa paghinga,17 “ibig ko pa ang tayo ay kalabanin kaysa mga huwad na papuri ng mga kaibigan… na sa mga bagay na iyan sila binabayaran.”18

“Sa akala po ninyo ay…?”

hapunan sa bahay ni Kapitan Tiyago. Hindi inaakala ni Padre Sybila ang pagsulpot ng taong pasusubaybayan sa kaniya. Mapapansin na ang inpormasyon na naibigay sa kaniya ay mapanira at hindi tugma sa kaniyang nasaksihan. Sa hanay ng pananalitang ito ay ipinapaalam ni Rizal, na ang mga prayle ay mayroong nakatalagang paraan ng pagmamanman sa mga taong inaakala nilang panganib sa seguridad ng simbahan. Pinag-aaralan nila ang mga taong inaakala nilang banta sa kanilang institusyon at naghahanda ng mga pamamaraan kung papaano ito pahihinain sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng pressure.

15 Ipinapakita ni Rizal sa pamamagitan ng pag-uusap ng dalawang pari ang kaisipan ng mga taong mayaman – ang kawalan nila ng pangangahas na makipag-alit sa mga makapangyarihang puwersa na mag-aalis sa kanila ng kaligayahan at kayamanan. Ang kasiyahang loob ang pangunahing dahilan upang ang isang tao ay huwag magreklamo. Subalit sa nobelang ito ay babakahin ni Rizal ang paniniwalang ito.16

Para sa matandang pari ay mas mabuti pa ang maging hayagang kaaway si Ibarra kaysa sa papuri sa kanila ng mga bayarang kaibigan.

17 Pansinin na nahihirapang huminga o naghihingalo ang matanda habang binabanggit ang korporasyon ng mga prayle. Isang lihim na pagsundot ni Rizal sa kalagayan ng mga korporasyong pangrelihiyon sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan.

18 Makikita dito na ang matandang pari ay tila isang Machiavelli na higit na nakikita ang kabuluhan ng puna na mula sa kanilang mga kaaway kaysa sa papuri na mula sa mga bayarang kaibigan.

115

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

Malungkot na siya ay tiningnan ng matanda.“Huwag mong makakalimutan kailanman!” ang sagot na

naghihirap sa paghinga.   “Ang ating kapangyarihan ay magtatagal hanggat pinananaligan.19 Kung tayo ay nilalabanan sasabihin ng Pamahalaan na:  “kinakalaban dahil sa inaakalang sagabal sa kanilang kalayaan, kung gayon ay huwag nating alisin.”20

“At kung sila ay pakinggan?  Kung minsan, ang Pamahalaan ay…”21

“Hindi sila pakikinggan!”“Gayunman, kung maakay ng kasakiman ang pamahalaan at

magnanais na napasakanya ang ating kayamanang… kung magkaroon ng isang pangahas at buong tapang na …”22

“Kung gayon ay kahabag-habag!” Kapwa sila nanahimik.23

19

“Ang ating kapangyarihan ay magtatagal hanggat pinananaligan” Ipinapakita ni Rizal ang takot ang mga prayle sa mga taong mayroong malayang isipan, na maaring magbunyag ng mga kahinaan ng mga aral at lihim na kasaysayan ng kolonyal na simbahan. Isang kabalintunaan, na ang mismong Noli Me Tangere sa pagdating sa Pilipinas ay agarang sinikap na huwag mabasa ng mga Pilipino, at hanggang sa panahon ng pag-uusap sa panukalang batas sa pagtuturo ng Rizal noong 1956 – ang ginawa ng mga alagad ng simbahan ay hadlangan ang pagbabasa ng kabuuan ng dalawang nobela ng mga mag-aaral na Pilipino.

20 Sa pananaw ng matandang pari ay mabuti ang kalabanin ni Ibarra ang mga prayle upang makita ng pamahalaan na magkakampi sila ng simbahan laban sa maaring maging pagkilos ng bayan.

Ano ang historikal na katibayan nito?Maraming mga sinaunang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kolonyal na pamahalaan ay nahadlangan ng mga prayle at sa ganito ay nagiging mainpluwensiya at nagmimistulang laruan na nila ang pamahalaan. 21

Kinatatakutan noon ng mga prayle na mismong ang pamahalaan ay kalabanin sila dahilan sa napakalaki nilang kayamanan. Isa pang ikinababahala noon ng mga prayle ay ang ayunan ng pamahalaan ang mga repormista na nagmumungkahi ng pagbabago at maaring kasama na rito ay ang pagsamsam sa mga pag-aari at kayamanan ng simbahan.

22 Ang tinutukoy ay maaring isang mapangahas na pinuno o gobernador heneral na nagtataglay ng political will na kalabanin ang kapangyarihan ng kolonyal na simbahan.23

Mapapansin na may nakahandang paraan ang mga prayle sa paglusaw ng sinumang lalaban sa kanila, maging ito man ay mga indibidwal o maging ang mismong pamahalaan.

Bakit nanahimik ang dalawang pari pagkatapos ng pananalitang ito? – isang simbolismo ni Rizal sa lihim na pakana ng mga alagad ng kolonyal na simbahan sa gagawin nilang pagliligpit sa kanilang magiging kalaban. Tandaan na binanggit ni Rizal ang kasaysayan ni G.H. Bustamante.

116

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

“At isa pa,” ang patuloy na may pagdaramdam, “kailangang kalabanin, upang tayo ay magising:  matuklasan ang ating kahinaan, upang mapagbuti natin.24  Ang mga labis na papuri ay dumadaya sa atin, nagpapatulog sa atin, at lalabas tayong kakutya-kutya, at sa araw na malantad tayong kakutya-kutya ay babagsak, gaya ng ating paglagpak sa Europa. Hindi na papasok ang salapi sa ating mga simbahan, wala nang bibili ng mga kalmen, correa, o ng anuman, at kapag hindi na tayo mayaman ay hindi na natin mahihikayat ang mga budhi.”25

“Psh!  Kailanma’y atin ang ating mga lupain, ang ating mga paupahang bahay…” “Mawawalang lahat, gaya ng pagkawala ng ating mga lupain at paupahan sa Europa!26  At ang masama pa ay tayo rin ang gumagawa ng ating ikababagsak. Gaya halimbawa:  ang patuloy na pagtataas ng upa sa ating mga lupain taon-taon, at ito ay dahilan sa sarili lamang nating kagustuhan:27  iyang pagpipilit na na iyan ay aking labis na kinalaban sa lahat ng pagpupulong ng Capitulo,28 ang

24 Sa bahaging ito ay ipinakikita ni Rizal ang kahalagahan nang pagpuna sa kolonyal na simbahan. Nasanay ang kolonyal na simbahan na purihin ng mga taong takot o kaya ay binabayaran nila. Sa ganito ay nahuhulog sila sa mga kamalian at kahinaan na hindi kayang ipakita ng mga bayarang tagapuri.

25 Sa mga salitang ito ay ipinadadama ni Rizal ang tunay na interes ng frailocracia – ang salapi ng kaniyang mga tagasunod. Gagawin nila ang lahat ng paraan, upang manatiling naniniwala ang mga tao sa kanilang mga aral, sapagkat mananatili ang kanilang kapangyarihan, hanggat sila ay pinapanaligan.

26 Naging katotohanan ang nasabing pahayag ni Rizal sa pamamagitan ng matandang pari – pagkatapos ng kapangyarihan ng Espanya at ng simbahan ang lupain ng simbahan ay binili ng mga Amerikano.

27 Hinuhulaan ni Rizal na ang isa sa mga magiging dahilan ng pagbagsak ng mga prayle ay ang taon-taong pagtataas ng upa sa kanilang mga lupaing pangsakahan. Ang mismong pamilya ni Rizal ay nangungupahan sa lupa ng mga Dominicano. Sa taong 1888 ay nagkaroon ng pagkilos ang mga magsasaka ng Calamba para tutulan ang taunang pagtataas ng bayad sa lupang sinasabing pag-aari ng mga Dominicano at dahilan sa hawak ng mga ito ang hukuman at pamahalaan ay natalo ang mga magsasaka ng Calamba at ang kaparusahan ay ang paalisin ang mga magsasaka sa lupang sakahan. Isinulat ni Rizal na may labis na hinanakit ang El Filibusterismo, sa ganito ay nagkaroon ito ng mga mainit na nilalaman. Ang nobelang El Filibusterismo ay nabasa ni Andres Bonifacio at nagkaroon ng ibang landas na tinunguhan ang ating kasaysayan.

28 Capitulo - pagpupulong ng mga prayle upang pumili ng pinuno ng kanilang partikular na orden at talakayin ang mga suliraning kanilang kinahaharap.

117

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

pagmamalabis na iyan ay nakasisira sa atin!  Ang Indio ay napipilitang bumili ng lupa sa ibang mga pook sa labas ng ating hacienda at umaani na kasimbuti rin o higit pa kaysa mga lupain natin.29  Nanganganib akong baka tayo ay bumagsak na:  Quos vult perdere Jupiter dementat prius.30 Sa dahilang ito ay bayaan na nating dagdagan ang ating pasanin, ang mga taong bayan ay bumubulong na.  Mabuti nga ang naisip mo: bayaan nating linawin ng iba ang kanilang sariling mga bagay-bagay, ingatan natin ang nalalabi pa nating karangalan, at dahil sa di magtatagal, tayo ay haharap sa Diyos ay hugasan natin ang ating mga kamay… Mahabag nawa ang Diyos, at kaawaan tayo sa ating mga pagkakasala!”31

“Kung gayon ay inaakala po ninyo na ang canon o buwis…” “Iwan na natin ang pag-uusap tungkol sa salapi,” ang putol na may di-kasiyahang-loob ng maysakit.  “Ang sabi mo ay nagbanta ang tinyente kay Padre Damaso…!”32

“Opo, Padre!” ang tugon ni Pray Sibyla na nakangiti, “subalit nakita ko ngayong umaga at sinabi sa aking dinaramdam niya ang mga nangyari kagabi, sabi pa niya ay umakyat lamang sa kanyang ulo ang alak at inakalang lasing din si Padre Damaso.  “At ang pangako ninyo?” ang pabirong tanong ko.  “Padre Kura,” ang sagot sa akin, “marunong akong tumupad sa aking sinabi, kung sa pagtupad ay hindi

29 Nakikita ng matandang pari ang nagiging kalamangan ng mga magsasakang Pilipino na mayroong sariling lupa, ito ay ang higit na kaunlaran ng pamumuhay. Mula sa mga angkang ito nagmula ang mga kabataang ipinapadala para mag-aral sa Europa, at nahahantad sa mga mapanuring kaisipan na hindi kaayon ng simbahan.

30 Binabaliw muna ni Jupiter ang ibig niyang puksain – hinahayaan ng Diyos na magkamali ang mga pinuno ng simbahan at pamahalaan na gusto niyang wasakin o alisin sa panunungkulan.

31 Isa itong satirikong pagdagil – sa pamamagitan ng kaniyang mga tauhang Dominicano ay pinagkumpisal sa kanilang mga kasalaman at pinahingi ng tawad ni Rizal ang mga dayuhang kaparian sa Pilipinas.

Isang iskulturang likha ni Rizal na ang orihinal ay ginawa sa wax na pinamagatang ORATE FRATRES (Manalangin Tayo, Mga Kapatid). Sa likhang sining na ito ni Rizal ay ginawa niyang karikatura ang isang prayle sa kaniyang maluhong katayuan, nagdurusa sa kaniyang pagpapasarap sa buhay at napapaligiran ng mga bisyo: BABAE, KAGAMITAN SA SUGAL, AT ALAK; Kalakip din nito ang kaniyang negosyo na pagbebenta ng krusipiho, ang bunga ng kaniyang panlilinlang; at isang sako ng salapi. Ang panalangin ng matandang pari sa Kabanata 9 ay higit na ipinaliwanag ni Rizal sa pamamagitan ng likhang sining na ito.

32 Sa tanong ng matandang pari ay nag-aalala siya na mauwi sa masamang pangyayari ang naganap na pagtatalo nina Pray Damaso at Tinyente Guevarra dahilan sa baka magsumbong ang huli sa GH. Ang pag-aalala ng matandang pari ay may batayan dahilan sa ang GH na nanunungkulan na inilalarawan sa nobela ay isang liberal o hindi tau-tauhan na pinapagalaw ng mga prayle.

118

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

madudungisan ang aking karangalan; kailanman ay hindi ako naging manunuplong, kaya wala ako kundi dadalawang bituin lamang.”33

Matapos mag-usap ng iba pang bagay na hindi masyadong mahalaga ay nagpaalam si Pray Sibyla.

Tunay ngang hindi nagtungo ng Malakanyang ang tinyente, ngunit nabatid ng Kapitan Heneral ang mga nangyari. Sa pakikipag-usap sa kanyang mga ayudante tungkol sa mga parunggit sa kanya ng mga pahayagan sa Maynila, na ang ginamit sa pagtukoy ay  mga kometa34 at  mga pagsipot sa langit ng mga di-karaniwang bagay, ay ikinuwento sa kanya ng isa sa mga ayudante ang naganap kay Padre Damaso, sa isang paraang lalong may ibig ipalaman, ngunit sa maayos at di-magaspang ang pagkakahanay.35

“Kanino ninyo tinanggap ang balita?” ang tanong na nakangiti ng Heneral.

“Kay Laruja, na siyang nagsasalaysay kaninang umaga sa Pasulatan.”36

33 Hindi manunuplong – sa ating panahon ay hindi siya sipsip. kaya mababa ang ranggo (ang dalawang maliit na bituin sa insignia para ito sa tinyente ng hukbo ng Espanya). Tandaan na sa nobelang ito si Tinyente Guevarra ay pinuno ng guardia civil sa distrito ng Binondo at kung naging malapit siya sa mga naging kura paroko sa nasabing lugar ay maaring naging napakataas ng kaniyang ranggo sa kolonyal na hukbo. Subalit hindi siya naglalapit sa mga kura-paroko sa kaniyang nasasakupang distrito. Marami pa tayong malalaman ukol sa integridad ni Tinyente Guevarra.34

Ito ang pamamaraan ng editoryal sa mga pahayagan sa Maynila noong panahon ni Rizal – maaring bilang paraan ng pagpapasintabi o takot, ang mga manunulat ay hindi direktang binabanggit ang pangalan ng pinuno ng pamahalaan o ng simbahan sa mga lathalain na kinapapahayagan ng opinyon. Bakit kometa ang ginamit na simbolo ni Rizal? Ito ay dahilan sa matagal bago dumating at panandalian lamang ang panunungkulan ng mga mahuhusay o natatanging GH/KH sa Pilipinas.

35 “Sa isang paraang lalong may ibig ipalaman, ngunit sa maayos at di-magaspang ang pagkakahanay” - ISA ITO SA MAHALAGANG SUSI SA PAG-UNAWA NG NOBELA – dahilan sa ipinapaliwanag ni Rizal ang isang istilo ng pagsulat sa kaniyang kapanahunan, na siya rin niyang ginamit sa pagsasalaysay sa nobelang ito.

36 Makikita ang pagiging balimbing ni G. Laruja – panig siya kay Pray Damaso sa panahon ng ginawang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiyago, pagkatapos ay nagsalita sa pahayagan ukol sa insulto na ginawa ng pari laban sa Kapitan Heneral. Pansinin na umaga nakipagkita si Laruja sa pahayagan – dahilan sa ang mga pahayagan noong panahong iyon ay inilalabas sa hapon at hindi umaga na katulad sa ating panahon. Ngayon ay nauunawaan mo na kung bakit siya binigyan ni Rizal sa Kabanata 1 ng ilong na “parang hindi sa kanya”.

119

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

Muling ngumiti ang Heneral at saka idinugtong na:  “Ang babae at ang prayle ay hindi makakai-insulto sa akin!  Nais

kong mabuhay na mapayapa sa ilang panahong ilalagi ko sa lupaing ito at ayoko nang magkaroon pa ng gusot sa mga lalaking nagsusuot ng saya.37 At hindi pa iyan, nabatid ko ring pinaglaruan ng paring provincial ang aking kautusan; hiningi kong kaparusahan sa prayleng iyan ay ilipat sa ibang bayan; ang ginawa ay inilipat sa ibang bayang lalo pang mabuti kaysa pinag-alisan;38 frailadas,39 kung sa kasabihan natin sa Espanya!”

Ngunit nang mag-isa na ang Heneral ay hindi na ngumiti. “Ah!  Kung hindi lamang napakahangal ng bayang ito ay itutuwid nila ang lakad ng mga paring iyan!” ang wikang sabay sa buntunghininga. 

“Datapwa’t ang bawa’t bayan ay may kapalaran na naayon sa kaniyang kaugalian, at gawin natin ang ginagawa ng lahat.”40

Samantala, natapos na ang pakikipag-usap ni Kapitan Tiyago kay Padre Damaso, o sa higit na wastong sabi, natapos na ang pakikipag-usap nito sa kanya. “Alam ko na!” sabi ng Pransiskano nang nagpapaalam. “Ang lahat ng ito ay nahadlangan sana kung nagsabi ka muna sa akin, kung hindi ka nagsinungaling nang itanong ko sa iyo.  Huwag mong babalakin gumawa ng mga kahangalan!  At manalig ka sa akin na iyong tagapag-ingat.”41

37 Mapupuna ang labis na pagkamuhi ng Kapitan Heneral, ngunit limitado na lamang ang panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas at nagiging maingat na siya sa pakikitungo sa mga lalaking nagsusuot ng saya – hindi bakla ang tinutukoy dito kundi mga prayle.

38 Pinakamataas na pinuno ng partikular na orden sa Pilipinas – ang naglipat kay Padre Damaso sa mas mabuting parokya ay provincial ng orden Pransiskano bilang pasaway na pagsunod sa kautusan ng KH. Akala ninyo ngayon lang uso ang mga pasaway – panahon pa ni Rizal pinasimulan na iyan ng mga prayle at sa susunod na kabanata ay makikita pa ninyo ang marami pang mga pasaway.39

Frailadas - Kasabihan na ang kahulugan ay “mga pandaraya ng mga prayle.” Mga pandaraya sa gawa at sa salita.

40 Ang KH ay nagpakita ng kaniyang tunay na galit sa mga prayle. Tandaan ang kaniyang sinabi “kung ang bayang ito ay hindi hangal ay magiging tuwid ang mga prayle. Hangal ang bayan dahilan sa pinaniniwalaan nila ang mga kabalbalan na sinasabi sa kanila ng mga prayle. Ngunit noon at ngayon ay aplikable pa rin ang mensahe ni Rizal na “Ang kahangalan ng bayan ang dahilan ng kaniyang mga pagdurusa . ” Dahilan sa hangal ang bayan – sinabi ng KH na “gawin natin ang ginagawa ng iba” – maaring ipagpatuloy ang mga katiwalian at pagmamalabis na walang pumupuna sa isang bayang hindi marunong tumutol sa lahat ng anyo ng pang-aabuso at katiwalian ng mga maykapangyarihan.41

“At manalig ka sa akin na iyong tagapag-ingat”Mapapansin sa ang matinding pananakot sa pananalita na binitiwan ni Pray Damaso kay Kapitan Tiyago. Masasalamin na ito rin ang ginawa ni

120

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab09

Si Kapitan Tiyago ay napabuntong-hininga at palakad-lakad na nag-iisip ng makalawa o makatatlo sa salas; subalit parang may biglang nagtulak sa kanyang kalooban, tumatakbong patungo sa silid dasalan at pinatay ang mga kandila at lampara na sinindihan para kay Ibarra.42 “May panahon pa, at ang lakarin ay lubhang mahaba!” ang bulong niya.

Pray Damaso kay Pia Alba upang mapapayag ang babae na magkaroon ng kasalanan sa pagitan ng babae at ng prayle.

42 Ang pagpatay ni Kapitan Tiyago sa ilawan na siya rin ang nag-utos na magtirik kay Maria Clara ay tanda ng pagbabago ng kaniyang isipan, dahil sa mapanirang udyok ni Pray Damaso. Tandaan sana ang naging inpluwensiya ni Pray Damaso sa binatang mapula ang buhok na kararating pa lamang sa Pilipinas, na nagbago rin ng kaisipan.

121